bc

ONE SHOT STORIES ( FREE )

book_age12+
2.6K
FOLLOW
8.5K
READ
drama
tragedy
no-couple
heavy
like
intro-logo
Blurb

"Ang PAGSISI ay laging nasa HULI."

Tunghayan ang iba't-ibang kwento magbibigay aral sa lahat ng mambabasa.

Maiksi man ang mga kwento, sigurado namang mapapaluha kayo at magbibigay sa inyo ng aral ang bawat kwentong inyong mababasa.

chap-preview
Free preview
I. ALKANSYA
Agad na tinukoy ng limang taong gulang na si Leomel ang kanyang alkansya na magkatulong nilang hinuhulugan ng barya ng kanyang Inay na si Aling Lilia. Tuwang-tuwa siya ng makuha niya iyon sa ibabaw ng aparador. "Sa wakas mabibili ko na rin ang makakapagpagaling kay Inay," sabi ng batang paslit sa sarili. Muli namang lumungkot ang kanyang mukha ng maalala ang kanyang Inay na may sakit at nakaratay ngayon sa ospital. Miss na miss na niya ito, miss na miss na niya ang mga yakap at paglalambing nito sa kanya lalo na kapag umiiyak siya. Ngayong may malubha itong karamdaman hindi na niya ito makasama at makausap ng maayos. Palagi nalang itong nasa ospital. Kaya miss na niya ang bawat sandali na kasama niya ito. Nais na niyang gumaling ito, kaya naman palagi siyang nagdarasal kay Lord para gumaling na ito agad. Nang matiyak niya na may laman ang alkansya,agad na sumakay ng pedicab ang bata at nagpahatid sa ospital kung saan naroroon ang kanyang Inay. Hindi siya tumuloy sa ward kung nasaan ang kanyang Inay kundi sa pharmacy na nasa loob mismo ng hospital. Mahaba ang pila pero nakipagsiksikan ang paslit para lang makabili ng nireseta ng Doctor na narinig niyang sabi nito sa kanyang Itay. Ang sabi kasi nito, iyon nalang daw ang natatanging pag-asang makapagpapagaling sa Inay niya. Nang siya na ang nasa counter, nakita niyang kumunot ang noo ng pharmacist. Siguro nagtaka ito dahil sa paslit nga siya. "Beh, anong bibilhin mo? Hindi mo ba kasama ang Inay mo?" tanong ng pharmacist sa kanya. "Ate, magkano po ba ang gamot na Himala?" tanong niya. Napaawang ang labi ng pharmacist at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Maging ang ibang nakapila at ibang malapit na mga tao sa pharmacy ay napatingin din lahat sa kanya.Tila nagtataka ang mga ito sa tinuran niya. "B-Bakit po ate? Wala po ba kayong tinitindang ganong gamot?" tanong niya dito, hindi na napigilan ni Leomel ang pagpatak ng luha. Batid kasi niyang kapag hindi siya nakabili non, mamamatay ang kanyang Inay. Hindi pa rin nakasagot ang pharmacist sa kanya. "P-parang awa nyo na po Ate, baka naman po m-meron kayo ng Himala. Sabi po kasi ni Doc sa tatay ko, himala nalang daw po ang maaaring makapagligtas kay Inay. G-Gusto nyo sayo na lahat po ang laman ng alkansya ko?" umiiyak ng pakiusap ng bata. Napaluha naman ang pharmacist,hindi niya malaman kung papano niya ipaliliwanag sa bata na hindi nabibili ang himala. Maging ang mga nakapila at nakarinig sa pahayag ng bata ay naluha na rin dahil sa sobrang habag sa paslit. Humanga din sila sa pagmamahal nito sa Ina na kahit napakabata pa nito ay matindi na ang paghahangad na gumaling ang Ina. "S-Sige na po Ate maawa na po kayo sa Inay ko," malakas na iyak ng bata habang nagmamakaawa sa pharmacist. Nagkataon namang napadaan ang isang sikat na neurosurgeon sa tapat ng pharmacy at nasaksihan ang mga nangyari pagmamakaawa ng batang si Leomel na pagbilhan ng pharmacist ng Himala. Lumapit ang Doctor, lumuhod ito at kinausap ang batang si Leomel. "Ilang taon kana boy?" tanong ng Doctor. "Five years o-old po," humihikbi pa ring sagot ng bata sa butihiny Doctor. "Ano bang pangalan mo boy? Tsaka bakit ka umiiyak?" tanong muli nito. "L-Leomel po, k-kasi po ayaw akong pagbilhan ni Ate ng Himala. Sabi po kasi ng Doctor ni Inay himala nalang daw po ang makakagaling sa kanya. Siguro po kulang po ang pera ko para pambili nong himala. Wala na po kasi kaming pera ni T-tatay, naubos na po sa pagpapagamot ni Inay." paliwanag ng paslit habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Napangiti ang butihing Doctor. "O sige, wag ka ng umiyak ha. Mabibili mo na ang himalang makakapagpagaling sa Inay mo. Pero samahan mo muna ako kung nasaan siya," nakangiting pahayag ng Doctor sa bata. Nagliwanag ang mukha ni Leomel sa narinig. "T-Talaga po?! Naku, maraming salamat po." masayang bulalas ng bata sabay yakap sa leeg ng Doctor. Muling napangiti ang Doctor, humanga siya sa kabaitan at sa sobrang mapagmahal na bata na ito. Hindi siya makapaniwalang isang five years old na bata lamang ang a-antig sa matigas niyang puso. Dati, bato ang kanyang puso. Wala siyang pakialam sa pasyente basta kapag may kakayahang magbayad ng serbisyo niya, agad-agad niyang isinasagawa ang operasyon maisalba lamang ang buhay ng pasyente. Ngunit kapag walang pambayad, hindi siya pumapayag, ang mahalaga kasi sa kanya ay ang pera lamang. Ngunit heto at naguguluhan man sa kanyang sarili. Nagpasya siyang tulungang gumaling ang Inay ng batang ito. At kung kailangang maoperahan, gagawin niya iyon ng libre, wala itong babayaran kahit pa mga kakailanganin nitong gamot. Pinahid niya ang luha ng bata. At inaya na ito sa silid na kinaroroon ng Inay nito. Makalipas ang isang linggo. Matagumapay na naoperahan ang Inay ni Leomel at tuluyan na itong ligtas sa bingit ng kamatayan, ang Doctor na tumulong sa bata ang nag-opera dito at sinagot pa ng hospital ang lahat ng gamot o ilan pang kakailanganin ng kanyang Inay. Salamat sa alkansya ng batang paslit na ito, nailigtas na niya ang kanyang Inay, may nagbago pa ang pananaw sa buhay ng dahil sa kanya. THE END

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
141.6K
bc

POSSESIVE MINE

read
975.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.4K
bc

His Obsession

read
88.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook