CHAPTER 16

1306 Words
Sofia Kinawayan ako ni Journey sa kanya raw ako tumabi ng upo. Kaya nga lang kinontra ni Ross pinaningkitan siya ng mata. Walang nagawa kung hindi nalang umirap ito sa Kuya Ross niya. Si Reese abala sa cellphone na hawak. Bilis nito makarating akala ko nga wala ito ngayon kasi kanina humiwalay naman sa amin. Iyon pala mauuna pang makarating sa bahay nila. “Ito na ba ang eldest daughter ni Vladimir, ha, Drake?” anang Lolo ni Ross. “Lolo kumusta po. Ang pogi mo po ngayon at batang-bata," biro ni Ross nagmano kaming pareho. “Yes Dad. Iyan na nga. Akalain mo nga ano Dad? Magkakagusto pa ang anak ko sa panganay ni Vladimir. At soon magiging balae ko pa ang kupal na iyon,” wika ni Tito Drake pero alam ko biro lang nito kasi bestfriend sila ni Dad at meron pa isa si Tito Goliath. "Dati lang mag-aaway pa kayo," saad ng Lolo ni Ross. Ngumiti ang Tito Drake tila naalala rin ang pinagdaanan nila ni Dad bago pa sila magturingan na mag-bestfriend. Hinila ako ni Ross umupo sa tabi ni Tita Aliana. Kaharap namin si Lolo niya. “Ang bilis lang ng panahon Dad. Soon magsisipag-asawa na ang mga anak namin ni Drake. Hays malungkot na itong bahay wala ng maingay. Pero sana ‘wag naman muna itong si Journey. Itong mga Kuya niya muna," wika ni Tita Aliana. “Mommy malayo pa naman iyan,” sagot ni Journey kay Tita Aliana. Sino kaya ang BF nito. Si Vince kaya? Wala pa akong balita. Akala ko bestfriend lang ito ng kapatid ko. “May boyfriend na eh,” sabi ulit ni Tita Aliana. “May boyfriend na!?” magkasabay na wika ni Ross at Reese. Tiningnan ng seryoso si Journey ngunit inismiran lang nito ang dalawa niyang Kuya. “Bakit boyfriend lang naman. Sabi nga ni Dad, oks lang basta first priority ang pag-aaral ko. Diba Daddy, nagpaalam ako sa'yo?” aniya pa. Para naman napilitan si Tito Drake tumango. “Dalhin mo rito kakaliskisan namin ni Reese,” saad pa ni Ross na sinugundahan ni Reese. “Lagot sa amin ni Kuya kung sino man iyon,” aniya pa tila nanakot. “Tse ang KJ n'yong dalawa!” Singhal pa ni Journey sa dalawa at kung hindi pa nagsalita ang kanilang Lolo hindi pa titigil si Journey sa pangangatwiran sa dalawa n'yang Kuya. “Susmeyo mga apo. Sinampal ako ng katotohanan na old na talaga ako,” aniya sabay nito halakhak. Napamaang ako rito lalo na ng bumungisngis si Tito Drake maging si Tita Aliana. Nakakatuwa pala itong Lolo ni Oceanus ang cool. Sarap siguro nito maging barkada mukhang jolly ang Senyor Oscar. Nakita ko na ito one-time noon maliit pa yata ako. I think nasa grade 6 ako noon may party rito sa bahay nila Ross. Tama birthday nito. Pero ngayon ko lang ito nakita ng malapitan kasi narito kami sa sala naabutan kasi namin sila pagdating namin ni Ross, sila tatlo nagkwentuhan. Lumapit ang isa sa kanilang kasambahay upang ipaalam na tapos na silang maghain. “Sige susunod na kami,” anang Tita Aliana. “Sofia tara na tayo'y kakain muna. Tumawag ang Dad mo sa Tito Drake ‘wag ka raw magtagal dito,” Napakamot ako sa kilay ko. Katatapos lang namin mag-usap tumatawag pa talaga sa Tito Drake. “Takot si Vladimir na itanan ka ng anak ko Sofia,” saad ng Tito Drake. “Po?” “Ikaw naman Mister alam mong hindi ko kunsintihin kahit anak ko pa si Ross,” sabi rito ni Tita Aliana. “Anong year ka na ng pala Sofia?” si Lolo Oscar ang unang nagbukas ng usap. “First year pa po,” “Matagal pa pala ang aantayin ni Ross,” Seryoso iyon talaga pinag-uusapan namin? “Akala mo lang po iyan ‘lo. Matiyaga kaya iyan si Kuya Ross. Nakatagal nga po simula pa grade one pa si Ate Sofia, sisiw na ang college level,” sabi nito alam ko biro lang ni Journey. “Gano'n talaga magmahal ang mga De Torres,” sabi pa ng Lolo Oscar. Nakikinig lang ako sa kanila kapag tatanungin naman magalang akong sasagot. “Sabi ko nga kay Ross ‘wag masyadong i-pressure si Sofia kasi nga mga bata pa naman sila antayin makapagtapos.” “Mommy naiilang na po si Ate Sofia sa usapan,” hagikhik ni Journey. “Sorry naman hija. Basta ‘wag mo muna sagutin si Ross hangga't hindi ka nakatapos ng college,” “Mom! Kahit naman sagutin ako ni Dhana Sofia, hindi naman ako maka sasagabal sa pag-aaral niya. Alam ko rin kasi gano'n din sila Tito Vladimir gusto nila makapagtapos,” umangal si Ross. “Maganda ng sigurado,” giit pa ng Tita Aliana. Pagkatapos kumain nagpahinga lang ng ilang minuto si Ross umalis na rin kami. Nagsabi ito sa Tita at Tito Drake. Sa bahay matutulog. Naka ani pa kami ng pareho pang-aasar na ayusin lang mga bata pa kami. Ano ba iyon para ko ng boyfriend si Ross nito. Ang pagsagot ko ng Oo para na lang masabi dumaan ito sa panliligaw. Nang nag-umpisa na kaming magbiyahe nag-text si Devonne kung nakauwi na raw ba kami. Tapos meron ito pahabol na text. Devonne: Sofie, available ka ba sa Sunday? Kumunot ng noo ko. Kapag linggo pa naman bawal kaming umalis ng bahay kasi mahigpit na batas ng Mommy Meshell family day. Kaya nga si Vince kahit narito iyon sa Manila. Napipilitan iyon umuwi ng Sta. Elena kasi magtatampo ang Mommy. Ako: Bakit girl? Mabilis nag-reply mukhang inabangan ang sagot ko. Devonne: Darting ang Daddy. Ayain sana kita rito sa bahay kasi sabi ko may bestfriend na ko. Ako: Hmm… Ako: Sasabihin ko na muna kay Mommy kung papayagan ako ha, Devonne? Devonne: Really? Ngayon pa lang salamat agad Sofie. “Sinong ka text mo?” tumikhim si Ross pasulyap-sulyap na pala siya sa akin. “Si Devonne nagtanong lang kung nakauwi na raw ako. Tsaka niyaya ako sa bahay nila sa linggo.” “Ano? Pumayag ka?” aniya nagsalubong ang kilay. “Of course not. Sa tingin mo sasagot agad ako kung hindi pa nagpaalam sa magulang ko.” “Good!” “Anong good ka r'yan eh, kung papayag si Mommy pupunta ako.” “H'wag na, Dhana Sofia. Tsk, rest day nga kasi linggo maglalakwatsa ka pa," “Ay Ikaw na pala ngayon si Daddy Ross nakalimutan ko pala?" may inis na sabi ko sa kaniya. Tumikhim ito. “Dhana Sofia!" bumulong pa ito nagmura dahil sininghalan ko siya. Nasira na ang mood ko ngayon. Tahimik na dapat ako dinugtungan pa nito ang pangangaral akala mo naman gurang na expert kung magbigay ng advice. "Baby, nagmamalasakit lang ako sa'yo. Kasi nga ang alam ko. Diba ngayong second sem mo lang klasmate si Devonne? Mabait kung sa mabait kaya lang 'wag naman masyadong magtiwala," “Ganiyan si Dad kapag ayaw akong payagan, Daddy Ross," ismid ko pang sagot sa kanya. Hindi sana ako tatawa kaso lang sumimangot si Ross ng todo. “Tapos ngayon magrereklamo ka kapag tinawag kitang Daddy. Bagay lang sa'yo iyan kasi hilig mo makialam.” “Ayaw ko lang na mapahamak ka.” mahina n'yang sabi. “Bakit naman?” “Hindi kasi lahat ng mabait pwede mong pagkatiwalaan. Bago mo nga lang classmate tiwala ka na.” “Mabait si Devonne sigurado ako. Ramdam ko iyon!” tumaas ang boses ko na kinaigting ng kaniya panga. Umiling si Ross, sinamaan ko siya ng tingin hindi ko na kinausap hanggang makarating kami ng bahay. Pasado alas-otso na rin nagpaalam na ako kay Mommy aakyat na hindi ko na inantay na kausapin pa ako ni Ross. Basta hindi ko gusto na pinag-iisipan niya ng masama si Devonne. Dahil alam ko mapagkakatiwalaan ko ang kaibigan kong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD