CHAPTER 13

2010 Words
Sofia Medyo natagalan kami makarating sa unahan kung saan nandoon ang laan na upuan nila Tita Aliana. Dahil sa mga nagpakuha ng picture at meron nagpa autograph kay Ross. Sinabi na ni Ross na andito ang lahat ng pamilya niya sa 'kin kanina pa. Hindi ko na lang sinabi alam ko naman kasi sinabi na ni Reese sasakyan pa lang. Pagdating namin sa unahan alalay pa rin ako ni Oceanus patungo kila Tita Aliana at Tito Drake. Naka sitting pretty na si Devonne at katabi nito si Journey. Aba naman feeling close na ang dalawa kahit ngayon lang nagkakilala. Likas naman na palakaibigan si Devonne mabait kasama at kalog pa. Kaya siguro mabilis magkakasundo sila ng ugali ni Journey kasi palabiro din ang bunsong kapatid ni Oceanus lalo kung masakyan ng bagong kilala ang ugali ng dalaga. “Ate Sofia…dito ka na sa tabi ko ate. Paalisin ko si Kuya Reese,” anang nito sabay tinapunan ng tingin si Reese. Kinawayan ako ni Journey. “Ate dito ka sa gitna namin ni Ate Devonne dali….” aniya pa. “Kuya Reese dali na lipat ka na sa tabi ni Mommy,” pakiusap pa nito sa nakaupong si Reese. Pero kaagad sinupla ni Reese. “Ikaw kaya ang lumipat doon sa tabi ni Mommy. Sarap ng upo ko rito patatayuin mo,” sabi nito sumandal pa lalo si Reese sa upuan. “Hmp! Pangit mo,” “G’wapo ko kaya. Ikaw ang pangit,” sabi ng mapangpatol na si Reese. Nagkandahaba ang nguso ni Journey. “Dad si Kuya Reese oh. Ayaw akong pakinggan.” “Journey Atasha!” Sabi ni Tita Aliana. Inasar pa ni Reese. Kunwaring nagpunas ng luha kaya hindi ko mapigilan ang pag bungisngis dahil sa inis ni Journey sinabunutan nito si Reese na sobrang kakatawa. Si Tito Drake iiling-iling. Samantalang si Tita Aliana nakasali sa pagtawa. Ayaw sumuko ni Journey tinawag uli ako. “Ate Sofia,” “Dito na siya sa tabi ni Mommy ayaw ko ng pangit ang makatabi ni Dhana Sofia,” sabi ni Ross. Binilatan nito ni Journey. “Sana wag kang sagutin ni Ate Sofia kasi bakulaw ka,” irap nito kay Oceanus. Natawa si Reese. “Anong bakulaw bunso?” Sabi ni Reese kay Journey ngunit hindi sumagot makipag-usap na lang kay Devonne. “Hija halika rito,” Sa akin na nakatitig si Tita Aliana ng pagbaling ko ng tingin sa kaniya. Ngintian ko silang lahat. Nagmanong ako pareho sa kanila ni Tito Darke. Ang seryoso talaga ni Tito Drake kung gaano ka palangiti ni Tita Aliana ganun naman kamahal ang tawa nito. Inalalayan akong umupo ni Oceanus kanina ko pa kinukurot kasi nahihiya ako kila Tita Aliana aligaga sa pagalalay sa akin. Ayun nga sa tabi ako ni Tita Aliana umupo. Magkatabi sila ni Tito Drake. Bale ako ang nasa gilid ni Tita Aliana gitna namin siya ni Tito Drake. Kasi apatan lang ang upuan may espasyo para daw kay Oceanus iyon. Sa tabi ng bakante na dapat kay Oceanus. Si Reese naman ang nakaupo. Tapos gitna nila si Journey. At sa dulo si Devonne. Daanan din ang gilid niya. “Mommy iiwan ko si Dhana Sofia,” paalam pa ni Oceanus. “Ako na ang bahala sa kanya Ross. Lakad na mamaya lang mag-uumpisa na ang laro n'yo,” sabi ni Tita Aliana. Ross looked at me first. He sighed as if he didn't want to leave me. Pinaningkitan ko siya ng mata. Ayaw talaga makahala upang pumunta na sa kopokan niya. Humalukipkip ako. Nagkamot siya sa noo. “Oceanus,” mahina ko lang bulong pero sapat na upang marinig niya ako. “Dito ka muna ayos lang ba?” Sabi ko na eh. Alanganin itong umalis. “Hindi naman ako lalayas kasi manonood nga kami kaya nga diba nagpunta kami dito?” “Good,” wika nito. He still doesn't want to stop looking at me. Hindi ko tuloy maiwasang tinaasan ko siya ng kilay. Aba kailangan pa yatang itulak ko siya palayo para umalis. “Oceanus!” Ngumisi lang. “Alis na kasi. Tingnan mo nga kung anong oras na, oh? Ten minutes nalang start na ang game n'yo.” “Baby hindi na kasi kita malalapitan kapag nag-umpisa na ang laro. Sinusulit ko lang," wika pa nito. “Mag-focus ka oi!” napalakas ang sabi ko kaya humalakhak si Reese. “Sapol ka ngayon Kuya Ross. Si Ate Sofia lang pala ang may lakas loob na sumigaw sa ‘yo,” anang ni Reese na sinamahan pa ni Journey mang-asar. “Sige tama iyan ate Sofia. Kasi kapag kami ni Kuya Reese ayaw patatalo niyan,” saad ni Journey. Hindi pinansin ni Oceanus si Journey. Kay Reese ito sumagot. “Ikaw yata ang bakulaw kasi tsismoso ka kahit mayka text dito sa ‘min ni Sofia ang atensyon,” sabi ni Oceanus sa Kapatid. “Punta ka na roon. Ayun na ang teammates mo ah,” nginuso ko ang mga kasama niya sa soccer team. Nakatingin kasi sa p'westo namin si Luke at Samuel. Kausap ang coach nila. Parang maysinabi si Luke at Samuel, kaya maya-maya lang nakatingin na sa amin ang coach nila. “Oceanus. Pumunta ka na kasi baka magalit si coach sige ka,” muli kong sabi sa kaniya. “Tss. Hindi sila magagalit kaysa hindi ako maglaro,” wika pa nito. Aba nanakot pa ang loko. Pinandilatan ko siya ng mata kaso nahiya ako ng mahuli ako ni Tito Drake at Tita Aliana sa ginawa kay Oceanus. Wala naman sinabi pero ang hiya ko abot hanggang talampakan. S'yempre anak nila inaaway ko. Nawalan ako ng imik kumunot ang noo ni Oceanus, matiim na tumitig sa akin. Bumuntong-hininga. Iniiwasan ko mag-angat ng tingin kasi alam ko pinanonood niya ako. Mabuti na lang meron akong dahilan para hindi siya pansinin kasi may group ng mga babae nag intermation number. Doon napunta ang atensyon ko. “Baby,” aniya. Napilitan akong mag-angat ng tingin sa kaniya. “Aalis ka na?” “Oo. Manood ka ha?” anya yumuko sa akin. Namula ang mukha ko kasi hinalikan niya ako sa buhok ko. Umubo si Reese. Si Journey ay inasar nito ang Kuya Ross niya. “Ang sweet ng ferson kapag kay ate Sofia, lumalabas ang nakatagong asukal ni Kuya Ross.” Nag-umpisa ang laro. First time kong mapanood si Oceanus na maglaro. Seryoso nga talaga ito at focus kung nasa soccer field na nag-uumpisa ang laban. Sumigaw si Journey at Devonne ng hindi nadepensahan ng kalaban nila Oceanus ang pagsipa niya ng bola. Naka puntos ang team nila Oceanus at wala iba nagbigay noon ay si Ross. “Woah! Kuya ko ‘yan. Pogi na magaling pa,” wika pa ni Journey na labis ang kasiyahan sa mukha niya. Isang puntos na sila Oceanus ang kalaban ay nanatiling zero. Malaking chance manalo dahil mahirap nga naman maka-score ang larong soccer kahit na isang pontos. Liksi, focus at lakas ng katawan dapat ang dala-dala dahil gitgitan ang kalaban para maka abante bawat isa. Humingi ng timeout ang kabilang koponan. Kaya nasa upuan sila Ross na kausap ang kanilang coach. Same sa kalabang school. “Kuya Ross tumingin ka naman dito sa ‘min sabi ni Ate Sofia,” sigaw ni Journey na kina ubo ko. Si Tita Aliana bumungisngis at si Reese. “Dito natin matest si Kuya kung gaano ka seryoso kung nasa laro. Si Ate Sofia na iyan pero dedma,” “Hala kayo! Hindi naman ako ang tumawag,” pangangatwiran ko. “Galing talaga ni Kuya,” saad ni Journey. Tumingin sa ‘kin. “Ate Sofia. Masanay ka na kay Kuya Ross. Kapag nasa laban 'yan ng soccer field. Super duper seryoso ang Kuya ko. Kahit kami ang tumawag never ‘yan lumingon. Pero mamaya after niyang maglaro mabilis niyan iiwan ang ka team at dito agad pupunta,” anang Journey. Tumango na lang din ako sa bago kaalaman na natuklasan ko tungkol kay Oceanus. Napansin ko nga hindi nga ito lumingon kahit maraming sumisigaw sa pangalan nito halos sa Sacred Heart University tilian at pangalan niya ang sinisigaw. Natapos ang time-out. Nag sitayuan na ang magkabilang grupo. Nabigla ako ng humarap si Ross Oceanus dito sa kinauupuan namin nakatingin. Nagtilian ang mga estudyante. “Grabe ang astig mo ate Sofia. First time lumingon ni kuya Ross. Waah look ate Sofia,” sabi pa nito kahit nakita ko na. Pinagmasdan lang kami pagkatapos lumakad na ito patungo sa kaniya teammates at muling nag-umpisa ang laro. Wala pang sampung minuto naka score ang kalaban. Nag-tie ang magkabilang koponan. Napalunok ako sa labis na kaba. Ramdam ko ang pressure ng bawat magkatunggali. Halos hindi ako kumukurap sa laban habang naghahabol ng bola bawat kampo upang depensahan ang kani-kanilang team. “Dammit!” si Reese. Tumikhim si Tito Drake. Si Tita Aliana hinawakan ako sa kamay at tipid na nginitian. “Let's just trust Ross." She said. Ngumiti ako pabalik kay Tita Aliana. May tiwala ako kay Oceanus. Malaki ang tiwala ko sa pagiging seryoso nito habang naglalaro sa malawak na soccer field. May iniisip na itong plano kaya nilang maka score pa bago matapos ang laban. Sumigaw si Reese ng banggain si Oceanus ng kalaban at pinatid sa paa kaya nadapa ito sa lupa. Ramdam ko ang tensyon nila Tita Aliana at Tito Drake dahil nga sila ang magulang. Sadyang pinakikita lang nila na mahinahon lang kahit sa loob-loob nila gusto nilang mag protesta dahil sa ginawang iyon kay Ross. “Damn! Kamote ang referee Dad! Foul iyon ah! Kita ko po pinatid niya si Kuya,” galit na sabi ni Journey. “Atasha please quiet,” malumanay na sagot dito ni Tito Drake. Kahit seryoso ang Tito Drake pagdating sa Tita Aliana at kay Journey napaka soft nito. Naging tahimik na lang kami hanggang sa malapit na ang time. Bayolente akong napalunok ng last two minute na lang. Halos ayaw kong kumurap at huminga. Kasi pakiramdam ko magbabago ang lahat kapag ginawa ko iyon. “My gosh….” sabi ni Journey habang nakamata kami sa bolang tela slow motion ang lipad patungo sa goal. Tumayo na rin kaming apat na babae dahil sa nerbiyos. Si Tito Drake at Reese lang ang tanging pa easy-easy hindi nakikita ang kaba sa mukha nila. Napaawang ang labi ko ng pumasok sa goal at sumunod ay hiyawan dahil sakto bago maubos ang oras. “Kuya….kuya Ross ko 'yan!” palakpak ni Journey. Naiiling si Reese sa katabing bunsong kapatid. “Ang ingay talaga ng bubwit na ‘to walang tigil,” tukso ni Reese sa kaniya. “Tse! Walang basagan ng trip noh,” sagot dito ni Journey nakairap pa. “Ate, told you kaya ni Kuya iyon,” sabi pa nito sa akin kahit wala akong matandaan sinabi niya iyon kanina. Pinagkaguluhan si Oceanus sa baba. May lumapit na sport reporter upang interview-hin si Ross. Sa amin siya nakatingin pero kumaway naman sa audience lalo na sa mga taga Sacred Heart University na todo sigaw ng pangalan niya. “Ross, anong ginawang training ng team captain ng Sacred Heart University kaya nakuha n'yo ang momentum na ito?” tanong ng sport reporter sa kaniya. “Paspasang training and teamwork,” pa-humble na sagot dito ni Oceanus. “I heard nanonood daw ang babaeng special ngayon sa'yo? Nakadagdag ba ito para mas ginalingan mo ang laban kanina?” anang ulit ng reporter. “Yeah mas inspired,” nakangiting sagot dito ni Ross at pakiramdam ko sa akin siya nakatingin ng dito na-focus ang mata niya. Umingay ang paligid may humiling kung sino? At ano raw ang pangalan? “Narinig mo ang sigaw ng audience? Name reveal daw sa inspiration ng Isang Ross Oceanus," tanong ulit ng reporter na kinilig na rin habang inaantay ang sagot dito ni Ross. “Hi baby. Hope you enjoy watching the game. Ayun siya kasama ng parents ko. Dhana Sofia," tinuro ako. Uminit ang mukha ko kasi kita sa dulo ng mata ko lahat binalingan ako ng tingin. Ang iba napaawang ang labi ng makita ako iba naman ay walang relasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD