CHAPTER 17

1423 Words
Sofia “Mommy morning po…” pa singsong na bati ko sa kaniya. Siya lang ang tao sa sala at isang himala wala si Daddy. Saan kaya ito nagpunta. “Anak inantay ka ni Ross, kanina bakit ngayon ka lang bumaba,” “Tanghali na mommy hindi siya agad umuwi?” nagtataka kong tanong sabay lingon sa wall clock. Alas-onse na. “Aantayin ka nga raw dapat hanggang magising ka. Eh, anong oras na kaya sabi ko baka hapon ka pa bababa kasi nga walang pasok,” “Hayaan n'yo na po mommy. Text ko na lang po siya,” saad ko. “War kayo?” “Hindi po!” Mahinang tumawa si Mommy sa agad kong pagtanggi. “Defensive masyado ‘nak. Siya kumain ka na roon aba ginawa mo ng almusal ang tanghalian,” sermon pa nito sa akin. Tatalikod na sana ako kay Mommy ng maalala ko ang pagaaya ni Devonne sa akin bukas. Subok lang naman kung payagan ako. Kapag hindi okay lang din sa akin. “Mommy,” “Anak may kailangan ka?” “Kung p'wede pong umalis ng linggo?” “Ah, paano ba anak. Sabihin na muna natin sa Daddy mo. Kasi ang alam ko sa Tito Troy raw tayo sa linggo. Kasi may-usapan ang magkapatid mag-iinom ‘ata.” “Sigo po Mommy, may next time naman po,” “Are you sure Sofia?” tila tinatantiya ako ni Mommy kung bukal sa puso ang pagpayag ko. “Opo Mommy. Palagi naman po kami nagkikita ni Devonne. Tsaka palagi naman din iyon bumabalik ang Daddy niya rito sa Maynila. Kasi silang mag Ate pareho lng nag-aaral dito.” Napatango si mommy parang binubusisi ang aking sinasabi. “So ibig mo pala sabihin ‘nak kaya kayo magkikita ni Devonne dahil dito sa Dad niya? Tama ba ako anak ko?” malumanay pa na tanong ni Mommy. Napangiwi ako kasi baka masamain ito ni Mommy. Hindi naman ako mamimilit kung hindi p'wede. Paktay baka kung anong isipin nito. “Mommy nagtanong lang po si Devonne. Sabi ko naman kapag linggo bawal ako.” “Ok ‘nak,” aniya pinagmasdan pa ako. Lihim akong napalunok kasi ang lalim ng tingin ni Mommy sa akin. “Sofia/Mommy?” Pareho kaming natawa sabay kasi kaming mag salita. “Halika ka nga rito anak?” anang pa nito Lumapit ako hindi ko na inantay na yakapin ako ni Mommy dahil ako na ang kusang yumapos sa kaniya. “Anak, alam ko naman na malapit mong kaibigan si Devonne. Pero nagtataka lang ako bakit kailangan pa kasama ka. Eh, family date iyon. Hindi ito masama ha, anak? Paalala lang anak kasi alam mo diba, na ayaw na ayaw kong masaktan ka. Simula pa noon. Diba nga alam mong noon pa ay inilaban ka namin ni Dad mo?” “Opo…uhm, naiintindihan ko po Mommy,” “Sige na kumain ka na…naku kaya payat ka eh kasi pag sabado nada-diet ka,” “Bye mommy…. mwah…love you po Mhie,” sabi ko pa hinalikan ito sa pisngi bago ko bitiwan at tahimik na nagtungo sa kusina. Mahabang buntong-hininga ang ginawa ko nang makarating ako sa dining. Nalungkot ako sa hindi tuloy na pagkikita namin ni Devonne. Sa isip ko naman tama si Mommy. Ayaw ko naman na mag-alala pa ito sa akin. Naisip ko si Ross Oceanus. Ito ang pinag-awayan namin. Galit pa kaya ito sa akin? Ngayon ko lang din narealize na tama ito. Kung hindi pa ako pinangaralan ng Mommy Meshell hindi ko maiisip ng maayos. Mabilis akong kumain kasi maaaga akong magye-text kay Devonne. Hindi ako pinayagan ni Mommy upang hindi ito umasa. Ewan ko ba. Hindi ko talaga magawang magduda kay Devonne. Kahit na pinagsabihan ako ni Mommy kanina pero may part sa dibdib ko may tiwala ako sa kaibigan ko. Calling… Pagbukas ko pa lang ng pinto sa silid ko maingay na ang cellphone ko. Mabilis kong nilapitan si Ross pala ang tumatawag. “Hello,” “Good morning, baby,” “Nasa inyo ka na?” iyon ang sagot ko kay Ross.. “Kararating lang. Sorry pala kagabi. Wala akong ibig sabihin noon. Dhana Sofia.” “Wala na iyon,” “So hindi ka na galit?” “Hindi Ross,” “Mabuti naman dahil makapag trabaho na ako nito ng maayos,” “Nasa hotel ka?” “Nasa bahay lang. Narito ako sa study room nakatulala iniisip kita simula pa kanina pa paggising ko.” “Sobra naman iyan Oceanus hindi na normal,” kontra ko hindi rin mapigil ang pagtawa ko. “Tama ka naman, baby. Hindi na normal ang t***k ng puso ko,” “Sira-ulo. Iyon lang ba ang itinawag mo ha, Ross? Akala ko pa naman dahil guilty ka sa pag-judge mo sa kaibigan ko,” Tumikhim ito. “Baby hindi ako guilty. Ganoon pa rin ang sasabihin ko sa'yo. H'wag masyado magtiwala—’ “Oo na naiintindihan ko na. Magtrabaho ka na Ross. Okay na, nagliwanagan na ako,” Narinig ko ang malalim niyang paghinga parang may mabigat na problema. “Hindi kita nakita kanina bago umuwi,” “Magkikita rin naman tayo sa Monday, OA ka lang talaga.” “Bakit pakiramdam ko sinadya mo akong pagtaguan kaninang umaga?” “Sabi mo nga pakiramdam mo lang. So hind totoo kaya kumalma ka,” sabi ko ngunit hindi ako aamin sa kanya gising na ako ng alas-siyete ngunit nakatulog lang ulit kasi inaantok pa ako. “Maniniwala ba ako?” “Aba dapat lang ‘no. Totoo naman kasi Ross. Bye na kasi may gagawin ako,” Kahit wala akong gagawin sinabi ko na lang para manahimik na ito. “Bye Dhana Sofia. Mahal kita,” Nanlaki ang mata ko. Letse! Ang lakas ng tahip ng dibdib ko. Mahal ko rin naman si Ross kaya lang mga bata pa kami bawal pa. “Tito Troy!” sabay-sabay naming hiyaw na magkakapatid tinakbo ito. Tumawa pa ang dalawa nitong alalay kasi kamuntikam ng mapatihaya si Tito Troy sa sabayan naming yakap. Pero mas favorite kasi si Timotee sila ang matagal nagyakap ni Timotee. Nag-umpisa na sila ni Daddy mag-inom. Nasa labas sila sa garden. Kami nasa living room bukas ang TV. Maraming pagkain na barbeque at lechon manok. Hindi na nga kami makahinga sa kabusugan. Nagpabili pa ng ice cream si Timotee hindi makatanggi si Tito. Isang hiling agad bigay. “Mommy dito ako matulog kay Tito,” si Chubby Timotee. “Naku hindi p'wede anak at may pasok na,” tanggi ni Mommy. “Dalhin na lang po rito ang uniform ko. Sige na Mommy,” “Hindi! Pahihirapan mo pa kumuha sa bahay ang dalawang katiwala ng Tito mo,” Walang magawa si Timotee kasi nagsungit na si Mommy. Gustong-gusto kasi nito sa Tito Troy spoiled ito. “Duda ako may hihingin iyan Mommy si Kambal,” bubulong-bulong si Nicholas. Sumenyas agad si Timotee. Ngunit huli na nakita na ni Mommy. “Ano iyon?” “Wala po Mommy,” iling pa ni Timotee. Kay Nicholas ito tumingin. “Ano ‘yon?” Kakamot si Nicholas sa buhok. No choice siya. Magtapat kay Mommy kasi hindi sila tatantanan nito. “Ano Mommy kasi mag pabili po ako ng new phone kay Tito Troy. Sige na Mommy payagan mo ako ihahatid naman ako niyan ni Tito. Sayang din iyon bawas sa budget n'yo,” wika pa ni Timotee. Kami ni Vince hindi mapigil ang pagtawa. Mautak kasi itong si Timotee ginagawang palabigasan ang Tito Troy. Sunod din naman kung anong hilingin ni Timotee rito. Palibhasa nga, matandang binata kaya sa amin na mga pamangkin niya ang kasiyahan nito. Lalo si Daddy kung dito si Timotee magpapaalam. Tiyak matutuwa pa ang Daddy kasi malalagas daw ang bulsa ni Tito Troy. “Oh, bakit mahaba ang nguso ng isa riyan?” tanong ni Daddy ng pauwi na kami sa bahay. Sinundo kami ng Mang Conrad kasi nakainom na si Daddy hindi pumayag si Mommy na mag-drive ito. “Hindi ko pinayagan matulog sa Kuya Troy,” “Bakit naman love?” “May pasok sa eskwela bukas Kurimaw nakalimutan mo. Tsaka gusto lang niyan magpabili sa Tito niya ng bagong cellphone,” saad ni Mommy sa Dad. Bumunghalit ng tawa si Dad. “Sana hinayaan mo love. Sus si Kuya pa daming pera noon,” “Anong maraming pera. Ayaw ko lang maging maluho ng mga anak mo, Vladimir!” “Relax Misis, hindi na lalaban,” sagot dito ni Daddy. Inulan namin sila ng panunukso.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD