Chapter. 5.2

549 Words
Chapter 5.2 "Hey Kim. Mark is worried. Where are you? I'll be there just tell me where you are. This time ako naman ang sasama sayo" mahinahon kong sabi bago sinend ang voice message Mabilis akong umakyat papunta sa condo unit ni Prin. Kailangan kong bilisan ang pag uusap namin para makatulong sa paghahanap kay Kim. Inenter ko ang password sa condo ni Prin. Walang tao sa sala kaya tinahak ko ang daan papasok sa kwarto ni Prin. Nakita kong hindi ito nakasara. Nakarinig ako ng mga boses na nag uusap. Hindi ko alam pero dumoble ang kabang nararamdaman ko. Hindi ako tuluyang pumasok. Tumayo lang ako sa harapan ng pintuan at pinakinggan ang usapan nila Prin at ng kasama niya. "You love me. All that we shared together alam ko at alam mo na ako na ang mahal mo" umiiyak ang babae habang sinasabi iyo F*ck! I know that voice! Tumulo ang luha ko. "I can't. I can't do this to her. She's too kind. I loved her first and I know na mahal ko pa rin siya" "Pero sabi mo you only need her. Your family needs their family di ba? But the truth is ako naman sa simula pa lang. This is your chance Prin. Kakawala na siya sayo. We can be together" "I love you. I really do but I need her. You can continue your life tulad ng dati. We can make this right. Let's make this right" "But what about those nights that we have shared? Ano yun? Ganun ganun na lang?! I gave everything to you! Akala ko ba ilalaban mo ko? Akala ko ba ako ang pipiliin mo sa dulo. I can't do it without you, Prin. Please, choose me. Choose me this time" humahagulgol na ang boses ng babae Itinakip ko ang dalawa kong mga kamay sa aking bibig para di ako makagawa ng ingay. Tuloy tuloy ang luha sa pag agos sa aking mga mata. How they could do this to me? "Give me time. I'll fix everything. Kapag ayos na babalik ako sayo pangako. Mahal kita, Kim. Sayo at sayo pa rin ako babalik" Tuluyan ng nadurog ang puso ko sa narinig ko. Doble, hindi, triple triple ang sakit. Paulit ulit akong sinasaksak sa dibdib ko. Sa lahat ng tao bakit sila pa? Sila ang mga pinaka importanteng tao sa buhay ko. Paano nila akong nagawang lokohin. Pinagmukha nila akong tanga. Pagtalikod ko pinagtatawanan ba nila ako? Tuwang tuwa ba sila na hulog na hulog ako sa pagmamahal ko para kay Prin? Bakit? Anong mali ang ginawa ko para maranasan to?! Naging mabuting tao at karelasyon ako sa kanila! Kaya paano?! Nanlaki ang mata ko ng biglang bumukas ang pintuan. Kitang kita ko ang gulat sa parehong mata ni Kim at Prin habang nakatingin sa akin "Arisse" sabay nilang nabanggit ang pangalan ko. Lalapit sana silang dalawa sa akin pero agad akong umatras palayo "Don't come near me" pigil ko. "Arisse, please hear me first" sabi ni Prin at gustong hawakan ang braso ko "Huwag mo kong hawakan. Nandidiri ako sa inyo" sigaw ko. "Arisse, sorry" iyak ni Kim, agad siyang nilapitan ni Prin at hinaplos ang buhok niya. "What a scene! Kailan pa? Kailan pa tong panggag*go niyo sa amin ni Mark?! Does he knows about this?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD