CHAPTER 01
Dhana Sofia
Dhana Sofia @ 18
“Ang pinakahihintay ng lahat the 18 roses with a twist,” sigaw ng host.
“Let's start with the brother of the debutante. Vince Marco Levesque.”
Kinikilig ako habang nakangiti ang nakababata kong kapatid naglalakad palapit sa akin.
“Ang pogi naman ng kapatid ko,” wika ko ng nasa gitna na kami ni Vince, ngunit nakatayo pa kami hindi pa kami nag-umpisa sumayaw. “Kaya lang pangit naman para kay Journey,” dugtong ko na kinasimangot nito.
Si Journey Atasha ang bestfriend nito at long-time crush subalit hindi pansin ng dalagita kasi Kuya Vince pa nga ang tawag dati buti nga ngayon ay 'Vince' na lang.
“Tss..dahil d’yan wala kang gift, ate,” galit-galitan niyang sabi.
“Aba madaya ka dear brother. Kapag si Journey, may regalo ka. Pero ako na sabi mo favorite mong ate, wala? And debut ko pa ngayon,” nakalabi kong sabi.
Tinawanan lang ako sabay sinayawan ako ng cha-cha kaya malakas akong napa bungisngis.
“Guys ayaw ng Ate ko. Anong masasabi n'yo?” aniya humarap sa audience upang hikayatin ako.
“Payag na ‘yan, papayag na ‘yan, go Sofia! Birthday mo naman i-cha-cha muna,” sabi ng mga bisita.
Mahigpit akong umiling, but my brother was determined to make me dance the cha-cha.
“Sige na ate. Look at Mommy, inaantay ang performance natin,” bungisngis pa ni Vince.
“Sira-ulo talaga ang batang ‘to,” bulong ko ngunit malakas lang ito na humalakhak.
Ginawa ko nga tumingin ako kila Mommy. Ngunit nahagip ng mata ko ang seryosong kababata kong si Ross at inaanak din ni Daddy. Panganay na anak ito ng may-ari nitong hotel na kinaroroonan namin.
Kaibigan kasi ng Dad ang Daddy ni Ross Oceanus, sinagot nila itong venue at pwede pa rito mag-stay kung gusto kahit matapos mamaya ang party.
Umiwas agad ako ng tingin dahil nasa mukha nitong tinatamad si Ross Oceanus na nakatingin lang sa amin ni Vince. Lihim ko nga itong inirapan. Dahil tingin ko tila inip na inip ito sa ginagawa ng kapatid ko.
"Sungit ng future mo ate. Naiinip na 'ata maisayaw ka." Vince whispered.
"Ano sabi mo, Vince?" naitanong ko agad baka mali lang ako ng pagkarinig.
Ngumisi lang talaga ang kapatid ko animo may kalokohan na iniisip.
"Woi Vince Marco?"
"Ikaw naman ate Sofia masyadong makulit. Let's wait na lang mamaya but I warn you pahirapan mo."
"Sino?"
"Excited lang?" tudyo pa nito.
"Bahala ka nga r'yan," ismid ko pa sa kaniya subalit muli akong sinayawan ng cha-cha.
"C'mon ate Sofia, bawal KJ. Remember it's your birthday kaya dapat pagbigyan mo lahat ng may request na isayaw ka."
Napairap ako kay Vince, kaya aksidente kong na tingnan ang p'westo ni Oceanus, mabilis akong nag-iwas ng tingin kasi seryoso ako nito pinagmamasdan.
"Sige na ate. Sulyapan mo sila Mommy excited na pagbigyan mo,"
Tumingin nga ako kila Mommy, panandalian nawala ang kaba ko sa titig ni Ross sa akin, dahil masaya si Mommy nag-thumb up pa sa akin at gano'n din ang mga kapatid ko. Si Daddy naman tawang-tawa nakatingin sa akin.
I have no choice kasi tumingin pa ito sa audience hinikayat na pumayag na ako. Natatawa na lang ako sa kalokohan ng kapatid ko. Napanguso akong gumaya na lang kung paano ito sumayaw.
He let out a softly chuckled ganun din ako pero sinubukan kong ayusin kaya palakpakan ang lahat.
“Hyper lang, Vince Marco?” wika ko pareho namin kinahalakhak.
Ilang years na lang binata na rin ito. Hay ang saya lang kahit hindi nila ako tunay na kapatid itinuturing nila akong ate, kanilang panganay na kapatid.
Natapos ang cha-cha namin ni Vince, kaya pala with a twist na sinabi ng emcee kasi Instead na sweet dance with love song ay cha-cha ang napili ni Vince. Ito pala ang pasimuno ang kapatid kong si Vince Marco sa pa twist eme.
Pagkatapos ni Vince, classmate ko naman hanggang sa mga kaibigan ni Daddy at kay Tito Troy, na nag-iisang kapatid ni Daddy Vladimir. Binigay na rin nito sa akin ang susi ng gift niyang kotse kahit ayaw pa akong payagan ni Dad na magmaneho.
Tsaka na lang daw kung tapos na akong mag-aral. Wala rin naman akong balak na suwayin ang g'wapo at mabait kong ama. Dahil alam kong kapakanan ko lang ang iniisip nila ni Mommy.
Si Dad na ngayon ang kasayaw ko.
“Dad! Thank you,”
“Para saan?” aniya nakatitig na sa akin.
“Sa lahat,”
“Hindi mo naman kailangan magpasalamat dahil obligasyon namin iyon bilang magulang mo,” aniya.
Nakangiti ako yumakap ulit dito. “Paano pa kaya ako magkaka boyfriend nito kung nag-iisa lang ang Vladimir Levesque,” I whispered.
Parang ang bills lang ng sayaw namin ni Daddy dahil binigay na niya ako kay Ross. Siya pala ang last dance ko hindi ko alam.
Hindi ako makatingin ng diretso sa mata nito dahil nakaka panlambot naman kasi niya makatitig. Para bang inaalam nito ang kaloob looban ko sa klase ng kanyang tingin.
“Happy birthday Dhana Sofia,” bulong lang iyon ngunit napakalinaw sa aking pandinig.
“T-thank you R-ross,” nauutal ko pang sagot sa kaniya.
Matiim niya akong pinagmasdan.
Nanigas ako sa kinatatayuan ng magkabila niyang kamay pinulupot sa baywang ko at hinila padikit sa kanya.
“Are you nervous?” He said tila pa may pilyong ngiti sinusupil sa labi.
“Of course not. Bakit mo nasabi?” sagot kong kunwari matapang.
“Natataranta ka na kasi. Alam kong g'wapo ako pero don't make it obvious baka ligawan na kita,”
“Hoy! Anong sinasabi mo?”
Mahina itong tumawa kaya hayun ulit natulala akong pinagmasdan siya. Kay sarap pakinggan ng tawa nito. Hindi halatang playboy dahil mabait ito ngayon. Kahit na kita pa rin ang pagka suplado nito.
“Relax isasayaw lang naman kita, baby." He whispered.
Uminit ang mukha ko pagkarinig ng endearment galing sa kaniya.
“Baby, pa lang bakit lakas maka kaba,”
Pinakalma ko ang sarili ko at umismid dito.
“Ganyan ka ba talaga? Lahat tinatawag mong baby?”
Tumaas ang sulok ng labi nito.
“The last time I check ikaw pa lang ang tinawag kong baby. At wala rin akong balak na gamitin ang endearment na iyon sa ibang babae. That's reserved for Dhana Sofia Levesque,”
Shitty—so endearment nga talaga ni De Torres kuno sa akin.
“Babaero,” bulong ko ngunit nakarating ito sa kaniya.
“Oh, I'm flattered. Naka-stalk pala sa akin ang isang Dhana Sofia,”
“Kapal! Bakit kita s-stalk? Hindi ka naman g'wapo,” bubulong-bulong ko pa.
“Ouch—sakit naman noon Dhana Sofia. But I'll take it completely from you." He said.
“Mags-stalk pa ba sa'yo? Hello De Torres, kitang-kita naman ang mga babae mo paiba-iba pa nga,” patuya kong sabi. Ngunit ng bigla kong maisip iyon lihim kong pinagalitan ang sarili ko.
Sh*t bakit mukha akong bitter sa aking pinagsasabi rito. Pisti baka isipin pa ng Ross Oceanus De Torres na ito may gusto ako sa kaniya. Lentek na ‘yan why naman Sofia pakadaldal mo.
“Not all of what you hear is accurate. Enjoy silang ibalita na girlfriend ko sila even if it's not true. I don't have a girlfriend. Soon kung mapapasagot ko ang babaeng matagal ko ng minamahal baka maging totoo na,” laban niya sa akin.
“Paanong hindi mo girlfriend? Eh kung makalingkis kayo sa isa't isa dinaig n'yo pa ang kambal tuko kung magdikit—n-nakita ko kayo palagi,”
Humalakhak ito kapagkuwan nabigla ako sa ikinilos nito pinisil ako sa ilong.
“Sabi ng matatanda kapag pinapawisan sa ilong selosa raw. Lakas ng aircon pero pawis ka, Dhana Sofia.”
“Pinapawisan talaga ako lentek ka kasi nanamantala ka. Tingnan mo nga mahihiyang dumaan ang hangin dahil maka yakap ka wagas. Bitiw na nga kanina pa tapos ang tugtog overtime ka naman Oceanus,” singhal ko pa sa kanya.
“Let's finish the song first. Later, I have something to give you,”
Tatanungin ko sana kung ano. Subalit hindi ko pa nasabi, inabot na ni Ross ang isang kamay ko nakapatong sa balikat niya at may sinuot na bracelet.
Bayolente akong napalunok. Kasi ngayon lang ito nagbigay ng gift sa akin at dito pa mismo sa harapan pa ng mga bisita.
“I didn't make the mistake of thinking it would suit you when I bought it,” aniya tinutukoy ang sinuot na bracelet sa palapulsuhan ko at nakatitig lang ito sa kamay ko. Doon din ako nakatingin ng meron itong ibulong sa akin.
“Paano pa kaya kung wedding ring na ang isusuot ko sa daliri mo I'm sure mas lalong bagay,”
“R-ross…”