CHAPTER 11

1648 Words
Sofia One week kong hindi na pagkikita si Oceanus sa Sacred Heart University. Sabi ng mga tsismis na naririnig ko hindi pa raw magaling ang binata. Nagka trangkaso pala ito pag-uwi pagkatapos niya akong ihatid sa bahay. Nakonsensya tuloy ako sinabi ko na sa kaniya, masyado siyang mapapagod sa gagawin matigas talaga ang ulo. Ikaw ba naman maghapon galing sa paspasang training tapos mahaba pa ang byahe namin kaya sino bang hindi mapapagod unless may superpower ito’t hindi nga tatablan ng sakit. Gusto ko nga sana magtanong sa kapatid nitong si Reese nahiya naman ako baka sabihin pa sa Kuya nito hinahanap ko sa kaniya. Pero kukumustahin ko lang naman bahala na siya kung bigyan niyon ng kulay. Mas nahihiya naman akong deresto kay Oceanus mag-text or tawag. Kung sa nakabababtang kapatid nito maaayos ko pa ito makakausap. Si Ross Oceanus pa naman ubod ng assuming baka hindi ako tantanan ng pang-aasar kaya maigi pang manahimik na lang kaysa bigyan ng meaning ni Oceanus ang sa kaniya mismo mangumusta. Paano kaya ang team nila Oceanus kung hindi maglaro bukas ang binata. Balita ko pa naman second game ng laro nila bukas at malungkot ang teammates nito dahil talo sa Ist game. Kailangan daw bumawi ang team nila kasi talo kahapon. Usap-usapan nilampaso ng katungaling school ang Sacred heart university at sinamantala ng hindi nakalaro ang team captain nila na si Oceanus. Pumalit na team captain pansamantala ay si Luke ang kaibigan nito na ipinakilala sa ‘kin noong ginabi sila ng training na siyang dahilan magkatrankaso si Oceanus. Kaya nga bukas p'wede raw kami manood sa second game. Excuse naman sa mga professor namin sa gustong manood. Hindi ng lang excuse kung matapat na may exam. Kasi nga naman pride ng Sacred heart university ang soccer team dahil sa palagi nag-uuwi ng trophy sa university tuwing gaganapin ang NUSA or national university sports association. Mga malalaking university ang kalahok. Four years na raw nag-uuwi ng karangalan ang soccer team ng Sacred Heart University dahil din kay Oceanus. Simula unang taon nito sa college ito na ang team captain dahil sa angking galing sa nasabing sports. Hindi man lagi sila ang champion nasa ikalawang p'westo naman pero last year sila ang depending champion. Sa daming magaling na manlalaro sa ibang university hindi nagpapatalo ang Sacred heart university. Sana makalaro na si Ross baka hindi sila makapasok sa championship kung bukas ay matalo ulit sila. “Who is going to the soccer team's second game tomorrow?” “Ma'am!” “Ma’am!” Maraming nagtaas ng kamay. Siniko ako ng katabi kong si Devonne kaya sinulyapan ko upang alamin kung bakit. Nakangisi ang kaibigan ko para bang may ibig ipakahulugan ang mga pilya nitong titig. Tumaas ang kilay ko. Mahina naman ‘tong tumawa. Napaismid ako sa kaniya pagkatapos ay nilingon ko kung nakatingin si Ma'am Reyes sa ‘min at nang makitang abala sa mga kausap niyang classmate namin, binalingan ko si Devonne. “Why?” I whispered. “Hindi ka pupunta?” She uttered. Kibit balikat lang ako. No comment. Sa totoo lang naman wala akong hilig manood ng mga sports. Kahit ano pang sports ‘yan. Napipilitan lang ako kapag required ng mga professor namin na manood daw kami lalo kung finals game bilang support sa mga pride ng school. “Dhana Sofia?” again she ask me. Para tigilan ako ng maurirat kong bestfriend. Sumagot ako. Ngunit sa tingin ko ay pinaka safe na answer ang kailangan kong ibigay na sagot dito. Makulit ito at hindi ako tatantanan hangga't walang makuha gustong sagot. “Sige na Sofia. Kung gusto mo ipagpapaalam kita bukas sa Tita Meshell,” aniya. Kilala na ni Devonne si Mommy. Isinama ko kasi ito sa ancestral house namin noong araw ng fiesta sa 'Kalubian.' Sa hometown ni Mommy. Tapos sa bahay pa natulog kasi pumunta kaming farm. Natuwa pa nga ang Mommy kasi tingin daw niya mabait si Devonne makapagkakatiwalaan na kaibigan. “Ano payag ka na? Woi bale tatlong subject lang naman hindi natin mapasukan kere na iyan minsan naman maglakwatsa ka aba. Puro ka aral tapos aalis lang ng bahay kung kasama parents or mga kapatid mo. “Titingnan ko,” saad ko sa kaniya. “Ganun? Pero sama ka kapag pupunta ako ha? Pupunta raw kasi si Sir Ibarra,” aniya nagpa-cute pa ang gaga. Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran baywang. Inirapan ako ngunit umaalog balikat nito nakangiti. “Bakit ba? Baka may aaligid sa crush ko maganda magbantay baka masalisihan me,” “Kaya naman pala. Akala ko ba crush mo si Vince?” biro ko. Kasi mabiro si Vince aba'y lukaret din itong Devonne sinakyan din ni Vince nga biro niya. “Ayaw ko nga! Gusto ko mga tipong ako ang baby. Kapatid mo ate na ako noon hello? Tsaka nakita ko inlove ang kapatid mo roon sa kasama niyang dumating. Ano nga pala pangalan noon? Grabe ang ganda beshy,” sabi pa nito. “Si Journey. Bunsong kapatid ni Oceanus,” sagot ko sa kaniya na kinaawang ng labi niya. “Hoy! Para kang temang anong nakakagulat sa nalaman mo?” “Close pala sila Tita Meshell at parents ni De Torres?” “Opo. Bestfriend ni Daddy ang ama ni Oceanus,” Napapitik ito sa daliri. “Bakit?” tanong ko sa ginawa niya. “Wala naman,” sabay ngisi. “Bakit nga!?” ulit ko. “Wala nga! Pero oks 'yan kasi kilala naman pala ng magulang mo ang parents ni Ross. Kaya siguro kayo ang last dance noong debut party mo kasi ipinagkatiwala ka na ni Tito Vladimir kay Ross. Observation ko lang naman,” “Nah! Change topic na nga tayo tapos na sila mag-ingay,” tinutukoy ko sila Ma'am at iba namin ka klase. “Basta samahan mo ako ha?” “Oo na! Magpapaalam muna ako kay Mommy kapag payagan sige alam ko naman hindi mo ako titigilan para samahan ka,” “Ang sweet talaga ng bff ko. Thank you,” wika pa napunta ang pareho namin atensyon sa unahan. Meron kasi nagtanong. “Ma'am kung pupunta po ba may plus points sa quiz next week?” biro ng mga classmate namin. “Hm…let me see. Kung marami kayong pupunta siguro plus five nalang besides chapter test naman ibibigay ko sa inyo.” “Ayun oh! Goods ‘yan. Pupunta na,” sabay-sabay nilang sabi iba may pa apir pang nalalaman. Mga girls gustong pumunta pero sure ako dahil sa mga player dahil tilian ng mga ito mga guwapo raw na siyang totoo rin naman. May nagtanong na malakas loob. Si Vina. “Ma'am makakalaro na po kaya si Ross?” aniya na agad kong ikinatingin dito. Kunwari naningkit ang mata ni Ma'am. Nakatikim ng kantiyaw si Vina galing sa iba naming kaklase ngunit mukha pa nito nagustuhan kaya lihim akong umirap sa kaklase ko. “Not sure but according to his coach I heard magaling na siya noong isang araw pa. Ayaw lang ma p'wersa agad kaya hindi siya pinalaro.” Kumunot ang noo ko. Magaling na pala pero hindi ako naalala text? Wala naman kayo Dhana Sofia bakit ka mage-expect. Hm! Kahit na dapat nag-text siya eh friend naman kami. Uwian na namin. Niyaya ko si Devonne pumunta sa classroom nila Reese. Sa Architect building. Iyon kasi ang course ni Reese, ng nakabababtang kapatid ni Oceanus. Tama lang pauwi na rin pala ito ng nasa hallway na kami patungo sa classroom nito. Nagulat pa ang binata pagkakita sa ‘kin. Mabilis ang naging lakad nakangiti na malayo pa sa 'min. “Woah! Akala ko talaga panaginip lang ‘tong nakikita ko. Si ate Dhana Sofia Levesque pinuntahan ako,” aniya. Nahiya pa ako noong una napanguso ako. He softly chuckled tapos tumingin kay Devonne ngunit sandali lang muling binalik sa akin. “Kaibigan ko pala si Devonne. Besh kapatid ni Oceanus si Reese,” natawa pa ako at nakanganga ang Devonne. Bumulong pa. “Anong bertud meron ka bakit napapalibutan ka ng mga yummy fafa?" Bulong pa sa 'kin ni Devonne ngunit hindi ko sinagot. “Ate Sofia wait,” aniya may hinugot sa bulsa ng slack nito. Phone lang pala. “Smile…” aniya hindi ko napaghandaan kasi ang bilis nitong kumilos. “Patingin nga!” agaw ko sa phone niya. Humalakhak ‘to. “Reese patingin! Bakit ura-urada ka naman nag picture hindi nga ako nakangiti,” maktol kong sabi ngunit naaliw pa ito. Mahina itong tumawa. “Ayos lang iyon. Send ko lang naman ito kay Kuya. Tsaka kahit anong hitsura mo sa Kuya ko, ikaw pa rin ang pinakamaganda para sa kaniya.” “Pumunta lang ako kumusta na pala ang tukmol na ‘yon?” “Magaling na baka nagpapa miss lang 'yon sa ‘yo,” aniya. “Ah okay,” sabi ko na lang. “Sabihin ko na lang kinamusta mo—” “H'wag!” Napangiwi ako kasi napamaang si Reese. “I mean ‘wag mo ng sabihin na tinanong ko sa ‘yo. Baka kasi alaskahin ako noong pangit mong Kuya,” Tumawa ito. “Kapag narinig ni Kuya sinabi mong pangit siya magagalit iyon,” “Bahala siya,” sabi ko. “Sige Reese napadaan lang ako nasa parking lot na kasi si Mang Conrad,” “Ingat,” tipid na sagot ng binata. “Guwapo rin beshy,” kuhit ni Devonne ng pabalik na kami sa parking lot. “Akala ko, para sa ‘yo si Prof, Ibarra ang pogi?” tukso ko pa kay Devonne. “Oo naman nag-iisa lang ‘yong Ibarra ko,” sagot nito sa akin. Pagdating sa parking lot nakaabang na si Mang Conrad sa akin. Si Devonne dumating na rin ang driver kaya agad kaming nakaalis sa campus. Kinumusta ko lang si Mang Conrad then tahimik ako buong biyahe at kung saan-saan na lang tumakbo ang isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD