Totoo naman ang sinasabi nito, napakarami talaga ang nanliligaw kay Angelika at baka kung hindi niya ito tinulungan baka nabasted agad ito.
Napakarami nitong manliligaw pero siya ni isa wala. Kapag kasi magkasama sila ito lang palagi ang napapansin, dati nga may manliligaw siyang taga ibang school pero ng makita si Angelika na kasama niya nabaling dito ang panliligaw nito.
Hindi rin naman pahuhuli sa kagwapuhan at kasikatan sa campus nila si Donald. Sa katunayan si Donald ang ang Campus King at si Angelika naman ang tinatawag nilang Campus Queen. Kaya alam niyang kahit papano may gusto din dito si Angelika dangan nga lang at mas type nito ang mga lalaking di kotse.
Si Donald kasi ay simpleng motor lamang ang sasakyan kumpara sa mayayaman talaga sa kanilang campus. Pero sa kagwapuhan, talent at talino nito wala ang mga rich kids na iyon.
"C-Congrats, sa wakas natupad na yong pangarap mo. Ingatan mo sya at m-mahalin ng totoo para hindi masayang ang mga p-pinaghirapan ko," sabi niya dito na hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas para masabi iyon.
"Oo naman, salamat talaga Kyla," nakangiti nitong pasasalamat ulit sa kanya.
"Wala yon," nakangiti niyang tugon dito.
Nang araw na iyon, dahil sa special daw para kay Donald nilibre siya nito sa isang mamahaling restaurant. Sabi pa nito, pinag ipunan daw talaga niya ang araw na ito para magpasalamat sa kanya kapag sinagot ito ni Angelika. Natawa pa nga siya, parang mali kasi imbis na si Angelika ang ayain nito sa mamahaling restaurant bakit siya ang inaya nito. Pero naisip nalang niya na baka lubos lubos lang ang pasasalamat nito dahil sa kanya naging sila ni Angelika.
Dumaan ang linggo at hanggang umabot ang isang buwan. Nagbago na nga ang lahat, ngayon itsapwera na siya sa dalawa. Lalo na kay Donald na halos na kay Angelika nalang ang buong atensyon. Ayaw din naman niyang magsasama sa mga lakad ng dalawa dahil na a- out of place lang siya. Tsaka iyong pasaway niyang puso ay basta-basta nalang nakakaramdam ng sakit.
Lalo pa kapag nakikita niya ang kasweetan ng dalawa, pakiramdam niya parang pinipiga ang kanyang puso. Pero may mga panahong hindi rin niya maintindihan ang iginagawi ni Donald. Katulad nalang ng biglang magkaron na aksidente sa kanilang gym, nagkataong andon siya noon at sa kanya mismo babagsak ang ilaw na hindi pala naikabit ng maayos.
Kitang-kita niya ng biglang tumayo si Donald mula sa pagkakaupo, kahit nakasandal dito si Angelika kaya naman na out of balance ang babae at napahiga sa sahig pero di nito iyon pinansin bagkus nagulat nalang siya ng tumakbo ito ng mabilis patungo sa kanya at bigla siyang hinapit nito palayo doon. Noon naman bumagsak ang ilaw na nagkalasog-lasog sa sahig.
Dahil sa ginawa nito na di niya inaasahan kaya napasandig siya sa dibdib nito na napalakas yata kaya na out of balance ito at sabay silang bumagsak sa sahig. Sa ibabaw siya nito bumagsak. Pero parehas silang hindi agad nakakilos. Nagtama kasi ang kanilang mga mata at ewan ba niya kung bakit may kakaiba siyang nababasa mula sa mga mata nito.
Nang makabawi, agad siya nitong kinumusta at tiningnan ang katawan niya kung may sugat. Natahimik lamang ito ng macheck na wala naman siyang pinsala. Tsaka sila kapwa napatingin ng sumigaw si Angelika, halatang galit na galit ito. Agad itong lumapit sa kasintahang halos magwala na dahil sa pagkapahiya. Nakita kasi ng mga taong nasa gym ang nangyari dito at pinagtawanan ito.