Dhana Sofia
Pagkatapos makausap ni Ross si Mang Conrad. Lumapit na ito sa kotse ko. Binuksan ang pinto sa tabi ko pinagmasdan ako.
Nakataas kilay nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
“Akala ko ba may meeting kayong dalawa ni Daddy?”
“Babalik agad ako paghatid ko sa meeting place n'yo. Mamaya pa naman si Tito Vladimir uuwi. Sige na bumaba ka na r’yan baby, wala ng oras babalik din ako agad dito.”
Ano raw baby? Aba namimihasa ‘tong Oceanus na ito sa paiba-ibang tawag sa akin.
“Ayaw ko Ross, dito ako sasakay kasi kotse ko ito. Tsaka hindi naman ako nagpapahatid sa 'yo ikaw ang makisama.”
Nagpamayawang ito pinagmasdan ako huminga ng malalim.
Seryoso na ito ngayon kaysa kanina pala ngiti. Ngayon iiling-iling tila ba hindi ito natutuwa sa naging asal ko. Paano desisyon agad ni paalam sa akin wala magtiis siya.
Ang akala ko sumuko na dahil tinalikuran ako. Subalit nagkamali ako kasi humakbang ito patungo sa driver side sumakay at sumakay roon.
Napatampal ako sa noo ko. Kahit pala tumanggi ako wala rin kasi ipipilit nito ang gusto.
Nagtaka ako ayaw pa nito paandarin. Sinita ko na ang nakasimangot na si Ross, baka ma late pa ako sa pinag usapang oras ng group classmate ko.
“Ross Oceanus. Baka gusto mo ng paandarin ‘tong kotse ko mahuhuli ako sa oras ng usapan,” singhal ko sa kanya.
Salubong ang kilay lumingon sa akin.
“Baby, please take a seat next to me. Malungkot kapag nasa likuran kita,” mababa boses na wika nito sa akin.
Ano raw baby? Lilipat sa tabi niya? Hanep din ang De Torres na ito paladisisyon abusado pa kanina pa baby nang baby.
“Bahala ka r’yan!” tanggi ko sa gusto niya.
“Dhana Sofia. We're not leaving until you move in with me,” aniya desidido talagang pinalilipat ako sa kaniya tabi.
Gagong ‘to alangan lalabas pa ako ng kotse para lang lumipat sa tabi niya. Manigas siya r’yan.
Narinig ko ang pag ‘tasked’ ni Ross ngunit dedma ko lang siya.
Lumabas ito sa kotse. Lihim akong nagdiwang kasi akala ko sumuko na si Oceanus. Damn lumabas lang pala upang puntahan ako sa backseat.
Binuksan nito ang ng pinto sa gilid ko kapagkuwan dumukwang siya sa akin. Lumayo tuloy ako ng kaunti. Kasi halos maduling na ako sa lapit ng mukha naming dalawa.
“Kapag hindi ka lumipat sa tabi ko, I will carry you Dhana Sofia. Ako mismo ang magpapasok sa tabi ko," pagbabanta niya sa akin.
Pabulong. Pero—uminit ang mukha ko kasi nag tayuan ang balahibo ko sa buo kung mukha ng tumama ang mainit niyang hininga sa aking balat.
Pisti talaga ang Oceanus na ito. Gusto yata ako’y atakihin sa puso dahil malakas ang kalabog nito sa paglapit ng mukha niya sa akin.
“Oo na alis ka na r’yan baba na ako,” wika ko nagngingitngit sa kaniya.
Lumayo rin agad nakasunod ng tingin sa akin. Sinundan ako pinabuksan ng pinto. Tumingin ako sa mini greenhouse garden ni Mommy. Hindi yata kami naririnig kasi nakatikod ito sa kotse ko.
Katabi ko na pala si Ross hindi lang umimik. Tahimik din akong pinabuksan ng pinto sa tabi ng driver seat.
Pagpasok ko sa loob napairap pa ako sa kaniya kahit hindi ako nakikita.
Muntik ko pa makalimutan ang seat belt ko buti nalang kapapasok ni Ross naikabit ko na.
Nag-umpisa na ito magmaniobra. Nag busina pa kay Mommy kaya lumingon ito sa amin. Napilitan akong ngumiti kasi masaya kaming pinagmasdan nito kumakaway.
Nang nakalampas na kami ng barangay Kalubian, kinusap ko si Ross. Hindi na kasi ito nagsalita simula kanina pag-alis namin ng ancestral house.
“Paano ka niyan uuwi wala kang kotse?”
Lumingon naman sa akin ngunit mabilis lang sa kalsada ulit ang atensyon niya.
“I will use this car of yours,” kaswal n'yang sagot sa akin.
“Aba Oceanus ha? Namimihasa ka,”
“Baby, pinilit mo ako ito ang gamitin natin,” nangangatwiran pa.
“Kasi nga dapat si Mang Conrad, ang maghahatid sa akin paningit ka kasi.”
“I want to see who your friends are; I'm just making sure they can be trusted,”
“Edi wow, Tatay Oceanus,” ismid ko na may kasamang irap.
Bumunghalit ito ng tawa kaya napanganga ako. Ang saya kasi ng tawa ng binata na bihira ko talaga marinig at makita.
“Nice Dhana Sofia,” aniya ngayon ay seryoso na.
“Paano dinaig mo si Daddy maka check ng friends. Kaya kapag nagtuloy-tuloy kang ganiyan Tatay na ang itatawag ko sa'yo or Daddy na rin,”
“If you marry me, I will let you call me Daddy.”
“Ayos din De Torres ang speed magplano. Sandali akala ko ba kapag araw ng sabado training ka sa hotel casino n'yo?”
“Bakit mo alam?”
“Hoi Ross ‘wag kang assuming nakwento lang ni Dad,”
“Akala ko pa naman in-stalk mo ulit ako. Gusto ko na maniwala na type mo ako,”
“Kaya nga maraming na s-scam sa mga maling akala,”
Natawa ito kaya lang napatda ako ng abutin ako nito sa ilong sabay pinisil.
“Mamaya ‘wag ka aalis sa pupuntahan n'yo dahil susunduin kita.”
“Si Mang Conrad na lang papasundo ako,”
Umangal ito hindi nagpatalo.
“Dhana Sofia, ‘wag matigas ang ulo.”
“Abala ako sa'yo Ross. Nakita mo pagkatapos mo ako ihatid babalik ka sa Sta.Elena. then susunduin ako tapos uuwi ka naman ng Maynila pagdating ng gabi. H'wag na pagod lang ang aabutin mo—”
“Susunduin kita,” mahina sabi.
"Oo na Tatay Oceanus," bubulong-bulong ko.
Lihim akong napangiti dahil nakasimangot ito sa pang-aasar ko.
Dumating kami ng Blue bay walk sakto lang sa oras. Dito kasi kami magkikita-kita ng mga classmate ko.
Ang bahay kasi sa Shell Residence Edsa Cor. Malapit sa MOA Pasay. Lalakarin na lang daw namin. Hindi pa alam ni Ross na hindi talaga kami sa Blue bay walk magpra-practise.
“Ross ayon na sila Devonne,” itinuro ko ang apat na babae nakaupo sa bench.
Nag-park sandali si Rose sa tabi ng Blue bay walk park. Hindi siya pwede magtagal kasi bawal.
Kaya lang si Ross pa walang takot sinamahan ako patungo sa mga classmate ko.
Tumikhim ako napalingon sila sa amin ni Ross kaya lang parang mali. Natulala sila sa kasama ko kung hindi pa ako nag fake ng ubo hanggang ngayon nakatitig pa sila kay Ross.
“Hindi ko na pala kailangan ipakilala itong kasama ko,” sabi ko pa.
Naglapitan sa akin kinuhit ako kasi nasa tabi ko si Ross.
“Sofia, ipakilala mo pa rin kami. Kahit makamayan man lang ang isang Ross Oceanus,” bubulong sila sa tabi ko.
Likas na seryoso si Ross. Ewan ko nga pag ako ang kasama makulit naman.
“Ross pakilala ka raw sa kanila,”
Niyuko ako nito. Mukhang tamad pa ang loko animo napipilitan lang.
“Ladies what time kayo matatapos?” tanong agad kay Devonne pagkatapos magpakilala ang mga dalaga.
“Five ng hapon okay na ba?” sumagot si Devonne.
“Isn't it too late?” aniya nagsalubong ang kilay.
“Ahm marami kaming pra-practise,” ako na ang sumagot.
“Hapon masyado Dhana Sofia,” wika pa nito.
“Four na lang Ross Oceanus, sige,” sabi ni Devonne na tulala pa rin kay Ross.
“Okay babalik ako Sofia,” sa akin tumingin.
“Sige na oo balik ka,” taboy ko kay Ross. Nakikialam pa ei talaga naman.
Nilahad nito ang palad sa harapan ko. Noong una hindi ko maintindihan so I ask him.
“Ano?”
“Lend me your cell phone,” He said.
“Bakit? Anong gagawin mo sa phone ko?”
"May cellphone ka naman, ah," muling kong sabi.
“Baby, I'll put my phone number in your contacts,”
Naulinigan ko suminghap ang mga kasama ko ngunit kay Ross kasi ako nakaharap hindi ko nakita bakit gano'n ang reaction nila.
“Dhana Sofia, cellphone?” hindi sumusuko na saad ni Ross.
Dahil gusto kong matapos ang usapan, at lumayas na ito sa harapan namin kasi walang mangyayari practice kung nakabantay si Ross at mga talandi ang classmate ko panay tingin kay Ross.
“Ayan na siguro titigil ka na,” ani ko ng makuha sa bag ang cellphone ko.
Wala akong narinig na salita galing dito. Seryoso lang kinalikot ang cellphone ko. Wala naman akong tinatago kampante ako binigay kay Ross.
Tapos na yata dahil binalik sa akin ang cellphone ko. Maya nag-vibrate. Sinilip ko alam ko siya iyon.
'Ross Oceanus De Torres, liligawan na si Dhana Sofia Levesque.'
Iyon ang laman ng text ni Ross. Sira-ulo palipad hangin pang nalalaman. Nag-angat ako ng tingin kasi ramdam ko ang mainit niyang titig. Hindi nga ako nagkamali kasi nasa tapat ko na pala si Ross, pinagmamasdan ako.
“Aalis na ako babalikan kita mamaya hmm," napakalambing na bilin sa akin.
Sasagot din sana ako sa kanya kaya nga lang hindi ako naka kilos dahil, hinalikan kasi ako ni Ross sa gilid ng ulo ko.
"Dhana Sofia, kayo na?" sabay-sabay pa sabi ng apat kong classmate doon ako napakurap.
"H-hindi," sagot ko, kasi hindi naman talaga si Ross lang ang mabilis.
"Itataya ko ang buong isang buwan kong allowance, magiging kayo soon," sabi ni Devonne sa akin nakatingin.
Napanguso ako. Rich kid si Devonne. Malaki ang allowance hindi talaga manghihinayang. Subalit hindi 'yon ang point ko. Hindi lang ako komportableng pagpustahan kami ni Ross.
"Joke. Seryoso ka naman Sofia," hagikhik nito niyakap pa ako sa braso.
Napangiti ako sa ikinilos nito. Kasi wala akong kapatid na babae napaisip tuloy ako kung anong pakiramdam ng merong babaeng kapatid.
Mga barako kasi ang mga kapatid ko. Wala rin naman asawa ang Tito Troy na kapatid ni Daddy Vladimir. Kaya wala kaming pinsan. Ang mga pinsan lang namin sa side ni Mommy, pero naka base naman sa Dubai, kasi naroon ang Nanay ni Mommy at mga kapatid. Solo talaga akong prinsesa sa bahay.
"Siya tayo ng pumunta sa bahay," wika ni Devonne.
"Guys sure kayo ok lang lakarin lang natin patungo sa bahay namin?" aniya ng mag-umpisa kaming lumakad.
"Kere lang Devonne 'wag mo kaming alalahanin," sabay pa namin sagot.
"Kasi papasundo tayo sa driver," sabi pa nito.
Ako nakikinig lang dito kasi naka-abresyete pa rin kami sa isa't isa ni Devonne, habang naglalakad. Ang tatlo solo kanya-kaniyang lakad. Kami lang ni Devonne ang gano'n.
Actually si Devonne this second sem ko lang classmate. Hind ko nga alam na school mate pala kami. Bs Chemistry kasi ang dalaga kaya lang tinabangan sa course niya. Nag-shift ng accountancy kaya classmate ko na ngayon.
Wala na itong Mommy at meron ito Ate. Sa ibang school nag-aaral. I think La Salle. Same age ni Ross.
Ang Dad ni Devonne ay Congressman sa Province nila sa Iloilo City. Kaya ito nakatira sa Condo kasama ang Ate nito dahil province pa sila nakatira.
Pagkadating namin sa Condo ni Devonne. Naroon pala ang Ate nito. Bakit feeling ko hindi ito kasing bait ni Devonne. Parang mataray. Well tumango naman sa amin hanggang doon lang.
"Ate kanina ka pa dumating?" wika pa ni Devonne sa kapatid.
"Kararating lang din sige," iyon lang umalis na pumasok sa kwarto. Hindi man kami nilingon pero at least kanina tinanguan kami ng aming batiin.
"Guys pasensya na kayo sa ate ko ha? Mabait iyon sadyang hindi lang pala kaibigan,"
"Ayos lang naiintindihan namin," panabay naming sagot.
Malawak ang sala ng condo ni Devonne. Lima lang kami kaya maayos kaming nakapag practice.
Madali namin nakuha ang tinuro nitong sayaw. Hip-hop nga lang kaya nakakapagod. Buti na lang kahit hindi ako mahilig sumayaw nakakasunod ako kay Devonne.
Pagdating ng two hours water break. Binigyan din kami ng meryenda ni Devonne. Nagkwentuhan muna kami hanggang napunta ang usapan sa akin.
"Ang totoo guys hindi talaga ako tunay na anak nila Mommy. Swerte ko lang kasi mababait sila," wika ko.
Nalungkot si Devonne. Sa kaniya na-focus ang aming tingin.
"Why?" I asked her.
"Kami naman malungkot. Kasi hinahanap pa ni Daddy ang kapatid namin. Kasingtanda ko lang," wika ni Devonne.
"Kambal mo?" tanong ko pa.
Malungkot itong umiling. "Anak sa labas ni Daddy, mahabang k'wento pero sana kung nasaan siya ngayon maayos ang kalagayan niya," aniya kami napa 'ah' pinagmamasdan ang ka-klase.