CHAPTER 10

1682 Words
Sofia “Mommy, Daddy, I gotta go. Sa canteen na po ako kakain baka ma late ako sa first subject ko,” paalam ko sa kanila pagdating ko sa living room. Pareho sila nasa sala. Parang mag-jowang nagde-date. Habang nagkakape si Daddy, may binabasa newspaper. Si Mommy naman nanood ng pang-umagang balita. Humarap si Mommy Meshell. “Anak masamang magpalipas ng gutom. Ipaghahanda kita," sabi pa ni Mommy pinasadahan ako ng tingin. "No worries po kaya ko naman, Mhie," "Puyat ka ba kagabi kaya late ka na gumising 'nak?" tanong niya ulit sa akin. “Nine naman po ang break time namin sa umaga. Sa byahe po kakain ako ng biscuit may baon po ako sa bag. Bye po,” lumapit ako sa kanila ni Dad, upang humalik sa pisngi nila. “Ok sige ano pa ang magagawa ko. Pakisabi sa Mang Conrad magi-ingat sa pagmamaneho,” bilin pa ni mommy sa akin. “Noted po Mom,” tugon ko at inginuso ko na sa labas na tuloy na ako. “Mang Conrad tayo na po,” nakaabang na ito paglabas ko ng bahay. Binabagtas na namin patungo sa university ng magtanong ito sa akin. “Hja, mamaya bang uwian ay ihahatid ka ni Ross?” anang Mang Conrad kaya tumingin ako sa kanya. “Wala po sinabi. Hindi ko na po kasi naabutan sa baba kagabi bago po siya umalis,” Totoo natagalan kasi ako sa silid ko kasi tumawag ang tita Zoey. Excited kasi silang umuwi ng fiesta. Napahaba ang chismisan namin. Hayun namalayan ko na lang alas-nueve na paglabas ko ng k'warto umuwi na raw si Ross. “Hindi bale maaga ka na lang mag-chat sa Mommy mo kung wala si Ross, Sofia ha? Tiyak na naman ako hindi ka noon matitiis na hindi makita maghapon,” saad nito sa akin. “Ay may ganun po, Mang Conrad?” saad ko natawa siya. “Aba'y ang alam ko kasi sabi manliligaw mo. Kaya iyon nasabi ko,” aniya sinamahan ng pabirong tawa. Pagdating namin ng Sacred heart university. Nakaabang pala si Devonne sa hallway. Napangiti ako tiyak sesermon ito kasi hindi ako nag chat ng makauwi ako ng bahay. Binilin kasi sa akin text or chat ko siya kapag nakauwi na ako. Sarap nito maging kapatid sabik pa naman ako sa kapatid na babae kasi mga barako ang kapatid ko. “Ba-bye Mang Conrad ingat po sa pag-uwi,” saad ko sa kaniya bago ako lumabas ng kotse. “Salamat hija,” “Devonne!” Kumaway ako at mabilis ang hakbang upang makarating sa kinatatayuan nito. Pagdating sa tapat. Dali-dali akong humawak sa braso niya. I giggled. “Bakit hindi mo ako na chat kagabi?” inirapan ako. Napanguso ako nakangiti biniro kiniliti sa baywang niya. “Hm..may tampo nga ang bestfriend ko,” anang ko hinilig ko ang pisngi sa balikat niya. “Nag-alala ako baka matagal si Ross dumating hindi mo ako sinabihan,” aniya. “Nakalimutan ko. Sorry na bff,” wika ko at nakangisi lalong niyakap siya sa kaniya braso. “Tse! Kasama mo lang si Ross nagka amnesia ka na,” irap pa niya sa akin. “Ay hindi ah. Nawala lang talaga sa isip ko. Smile ka na umagang-umaga papangit ka. Sige ka! First subject pa naman ngayon natin si Sir Ibarra. Uy…ngiti,” Nangingiti ako kasi unti-unti itong ngumisi. “Bilis besh baka dumating na si Sir Ibarra, ma badshot ako hindi na ako makapag pa cute.” Devonne chuckled. Ako rin natawa sabay tinusok po siya sa tagiliran. “Daling paluguran kapag si professor Ibarra ah. Telende mo Devonne,” wika ko pa. “Dhana Sofia…” tili pa nito kaya sabay kami bumungisngis. Super crush kasi ni Devonne si Sir Ibarra. Pogi naman talaga kasi ang Professor na iyon. Kaso hindi ko type ang mga ganoon sobrang layo ng age gap. But I'm not against naman sa mga relationship na malayo ang edad ni boy or girl. As long mahal nila ang isat isa. Sir Ibarra Mhontañes at Devonne, has a seven or eight year gap. Prof namin sa economics. Pero dedma naman ang bestfriend ko kahit magpa cute kay Sir Ibarra ng bongga. Sabi nila libangan lang ni Sir ang pagtuturo kasi ito raw ang first love nito. Kaya ‘di kayang talikuran kahit may business itong minamanage. Sabi lang ni Devonne, sa ka-s-stalk kay Sir Ibarra daming alam ng kaibigan ko tungkol sa batang professor. Pagdating ng classroom may nauna na sa ‘min. Anim pa lang ang classmate na dumating. Kaya patuloy kami nag-uusap ni Devonne. Ngunit ilang minuto lang unti-unting nagdatingan ang iba pang classmate namin kasi ten minutes na lang start na rin ng first subject. Sakto two minutes dumating si Sir Ibarra. Natahimik ang lahat. Hindi naman gaanong terror si Sir Ibarra, katulad sa ibang professor. Slight lang ang kasungitan nito as long hindi madaldal at nakikinig sa kaniya habang nagdi-discuss ito okay rito. Hindi rin ito mahilig sa assignment more on recitation ang turo ni Sir Ibarra kaya dapat aware ka sa biglaan niyang tanong. “Ms. Tauson, are you sure that you are in my class?” Nag-iwas ako ng tingin kasi pinagtawanan si Devonne ng mga classmate namin. Sukat ba naman naka pangalumbaba nakatitig kay Sir Ibarra ng walang kakurap kurap parang nagi-imagine ng kung ano. “Tulad ng sabi ko ayaw ko sa oras ng klase ko tila nasa ibang ibayo ang isip n'yo. Naiintindihan n'yo?” “Yes Sir!” sabay-sabay namin sabi. Pero si Devonne tingin ko hindi apektado sa galit ni Sir Ibarra. Mukhang natutuwa pa nga kasi pinapansin ng professor namin. Ganun siya ka patay na patay sa aming titser. Sumapit ang 9:30. Niyaya ko si Devonne sa canteen upang kumain ng almusal. Nagpahila naman ang kaibigan ko. Palinga-linga ako sa paligid kasi hindi ko nakikita si Oceanus. Simula umaga hindi ito nag text or chat sa akin. “Oi! Anong kandahaba ang leeg mo, Sofia?” pinansin ako ni Devonne. Lihim akong napangiwi kasi dahil kay Oceanus. Nawawala ako sa aking sarili. “Parang meron hinahanap ano?” “Wala ah! Issue ka naman Devonne,” kunwari galit kong sabi sa kaniya. Kaya nga lang malakas itong mang-asar kinantahan pa ako sabay tawa. “Pasulyap-sulyap ka’t kunwari. Patingin-tingin ng lihim. Ayaw lang aminin…—” “Grabe ka hindi ko hinahanap iyon. Tumingin lang ako sa gusto kong orderen na pagkain,” ayaw kong umamin sa kaniya. “Daming palusot malayo pa tayo sa pila,” aniya tila sigurado siya na si Oceanus ang hinahanap ko. Well nanibago lang ako kasi simula ng birthday ko lagi niya akong binubuweset, kaya nagtataka lang ako ngayon na absent sa pangungulit sa 'kin. Kami na ang nakapila ni Devonne. Pansit Sotanghon ang in-order ko. Ganito kasi ang gusto ko sa pancit, ayaw ko ng bihon. Nasanay kasi ako sa luto ni Mommy Meshell. Masarap kasi magluto ng pancit. Actually halos naman lahat ng luto ni Mommy ay masarap. Walang hindi aayaw sa luto nito. Kumakain kami nasa apatan kaming table. Si Devonne ay spaghetti ang order with large fries. Ako pancit lang talaga kasi almusal pa naman. Punuan kasi at kami na lang ang may bakanteng upuan may naki share sa table namin. Saglit kong sinilipan sa patches ng uniform nila. Same naman sa amin college of accountancy. Hindi nga lang sila first year college kasi halos naman kilala ko ang mga freshman students. “Fries, Sofia?” inalok ako ni Devonne. Kalahati pa kasi siya malapit na time namin. Kaya nga pancit lang order ko kasi thirty minutes lang ang break time at kung may kasama pang pila konting oras na lang para sa pagkain. “Takaw mo kasi. Large pa kasi ang in-order mo,” Ang laki kasi noon katulad sa bff fries ng Mcdo. Nahihirapan tuloy siyang ubusin. “Busog na ako,” “Sige na tulong…” aniya hindi ko maiwasang humagikhik dahil sunod-sunod na siyang sumubo walang pagnguya. Tinulungan ko ngunit hindi ko kaya na marami busog na ako. Nag-uusap ang dalawang babaeng kasama namin sa table may sarili rin silang topic. Nang ilang sandali parang humaba ang tainga ko sa huli nilang pinag-uusapan. Si Oceanus ang topic nila. Sinagi ako ni Devonne sa paa. Tinaasan ko siya ng kilay. Itong babaeng 'to anong pake ko sa Oceanus na iyon. Tsk. ‘Girl kaya pala absent si Ross kasi may sakit,’ Napatda ako. May sakit si Oceanus? ‘As in si De Torres?’ ‘Yeah. Narinig ko lang kay Shania. Nagkwentuhan sila ng barkada niya,’ Naningkit ang mata ko. Sa iba sinabi niyang may sakit. Pero sa 'kin wala siyang nabanggit! At sino naman itong Shania, bago niyang fling? Dahil ayaw ko ng makarinig tungkol sa De Torres na iyon nag-aya na ako kay Devonne lumabas ng canteen. Sakto lang naman kasi ten minutes na lang hindi na kailangang magmadaling maglakad patungo sa classroom namin. “Bilis maglakad ni Ms. Levesque aba. Dhana Sofia, woi! Matitisod ako sa kahahabol sa ‘yo,” reklamo nito pero may kasamang bungisngis. “Selosa naman ng bff ko wala naman kayo,” dugtong pa nito inaasar ako. Inantay ko siya namaywang ako. Kaya lang hindi maalis ang tawa ni Devonne kaya hindi ko rin mapigil napa bungisngis na rin ako. “Ano edi natawa ka rin sa naging asta mo,” tukso pa ni Devonne sa 'kin. “Oo na wala kaming label tama ka. Tsaka bakit ba ako aasa roon sa chat or text niya, eh para naman yata isang laro lang sa kaniya ang paghatid sundo sa akin ng lalaking 'yon. Tara na nga,” saad ko kay Devonne. “Pigilan mo ako,” “Ha? Bakit?” nagtaka kong tanong sa kaniya. “Parang gusto kong isipin na in love ka na kay Oceanus,” aniya pinagmasdan ako. Tila ba hinuhuli niya ako sa klase ng tingin niya. Sasabihin ko sana kay Devonne na ‘siguro’ ngunit sinarili ko na lang at kibit balikat. Nagpatiuan akong lumakad pumantay rin si Devonne. Naging tahimik kami kasi ayaw ko rin sagutin ang huli niyang sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD