Devonne
Magaslaw na music, patay sinding ilaw. Maharot na sayaw ng tatlong dancer na siyang nakasalang sa harapan ng entablado. Rich businessman. High rank government official, ang madalas na customer dito sa executive night club. Kabilang si Almario Tui Tauson, sa customer na pumapasok sa nasabing nightclub sa lugar ng Ermita.
Gabi-gabi iba't ibang babae ang sumasayaw upang bigyan ng aliw ang mga bisitang halos maglaway kapag may sasayaw sa parihabang entablado sa harapan ng mga customer na tanging bikini lang ang nakatabing sa mga sexy katawan.
Walang hindi maaakit sa maamong mukha, maganda katawan ng mga babaeng gumigiling sa maharot na tugtog at siyang lalong nagpainit sa mga matatandang lalaki na customer ng bahay aliwan.
Kabilang si Pauline sa mga dalagang entertainer ng nasabing night club. Isa rin ang dalaga sa star dancer. Maraming gustong maglabas sa kaniya subalit hindi sang-ayon ang dalaga.
Tanging pagsasayaw sa harapan lang ang service na binibigay niya at ginagalang ‘yon ng manager ng nightclub. Kahit na nga triple pa ang gustong ibayad sa kaniya mailabas lang si Pauline, ngunit ayaw tanggapin ng dalaga.
Maging sa VIP room mahigpit din na tutol si Pauline. Doon kasi malaya ang customer kahit anong gawin sa entertainer na pumayag sa nasabing VIP room.
Malaki kasi ang bayad kapag kumuha ng VIP room ang isang customer. Sa katulad ni Pauline na galing sa mahirap na pamilya at ulilang lubos. Kayamanan ng maituturing sa isang gabing bayad sa isang VIP room na kukunin ng isang customer.
Walang pangarap si Pauline. Kun'di ang magkaroon lamang siya ng comfortable boarding house. Makakain lang ng sapat at may maitatabing pera kung may biglaang emergency. She is not like other dancers, who are eager for material things. Balewala sa kasamahan niya kahit malubog sa putik basta't magkaroon lang ng panluho sa sarili.
Hindi hanap ni Pauline ang makakuha ng malaking pera para lang magbenta ng katawan. Ang iba kasi niyang kasamahan ay sumasama sa labas. Hindi na iniisip ang respeto sa sarili. Basta maraming kitain na salapi galing sa mayamang customer.
Isa rin kasi sa policy ng night club. Hindi sila pinipilit na sumama sa customer na gusto silang i-takeout. Malaya silang tumanggi, kahit na gusto sila ng customer, hindi sila sakop ng management.
'Though hindi hinuhusgahan ni Pauline ang mga kasamahan sa trabaho dahil kapit patalim ika nga sa hirap ng buhay.
Kaya nagtagal si Pauline magtrabaho sa night club. Dahil iniisip parin ng management ang saloobin nila. Sayaw lang ang gusto ni Pauline.
Kahit na binubuyo pa siya ng mga naging kaibigan lalo na si Maricar na kung kani-kaninong lalaking customer sumasama. Hindi tinangka ni Pauline na sundin ang suggestion ng kaibigan.
Nagpapa table si Pauline, ngunit hanggang doon lang ang kaya ng dalaga.
Until she met Almario Tui Tauson.
Ang lalaking nagpabago sa prinsipyo ni Pauline sa kanyang sarili. Minahal niya ng buong puso si Almario Tui Tauson.
The problem is that Almario is a married man.
Kahit nalaman ni Pauline na may-asawa si Almario, patuloy siyang nakipagkita rito. Hanggang sa may nangyari sa kanila ni Almario. Nasundan ng Isa, dalawa at marami pa.
Hindi nagtagal ang lihim na relasyon ni Almario at Pauline ay nakarating sa magulang ni Almario at sa asawa nito.
Naputol ang relasyon nila Almario at Pauline, nang hindi alam ng dalaga, kung bakit bigla siyang hindi binalikan ng nobyo.
Wala siyang sama ng loob kahit na nga nangako si Almario sa kaniya na kaya siyang ipaglaban. Alam niya na kapag pamilyadong tao ang karelasyon niya walang happy ending.
Hindi na rin bumalik sa nightclub kahit umaasa si Pauline na isang araw babalikan siya ng nobyo. Lumipas pa ang ilang buwan nalaman niyang nagbunga ang ilang ulit nilang pagtatalik ni Almario. Hanggang sa lumaki na ang sinapupunan niya. Bawal na rin siyang mamasukan sa night club.
“Dad!”
“Ay sorry ‘nak ano nga pala ‘yon?”
“Hmm, naalala mo naman po ang jowa mo po?” nakanguso kong sabi.
Natawa si Dad at kinabig ako sa balikat upang yakapin. Nagka salisi si dad, ng mga classmate ko pag-uwi nila Sofia, siyang dating ni daddy Almario.
“Hay anak ko. How I wish, makita na natin ang bunso niyong kapatid,” malungkot na boses ni Daddy.
Umangat ako ng tingin.
“Makikita rin natin siya Dad. Tiwala lang po sa itaas panigurado po ibibigay ang matagal mo ng pinagdadasal.”
“Sana nga anak, sana…”
“Sayang po may bisita po ako kanina. Dito kami nag-practise kaso nahuli ka ng dating. Gusto ko sana ipakilala ang mabait kong daddy at s'yempre pogi.”
“Asus bolera ka anak. Ay sandali nasaan ang ate Dhivika, mo?”
“Kanina po nasa labas ‘yon kausap ng sumundo kay Sofia. Baka gumala lang po daddy alam mo naman si Ate, kung anong maisipan ay gagawin,”
“Oo nga anak, sana nga tumino na si ate mo,” ani ni Dad.
Si ate Dhivika kasi ay suwail na anak. Dati sa Iloilo ito nag-aaral kaya lang na kick out sa school dahil nga laging laman ng guidance office.
Si Dad kasi kahit congressman. Ayaw niyang gamitin ang yaman at connection ng pamilya namin sa province, kung si ate ang may kasalanan. Hindi papanig si dad kahit na anak niya si ate Dhivika.
Kaya lagi silang nagtatalo. Sarado kasi ang isip ni ate sa pangaral. Iniisip na hindi siya mahal ni dad kasi palagi siya nito nasesermuna unlike raw sa akin na laging puring-puri ni Dad.
“Kailan kaya si ate mo magbabago. Wala naman akong ibang pangarap kun'di ang mapabuti kayong magkapatid.
“Bakit po pala inabot ka ng hapon dad?” tinutukoy ko ang pagdating niya kanina bago mag-ala sais.
Umaga kasi dapat ang dating niya kasi nga magkikita raw sila ng private investigator nito.
“May meeting pa kasi akong dinaluhan, ‘nak. Hindi ko na nga tinapos kasi masyado akong gagabihin,”
Nag-vibrate ang phone ko. Dali-dali ko pa kinuha dahil inaabangan ko ang text or tawag ni Sofia.
Magaan ang loob ko rito. Gusto ko siyang maging bestfriend. Mas matanda ako ng isang taon kay Sofia, subalit same year lang kami nag graduate ng senior high. Dahil sa cut off ng deped.
Nakangiti ako ng binasa ko ang text ni Sofia.
Devonne:
Safe akong nakarating sa farm. Thank you.
Nag-reply lang ako ng ‘welcome’ muling humarap kay Daddy.
“Mmm bakit nakangiti ang anak ko? Boyfriend?”
“No po,”
“Uh? I thought it was an admirer,” pinagmasdan muna ako nakataas ang kilay bago muling magsalita. “Abot tainga kasi ang ngiti mo, ‘nak, kaya nasabi ko,”
“Admirer po agad dad?”
“Joke lang s'yempre. Pero sino naman ‘yan anak?”
“Si Sofia, dad. Nakauwi na raw siya sa bahay nila,” nakangiti kong sabi.
“Sofia?”
“Kaibigan ko po Dad. Bilin ko kasi i-text niya po ako kapag nakarating na sila sa bahay niya."
“Mukha ngang mabait anak kasi close agad kayo," anang Daddy ko.
“Opo dad. Hindi ko nga akalain dad, school mate ko po si Dhana Sofia, noong first semester ko. Tapos po hindi ko rin siya kilala noon kahit iisa kaming building ng mga first-year college. Sana accountancy na agad ang kinuha ko noong unang taon edi sana matagal na kaming magkaibigan at nakilala muna na rin si Dhana Sofia, Daddy.”
“Dhana Sofia,” ulit-ulit na sambit ni Daddy sa pangalan nito.
Napangiti ako kasi kahit ako nagagandahan ako sa name ng bagong kaibigan.
“Nice name,” wika ni Daddy.
“Opo Dad kahit ang may-ari ng pangalan maganda rin po,” biro ko sa kaniya.
“Parang gusto ko siyang makilala ‘nak,”
“Sure po. Kapag may free time yayain ko si Sofia at sasabihin ko na lang sa 'yo Dad. Sana lang payagan po ng Mom and Dad niya kasi hindi po sila rito sa Maynila, nakatira. Dito lang po si Sofia nag-aaral, Daddy,"
“Kahit na matagal anak ikaw ang bahala,"
"Okays po Daddy."