MY BELOVED NEGRITA (Part 2)

588 Words
"Kyla! Guess what?!" pasuspense pa na sabi nito. Mahahalata ang kagalakan sa boses. "Ano?! Rereglahin ako sayo ei. Nakakakaba yang mood mo ha! Ikaw, humanda ka talaga sakin kapag may inutos ka nanamang kakaiba!" kunwa'y inis na sabi niya dito. Nadala na kasi siya sa kapraningan nito. Trip pala noon ni Angelika na mag-date daw silang dalawa sa sementeryo ng dis oras ng gabi. At nakalimutan ni Donald na magdala ng flash light. So ayon, dahil siya lamang ang malapit sa bahay ng mga ito. Tinawagan siya at pinadala siya ng flashlight na gagamitin nito at nagpasama pa ng katol. At dahil naman sa secret niyang damdamin dito hindi siya nakatanggi. Kahit sa totoo ei takot na takot siyang magtungo doong mag-isa. Ang akala naman kasi niya sa labas lang ng sementeryo siya nito aantayin, iyon pala ay papasok pa siya sa loob niyon. Umiiyak siya habang tinatawag ang mga ito, nanginginig siya sa takot at napapasigaw pa siya kapag may kaluskos siyang naririnig. Nagkataon pa kasing nalowbat ang kanyang phone kaya hindi na niya ito matawagan. Inis na inis siya noon kay Angelika, kabaliwan ang trip nito at ito namang si Donald sunod ng sunod na parang aso para lang sagutin ito ng kanyang bestfriend. Parang nais niyang manabunot ng mga oras na iyon. "Oi! Pag-siniswerte ka nga naman!heek!" Boses ng isang lalaking tila lasing sa kanyang likuran. Napaigtad siya ng bigla nitong hawakan ang balikat niya. Doon na siya napatili ng malakas. Saka tuluyan na siyang nawalan ng ulirat pero bago yon may naramdaman siyang matipunong bisig na sumalo sa kanya. Nang magmulat siya ng mata ay nasa silid na siya na hindi pamilyar sa kanya. Tinanong niya si Donald kung nasaan siya, sinabi nitong nasa kwarto nito. Bigla siyang napabalikwas at agad na hinanap si Angelika. Sinabi ulit ni Donald na umuwi na ang bestfriend niya. Uminit ang ulo niya kay Angelika, muntik na nga siyang mapahamak dahil sa kalokohan nito. May gana pa itong iwan siya sa kwartong pag-aari pa ng isang lalaki. Nagpaliwanag naman si Donald kung bakit doon sya dinala imbis na sa bahay nila. May katuwiran naman ito, kapag kasi nalaman ng kanyang parents ang nangyari pagbabawalan na siyang makipaglapit kay Donald. Naluha siya ng maalala ang nangyari sa sementeryo, ng maalala yong takot niya habang tinatawag ang pangalan nito. Bigla siya nitong niyakap, tila naman naging tuod siyang nanigas dahil sa hindi inaasahang ginawa nito. Lalo na ng marinig niyang nagsisisi ito at mangakong hindi na siya nito ipapahamak pang muli. Ni hindi nga siya nakatugon manlang dito. Pero yong puso niya ei napakabilis ng t***k, akala mo ay nakikipaghabulan ang tila mga dagang nasa loob niyon. "Hindi ah, iba naman kasi yong nasa isip mo? Ang saya ko ngayon kasi kami na!" masayang pahayag nito. Nagulat siya sa sinabi nito, tila nanlamig ang katawan niya at ni hindi nagawang makapagreact. Nananatili lamang siyang nakatitig dito pero tila anumang oras ay papatak na ang kanyang luha. Hindi niya malaman kung nasasaktan ba siya o ano. Ngayon, tapos na ang papel niya bilang tulay ng mga ito kaya siguradong iiwasan na siya nito at kay Angelika nalang magpofocus. Ngayong sila na, itswapera nanaman ang maitim na siya. Wala naman siyang magagawa ei, tanggap na niya. "Hey, I said kami na! Dimo ba ako narinig? Wala manlang bang congratulation dyan? Okey lang, pero thanks talaga Kyla ha. Kung hindi dahil sa mga tulong mo, hindi ako sasagutin ni Angelika. Alam mo naman kung gaano karami ang nanliligaw sa kanya," muling sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD