Vll. MY BELOVED NEGRITA (Part 1)

439 Words
"Kyla, sige na naman oh. Pakibigay naman ito kay Angelika." "Please naman oh, pakisabi naman sa kanya na pumayag na syang magdate kami." "Sige na naman Kyla, pakisabi sagutin naman nya ang mga tawag ko." "Kyla, pakitanong naman sa bestfriend mo kung kelan nya ako sasagutin." Ilan lang yan sa napakaraming pakiusap sa kanya ni Donald ang manliligaw ng kanyang bestfriend na si Angelika. Grade 8 palang sila ng magsimula itong manligaw. Si Donald ay kapitbahay nila, hindi sila non masyadong close dahil na rin sa pagiging suplado nito. Halos lahat ng pinapansin nito ay mapuputi at magaganda na katulad ni Angelika. Samantalang siya ay morena at kapag itinatabi siya sa kanyang bestfriend na si Angelika ay nagmumukha siyang basahan. Animo diring-diri ito sa kanya noon na kahit mapatingin ito sa kanya ay damang-dama niya ang pagkadisgusto sa kanya. Hindi naman pangit si Kyla, morena lamang talaga siya pero kung siya ay maputi baka mas maganda pa siya sa kanyang bestfriend. Pero dahil nga sa mga mapanghusgang mata ng mga tao, na kapag maitim na itinabi sa maputi ay pangit na nila kung ituring. Sa katunayan may ilang tumatawag sa kanyang Kyla Negrita pero hindi nalang niya pinapansin ang mga iyon. Dahil na rin sa kakulitan ni Donald at animo linta na ito kung dumikit sa kanya ay napilitan siyang tulungan ito kay Angelika sa panliligaw. Iyon bang naging tulay na siya nito. Maraming beses na nakiusap ito na kahit minsan naman ay hindi niya tinanggihan. Masiyahan kasi ito kahit konti ay masaya na rin siya. Oo, sa totoo matagal na niya itong crush. Elementary palang nga sila talagang crush na niya ito. Dangan nga lang at galit ito sa maiitim na katulad niya kaya ayon hindi talaga nagkaron ng chance na maging close sila. Kahit nga makipaglaro ay ayaw nito basta kasama siya. Ewan ba niya kung bakit ganon ito sa kanya. Ngayon naman parang linta kung dumikit sa kanya. Kung hindi lang talaga niya ito crush, hindi nya talaga ito tutulungan. Sa halos tatlong buwan nitong panliligaw na siya ang gumagawa ng paraan. Sinagot din ito ni Angelika. Natatandaan pa niya ang ginawa nito nong time na sagutin ito ni Angelika. Nakaupo siya non sa isang bench sa kanilang school ng malakas na tinawag nito ang pangalan niya. Paglingon niya, malawak ang pagkakangiti nito at mabilis na tumakbo patungo sa kanya. Si Kyla naman na nagtataka ay napatayo at nakangiti na humarap habang papalapit ito. Nang ganap na makalapit ito bigla siya nitong yinakap at hindi pa nagkasya doon. Iniangat pa siya nito at umikot sila habang tumatawa ito. Animo galak na galak tungkol sa isang bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD