Dhana Sofia
Tinanghali ako ng gising dahil hating-gabi na natapos ang debut party ko kagabi, muli rin kaming bumalik rito sa farm nang nakauwi na lahat ang mga bisita.
Mga ala-una na yata iyon ng gabi, na nakarating kami rito sa ancestral house agad nakatulog sa pagod.
May trabaho kasi ngayon si Daddy, hindi raw p'wedeng ipagpaliban. Pagapas daw ng palayan, kaya hindi kami nag-stay sa Princess Alaina hotel pero ang mga Lolo at Lola namin nanatili roon. Kasi free check-in naman sinagot ni Tito Drake ang Daddy ni Ross.
Pagkaalala ko sa kababata at inaanak ni Dad na si Ross, hindi ko maiwasang hindi bumaba ang tingin sa aking kamay.
Sinipat-sipat ko ang nakasuot kong white gold scattered name bracelet sa palapulsuhan ko. Name ko ang naka engraved ‘Dhana Sofia’ talagang nag-abala pa si Ross. Pero in fairness natuwa ako ro’n ha. Kasi umi-effort na si Ross Oceanus.
Napanguso ako ng maalala ang inabot kong panunudyo galing sa mga bisita dahil sa tahasang palipad hangin ni Ross Oceanus sa akin.
Parang kung iisipin parang hindi nagkukunwari ang binata. Ngunit mahirap ako magtiwala. Kilala kasi na maraming babae ito sa school namin. Iba-iba pa nga then may nag-aaway pa dahil girlfriend ni Ross tapos may iba pa. Ngayon lang talaga last na palaging iisa ang kasamang babae.
Nang maalala nagmamadali pala ako dahil may pupuntahan akong practice ng sayaw namin sa PE. Practicum instead na exam ang finals namin. Kapag hindi sumali sa sayaw walang grade ng finals sa PE subject. Kahit hindi ko hilig sumayaw no choice kun'di sumali.
Dali-dali na akong lumabas ng k'warto at tinakbo ang hagdan. Lakad takbo naman ako pababa hindi alinta ang mataas na hagdan.
Alas-onse na kasi ngayon ng umaga. Kung hindi ako magdo-double time ng pagkilos baka hindi ako umabot sa meeting place namin ng mga ka-klase ko.
Mahihirapan akong hanapin ang bahay ni Devonne ang tumatayong namin leader sa sayaw. Ito rin ang magtuturo sa ‘min ng steps dahil member ito ng ng dance troupe sa university pinapasukan namin.
Ang iba nga nag-hire pa ng choreographer para magturo sa kanilang sayaw maigi na lang kami napunta sa group ko ang dalawa dancer hindi kami gumastos sa pagtuturo.
Challenge rin kasi hindi lang finals grade ang ibibigay ng professor namin. Compete na rin may award sa mga nanalo at may plus points pa sa exam.
Pagdating ko sa baba. Naabutan ko pa si Lola Perlita, matagal ng mayordoma ng pamilya Levesque. Naging yaya pa ito ni Daddy, hanggang sa aming apat na magkakapatid at magpahanggan ngayon malakas pa rin itong tapat na naninilbihan dito sa ancestral house. Kahit anytime maari naman siyang mag-retired. Nakangiti ako nilapitan ko't niyakap.
“Hi po Lola Pers, ang ganda mo po today. Ano po ang sikreto at looking young kahit po senior ka na?”
“Ay ang batang ‘to bolera,” sagot naman nito ginulo ang buhok ko kaya nagpapadyak ako na kina halakhak nito.
“Magreklamo ka pa dati nga ayaw mong magsuklay kung hindi pa Mommy mo ang gagawa sa'yo,”
“Dati pa po ‘yon, Lola Pers. Now kasi ay dalaga na po ako. Nilibot ko ang tingin sa buong living room hinahanap ko kaasi si Mommy.
“Nasaan po pala si Mommy, ‘la?”
“As usual nasa mini garden niya. Puntahan mo na lang, hija. Baka nalibang ‘yon,”
“Okays po. Bye Lola Pers,” sabi ko lumakad na palabas ng bahay.
Nakita ko agad si Mommy kinakausap ang mga tanim niyang orchids. Balak ko sana gulatin nakita na ako kaya humagikhik ako.
“Mommy lakas talaga ng pakiramdam mo,” sabi ko pa habang naglalakad palapit sa kaniya.
Tumingin ito sa wrist watch.
“Anak hindi ka ba kakain? Kanina kasi sinilip kita sa silid mo nakanganga pa. Ang sarap ng tulog mo kaya hinayaan ka namin ni Daddy mo kasi puyat ka rin kagabi,”
“Nagmamadali po kasi ako Mommy. One thirty po kasi ang call time namin ng mga classmate ko.”
“Gano'n ba? Anong oras ka niyan matatapos? Sa labas ka na lang kumain ‘nak,” suggest na wika ni Mommy.
“Depende po. Pero sabi ko naman po bawal akong abutin ng gabi. Opo, sinabi ko bago kami magtungo sa bahay ng classmate ko kumain muna kami.”
“Siya ano pa ang magagawa ko kung ‘yan ay importante,” anya nito nakangiti.
Napangiti ako.
“Salamat po. Ay tawagin ko po pala si Mang Conrad," tinutukoy ko ay ang matagal ng family driver ng mga Levesque na asawa rin ni Lola Perlita.
“Bago lang ‘yon pumasok. Siguro nasa taas ka pa kaya hindi kayo nagpang-abot. Sabi naman nagbilin babalik agad wait mo na lang k'wentuhan muna tayo. Aabot ka pa naman kasi one hour lang naman kaya ng ibiyahe pa Maynila,”
“Sige po,” sagot ko pinagmasdan ko siya sa kaniya ginagawa.
Ngayon ay inaalis niya ang mga natuyong dahon. Dami na nitong collection na halaman kinahiligan nito. Halos puno na ang dating mini greenhouse garden ni Lola Tamara, kasi kapag nagpupunta ito ng market minsan saktong tiangge may mga halaman na benta bibili ito.
Iba nga dinadala roon sa bahay ni Lolo Cardo ang Tatay ni Mommy Meshell.
Nagtatawanan pa kami ni Mommy nang may nagbusina sa labas ng gate.
Nagkatinginan kami ako ang unang nagtanong.
“May inaasahan po kayong bisita, Mommy?”
“Wala anak. Hindi rin naman ang Dad mo, kasi sabi alas-dos pa ang uwi. Lalong hindi ang Tito Troy, dahil nasa Cebu. Kasama ng dalawa niyang tao,”
Sumilip si Kuya Omar, sa maliit na gate siya ngayon ang duty guwardiya. Kinausap nito ang nasa labas maya lumapit sa amin.
“Ma'am Meshell, anak po pala ng bestfriend ni Sir Vladimir,” wika nito.
“Sige po Kuya Omar, papasukin mo,” sagot dito ni Mommy.
Hindi ko iniisip na si Ross Oceanus kasi nalaman ko kay Dad. Kapag Saturday. May training ito sa kumpanya ng mga De Torres. Sa Hotel and Casino.
Kilala ang Solera Hotel and Casino. Ngunit ang main branch kung saan idinaos ang debut party ko, pinalitan ng name. Sa Mommy ni Ross, sinunod. Iyon ang alam kong istorya sa Solera Hotel and Casino na ngayon ay ‘Princess Aliana Hotel’.
“Mhie, baka po si Journey,” wika ko tinutukoy ang bunsong kapatid ni Ross Oceanus, na bestfriend naman ng nakababata kong kapatid na si Vince Marco.
“Maagang gumising si Vince, kasi may lakad yata ni Journey,” aniya kaya napanganga ako.
Saglit na kumunot ang noo ko sakto rin na pumasok ang kotse. Nanlaki ang mata ko ng sport car ni Ross Oceanus ang pumasok.
What the heck—anong masamang hangin ang nagdala sa Ross Oceanus na ito naparito sa Sta. Elena.
“Si Ross pala anak,” wika ni Mommy may himig panunudyo sa boses.
Ano kaya ang sadya rito ng inaanak ni Daddy bakit napasugod? Bulong ko ngunit narinig ni Mommy pinagtawanan pa ako.
“Baka ‘nak aakyat ng ligaw,” naaliw na saad nito sa akin.
“Aga-aga naman tsaka hindi ko siya binigyan ng permiso na ligawan ako,”
“Ligaw lang naman hayaan muna,”
“Mommy ‘wag mo po payagan,” ani ko nagmamaktol.
“Paano kung mapilit?”
“Basted na po siya kagabi pa,”
“Oh?” ani Mommy animo isang scam ang nalaman niya.
“Opo,”
“Tita Meshell, morning po,” aniya nakalapit na pala si Oceanus.
Hindi ako tumingin kahit alam kong sinulyapan ako ni Ross.
“Wala kang pasok ngayon, hijo?” ani ni Mommy.
“Wala po Tita,” aniya tapos tumingin sa akin ngunit kaswal lang naman.
Ano iyon si Mommy lang ang binati ng Oceanus na ito kaka offend ha—
“Morning Dhana Sofia,”
Uminit ang mukha ko kasi para bang nabasa nito ang pinag puputok ng butse ko. Na-amuse kasi ang nakaguhit tipid na ngiti sa akin.
“Ano nga pala ang sadya mo rito, Ross?” wika ni Mommy sinulyapan din ako pagkatapos kay Ross, nakangiti.
Napahilot pa si Ross, sa batok niya parang nahihiya. Kaya lang gusto ko sipain ito palabas ng Sta. Elena dahil ayaw ko sa naging sagot niya kay Mommy.
“Dinadalaw ko po si Tito Vladimir,” aniya tapos tumingin sa akin.
Paepal si Daddy raw ang pinunta niya sa bahay mapagkunwaring Oceanus. Bubulong bulong ko.
Bumungisngis si Mommy sabay pabiro pinalo si Ross sa balikat. “Ikaw talaga Ross, palabiro. Akala ko pa naman anak ko ang dinalaw mo rito,” natatawa saad ni Mommy. Ako naman naiirita sa ngisi ni Ross.
“May meeting po kami ni Tito Vladimir,”
“Ah, ok,” tumingin si Mommy sa akin.
“Sofia, akala ko nagmamadali ka?”
“Hala! Oo nga pala Mommy,” napatampal pa ako sa noo ko kasi bakit nakatingin ako sa kanila ni Mommy.
“Aalis po si Dhana Sofia?” gulat ang boses ni Ross, ngayon sa akin na nakatingin.
“Bakit Ross?” ani Mommy.
“Saan po siya pupunta, Tita Meshell?”
“Akala ko si Vladimir ang sadya mo?” halakhak pa ni Mommy na sinabayan na rin ni Ross, ng malakas na tawa ngunit kakamot sa buhok niya.
“Mommy nariyan na po pala si Mang Conrad,”
Hindi ko na inantay na sumagot ito sa akin. Lumapit na ako kay Mang Conrad at tama naman binuksan na nito ang pinto ng kotse, pumasok na ako sa loob.
Natanaw ko pa nag-uusap si Ross at Mommy. Ilang sandali mabilis ang hakbang ni Ross patungo sa kotse ko.
Naman anong problema nito bakit lalapit sa akin.
Iikot na sana si Mang Conrad patungo driver seat ngunit naharang ni Ross at dining na dinig ko ang sinabi kay mang Conrad.
“Ako na po ang maghahatid kay Dhana Sofia, nagpaalam na ako kay Tita Meshell.”
Napamulagat ako.
“Ano raw?”