Chapter 5.3

1196 Words
Chapter 5.3 "No. Walang alam si Mark. Makikipag break na ako sa kanya pagtapos nito" "Really Kim? How can you do this to me?! Sa lahat ng tao bakit sa akin mo to ginawa! Anong kasalanan ko sayo?!" sunod sunod ang pagbagsak ng luha ko "I treated you like my sister. I always look out for you. I was there everytime you needed me. You were there sa bawat away at kilig na meron kami ni Prin! You were there everytime of my milestones. You were f*cking there while I was confessing how I can't live my life without him! So how could you?" "Hindi ko ginusto Arisse maniwala ka! We tried to stop this. We really tried pero mahal ko siya! Gaya ng pagmamahal mo sa kanya, hindi, higit pa sa pagmamahal mo sa kanya!" patuloy ang pag alo sa kanya ni Prin Tangin* Prin! Hindi mo ba ako nakikita nasasaktan din ako! Pero bakit hindi ako ang inaalo mo! Andito ako sa harapan mo pero bakit nasa ibang tabi ka! "Maiintindihan ko kung mahal niyo ang isat isa pero bakit kailangan niyong itago? Bakit?! Kung di ka na masaya Prin, at kung totong mahal mo siya bakit di ka umalis sa relasyon natin! Bakit nandito ka pa din? Bakit?" humagulgol na ako dahil hindi ko na kaya ang sakit "Anong ginawa kong mali sa inyo? Minahal ko kayo higit pa sa sarili ko. Tinulungan ko kayong hanapin at buuin ang mga pangarap at ang sarili niyo pero bakit ako? Bakit ako ang pinili niyong durugin? Tell me what's wrong with me?! Saan ako nagkulang?" "You were always the perfect girl Arisse! Lahat ng gusto ko kinukuha mo! I was the first one na makilala ni Prin pero ikaw ang niligawan at ikaw ang naging girlfriend. Whatever you want palagi mong nakukuha! Lahat ng gusto ko nasa sayo na Arisse. Kaya please ibigay mo na sa akin si Prin. I need him" "So, kasalanan ko ba yun Kim? Whatever I have and where ever I am right now I f*cking work hard for this! Lahat ng meron ako dugo at pawis ang binigay ko dun! You were there saksi ka Kim! Kung umpisa pa lang sinabi mo handa naman ako eh, handa akong magparaya para sa inyong dalawa ganun ko kayo kamahal pero bakit niyo ko ginag*! Ang sakit eh, ang sakit sakit at hindi ko matanggap! Hindi ko matanggap!" Tumahimik ang paligid sa huli kong sinabi. Pinalis ko ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo. "Don't worry I don't need Prin anymore. Sayong sayo na siya. Let's also stop seeing each other. Ayoko nang magkaroon ng koneksyon sa mga taong tulad niyo and please tell this to Mark. Hindi ka niya deserve Kim. You will only ruin him. You disappointed me. Nakakadiri kayo" sabi ko bago tuluyang lumabas sa condo unit ni Prin. Pagkasakay ko sa loob ng kotse ay pinaghahampas ko ang manibela at sumigaw. "WHY?! F*CK YOU! F*CK YOU TWO! I HATE YOU! I F*CKING HATE YOU!" Hinampas ko ang dibdib ko nagbabakasakaling lumuwag ang nararamdaman ko kaso wala. Hindi nababawasan ang pagsikip nito at ang sakit na dulot nito. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagpapakalunod muli sa alak. I love my life! Pumaibabaw ang malakas na tugtugin. "Whuoooooo" sigaw ko at itinaas ang alak na hawak ko "Let's dance the night away" sigaw ko habang iginigiling ang katawan ko. Tumutulo ang luha ko habang sumasayaw ako sa dagat ng mga taong di ko kilala. Natatawa ako sa sitwasyon ko ngayon. So pathetic Arisse Nakaramdam na ako ng pagkahilo marahil sa dami ng nainom. Naglakad ako paalis sa gitna ng dance floor. "Arisse, let's go home" alam kong lasing ako pero kilala ko ang boses ni Kim Nginitian ko siya at niyakap. "I still love you. I still f*cking love you kahit na ginag* mo ako. Ang sakit sakit sobra! Para niyo kong pinatay at pinapatay ng paulit ulit" at hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya "Come on. You're drunk. Let's talk once you're sober Arisse. I'll explain everything. I love you too and it hurts na ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan" umiiyak na rin si Kim Tumango ako bilang pagpayag sa pag uwi. Masyado na akong lasing kaya inalalayan niya ako palabas ng bar. Ginamit namin ang kotse ko sa pag uwi. Siya nag nagmamaneho habang ako nasa passenger seat. "Masaya ka ba sa kanya?" di ko mapigilang itanong sa kanya. "I am" humihikbi niyang sagot "Don't worry hindi ako hahadlang sa inyo. I just don't understand bakit pinatagal niyo ng ganito. Kung kailan sigurado na ako sa kanya saka pa kayo naglakas loob para ipaglaban ang nararamdaman niyo sa isat isa" umiyak na ako dahil muli akong nakaramdam ng sakit "We tried to stop. We tried to avoid each other but we can't. Ilang beses naming gustong sabihin sayo kaso wala kaming lakas ng loob" I laughed sarcastically because of what she said "How about Mark did you really love him? O ginamit mo lang siya?" "I do love him Arisse. He was there for me. He loved me kahit sinabi kong may ibang tao na sa puso ko pero di siya tumigil. He didn't ask me to love him back gusto niya lang iparamdam sa akin na mahal niya ako baka sakaling mapalitan niya ang pwesto ng kung sino man ang nasa puso ko" "How martyr" natatawa kong komento "I'm sorry Arisse. I'm really sorry. I hope one day you'll find in your heart to forgive me" tuloy tuloy ang paghikbi niya "I love you, Kim pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako nasaktan. You are my bestfriend. Prin is my person. I treasure you both a lot. Kaya kong languyin ang dagat para inyong dalawa. Hindi ko lang akalain na sa inyo ko mararanasan to" Umiyak na ako ng malakas walang pakialam kung marinig man ni Kim kailangan kong mailabas to. Naramdaman ko ang pagewang gewang na takbo ng sasakyan. Hindi ko alam kung nahihilo ba ako o may mali sa pagmamaneho ni Kim "Arisse, wala tayong brake" natatarantang sabi ni Kim habang paulit ulit na tinatapakan ang brake ng sasakyan "What do you mean" biglang nawala ang pagkalasing ko at napaayos ng upo. Patuloy si Kim sa pag iwas sa mga sasakyang nakakasalubong at nasa harapan namin "Arisse, help!" Sigaw ni Kim Hinawakan ko ang manibela at sabay namin itong kinokontrol. Habang patuloy na tinatapakan ni Kim ng paulit ulit ang brake. Nanlalamig ang buo kong katawan. Nababalot ng sigaw ang loob ng sasakyan sa tuwing may makakasalubong kaming ibang kotse. Oh my God! Maayos naman to kanina! What the f*ck is happening? Patuloy kami sa pag iwas sa mga nakakasalubong namin hanggang sa natatanaw ko na ang intersection. Naka stop ang signal namin pero dahil walang brake ay hindi kami makahinto. Tuloy tuloy ang takbo ng sasakyan hanggang sa isang napakalakas na tunog ng busina ang narinig namin at isang nakakasilaw na liwanag ang bumulaga sa amin. Napayakap sa akin si Kim. Isang mahigpit na yakap din ang ibinigay ko sa kanya bago tuluyang pumikit ang mga mata ko Oh God save us!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD