CHAPTER 05

1237 Words
Sofia “Baby, nasa ancestral house na tayo,” malambing na bulong ni Ross Oceanus ang naulinigan ko habang ako'y nakapikit pa. Ramdam ko ang mainit niyang titig sa mukha ko kaya natatakot akong dumilat kahit gising na ako. “Dhana Sofia. I know, you are awake,” wika ni Ross at alam kong nakatunghay ito sa 'kin so, paano ako didilat kung ganito ang loko kalapit sa mukha ko. Muli niya akong ginising. “Parang gusto yata ng halik ni sleeping beauty galing sa kaniyang prince charming—” Hindi ko na pinatapos magsalita si Ross. Bakit ba? Takot ko lang na totohanin nito ang pagbabanta aba mahirap na. Maganda ng sure ako kaysa huli na ang pagsisi. Sinungitan ko na lang siya paggising ko. Kasi nakaka irita ang pagka lakas ng apog nito. “Baliw,” saad ko sa kaniya ngunit ngumisi ito. “Gagawin ko talaga ‘yon, Dhana Sofia, kung hanggang ngayon tulog-tulugan ka,” aniya ganadong mang-asar sa akin. “Epal mo talaga,” sagot ko na lang sa kaniya kasi nauubusan ako ng isasagot kapag sinapian ito ng kaniyang kalokohan. Umayos ako ng upo upang tanggalin sana ang seatbelt ngunit inunahan ako ni Ross, pagkatapos madaling lumabas ng kotse ko umikot sa gilid ko pinagbuksan ako ng pinto. “My lady,” nakayuko pa niyang sabi sa 'kin kaya hindi ko napigilan tumawa kasi effort talaga ang loko. “Thank you napatawa kita,” aniya nakatitig na ngayon sa mukha ko. “Babaw mo, Ross Oceanus,” wika ko at nag-iwas ng tingin kasi nangingiti pa rin ako sa mga sweet na kilos ni Oceanus. “At least nga napasaya kita,” sabay pinisil ako sa ilong. Hindi na ako nag-react kasi lihim akong kinilig mamaya niyan lumaki pa ulo nito kapag nalaman na gusto ko ang ka-sweet-an nito. “Salamat, Ross Oceanus,” Kinuha ko muna sa loob ng bag ko ang aking cellphone upang padalhan ng text si Devonne na safe kaming nakauwi. Magaan ang loob ko sa bagong kaibigan I don't know why. Para bang obligasyon kong ipaalam sa kaniya na safe akong nakauwi. Nasa bahay na si Dad. Natanaw ko na ang raptor sa driveway hindi pa nga lang pinarada sa garahe. “Ross ayaw mo pang umuwi?” “Papasok pa ako sa loob pinagtatabuyan mo agad,” wika nito sumunod din sa paglakad ko. “Gabi na kasi. Look, madilim na,” ani ko nginuso ang paligid. “Hindi ako takot,” “Hahanapin ka na sa inyo,” paalala ko sa kaniya at binilisan ko ang lakad upang mabilis akong makarating sa main door. Lumakad din ng mabilis si Ross, naabutan pa ako ni Ross at ito na ang nagbukas ng pinto pinauna pa akong pumasok. “Ladies first, my lady,” aniya. Hinayaan ko dahil nakita ko na si Dad at Mommy nasa sala, tila ba inaabangan ang pagdating ko. Seryoso si Dad Vladimir, nakatingin sa amin ni Ross. Pinatulis ko ang nguso ko habang nilalapitan ko sila ni Mommy, magkatabing nakaupo sa sofa. Sinadya siguro ng dalawa hindi pumasok ng k'warto para abangan ako. Tumikhim ako. “Dad kumusta po?” ani ko nagmano sa kanila pareho ni Mommy. “Ayos lang ‘nak,” tugon nito kapagkuwan tumingin kay Ross. “Ikaw De Torres, bakit hindi ka pa umuuwi?” baling ni Dad sa kaniya walang kangiti-ngiti sa labi niya. “Hindi pa po ako nakapag paalam sa inyo ni tita Meshell,” Bumungisngis si mommy pabirong pinalo sa braso si Daddy. “Ikaw naman kurimaw. Tinatakot mo ang bata,” Kunot ang noo ni Dad, tumingin kay Mommy ngunit tinaasan lang nito ng kilay ni mommy, kaya urong agad si Dad kay Oceanus naman binunton ang masama nitong tingin. “Anong pinaglalaban mo kurimaw?” saad ni Mommy ng makita ang ginawa ni Dad kay Ross Oceanus. “Love, sabi mo kasi ay bata? Hindi na bata iyan,” pangatwiran na sabi nito kay Mommy. Napangiti akong pinagmamasdan sila. Hays naman talaga ang sweet pa rin ng magulang ko kahit na malaki na kaming mga anak nila. “Ross, dito ka na kumain. Inantay lang namin na dumating kayo ni Sofia, nang mag-text na malapit na kayo pinahanda ko na ang hapunan.” “Wow…thank you po Tita Meshell, tamang- tama gutom na rin ako,” Sinulyapan ko si Ross, subalit mabilis ko lang binawi, paano ba naman kinindatan ako ng hudas kahit nakasimangot si Dad. Nag-fake ako ng ubo. “Masyado kang aabutin ng gabi, Oceanus—” “Hindi ‘yan,” sinagot lang nito sa akin. Sumilip si Lola Perlita na handa na ang lamesa. “Tara na hijo ‘wag kang maniwala r’yan sa Ninong mo,” Inantay lang bumaba ang kambal kong kapatid nag-umpisa ng kumain. Si Vince kasi sa Maynila natulog sa bahay namin sa Makati. I mean bahay ni Dad noong binata pa. Nang nasa harapan na kami ng pagkain. Si Mommy lang ang magiliw kay Ross. Si Dad ay tahimik. “Ehem Daddy,” kuha ko sa atensyon niya. “Bakit Sofia?” wika nito. Kumibot-kibot ang labi ko kasi nahihiya akong magsabi. Kaso nga lang ang kambal ang sabay na nagsumbong. “Daddy, naglalambing lang iyan si ate Sofia,” aniya ni Nicholas at Timotee. Nag-iwas ako ng tingin kasi natutok ang tingin nila sa akin. Lalo si Ross na malalim akong pinagmasdan. Alam kasi nitong dalawang makulit, kasi narinig kami ni Vince, nang magkwentuhan about sa gusto ko rin matutong magmaneho. Si Vince kasi ay may sariling kotse pinayagan agad ni dad. Ako kasi nahihiya sa kanila ni Mommy, kasi sinabihan na ako ni Dad after pang graduation p'wedeng mag-aral mag-drive. “Anong sasabihin mo ‘nak?” si Mommy Meshell ang maagap na nag tanong. “Gusto ko po sana ako na lang ang magmaneho ng sarili kong kotse,” halos pabulong kong sabi. Matagal silang na tahimik para bang inaalisa ang aking sinabi sa kanila. “Ehehe ok lang po kung bawal pa Dad,” alanganin kong sabi pero ngumiti ako. Totoo naman hindi masama ang loob ko. Kahit anong sabihin nila iyon ang susundin ko. I just really want to try it; maybe dad will let me. “Gusto mo ba ‘yon ‘nak?” tanong ni Dad. “Kung papayag po kayo,” halos pabulong kong sagot sa kaniya. “Alright, hija, next week I will enroll you in a well-known driving school,” “Tito Vlad. P'wede po ako kung papayag ka,” Nalukot ang mukha ko kasi baka pumayag si dad, araw-araw akong maiirita kay Ross. “Sa-sideline ka pa De Torres, ‘wag ako,” iyon ang sagot ni Daddy na kinasamid namin pareho ni Mommy. Si Ross Oceanus naman ay nahimas sa batok dahil sinupalpal ni Daddy. “Tama po iyan Dad. Kuha na lang po ako ng driving lesson, Saturday and Sunday,” masaya kong sabi. Pinagmasdan ako ni Ross, ngunit inismiran ko lang ang binata. “Ate ayaw mo kay kuya Ross?” si Timotee chubby, nakisali. Umiling ako. “Ligtas ka naman kay Kuya Ross, mabait pa,” Aba may padrino si Oceanus ha? Kapatid ko pa. “Timotee, tama ang ate mo,” sabi ni Ross. “Ay mahina ka pala kuya Ross, para lang si dad takot kay Mommy,” proud pang sabi ni Timotee. Si Dad ay napakamot na lang sa kilay ako pinigilan ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD