CHAPTER 09

1876 Words
Sofia Pagdating ko ng parking lot. Wala roon si Ross. Pero nakita ko ang sports car nito naka park na sa driveway. Sakto lang na hindi makaka istorbo sa mga dumaan na sasakyan. Nasaan kaya ang Oceanus na ‘to? Naku ‘wag lang ‘to magtatagal dahil iiwan ko siya magpapasundo na ako kay Mang Conrad. Kinohit ako ni Devonne, baka dahil dumating na ang sundo niya kaya gustong ipaalam sa akin. “Girl, wala pa si Ross? Wait na lang kita bago kami umalis,” aniya. Ewan ko kung tinatanong ako ni Devonne, pero umiling ako bilang sagot sa kaniya. “Ay hala! Oks lang Devonne. Mauna ka na kasi maliwanag pa naman at marami pang may klase hindi pa lumabas sa kanilang classroom,” tanggi ko sa alok ni Devonne. “Hindi! Aantayin ko ang pagdating ni Ross, wala ka kasi kasama,” giit pa ni Devonne, ngunit tutol ako. “Hindi na, baka patungo na iyon dito kasi alam naman niyang uwian na natin,” laban ko pa sa kanya upang hindi na ako pilitin. Ngumisi ako kasi nagkandatulis ang nguso nito bubulong-bulong naninisi kay Oceanus. “Pasaway talaga iyon. Sana kung may iba siyang asikasuhin hindi nagsabi na ihahatid ka niya,” wika pa nito. Nangiti ako kasi inis talaga kay Oceanus kasi salubong ang kilay nito. “Sige na girl, gora ka na oks lang talaga ako rito. Kawawa naman kasi ang driver mo kung mag-aantay pa ng dahil lang wala pa ang maghahatid sa akin,” dugtong kong pantaboy sa kaniya. “Sure ka?” naniniguro niyang tanong sa akin ngunit nakasimangot. Humagikhik ako kasi mas tingin ko apektado pa ito kaysa akin dahil wala pa si Ross. “Nakakainis kasi, Sofia. Paano kung hindi iyon sumipot I'm worried lang naman kasi bestfriend na kita.” “Oo naman ako pa ba? Look marami pa naman estudyante safe po ako don't worry about me.” wika ko kay Devonne. “Okays sige ano pa nga ba ang magagawa ko? Kung mapilit ka. Basta if ever walang Ross, na sumulpot text me. Kami na lang ng driver ko maghahatid sa 'yo,” aniya pagkatapos tinapik ako sa balikat. “Promise!” sagot ko sa kaniya. Huminga pa ito ng malalim bago tuluyang tumlikod upang magtungo sa nag-aantay na driver niya. Sinundan ko pa ng tingin ang papalayong si Devonne hanggang makarating sa kaniya kotse. Bago ito pumasok sa loob kumaway muna sa akin gano'n din ako. Nang mag-umpisang tumakbo ang kotse ni Devonne. Umupo muna ako sa waiting shed. Inilabas ko rin ang cellphone ko upang tawagan si Oceanus. Tatanungin ko lang kung ihahatid niya ako habang maaga pa. P'wede pa ako masundo ni Mang Conrad. Nasaan kaya ito? Wag lang nito sabihin blackout siya maghatid dahil lagot siya sa akin nandito na sana si Mang Conrad kung hindi siya pabida. Magda-dial pa lang ako ng makita kong humahangos patungo sa pwesto ko si Ross. As usual kasabay nito ang dalawang lalaking kasama kanina. Pawis na pawis basa ang mga damit. Ganoon din si Ross. Ngunit nasaan ang hustisya hindi man lang nag mukhang haggard si Oceanus sa itsura. Nag-training pala. Malayo kasi ang soccer field sa Accountancy building kaya hindi ko nakita. “Sorry, nainip ka bang mag-antay?” wika nito nakayuko sa akin nasa mukha ang pag-a-alala. Umangat ang tingin ko sa mukha niya kapagkuwan sa dibdib. Napanguso ako kasi bumabakat ang hubog ng katawan ni Ross dahil basa ang Jersey t-shirt nito. “Ehem!” tikhim ko. “Do you not have a plan to change into new clothes? You're sweating too much.” “later on my car, baka gabihin tayo kung magtutungo pa ako ng shower room.” “Baka matuyo ang pawis sa katawan mo,” Mahina tumawa si Oceanus. “Masaya ako kasi nag-alala si Dhana Sofia.” “Wag kang assuming. Natural lang sabihin ko ‘yon ah. Tingnan mo nga halos maligo ka sa pawis,” “Wala iyon, baby, let's go?” aniya. “Pasensya ka na. Puspusan kasi ang training namin, kaya na late ako ng dating. Sorry kung pinag-antay kita,” muli niyang sabi. “Sinong may sabing nag-antay ako sa 'yo?” Natawa agad si Ross, dumukwang pa sa akin. “Oo nga pala baka si Dhan Sofia ‘yan, hindi nga ako aantayin n’yan,” himig may hinampo sa boses nito. Hinila nito ang bag na hawak ko. Aangal sana ako subalit tamad niya akong tiningnan. “Ako na,” wika nito kaya hindi na lang ako sumagot. “Ross Oceanus, hindi mo pa kami pinakikilala kay baby mo, kanina pa namin siya nakaharap.” “H'wag na magsiuwi na kayo,” wika ni Ross, pero palagay ko biro lang nito. “Damot mo naman, De Torres,” pangungulit pa ng dalawa. Masama ang tingin ni Ross sa dalawa pero pinakilala rin naman sa akin. “Baby, sila nga pala ang kaibigan ko rito sa campus. Itong makapal ang mukha ay si Samuel at ito na tahimik si Luke,” Masayahin talaga itong si Samuel iyon pa ang nakikipag unahan kunin ang kamay ko subalit hindi nangyari ang gusto kasi pinalo agad ni Ross ang palad nito, ayaw pumayag makipag kamay sa akin. “Abusado kayo. Ipinakilala na gusto pang makipag kamay. Sibat na mga dude, kailangan ko ng ihatid si Sofia,” “Ang Possessive naman ng De Torres, na ‘to hindi pa naman sinasagot,” aniya kay Ross, pagkatapos timingin sa akin. “Ingat kayo baby Sofia, ouch!” binatukan ni Ross kaya dumaing kakamot sa ulo umalis ang dalawa. Pagdating sa kotse ni Ross, iniiwasan kong tumingin dito. Wala kasing pasintabi naghubad ng t-shirt upang magbihis. Ako na lang nag-adjust sa labas ako nakatingin. “Baby, tapos na,” aniya. Buong biyahe tahimik ako. Kung hindi pa ako kausapin ni Ross, hindi ako magsasalita. Dahil wala rin naman akong mapapala at wala akong magkwe-kwento kay Oceanus. Natulog na lang ako. Naalimpungatan lang ako sa biglang pag preno ni Ross at malakas na may kasamang pagmumura.” Gulat akong dumilat ng mata lalo na't galit ang boses ni Ross. “Ano iyon?” nagtataka kong tingin sa kaniya. “I'm sorry, baby. Nagising ka tuloy ng wala sa oras.” “Bakit nga ?” tanong ko ulit sa kaniya. “May biglang sumulpot na motor muntik kong mabangga,” “Ah,” iyon lang ang nasabi ko. “Kapag minsan talaga may mga driver na abusado. Kapag naman na aksidente, ang kawawa iyong nakabunggo, kahit hindi sinasadyang mahagip dahil sa biglang pagsulpot. Buti nga mabilis akong nakapag preno. Damn that bastard!” “Naabutan mo ba?” “Mabilis nagpaharurot. Hindi lang huminto,” may galit sa boses na saad nito. “Hayaan muna baka may emergency kaya nagmamadali. Balik ulit ako matulog malayo pa kasi tayo,” paalam ko sa kaniya. Tinanguan lang ako kasi hindi pa naalis ang pagsalubong ng kilay nito. Tumingin ito sa akin. Nangiti ito tinapunan ako ng tingin. Kahit nagtataka ako hindi ko na lang tinanong. At least hindi na ngayon badtrip si Oceanus. Akala ko kung anong gagawin kasi inalis ang isa nitong kamay sa manibela. Aayusin lang pala buhok ko tumabing sa mukha ko. “Thank you,” iyon lang ang nasabi ko. “Sige na tulog ka na. Gigising na lang kita pagdating ng Sta. Elena. Hindi na ako sumagot hinayaan kong hilahin ako ng talukap ng aking mata. “Dhana Sofia, malapit na tayo,” mahinang tawag ni Ross sa akin. Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Kinusot ko iyon at nilibot sa paligid. Tanaw ko na ang malaking gate ng Ancestral house. Hindi lilipas ng sampu minuto nasa gate na kami. “Hindi ka ba nainip tinulugan kita?” “Nope, ikaw kasi ang nakikita ng mata ko kaya ganado,” “Sira! Ang layo ng sagot mo,” “Sa iyon talaga ang nararamdaman ko, baby,” wika nito. Aangal pa ako ngunit nakarating na kami sa tapat ng Ancestral house. Nagbusina si Ross, himala hindi sumilip si kuya Omar, agad binuksan ang bakal na gate upang kami ay makapasok. “Oceanus, ‘wag ka na magtambay rito ha? Para magpahinga ka. Pagod ka kahit hindi mo ako sagutin ng tama dahil sa practice n'yo,” “Hindi naman nakakapagod—” “No! Magpahinga ka ng maaga,” “Dahil masunurin ako mapipilitan ako nito,” aniya. “Pero mamaya ng kaunti kasi darating ang driver namin susunduin ako. Malapit na raw,” “Paano kotse mo?” “Dito lang muna babalik pa naman ako,” “Planado ha?” “Yeah, basta sa 'yo Dhana Sofia.” “Wala na akong masabi buti pa baba na tayo,” Inunahan ako lumabas at sumenyas na ‘wag akong bumaba antayin ko siya. Para walang gulo hinayaan ko na sa gusto niya. Sumabay si Ross sa akin pagpasok ng bahay. Hindi ko nakita si Mommy at Daddy. Hmm, nasaan kaya? “Oceanus, iwan muna kita r’yan ha? Hahanapin ko lang sila Dad.” Sa kusina ako nagtungo hindi ko sila nakita. Muli akong lumabas ngunit pagdaan ko sa living room. Naroon na pala si Daddy, parang seryoso kausap si Ross, kaya lumapit ako sa kanila. “Dad!” wika ko mabilis lumakad patungo sa harapan nito ay nagmano. “Si Mommy po?” tanong ko pagkatapos. “Nasa Kalubian, hija, sa Lolo Cardo.” “Alas-sais na po hindi pa umuuwi?” “Maraming inasikaso. Kakatawag lang din sa akin hija. Ang totoo patungo na ako roon nakita ko lang itong si Ross pagbaba ko galing sa k'warto,” “Biglaan po si Mommy nagpunta. Sayang hindi ako nakasama.” “Kanina lang kasi nag-confirm ang katuwang niya maglinis. Nagpapa general cleaning kasi ang Mommy mo, ‘nak, sa kanilang bahay, kaya lang tanghali na umalis dito kaya siguro ngayon lang natapos.” “Oo nga pala next week na kasi ang fiesta ng Kalubian. Nabanggit nga ito ni Mommy, na magpapa linis. Kasi darating yata sila Tita Zoey at Tito Zoren, na-kwento ni Mommy.” Tiningnan ko si Ross. “Hindi ka pa uuwi? Nagkita na kayo ni Dad, ano pa inaantay mo?” ani ko. Natawa si Daddy si Ross Oceanus naman kakamot sa kilay. “Narinig mo naman ang sabi ng anak ko diba, De Torres? Sibat na,” saad ni Dad, dito. “Pauwi na po Tito. Nagpapahinga lang ang driver ko kasi kakarating lang din,” “Halos magkasunod lang pala,” wika ko. Nagpaalam akong aakayat muna upang magbihis ng damit. Pero bago ako umalis. Binilin ko kay, Oceanus, na umuwi na ‘wag ng magtagal kasi gumagabi na masyado. “Oceanus, h'wag ka na rito kumain ha? Kailangan mong magpahinga,” pahabol ko pa. “Yes madam, masusunod po. Tumingin kay Dad. Akala mo lang Tito, inaapi kaya ako n'yang anak mo,” “Kulang pa nga ‘yan tsaka tama ang anak ko. May pasok ka pa bukas kaya kailangan mo ng lumayas na abala ka na rito,” “Tito Ninong naman inaapi mo rin ako,” nagrereklamo si Oceanus. Lalo pa dinagdagan ni Dad, ang sinabi nito kay Ross. “Nanunuyo ka sa anak ko kaya dapat lang.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD