CHAPTER 15

1311 Words
Sofia “Ross Oceanus!” siniko ko siya kasi naman aakbay pa sa akin p'wede naman hindi. Ngumisi ito talagang inaasar ako ng loko. Kanina lang tinawag ko amoy pawis hindi maipinta ang pagmumukha niya. Ngayon sinabihan ko na mabango para naman sira-ulo patawa-tawa. “Kapag hindi ka tumigil hind ako sasama sa bahay n'yo bahala ka mag commute ako pauwi ng bahay,” Bumuntong-hininga ito inalis ang braso sa balikat ko. Nanahimik din naging seryoso si Ross. Okay lang din naman sa akin na hindi kami mag-usap kung iyan ang gusto niya. Akala ko nga tatahimik na ito. May second wave pa pala ang kukulitan nito bumanat ng meron na raw kami mutual understanding. “Mag MU na tayo diba? Edi ibig sabihin Oo mo na lang ang inaantay ko girlfriend na kita. Boyfriend mo na rin ako,” “Aba desisyon yarn, ha, De Torres? Kailan ko nga sinabi?” “Kanina?” pagyayabang pa nito sa akin akala niya kakagatin ko ang pagbibiro niya sa akin. “Kailan iyon? Tumigil ka Ross Oceanus. Wala akong sinabing gano'n. Si Devonne lang ang nagsabi noon idadamay mo pa ako—” “Sus! Hindi mo pa ako sinasagot girlfriend na kita. Sasagutin mo rin ako dahil bagay tayo,” “Ah gano'n eh, kung hindi na kaya kita payagan na palapit-lapit sa akin ano kakasa ka, De Torres?” “S'yempre nagbibiro lang ako. Ikaw naman kasi, baby, ayaw mo pa akong sagutin,” aniya ngunit hindi ko na siya nabigyan ng matinding sagot kasi paglabas namin naharang kami ng mga estudyante na taga Sacred Heart University. Paano naman nalaman na rito kami dadaan. Tumikhim si Ross. Pinagbigyan kasi kaunti lang din naman. Tinanong sila ni Ross anong course. Mga taga Educ. department sila. “Salamat Ross. Hi, Dhana Sofia,” ani pa nila kinagulat ko’t kilala nila ako e, hindi ko na lang pinahalata binati ko rin sila. “Naks naman ang dami mo talagang fans,” tukso ko kay Ross pag-alis ng limang ka school mate namin. “Kung ako lang ayaw ko ng ganito. Hindi naman ako celebrity para hangaan nila,” “Kasi nga ikaw ang star player ng Sacred Heart University kaya gano'n. Tsaka usually naman talaga kapag lalaking player maraming fans na babae. One year na lang namam hindi ka na player ng school,” “Yeah. Malungkot na masaya kasi minahal ko na ang soccer,” “Kahit naman graduate ka na. Maari ka pa rin naman maging player ah. Ikaw lang kasi ayaw mong tanggapin ang mga offer sa ‘yo. May international pa nga ayaw mo,” “Ayaw kong malayo sa ‘yo.” “Sayang kaya iyon—” “Walang sayang kasi ikaw naman ang kapalit,” aniya seryoso. Nawalan ako ng imik sa kaniyang sinabi. Nalaman ko lang naman ito sa Mommy Meshell. Ilan na raw ang nag-offer na team internationally kay Oceanus ngunit lahat iyon ay tinanggihan ng binata. Ang isasagot lang daw nito priority ang studies. Kung sabagay nga naman pagnagtapos din kasi ito siya na ang papalit sa Dad nito upang mamahala sa mga negosyo nila. “Dhana Sofia bakit doon napunta ang pag-uusap natin. Kahit anong offer ayaw ko. Tapos ang usapan,” “Pero international iyon sa ibang bansa ka pa titira sosyal—” “I can still afford to travel there. However, I refuse to do it. Kasasabi ko lang sa'yo kanina kung bakit,” Nag-umpisa kaming naglakad patungo sa parking space na magkatabi. Minsan binibiro ako aakbay sa akin tapos sisikuhin ko ulit kaya aalisin nito ang braso nakangisi. Malapit na sana kami sa parking lot. May nakakita sa aming mga estudyante palabas ng gate kinuyog kami. No choice nagpaunlak si Oceanus sa mga humiling ng picture sa kaniya. Ako, lumayo na lang ng konti kasi ang dami nila baka maipit pa ako. But I noticed Oceanus. He doesn't take his eyes off me, even though his attention is on the girls. Nginitian niya ako’t pa simpleng bumulong kung ‘ok' lang ba ako. Gumanti naman ako pabalik tinanguan siya at sumenyas na tapusin na lang niya. Kahit nga kinausap siya titingin sa kausap pagkatapos sa akin. Mabuti natapos din. At hindi rin naman ako papayag kung iiwan niya na hindi tapos. Kawawa naman mga simpleng estudyante lang sila na humahanga sa galing ni Oceanus. Nang matapos ang huli na ang nagpakuha sa kaniya mabilis akong nilapitan ni Ross hinawakan sa kamay. “Baby bilisan natin baka maharang ulit tayo hindi tayo makakauwi nito. Buti kung ako lang hindi ko sila pagbibigyan, kasi kasama kita alam kong aawayin mo ako kapag tinaggihan ko sila,” aniya. Bahagya akong napanguso. “Mabuti nga may fans ka,” ani ko kinasimangot nito. “Oh, bakit?” “Mga istorbo sila,” ngunit natawa rin. Sa totoo naman kahit nagmamadali maantala ang lakad dahil lang may biglang lalapit. “Sinunod ko na lang kagustuhan nila alam ko naman pipilitin mo ako,” “Paano mo nalaman?” bungisngis ko rin. “Alam ko lang,” Mabilis talaga ito malaman kung anong nasa isip ko. Mind reader. Bakit ako bihira ko lang siyang mahulaan, samantala ito kay dali akong basahin. Ganoon ba kapag lalaki? Pagdating sa kotse una niya akong pinapasok bago siya patakbong umikot sa driver seat. Hindi pa nakapasok sa loob si Ross, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko dahil nasa hita ko ang dalang bag. Dali ko iyon sinilip. Si Daddy pala ang tumatawag sa akin. “Hello po Dad?” “Kasama mo raw si Ross, anak sabi ni Drake?” “Opo Dad. Patungo kami sa bahay nila,” “Anong oras ka niyan makakauwi?” wika pa ni Daddy. Naulinigan ko ang tinig ni Mommy sinabi kay Daddy na ihahatid daw naman ako ni Oceanus bago pa dumating ang ala-sais kasi sabado raw bukas kaya ‘wag na raw mag-alala. “Mabilis lang po kami Dad. Kasi parating daw ang Lolo ni Ross. Dadaan lang po sa bahay nila upang makita ang Lolo niya then ihahatid na niya ako.” Hindi ko na lang sinabi kay Daddy aantayin pa namin ang hapunan baka magalit. Kawawa naman si Ross baka i-ban ni Dad sa bahay. “H'wag kang matutulog sa bahay nila ha, Dhana Sofia?” seryoso ang boses ni Dad. Bungisngis ako kasi panigurado salubong ngayon ang kilay ni Dad. Kasi may diin ang boses ng ibilin niya ‘yon sa akin. “Noted po Daddy. Uuwi ako kahit gabi na. P'wede naman po matulog si Ross sa ancestral house diba? Kasi Saturday naman po bukas. Sige na Daddy, kawawa naman kung palalayasin mo pa si Ross, kahit sobrang gabi na,” Narinig ko ang pagtawa ni Mommy. Tapos sinabi kay Dad na payagan na si Oceanus at marami naman silid sa bahay. “Sige, sige. Ano pa nga ang magagawa ko. Masisi pa ako ng ama niyan—” “Ows si Daddy mabait yans. Sige na po Dad, bye na sa pinakagwapong Daddy ng buong universe,” malambing kong sabi sabay ni end call ko. “Sinog tumawag?” “Si Dad. Ross Oceanus, hindi tayo magtatagal sa bahay n'yo ha? Magagalit ang Daddy,” “Oo naman takot ko lang pagbawalan na maka akyat ligaw sa ‘yo,” “Mabuti na ang malinaw. Sige na alis na tayo,” wika ko pa ngunit bigla-bigla na lang nito hinubad ang t-shirt niya mabilis ako sa bintana tumingin. “Galing mo talaga hindi ka lang pumara na magbo-bold aba,” Malakas pang humalakhak para bang sinadya kasi masaya naka pangbuska sa akin. “Nilalamig na ako, baby, hihingi pa ba ako ng signal sa iyo,” “Ewan ko sa'yo halatado naman sinadya mo,” “Let's go sa harapan ka na tumingin baka sumakit ang leeg mo niyan. Nakadamit na ako, Dhana Sofia.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD