CHAPTER 08

1835 Words
Sofia “Oceanus talagang sasama ka pa?” nakataas kilay na wika ko sa kaniya. “Ihahatid nga kasi kita please, baby,” pamimilit pa nito sa akin. “Ayaw ko! Kita mong inaantay ka na ng mga kasama mo. Ikaw gusto mo pang bumuntot sa akin." “Bantay talaga ‘yan si Ross, baby Sofia. Bantay salakay nga lang kaya ingat ka r'yan babaero iyan,” Napatda ako’t bumaling ng tingin sa dalawang kasama ni Ross. Hindi na ako nagtataka sa sinabing babaero si Ross, ng kaibigan niya. Kasi madalas kong makitang may kasamang babae ang binata. Malakas itong humalakhak akala nagulat ako. Si Ross, binatukan ang kasama nito ngunit gano'n pa rin hindi nawawala ang tawa nito. Parang tuwang tuwa dahil inaasar nito si Ross. “Bakit ba ang tsi-tsismoso n'yo gayong kalalaki n'yo tao mahilig makiusyoso," pagalit na saad dito ni Ross, pero halata naman sanay roon ang dalawa nitong kasama kasi dedma lang ang pagka-inis ni Ross sa kanila. “Niyaya mo kami alangan iwanan ka namin wala kang sinabi na kay Sofia ka pala sasama,” "H'wag n'yo na ako antayin. Una na roon. Pagkatapos nila Sofia, susunod ako." “Oceanus, ayan na ang open field n'yo punta na kayo roon," taboy ko sa kanila. “Ayan narinig mong utos ni baby? Joke. Sabi ko nga mauuna kami roon,” aniya ng kasama ni Ross, dahil agad kasi may babala sa titig ni Ross Oceanus sa kanila. “Warning! Magi-ingat sa babaero—” maya lang sabi nito akala ko nasindak ni Ross Oceanus, may kasunod pa pala. Akmang aambahan ni Oceanus ng suntok ngunit agad nagsilayo sa amin ng kaunti ang dalawa. Humalukipkip ako sa harapan ni Ross. “Bakit nga pala ikaw ang maghahatid mamaya pauwi ko ng, Sta. Elena? Oceanus, bored ka ba sa buhay mo?” “Liligawan na nga kita. Kasi may basbas na ni Tito Valdimir,” “Bakit pumayag na ba ako?” “Of course papayag ka, kasi wala ka ng makikita kasing ganda kong lalaki,” “Tag-init ngayon pero mahangin.” “Hahawakan naman kita para hindi ka tangayin,” Palayasin ko na ulit sana si Ross, nang may tumawag sa aking likuran. “Sofia!” Nakilala ko ang boses ni Devonne kaya nakangiti akong humarap dito. Mga anim na hakbang pa, ang pagitan namin ni Devonne, hinihingal ito halatang nagmadali or tumakbo. Bumalik ako. Sinundan pa ako ni Ross nagrereklamo ng hindi ko na lang daw inantay. Ako pa ang sumalubong. Pakialamero talaga ang Oceanus. “Devonne,” I giggled hinawakan ko sa magkabila niyang kamay at hindi rin naming mapigilan parehong yakapin ang isa't isa. “Bruha ka! Akala ko pa naman nauna ka sa akin,” kastigo ko sa kaniya. Alanganin itong ngumiti pero cute nitong new friend ko may dimples magkabilan sa gilid ng labi. Bumagay sa maliit na mukha ni Devonne. Morena si Devonne mas maputi lang ako sa kaniya. “Kasama ko kasi si Dad. Dumaan kami sa restaurant doon kami nag almusal tatlo ni Ate Dhivika,” “Wait silipin ko kung nakaalis na si Dad. Ipakilala kita ha, Sofia? Na-kwento kasi kita sa kaniya,” aniya ni Devonne. Nangiti ako napaka friendly talaga ni Devonne kabaliktaran sa ate nito, palaging nakataas kilay. Pero Malay naman kung ganoon lang. Kasi minsan unang tingin natin sa Isang tao ay suplada iyon pala ay siyang may mabuting puso kapag nakilala ng husto. Doon na lang ako sa positive. Kasi hindi ko naman sila kilala para mag-judge. “Sofia. Timing naroon pa si Dad, nakata mo ang kotseng ‘yon?” nginuso ni Devonne. Natawa ako kasi alin doon? Kasi maraming kotseng nakatigil. Ngunit may isang sports car. Sa gilid ng pinto may lalaking nakatalikod na hula ko ay mas matanda kay Dad, may kausap ito sa cellphone. “Girl, nasaan?” biro ko saniya. May itinuturo siya napa wow ako. “That red sports car?” I asked her in amazement. “Yeah, that's my Dad,” tinuro nito ang nakatayo ngunit nakatilod sa amin. Ang kanina hinulaan kong hindi nalalayo ang edad sa Dad ko. Halatang alaga ang katawan nito sa ehersisyo dahil matikas pa rin kahit hindi ko pa nakikita ang mukha nito. “Lapitan natin Sofie,”excited na sabi ni Devonne, hinawakan ako sa kaliwa niyang kamay. Pero nag-dial ito sa phone kaya nakita ko inalis ng Dad nito ang am cellphone sa tainga tiningnan siguro sino ang incoming call. Pagkatapos ay narinig ko na nagsasalita si Devonne sa tabi ko. “Dad! Wait po. May ipakilala ako sa'yo.” Biniro yata ito ng ama kasi nagpapadyak ng paa si Devonne “Nah! Hindi po. Manliligaw agad Daddy? Si Sofia po kasama ko harap ka po sa akin,” utos pa nito sa ama. Sinunod naman ng may-edad na lalaki Dad ni Sofia. Napangiti ako ng nakatingin humarap ito sa amin. Ito rin masayang nakangiti. “Bilis girl, kasi pauwi ‘yan si Dad sa ngayon ng Iloilo. Hinatid lang kaming magkapatid. “Dad! Siya po si Sofia,” wika ni Devonne, pagdating namin sa harapan nito. Dahil nasanay kami sa Mommy Meshell kapag matanda raw ay nagmamano. Ginawa ko. Suminghap pa ang Dad ni Sofia tila maiiyak subalit nagagalak ang nakalarawan sa mata nito. “See, I told you Daddy. Mabait, magalang at maganda si Sofia,” pagmamalaki na wika ng bago kong kaibigan. Tipid akong ngumiti kinontra si Devonne. “Sobra naman ‘yan, girl. Oks na sa akin ang maganda lang,” dinaan ko sa biro ang aking sinabi. “Mabait ka ngang bata Sofia at very humble pa. Ako nga pala si Almario Tui Tauson, hija,” aniya. Namangha ako. Bigatin naman pala ang Daddy ni Devonne. Expensive pareho ang middle name and surname. “Hello po Tito. Ako naman po si Dhana Sofia Conanan Levesque,” tugon ko pa napansin kong kumislap ang mata nito animo gandang ganda sa pangalan ko. Tama nga ang hula ko nasagot niyon ng magsalita ang Dad ni Devonne. “Bagay na bagay sa'yo ang name mo maganda at mabait,” aniya. “Hindi naman po. Nakakahiya nga po na bigatin pala itong kaibigan ko.” “Anong bigatin?” tinanong ako ng Dad ni Devonne. “Expensive po kasi ng apelyido n'yo,” Masaya itong tumawa natutuwa pinagmasdan ako. “So paano hija. Nice meeting you. Sana next kong pasyal dito, makadaupang palad ulit kita. Natutuwa akong malaman na nakakita si Devonne ng totoong kaibigan sa katauhan mo.” “Salamat po. Mabait po kasi si Devonne, kaya gusto ko rin siya bilang kaibigan. Ingat po kayo, Tito,” wika ko pa. “Salamat Sofia. Tumingin ito sa anak. “Devonne, ako'y lalakad na ‘nak,” “Ingat po kayo Dad,” wika ni Devonne. Mga bodyguard pala ng Tito Almario, ang sakay sa dalawa pang kotse nasa likuran nito. Inantay muna namin mawala sa paningin si Tito Almario. Nang lumabas na sa malaking gate ng school ang kotse nito. Sabay pa kami pumihit ni Devonne. Kay lang nasa hindi kalayuan si Ross Oceanus, nakatingin lang sa akin. Naku po. Hindi pala ito umalis? Ang tiyaga naman. “Hi, Ross. Narito ka pala?” Tinanguan lang si Devonne kaya inirapan ko. Suplado talaga nito kapag sa ibang tao. “Baby, patungo na ba kayo niyan sa gym?” Aniya. Hindi ako sumagot si Devonne, naman kinikilig. Panay hila sa braso ko. Tss parang si Oceanus lang, kilig na? “Devonne, magc-CR ka ba?” tinutukoy ko kasi hindi mapakali habang kami ay naglalakad. Kilig kay Oceanus na seryoso naman. Humagikhik ito. “Ito namang bestfriend ko, ang hirap pasayahin. Parang kinikilig lang ako sa suitor mo. Ang sungit. Grabe ka, Dhana Sofia. Ang haba talaga ng hair mo. Umagang-umaga nakaabang si Ross Oceanus sa ‘yo.” “Mahaba naman talaga ang buhok ko simula ng bata pa ako kaya hindi na bago. Tsaka pabayaan mo nga siya kanina ko pa pinagtabuyan kasi gustong sumama sa gym ngunit hindi ako sinunod.” “Ay gusto ko ‘yan, Sofia. Waah…dear, Ross Oceanus, ‘yan. Team captain of Soccer team at pinipilahan ng mga girl dito sa campus. My gosh, kung hindi pa tayo naging magklasmate hindi ko siya matitingnan ng ganito kalapit. Bumulong pa si Devonne. Manonood ba siya sa atin girl?” “Ayan tayo parang artista naman ‘yan kung hanggang mo,” “Woi, ‘wag ka Sofia. Kung naging artista pa iyan mas malala pa ang hahanga r’yan. Now nga lang na varsity player ng Sacred heart university, tinitilian na. What more kung maging actor or model ‘yan—” “Tara na nga! Ilang oras na lang tayo makapag-practice.” “Ang KJ mo naman girl pero mapapa sana all talaga ako ikaw lang ang hindi interesado kay Ross Oceanus.” Hindi ko sinagot si Devonne para matapos na ang kaingayan nito. Nauna akong lumakad sumunod agad naman ito at ni Ross sa akin. Nakasunod si Oceanus, kaya natatawa si Devonne kasi nakasimangot na ako. Hindi nga umalis kahit muli kong itinaboy pagdating ng gym. Pinanood kaming mag-practice hanggang matapos. Nagkunwari na lang akong hindi ito nakikita kasi naiilang ako sa matiim niyang pagmamasid sa amin. Nang fifteen minutes na lang bago ang oras ng first subject namin. Tumigil kami. Ganun pa rin hinatid ako ni Ross sa room namin. This time Lima na kami kasi isang group kami. Complete dumating upang mag-practice. Kanina seryoso si Oceanus. Para bang sinubukan lang si Devonne, kanina kaya suplado noong una. Ngayon kasi nagbibiro at ngumiti na ito sa mga kasama ko. Malapit sa room namin napilit ko si Oceanus. Bumalik sa teammates niya. Wala itong tutol akala ko pa gusto pa nito tumambay at buti na lang talaga baka pagkaguluhan pa ng mga classmate ko lalo na alam ko iilan ang may crush kay Oceanus. “Taray ng bestfriend ko?” aniya ni Devonne ng nasa room na kami. “Saan?” nagtaka ako hindi ko maintindihan ang ibig niyang ipakahulugan. “Sa suitor mo. Kung titigan kayo para na talaga kayo mag-boyfriend. Aba, may pa goodbye kiss pa si Ross, sa 'yo tila kayo may relasyon.” “Kahit ako nabibigla sa gawi ni Oceanus," pangangatwiran ko sa kaniya. Dumating ang professor namin. Naging tahimik na lahat. May magsasalita lang kapag tatawagin sa recitation. “Congrats sa atin girl! Natapos din ang activity," ani ni Devonne, pagkatapos namin sumayaw. Naging maayos ang lahat ng presentation. Uwian namin sabay ulit kami ni Devonne patungo sa gate ng school. “May sundo ka ba Devonne?” “Meron,” “Ok isabay ka sana namin idadaan sa bahay mo,” “Si Ross ang maghahatid sa'yo?” agad niyang tanong. Lakas talaga ng pang-amoy ni Devonne, magaling sa hulaan. “Oo,” “Bilib na talaga ako sa pagsinta ng isang Ross Oceanus. Biruin ang layo ng Sta. Elena, nagagawa pa ihatid ka,” “Ginusto naman niya,” “Iyan ang totoong sana all.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD