CHAPTER 04

1438 Words
Sofia Nagpatuloy kaming magkwentuhan ng makuha na namin lahat ng step ng sasayawin namin. Sabay-sabay na rin kami at may mali pero hindi naman halata. Malapit na rin mag four ng hapon tumigil na kami upang magpahinga anytime kasi uuwi na kami. Ako naman ang pinag diskitahan nila Devonne si Ross Oceanus ang topic at ako. “About kay ano mo, kay crush,” ngi-ngisi na sabi ni Devonne. “Ha? Sinong crush?” maang-maangan kong sabi sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin sa pagtanggi kong magsabi ng totoo. “Dhana Sofia Levesque. Maka amnesia wagas? Samantalang halos dalawang oras kang isinayaw noon ni De Torres, sa debut party mo. Ano tatanggi pa, girl kahit buking kana?" ayaw magpatalo na tanong ni Devonne sa 'kin. Napanguso ako kasi totoo naman talaga ang sinabi nila. Naroon kasi si Devonne invited ko noong mag-eighteen ako. “Sinong Ross ba ang tinutukoy mo?” ani ko, pero hindi ko maiwasang humagikhik kasi napaawang labi niya sa aking tanong. “Kumusta anong feeling naisayaw ka noon?” “Wala! Dapat bang may feelings kapag naisayaw noon? Ni Oceanus? Kababata ko naman iyon madalas iyon sa bahay noong bata pa ako. Hindi nga lang kami close kasi ubod kaya noon ng suplado, kaya nothing especial na pagdating ng birthday ko. Umay na lang napala ko," Inismiran ako ng kaibigan ko sabay Inirapan pa ako ngunit ayaw ko siyang sagutin. Pigil din ang pagalpas ng tawa ko sa reaction nito. “Akala ko pa naman boyfriend mo kasi halos durugin ka ng yakap ni De Torres," aniya tila hindi kumbinsido sa aking alibi. Tinulak ko ito sa kaniyang noo gamit ng hintuturo ko. Buti bumungisngis lang si Devonne sa ginawa ko sa kaniya. "Ayaw talagang umamin. Tulak ng bibig kabig ng dibdib. “Alam mo ikaw tsismosa ka. Paano ko naman ‘yon magiging BF, nakita mo na naman ang daming girlfriend noon,” laban ko pa sa kanya. “Naalala ko ang last sino nga iyon na tinarayan mo?” dugtong ko pa. “Yasmin,” sabi ni Devonne ngunit nalukot ang mukha pagkabangit sa pangalan ng babae. Natawa tuloy ako kasi allergic ito sa crush ng buong campus kasi naartehan si Devonne rito. Maarte naman talaga si Yasmin pero may ipagmamalaki kasi rich at maganda kaya ganun. Kung si Ross ang crush ng halos mga babaeng students. Si Yasmin naman ay sa mga lalaki. Sila iyong dadaan lang sa corridor ng bawat room hindi p'wede walang lilingon. Hindi naman nakapagtataka kasi ang ganda ng dalaga at anak mayaman pa dagdag sa asset nito anak ng mayaman kaya sikat sa school. Meron naman kaming maipagmamalaki ni Devonne. Magaling sumayaw si Devonne. Ako naman ang pagiging top notcher ko sa batch namin. Dean's lister at top 1 pa ako sa college of accountancy. Si Devonne ay kasali rin sa dean's lister. First year college ako, samantala sila Ross Oceanus ay third year college na. Natigil kami magkwentuhan ng umingay ang cellphone ko tanda na meron tumatawag sa 'kin. Nang mabasa ko kung sinong caller nanlaki ang mata ko. “Ross Oceanus…” “Hello Ross! Yes wala kami riyan nandito kami sa bahay nila Devonne. I mean sa condo unit niya. Yeah malapit lang kami dito lang sa Shell Residence.” “Dhana Sofia naman! Kanina pa ako rito paikot-ikot. Akala ko may nangyari ng masama sa inyo. I'm worried about you tapos lumipat lang pala kayo ng location?” may angil sa boses ni Ross, kaya nakonsensya rin ako. Kasi sinadya ko talagang hindi ‘yon sabihin kay Ross na hindi naman talaga sa Blue bay walk ang practice namin. Dapat kasi tatawagan ko na siya kaya lang ito na ang tumawag. “Hindi ka naman nagtanong kanina? Tsaka kung hindi mo kami nakita r’yan natural ibang location. Nakita mo na open area.” “Ya, yeah,” nauubusan ng pasensya ang boses ni Ross sa alibi ko. “Pasensya ka na nagbago kasi isip namin mainit naman kasi diyan,” palusot ko na lang dahil halata sa boses ni Ross na nagpigil ng galit sa 'kin. Wala akong balak sabihin kay Ross na hindi ko talaga balak niyon sabihin sa kaniya. Kahit alam ko sa bahay ni Devonne ang practice bago pa kami umalis ng Sta. Elena. “Wait for me, I'm on my way there,” may inis sa boses ni Ross. Hinayaan ko siyang magsalita wala rin akong balak mangatwiran pa. Dahil nalibang pa kami mag-usap nila Devonne, wala akong kaalam-alam kanina pa si Ross sa labas ng Shell Residence. At hindi ko rin alam na lumabas ang ate ni Devonne at kausap na ngayon ni Ross. Iniisip ko may dinaanan pa kaya may-time pa kaming magkwentuhan. Nang mainip ako dahil malapit na ang alas k'watro y medya kinontak ko na si Ross Oceanus. Nag-antay pa ko ng limang ring bago nito sagutin sa kabilang linya. “Hello baby, uuwi ka na ba? Saan kita pupuntahan? Narito na ako labas. Yes wait kita rito,” Sabay-sabay kaming lumabas sa unit nila Devonne. Walang sundo ang tatlo ko pang classmate pero sabi ko ihahatid namin sila ni Ross. Sigurado naman ako papayag ang mokong kapag nakiusap ako. Si Devonne ang unang nakakita kay Ross, doon lang ako hindi natuwa sa binanggit niyang ‘ate’ bakit nakaramdam ako ng pagdududa. Ayaw ko ng ganito kasi wala naman kaming relasyon ni Ross. Oo madalas magpalipad hangin ngayon si Ross ng tumuntong ako ng eighteen years old. Kaya lang parang dinadaan lagi sa biro kaya ayaw kong magtiwala sa kaniya. “Sofia ayan na pala Prince charming mo. Wow magkakilala sila ni Ate?” aniya ni Devonne. Sure naman ako ngayon lang nagkakilala ang dalawa kasi imposible naman iyon magkaiba ng school ang dalawa. Nakangiti na ako ni Ross habang kami papalapit dito ngunit hindi ko tinugon ang ngiti nito. Kanina lang nagbibiruan ng kapatid ni Devonne. Suplado si Ross, nakuha ng kapatid ni Devonne ang ugali nito. “Hi, aalis na ba tayo?” salubong ni Ross sa akin. Tipid akong ngumiti kasi kalapit niya si Dhivika ang kapatid ni Devonne. Ayaw ko naman magsungit kasi tinanggap kami ng maayos sa bahay nila. Kanina habang nagkwentuhan kami nila Devonne nalaman ko kung anong pangalan ng ate nito. Kaya kahit hindi ito nagpakilala sa amin alam namin ng kaklase ko. “Paano Dhivika narito na si Dhana Sofia. Nice meeting you,” paalam ni Ross. Gusto kong taasan ng kilay si Ross. First name basis? Aba feeling close. “Ingat Ross,” sagot ni Dhivika kay Oceanus lang nakatingin. Lumapit ako kay Devonne upang magpaalam. Niyakap ko rin ito gano'n din siya sa akin. Gusto ko talaga itong maging bestfriend ang bait. Parang hindi marunong magalit. Magaan din ang loob ko sa kaniya. “Ingat kayo, Sofia. Kapag nakauwi na kayo text me if safe kayo nakarating ng bahay,” bilin pa ni Devonne sa akin. “Salamat,” saad ko nakangiti sa kaniya. Pinagbuksan ako ni Ross ng pinto sa tabi niya sa driver seat. “Ross isasabay natin ang tatlo sa kanila. Ang dalawa sa Taft lang at ang isa ay sa Quiapo.” Tumingin si Ross sa relo. Napakamot pa sa buhok ngunit wala naman reklamo. Tumango lang. “Then let's go,” wika ni Ross at inantay magkasakay sa loob ng passenger seat ang tatlo. Dumating kami sa Taft hinatid ang dalawa. Pagkatapos sa Quiapo naman, alas sais na ng gabi. Nang kami na lang dalawa tinanong ako ni Ross about sa ate ni Devonne. “Parang gusto ng kapatid ni Devonne mag transfer sa Sacred heart university.” Napa tutok ang titig ko sa kaniya. “Tapos anong gagawin ko?” “Baby, same kami ng course business and possible na classmate ko dahil same year kami,” “Ah, mukhang dikit na kayo kampante na sa isa't isa.” Mahina itong tumawa pinagmasdan ako. “Really Dhana Sofia, iyon lang ang sasabihin mo?” “Anong gusto mo?” “Hindi ka nagseselos baby?” aniya nakangisi. “Hanep Ross Oceanus. You know naman diba ang salitang humble? Are you aware of that?” Malakas itong humalakhak. “Dhana, Dhana Sofia, I'll only make sure you aren't jealous of Dhivika.” He said happily. “Tapos?” patuya tanong ko. “Baby wala na akong sinabi na hindi mo sinagot ng pabalang,” “Paano ba naman topic natin si Dhivika,” bulong ko na kina bungisngis nito. “Wala na akong sasabihin,” aniya pero alam ko kung papatulan ko ang pasaring niya tiyak ako lang ang asar talo kaya mabuti ng manahimik na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD