Sofia
Pagkatapos kong mag bihis sinukbit ko na, sa aking balikat ang katamtamang laki kong purple backpack nang may naulinigan akong tumatawag sa cellphone ko.
Inalis ko ulit ang backpack ko sa likuran dahil naipasok ko na ito sa loob upang kinun at masilip ko kung sinong istorbong tumatawag sa akin.
‘Devonne Tuason’
Napangiti ako at agad sinagot ang bago kong classmate at kaibigan. Binitbit ko na lang ang cellphone ko at muli kong sinukbit ang bag ko kausap ko si Devonne, ngunit nag-umpisa na rin akong lumakad patungo sa pinto ng silid ko.
“Yes Devonne,” saad ko sa kanya.
“Hello, Sofia. Nabasa mo ba ang text ko kagabi? Sorry late ko ng nasabi sa'yo na sa PE gym na lang tayo mag-last practice. Iniisip ko nga baka tulog ka na nagbabakasakali lang ako,”
“Yeah nabasa ko pero ngayon lang. Mabuti nga ugali kong mag-check ng mga text messages paggising ng umaga," saad kong nakangiti kahit sa phone ko lang siya kausap.
Hindi naman masyado late nakita ko kasi kong anong oras siya nagpadala ng mensahe. Wala pang alas-diyes ng gabi. Sadya lang ang tulog ko ay alas-nueve. Antok na kasi ako niyan sa mga oras na iyan.
“See you later, Sofia.”
“Copy, Devonne. Yes paalis na, ingat din and ba-bye,”
Tinakbo ko na ang engrandeng hagdan ng ancestral house at dere-diretso sa kusina. Alam kong naroon panigurado si Mommy, kasi katatapos lang din namin mag-almusal umakyat lang agad ako kasi naligo at nagbihis para maagang makaalis patungo university.
“Mommy,” wika ko sa kaniya pero lumapit pa rin ako sa Mommy Meshell, kailangan ko kasing magmadali ng kilos.
Abala ang Ina ko sa harapan ng lababo naghahanda yata ng iluluto para mamaya sa pananghalian. Kasama nito ang dalawang kasambahay katulong maghiwa ng mga sangkap sa pagluluto.
Sandali niyang iniwan ang ginagawa at humarap kaagad siya sa akin hinalikan ko naman si Mommy sa pisngi pagtapat sa kaniya
Magalang kong nginitian ang dalawang kasama ni Mommy.
“Alis na po ako Mommy,”
“Ang dad po nakaalis na po ba?” dugtong kong sabi.
“Naliligo pa hija,”
“Pasabi na lang po umalis na ako Mhie, ha?"
“Sige, 'nak. Siya lakad na ng hindi abutin ng traffic," pagtayaboy nito hinawi pa ang nalaglag kong buhok sa noo. Napangiti ako sa lambing na iyon ni Mommy.
“Magi-ingat Sofia,” muling sabi ni mommy Meshell, maiksi lang akong tinapunan ng tingin muling tinuon ang atensyon sa ginagawa.
Mabuti na lang lumayas din si Oceanus kagabi pagkatapos namin mag hapunan kaya nakaakyat agad ako sa ‘king silid at natulog na.
Maaga kasi ako ngayon papasok kasi magkikita kita kami ng group ko sa sayaw. Alam naman ni Mommy at Dad, sinabi ko na ito kagabi bago ako tuluyang matulog.
Wala nga lang kami pinag-usapan ng ka grupo ko kung saan kami magpa-practice. Kasi kanina ko lang nabasa ang text ni Devonne.
Ten pa ng umaga ang pasok ko kaya lang ala-sais ang usapan namin upang maka practice pa. Lima lang kami payag naman ang school mag-practice sa PE gym basta hindi kami nag-cutting sa mga subject.
Ngayon kasi ang presentation second to the last subject. Final practice rin namin. Konting retouch lang naman ayos na ang sayaw namin.
Nasa labas na si Mang Conrad. Nakabukas na rin ang pinto ng kotse ko. Tila inaabangan na ako nitong lumabas.
Kinilig ako ng maisip kong soon ako na ang sariling magpapatakbo ng sarili kong sasakyan. Mabuti talaga napapayag ko si Dad. I'm so excited. Tili ko pa bago mabilis lumapit kay Mang Conrad.
“Mang Conrad, ok na po kayo?” paglapit ko sa kanya.
“Oo hija. Aalis na ba tayo?” wika nito pinasadahan pa ako ng tingin.
“Opo kailangan po kasi nasa school na ako ng 7: 00 A.M dahil may madalian kaming practice ng ka group ko."
Nagsabi naman ako kay Devonne, masyadong maaga ang ala-sais. Lalo ako na malayo pa ang bahay, Sta. Elena pa. Ok lang daw na late ako, basta habol lang ako at sa gym doon kasi mag kita-kita at practice na rin.
Habang binabagtas namin patungong Maynila. Naglagay ako ng headset sa aking tainga at magpa sound trip ngunit maya lang nakaidlip naman ako.
Ginising ako ni Mang Conrad, dahil nakarating na raw kami sa Sacred heart university at kahit ayaw sana niya akong gisingin no choice baka ma late raw ako.
“Salamat po Mang Conrad. Ingat po kayo pag-uwi at magte-text na lang po ako kung out na or kung anong oras mo ako susunduin."
“Ay oo nga pala, hija. Si Ross daw ang maghahatid sa'yo mamaya binilin sa ‘kin kagabi bago siya umuwi.”
“Po?” bulalas ko. Kasi naman wala bang ginagawa ang tukmol na iyon? Napaka talaga sa layo ng Sta. Elena, ubos ang oras niya sa paghatid at pagkatapos babalik sa Maynila para umuwi naman sa kanila.
Natawa si, Mang Conrad, kasi nanlaki pa ang mata at ilong ko sa nalaman. Hindi ba napapagod ang Oceanus na ito bakit ihahatid pa ako sa bahay. Susme talaga ang De Torres na iyon, ang layo kaya ng Sta Elena sa bahay nila.
Ginagawa lang parang Mall ang Sta. Elena sa pabalik-balik. Dati naman hindi ito ginagawa ni Ross Oceanus. Ngayon lang naging uso sa kaniya ngayon ng mag-eighteen ako.
Although madalas niyang kausapin si Mang Conrad kapag hinahatid at susunduin na ako dito sa school. Tapos simple bati 'hi Dhana Sofia' ganun lang dati ngunit palagi niya naman ginagawa iyon.
Bakit ko alam dahil kamuntik-muntikan ko lang naman sila maabutan kapag nag-uusap. Animo may radar si Oceanus kapag patungo na ako sa p'westo ni Mang Conrad. Mage-exit din ang binata pagkatapos niya akong mabati.
“Mukhang hindi ka naniniwala, Sofia. Totoo nga, hija. Si Ross Oceanus ang maghahatid pauwi sa 'yo mamaya.”
“Sigurado po kayo, Mang Conrad? Eh, babaero po iyan si Ross. Baka may date pa abala pa ako,”
“Baka naman babae ang lumalapit sa kanya, Sofia. Matikas at guwapong bata kasi si Ross, hindi katakataka maraming nagkakagusto roon,” sabi pa ni Mang Conrad.
Nangiti ito ng malukot ang mukha ko pagbanggit ni Mang Conrad sa magandang katangian ni Ross.
“Mas g'wapo naman po si Dad at mga kapatid ko roon,” biro ko sa kaniya, kaya si Mang Conrad kakamot na lang sa ulo niya.
“Ay oo wala roon duda, Sofia. Aba iisang mukha at katawan at height sa dad mo. Nakakatuwa nga kapag naalala ko noong maliit pa kayo ni Vince. Dati lang kayo ni Vince, naglalaro sa buong Ancestral House at kapag naisip lagyan ng mga kalat ang swimming pool—”
Bumungisngis ako dahil naalala ko iyon. Stress si Lola Pers, ngunit ang Daddy namin tatawa lang sa kalokohan namin noon ni Vince.
“At kagagalitan kami ni Lola Pers pagkatapos ay lalambingin naman after sermon," bungisngis ko pa.
“Nakakatuwa naman kahit makulit lalo na naging bata tingnan ang mga abuela n'yo kasi dumating kayo sa ancestral house.”
Tama si Mang Conrad. Until now malakas pa ang Lolo Charles at Lola Tamara na parents ni Dad at Tito Troy.
“Bakit kaya anong pauso ni Ross gusto magbalik balik ng Sta. Elena?” mamaya nasambit ko.
Malakas na tumawa si Mang Conrad tila tuwang-tuwa sa aking sinabi. Bahagya akong napanguso kasi anong nakakatawa roon sa sinabi ko. Ang Mang Conrad talaga eh.
“Pinayagan na siya ng Dad mo hija. Ang totoo kay sir Vladimir, iyon nagpaalam bago sa akin sinabi. Siniguro ko pa sa Daddy mo, aba mahirap ng masabon kung ipagkakatiwala kita kay Ross ng hindi alam ng ama mo. Alam mo naman si Daddy mo, kapag pagdating sa unica hija niya. Iyon nga pagtanong ko oo daw nagsabi na si Ross, kay sir Vladimir,”
“Naku naman talaga. Hindi na lang manahimik iyan si Ross sa bahay nila. Aba'y pagod na siya sa training nila sa team dadagdag pa sa paghatid sa akin."
Natawa si Mang Conrad.
“Mabait naman talaga na bata ‘yan si Ross. Kapareho sa ugali ng Daddy mo. Sino ba ang mag-aakala. Hindi pa nakatapos sa kolehiyo pero katulong na ng ama sa pagma-manage ng negosyo nila. At hindi lang iyan. Kahit sa mga sangay ng Solera Hotel, si Ross ang bumibisita at magaling magpatakbo ng mga negosyo nila. Kaya botong-boto ang mommy mo sa binatang iyon," pagbibida pa ni Mang Conrad tungkol kay Ross sa akin.
“Bakit po ang dami mong alam mang Conrad. Fan ka po ba ni Ross Oceanus?” biro ko't sinamahan ko lang ng tawa.
“Fan n'yo akong dalawa. Parang nakikita ko na balang-araw may mga apo na si sir Vladimir at ma'am Meshell,”
“Ay grabe po Mang Conrad. Ang bata ko pa po para d’yan,” naeeskandalo kong sagot sa kaniya.
“Biro lang hija. Siya ako'y aalis na. Basta alam muna ai Ross ang maghahatid ha? Kung text mo kaya, Sofia—”
“Ayaw ko po,” maagap kong sabi.
“Tanong mo lang kung susunduin ka talaga,”
“Sige ako na ang tatawag sasabihin ko ayaw mong maniwala,”
“Ehhh Mang Conrad, hehe ayos na po. Lalakad na po ako. Ingat po,” bilin ko.
Nang umalis na si Mang Conrad, tsaka ako nagpasya magtungo sa PE gym. Kaya lang nakasalubong ko naman si Ross, may kasamang barkada nakangisi na agad malayo pa.
Naka jersey ito uniform sa soccer team nito ganoon din ang dalawa nitong kasama.
“Morning baby,” aniya masayang nakangiti.
Inirapan ko ito't hindi rin pinansin. Tinawanan nito ng mga kasama kaya kakamot-kamot sa kilay niya si Ross Oceanus.
“Tang-na ka De Torres, kaya naman pala inaya mo kami maaga mag-practice kasi maaga rin si baby Sofia,” sabi ng isa niyang kasama biro pa tinulak sa balikat si Ross.
Napatingin ako sa kasama nito. Ka team ito ni Ross sa soccer team, madalas kong nakikita kasama niya.
“Kilala n'yo po ako?” wika ko kinakunot ng aking noo. Kasi napahawak ito sa dibdib animo nasaktan sa aking sinabi sa kanila.
“Ouch! Bakit kapag kay De Torres. Walang po sa akin meron?” aniya iyon pala ang pinagsisintir nito.
“Asshole!” pabiro nitong sinuntok ni Ross sa balikat subalit mahina lang itong tumawa.
“Baby ihatid na kita sa PE gym,” pagkatapos ay sabi ni Oceanus.
Napaubo ang dalawa niyang kasama ni Ross kaya lihim akong napangiwi kasi sumimangot si Oceanus sa naging reaction ng kaniyang kasama.
“Akala ko ba De Torres, ayaw mo ng bata?” anang pa gusto nga talagang inisin si Oceanus.
Sinamaan ito ng tingin ni Ross kaya dali ring tumigil magsalita. Ngunit muli rin inasar si Oceanus, nagpahinga lang ng ilang segundo.
“H'wag kang magpaniwala Dhana Sofia babaero iyan,”
“Gago,” madilim ang mukha ni Ross na tumingin sa kasama.
Akala ko nga galit ito sa dalawang lalaki kasi madilim pa ang mukha ni Oceanus pero wala naman ginawa si Ross. Baka ganito lang sila magbiruan dahil alam ko naman mga kaibigan niya ito.
Napairap ako at binilisan ko ng lakad basta ko lang silang iniwan. Kung hahayaan ko kausapin nila ako. Maiinip mag-antay ang mga ka-group mate ko sa hitsura ng mga kaibigan ni Oceanus, parang hindi mauubusan ng kwento.
“Wait lang ihahatid kita, Dhana Sofia,” hinabol ako ni Oceanus.
Naabutan pa ako ni Ross sa haba ng binti nito malamang maabutan niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin at hinayaan ko na, kasi kung makikipag-usap pa ako rito mauubos ang oras ko. Nasa isip ko inaantay na ako nila Devonne.