CHAPTER 12

2176 Words
Sofia Pinayagan ako ni Mommy na sumama kay Devonne. Ipinaalam nga din ako ng kaibigan tumawag pa kay Mommy kagabi at sinabi pa na laban nila Oceanus ngayon. Hindi ko nga sinabi pero ang kaibigan ko ang nagkanulo sa ‘kin. makurot ko ‘to sa singit nakapa ingay. “Mommy, si Daddy po?” hinanap kasi ng mata ko kasi hindi ko nakitang kasama niya sa living room pagdating ko sa baba. “Ala-sais umalis nagtungo sa Tito Troy may lakad yata ang mag-Kuya,” Napatango ako. “Ipapaalam mo na lang po ako Mommy ha?” habilin ko sa Ina ko. Paalis na ako patungong school. Papasok pa kami sa umaga dahil after lunch pa kami tutungo ng Loyola Heights University. Kung saan gaganapin ang game two ng soccer. Panigurado gagabihin ako makauwi mamaya kasi four PM daw ang laro iniiwasan ang sobrang tirik na araw. Malamang niyan aabutin ng ala-sais bago matapos. Saturday rin naman bukas kaya walang kaso kahit mapuyat kami ni Devonne. “Mga anong oras ka niyan makakauwi ‘nak?” tinanong ako ni Mommy ng magpaalam ako sa kaniya na aalis na. “Not sure po, Mhie. Pero tatawag po ako kung patapos na ang game.” “Sige. Ay sandali nga Sofia. Nagkasakit pala si Ross hindi ko na banggit sa ‘yo ‘nak na tumawag dito,” “Po?” bulalas kong sagot. Tumawa pa si Mommy sa reaction ko kasi naman nakakagulat naman kasi talaga si Oceanus. Bakit hindi sa akin tumawag kailangan pa sa telephone rito sa bahay. “Narito kasi ang Tita Zoey at Tito Zoren ng time na tumawag siya. Nakalimutan kong sabihin sa ‘yo ‘nak. Nasa Lolo mo Cardo kayo ni Devonne noon araw na ‘yon,” aniya. Napamaang ako hindi ko nga lang pinahalata kay Mommy medyo natuwa ako sa nalaman. “Nang nag-overnight po si Devonne rito?” “Oo anak,” sabi ni Mommy ngunit muli siyang may ipinaalam sa ‘kin. “Nanghihingi ng pasensya kasi hindi ka na ihahatid. Ang batang ‘yon oo. Kaya nagkasakit dahil over fatigue na sa ilang araw na pahatid-hatid sa ‘yo masama na pala pakiramdam noong gabi tapos may training pa. Nakatikim nga ng sermon galing sa Daddy mo kasi hindi makapag hintay ng Sabado or Linggo kung gusto kang makita.” Tumikhim ako sa kwento ni Mommy. Sa lagay Sabado na pupunta si Oceanus dito. Kaya naman pala hindi pa nagpunta. Nag-aantay pala dumating ang Sabado. “Sinabi po iyon ni Daddy? Ang Dad talaga hindi malaman kung anong gusto,” bubulong-bulong ko sa huli kong sinambit Mommy softly chuckled dahil narinig pala niya ang aking sinabi. “Pupunta rin pala mamaya sa Loyola Heights ang Tito Drake at Tita Aliana mo. Manonood sa laro,” anang ni Mommy tinutukoy ang parents ni Ross Oceanus. Napatda ako magkikita kami roon. Dati hindi ako nahihiya sa kaibigan ni Dad. Ngayon kasi ng manliligaw kuno si Oceanus parang nahihiya na ako sa kanila. Magiliw naman at mabait ang magulang ni Ross. Hindi ko lang maiwasang mailing ngayon lalo na panay nila tukso sa ‘kin kapag nakikita nila ako. Si Tita Aliana nga ‘manugang’ ang tawag minsan sa ‘kin. “Dati pa naman sila present, nanonood sa tuwing may laban si Ross, ng soccer,” saad ulit ni Mommy. “Ahh,” iyon na lang ang nasabi ko bago tuluyang magpaalam sa mommy Meshell, na ako'y aalis na. Mabilis lumipas ang oras. Kumain lang kami ni Devonne sa canteen pagkatapos ihahatid kami ng driver niya sa Loyola Heights University. Si Mang Conrad kasi ayaw kong masyadong mapagod malayo ang Sta. Elena kung pabalik balikin ko pa ang matanda. “Tayo na Devonne," Niyaya ko na si Devonne ng makita kong tapos na siya kumain. Maraming estudyante ang pupunta kahit sa classmate namin. Nagtatawanan kami ni Devonne patungo sa parking lot ng harangin kami ni Reese. Kakamot-kamot ito sa buhok tila hingal pa ang binata animo nagmamadaling pumunta rito. “Uh, bakit?” I ask him. Parang bata alanganin itong magsabi hindi ko maiwasan humalukipkip kunwaring nagtaray ako. “Reese anong kailangan mo?!” muli akong nagtanong sa kaniya. “Ate Sofia patungo ka ba ng Loyola Heights?” Tumango ako. “Why?” maiksi kong tanong sa kaniya. “Ate…sa akin na kayo sumabay,” Napatitig ako sa kaniya. “Sige na ate Sofia. Magagalit kasi si Kuya Ross kapag hindi ko sinunod ang utos niya.” Tinaasan ko siya ng kilay. How could he know that I watched his game? Wala naman akong sinabi kahapon sa kaniya na pupunta ako ngayon bakit alam ni Oceanus. Parang nahulaan ni Reese ang paghihimutok ko. Tumikhim siya and smiled. “Ate si Mommy at Tita Meshell ang magkausap kagabi.” Napaawang ang labi ko sa nalaman. Kung hindi pa ako biniro sikuhin ng Devonne na tumatawa sa sinabi pa ni Reese ang isip ko. Really ni wala man lang binanggit dito ang Ina ko kanina. Talaga naman ang Mommy tanong nang tanong anong oras ako uuwi ‘yun pala may alam na. “Sige na Ate Sofia. Alis na tayo. Mahihirapan tayo makadaan sa stadium pagdating natin doon na marami ng tao.” “Tama si Reese, sama na tayo bilisan mo beshy,” segunda pag-aya ni Devonne. “Akala ko na-nandyan na ang driver mo?” “Yeah, pero p'wede ko naman siyang pauwiin malapit lang naman sa bahay,” Buntong-hininga ako. Tinimbang kung pagbibigyan si Reese. Sabagay naisip ko rin naman baka masabon ito ng Kuya niya pumayag na ako. “Oo na. Tara,” sagot ko maya-maya. Parang temang si Reese natutuwa sa pagpayag kong sumama sa kaniya. Bumulong si Devonne ng papalapit kami sa pinagparkingann ng sport car ni Reese. “Best ang yaman nila noh? Bonggang sports car pareho ang kotse ng magkapatid.” She whispered. I nodded. Totoo naman mayaman sila Ross. Kung mayaman sila Dad. Higit na mayaman ang pamilya De Torres. Daming ari-arian pero nanatiling low-key sa lipuan. Lingid sa kaalaman ng karamihan ang background history ng mga Lolo ni Ross. Mafia noon ang pareho nilang Lolo. Hindi kasi masasabi na maipagmamalaki kasi nga galing sa illegal na negosyo ang hawak noon ng family De Torres. Pero sabi ng Daddy Vladimir. Kahit naman masama sa negosyo ng Lolo nila Ross, may limitations ang illegal na negosyo. Hindi sila pumasok sa pagtutulak ng droga. Besides may mga legal rin na negosyo ang Lolo ni Oceanus. Iyon nga ang sikat na Solera hotel and casino na maraming sangay sa bansa. May malawak din na farm sila Ross. “Kaya maraming gustong mapalapit sa magkapatid na ‘yan kasi masyadong low profile,” bulong ulit ni Devonne. Nasa unahan si Reese marami rin bumabati sa binata. Kung si Ross ay serious type kabaliktaran si Reese. Palangiti ito. In short pilyo. Kahit noon naman pilyo noong mga bata pa kami. Pagdating sa parking lot kinausap ni Devonne ang driver nito upang pauwiin na lang. Nauna na ako sa loob ng kotse ni Reese. Sa tabi niya ako pinaupo kasi magmumukha raw siyang driver kapag pareho kaming kaibigan ko sa passenger seat umupo. “Okay ka na r’yan Devonne?” nilingon siya ni Reese pagpasok nito sa loob. Ako rin nilingon ko siya upang tanungin kung ayos lang siya sa likuran. “Inaantay ka nila Mommy roon,” kaswal na sabi ni Reese bago nito paandarin ang kotse niya. Napa ‘ah’ ako sa kanya. “Bakit mag-aantay ang Tita Aliana?” bigla akong nataranta. Shitty mukhang hindi ako makapagtatago sa kanila paano na iyan. Nahihiya nga ako pero ngayon mauubusan ako ng hiya tiyak hindi papayag ang Tiya Aliana hindi sa kanila tabi umupo. “May sarili kaming upuan ni Devonne.” Sayang naman iyon kung hindi gagamitin. Aba 200 din bili ng ticket namin hindi rin naman gaano malayo sa mga nasa unahan. Binabagtas na namin ang patungo Loyola ng tumunog ang phone ni Reese. Lumingon ako pa simple ko sanang alamin kung sino ang kausap niya pero hindi na pala kailangan, kasi naka loudspeaker at inilagay pa ni Reese ang cellphone sa ibabaw ng dashboard ng kotse niya. Si Oceanus pala. “Hello! Bakit ang tagal n'yo!?” may angil sa boses na tanong kay Reese. “Relax brother! A-abot kami bago kayo maglaro. Naisama ko si ‘baby’ mo may utang ka sa ‘kin, Kuya,” “Bilisan n'yo!” “Sabi mo ingatan ko? Na kapag magkagasgas si Ate Sofia lagot ako sa ‘yo,” “Gago, sige na nagmamaneho ka,” aniya. Bumungisngis si Reese. Inasar lalo ang Kuya nito. “Ayaw nga sana manood ni Ate Sofia—” “Ayaw niya?” tila nagulat na sabi Oceanus. “Oo napilitan lang kasi kaibigan niya gustong pumunta,” “Inaasar mo ba ako Reese?” tumigas ang boses ni Oceanus. Sinamaan ko ng tingin si Reese ngunit tinaasan lang ako ng kilay. “Mamaya na lang Kuya,” sabay ni off nito ang phone kahit nagsasalita pa si Oceanus sa kabilang linya. Umaalog ang balikat nito ng matapos. Inismiran ko. “Aba kakampi ni Kuya Ross ayaw niyang asarin ko,” tinukso pa ako. “Magmaneho ka na lang Reese dami mong alam.” “Tsk! Asarin mo kasi si Kuya tingnan mo takot iyon sa ‘yo,” aniya hindi nawawala ang tawa. Puno ng iba't ibang kotse ang naabutan naming parking lot ng Loyola Heights University. Mabuti nga nakakuha pa si Reese ng mapag parkingan. Nagtataka ako may ticket si Reese pang harapan talaga at mismo sa baba. Makikita ng malinaw ang laro nila Oceanus. Paano naman ang ticket namin ni Devonne umangat ang tingin ko sa number ng upuan malayo na at sa dami ng tao hindi na makita ang naglalaro. “Meron si Kuya nito free sa kanila kung sinong mga pamilya ang gustong dalhin,” kahit hindi ko tinatanong si Reese sinabihan ako. Tumango ako nilibot ko ang mata sa paligid. Kaya maraming tao kasi ang katunggali team ay sikat din na university. Support sa mga manlalaro ng school. Ang iba naman ay mga fans magkabilang koponan, na handang mag waldas ng pera mapanood lang ang mga iniidolong athletes. Magkakatabi kaming lumakad patungo sa stadium. Maingay na sa loob. Puno na ng mga manonood ang bawat upuan. Mapa upper box at lower box hindi mahulugang karayom. Buti kasama namin si Reese. Mahirap pala talaga makisiksik upang dumaan. Patungo sa pinaka unahan sa baba. May ka-text si Reese. Seryoso naman hinayaan ko. Nang ilang sandali nag tiliian ang mga babae sa paligid akala ko kung bakit ngunit natulala ako dahil nasa tabi ko na pala si Oceanus. Malakas ang t***k ng puso ko pagkikita sa kaniya tila ba nakikipag paligsahan sa mga tilian sa paligid. Siya pala ang tinitilian ng mga babae ngunit dedma si Ross sa akin nakayuko nakatitig. “I miss you.” He said. Napasinghap ako unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya, ang mga mata niya ay nakangiti animo ako lang ang tanging nakikita niya. “Akala ko hindi ka talaga pupunta.” He said. “Kanina pa ako text nang text kay Reese kung nag-backout ka. Kasi kung hindi ka manonood ngayon, hindi rin ako maglalaro,” aniya sa ‘kin lang ang atensyon. Dahil nabigla ako sa pagsulpot niya ngayon wala akong imik basta nakatingin lang ako sa kaniya. Pisti bakit wala akong masabi. He softly chuckled. Kaya natulala ulit ako sa kaniya. Kay sexy kasi ng tawa nito baka dahil matagal ko lang hindi narinig ang boses niya kaya nanibago ako. “Baby, baka matunaw naman ako,” naaliw si Oceanus. Shitty oo nga kanina pa akong parang shunga nakanganga lang pinagmamasdan siya. I cleared my throat. Nag-iwas ako ng tingin ng kagatin niya ang labi napunta roon ang mata ko. “Ross Oceanus pwede bang magpa picture?” may lumapit sa amin na tatlo estudyante. Doon ko naalala si Devonne. Binalingan ko ng tingin wala na ito sa tabi ko maging si Reese. Kaya lang hindi pinansin ni Oceanus ang tatlong estudyante gustong magpakuha ng picture na kasama siya. Kaya pinagsawalang bahala ko muna ang paghahanap sa kaibigan ko. Mukhang walang balak pagbigyan ang tatlong estudyante naawa ako. Hinawakan ko si Oceanus sa braso at mahina siyang niyugyog. “Picture daw,” saad ko sa kanya. See, wala nga talagang balak pagbigyan kasi nagulat pa ng sabihan ko. Sa akin lang talaga siya nakabantay. Tuwang-tuwa ang tatlong estudyante at nakapag pa-picture kay Ross. Nag thank you pa sa ‘kin bago sila umalis. “Oceanus sila Devonne wait hahanapin ko siya,” “Let's go,” sa halip iyon ang sagot niya sa 'kin. Nakaalalay ang palad nito sa likuran ko. “Si Devonne,” “Baby kasama ni Reese nasa upuan na sila. Ako na lang ang isipin mo ‘wag ng iba.” Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi lang ako pinansin. Akala mo naman hindi siya isang linggong nawala. Pala desisyon ang De Torres na ‘to walang nagbago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD