MY BELOVED NEGRITA (Part 6)

543 Words
Ngayon lang na karga niya itong habang hinihintay ang ambulansyang dumating. Ilang sandali pa at dumati na ang ambulansya. Isinakay ito doon, sumama siya at ang Mommy nito na noo'y umiiyak. "Nak, lumaban ka! Sabi ko naman kasi sayong tumigil ka muna ei. Kahit isang taon lang para magtuloy-tuloy ang gamutan mo. Diko kakayanin kapag nawala ka Anak ko. Dyosko," umiiyak na kausap nito sa anak habang nakasalampak ito sa sahig ng ambulnsya at yakap-yakap ang anak na walang malay. Siya naman ay mariing nakahawak sa palad nito. Napakunot ang kanyang noo sa tinuran ng Ina ni Kyla. "T-Tita, a-anong ibig ninyong sabihin?" kinakabahang tanong niya dito. Napatingin ito sa kanya, suminghot-singhot at pinahid ang luha sa mga mata. "Hijo, may sakit si Kyla, Pancreatic Cancer. Natuklasan namin ito noong last year pa,pero tumanggi siyang magpagamot. Dahil sabi niya ngayong taon nalang kasi malapit na non ang closing, sayang naman daw kung titigil pa sya. Nag-start syang magchemo noong last summer, medyo umayos ang pakiramdam niya kaya nakiusap siya samin na mag-aaral ulit sya. Dahil na rin sa medyo okey na sya, pumayag kami. Pero nakitaan namin siya ng mga senyales na lumalala ang kalagayan niya nitong mga nakaraang buwan. Kinausap namin siya na tumigil mun sa pag-aaral at magpagamot muna siya pero hindi siya pumayag dahil may mahalaga daw na taong kailangan niyang tulungan," mahabang pahayag nito habang pasinghot-singhot. Siya naman ay hindi makapaniwala sa narinig. Parang bombang sumabog sa tenga niya ang rebelasyon ng Mommy nito. Napatingin siya sa mukha ni Kyla na noo'y putlang-putla na. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito at napaluha siya habang nakatitig dito. Bakit hindi manlang niya napansin na may sakit pala ito? Bakit hindi manlang nito sinabi sa kanya. Dahil ba puro siya nalang ang dumadaing dito? Puro siya nalang ang iniintindi nito tapos siya ei walang pakialam dito. "Ayaw niyang sabihin namin sayo Hijo, ayaw niyang mag-alala ka pa dahil sabi niya marami ka ring problema. Ikaw ang laging inaalala niya samantalang siya itong may sakit. Ilang beses na rin siyang nagpachemo pero kadalasan napapaliban kapag next sched nya dahil sayo. May problema ka daw at kailangan mo sya, may gusto ka daw puntahan at gusto mo daw kasama mo sya, at kung ano-ano pang dahilan. Gustong-gusto na kita noong kausapin pero nakiusap siya. Iyon lang naman daw ang kahilingan niya kaya sana pagbigyan namin ng Daddy nya. Kaya kung pwede hijo, kapag okey na sya pakiusapan mo sya na magpagamot na. Na tumigil muna sa pag-aaral para tuloy-tuloy na syang makapagpagamot," patuloy ng Ginang habang umiiyak, nakiusap pa ito sa kanya. Parang pinipiga ang puso ni Donald ng mga sandaling iyon, patuloy lang na dumadaloy ang kanyang luha. Hindi niya lubos maisip na, may sakit pala si Kyla, habang naghihirap ito siya pa ang inaalala nito. Sa tuwing nakasched na magpapachemo, nauudlot pa dahil sa kanya. Dahil sa ka OA yan niya at dahil sa kakaaya niya dito. Napatanong tuloy siya sa sarili, bakit iyon ginagawa ni Kyla? Mahal din kaya siya nito? Ngayon niya lubos na napagtanto na hindi nalang pala basta paghanga ang nararamdaman niya dito. Mahal na mahal pala niya ito, at nangangako siyang maging okey lang ito gagawin niya ang lahat para makabawi sa lahat ng pagkukulang niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD