Hindi niya kakayanin kapag nawala si Kyla, hindi niya alam kung papano pang mabuhay na wala ito sa tabi niya. Gusto niyang sabihin dito na mahal niya ito, kahit negrita pa ito.
Hinaplos niya ang buhok ni Kyla at nagulat siya ng matanggal iyon. Napamulagat siya ng makita ang totoo nitong buhok. Wig lang pala ang buhok nito. Ang totoo nitong buhok ay iilang piraso nalang ang nakakabit sa nakakalbo na nitong ulo.
"T-Tita? Ba-bakit....?!" nakamulagat na tanong niya dito. Halos hindi siya makapaniwala sa nakikita.
Tumango lang naman ito.
Doon na niya hindi kinaya, napahagulhol na siya ng iyak. Hindi niya mapaniwalaan na ang napakasigla at parating masayang Kyla sa harapan niya ay may iniinda palang ganito. Papano nito nagawang itago ang sakit? Papano nito nakakayang tiisin ang kirot kapag kasama siya? Marahil tinatago lamang nito sa mga masasayang nitong tawa ang matinding sakit na nararamdaman nito.
"Kyla naman ei! Bakit dimo sakin sinabi? Bakit hinayaan mo itong lumala dahil lamang sakin? Dahil lamang sa mga walang kakwenta-kwenta kong problema. Bakit diko manlang napansin na nagkakaganyan ka na pala? Napakasama ko! Napakasama ko!Patawad Kyla, patawad," madamdaming pahayag niya habang hilam ng luha ang mata. Umiyak nalang din ang Mommy ni Kyla.
"Kyla, pangako mo sakin na magpapagaling ka ha. Pangako, aalagaan kita habang ako'y nabubuhay. Ako naman ang gagawa ng mga ginagawa mo. Please, kayanin mo ha. Gusto kong masabi sayo ang nararamdaman ko. Gusto ko sasabihin ko ang katagang iyon kapag malakas kana. Iyong maririnig mo ang totoo, ang totoong nilalaman ng puso ko. Please,lumaban ka para don ha. Lumaban ka para sakin. Huhuhu, Dyosko tulungan nyo po sya," patuloy ni Donald,habang walang tigil sa pag-iyak.
Maya-maya ay tila huminga ng malalim si Kyla.
"K-Kyla?!"
"Anak ko!"
Panabay na bulalas ni Donald at Mommy nito. Iyong hingang tila napakalalim dahil bahagya pang umangat ang katawan nito. Sabay ang pagtulo ng dalawang butil na luha mula sa mga mata nito. Humigpit ang pagkakuyom ng palad nito na hawak-hawak niya, at naramdaman niya ang tila panginginig ng katawan nito. At ilang sandali lamang ay tila nanlambot na ito.
"Nurse! Ang anak ko!" bulalas ng Ginang.
Agad naman itong gumawa ng paraan para maisalba pa si Kyla. Ngunit ilang minuto na, wala pa ring reaksyon ang katawan nito. Hanggang sa napailing ang Nurse.
"S-Sorry po Mam, pero wala na pong pulso ang pasyente. Kinalulungkot kong sabihin na patay na po sya," malungkot na pahayag ng nurse.
"H-Hindiiiiiiiii!!! Anak ko!!!"
"Kylaaaaa... Pleaseee, wag naman ohh!"
Panaghoy ng dalawa pero kahit anong iyak pa ang gawin nila,hindi na maibabalik pa ang buhay ni Kyla.
"Kung hindi lang sana ako naging manhid, at sana narealize ko kaagad ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi magkakaganito, sana hindi naging huli ang lahat samin. Sana nasabi ko manlang sa kanya na mahal na mahal ko sya. Sana naipagtapat ko sa kanya ang lahat. Napakamanhid ko!" galit na kausap niya sa sarili.
Nagagalit siya sa sarili, bakit huli na ng makita niya ang halaga ni Kyla sa kanya. Ngayon hindi niya alam kung papanong ipagpapatuloy mabuhay, ngayong wala na si Kyla. Lalo pa at natuklasan niya ang mga pagsasakrepisyo nito sa kanya.
Nayakap niya ang wala ng buhay na katawan ni Kyla.
"Mahal na mahal kita! Sobrang mahal na mahal kita Kyla. Napakatanga ko para hindi marealize agad ito, hindi ko tuloy nasabi sayo ito. Gusto kong marinig ang sasabihin mo at makita ang reaksyon mo kapag nagtapat ako sayo. Pero hindi na matutupad iyon, dahil wala kana, iniwan mo na ako. Dyosko, Kylaaaaa... Papano na ako! Mahal ko..." iyak ng iyak na pahayag ni Donald.
Hinagod-hagod ng Mommy ni Kyla ang likod niya. Hilam ang mga mata sa luha na tumingin sa kanya.
"Hijo, m-mahal na mahal ka rin nya. Noon pang mga bata pa kayo. Sa katunayan, i-ibinilin niya sakin na kung hindi na niya masabi sayo na mahal ka niya harap-harapan. Ako nalang ang magsabi sa sayo. Nak, nasabi ko na ha,sana matahimik kana ngayon. Love na l-love ka ni Mommy ha, alam kung pagod na pagod kana kaya hahayaan na kitang m-magpahinga," humahagulhol na pahayag ng Ginang.
Lalo namang tila nagsikip ang dibdib ni Donald dahil sa narinig mula sa ina ni Kyla.
Parehas lamang pala sila ng nararamdaman, nakakalungkot lang dahil huli na niya itong natuklasan.
Kung sana hindi niya pinagwalang bahala ang nararamdaman niya hindi na dapat pa humantong sa ganito.
Sana hindi nasayang ang mga panahong nalalabi ni Kyla.
Sana napasaya niya ito kahit sa kokonting panahon lamang.
Sana nasabi niya ang lahat-lahat dito.
Pero wala na, huli na ang lahat.
Dahil wala na ito, iniwan na siya nito ng tuluyan.
Sobrang sakit pero kailangan niyang tanggapin na hanggang doon nalang talaga. Kailangan na niyang magpaalam sa babaeng nagmahal ng palihim sa kanya na hindi niya natuklasan dahil sa sobrang kamanhidan niya.
"Paalam Kyla, paalam mahal kong Negrita. Mahal na mahal kita," hilam ang luhang bulong niya sa walang buhay ng si Kyla.
THE END