Isang araw...
"Kyla, parang may nagugustuhan nanaman akong babae," masayang pahayag nito sa kanya.
"T-talaga? Okey yan, buti naman tuluyan mo na syang nakalimutan," medyo nautal pa sya ng sabihin iyon.
Kinabahan kasi siya at nasisisyahan din, sa isip niya na siguro magtatapat na ito sa kanya.
"Oo Kyla, sasabihin ko sayo kapag ready na ako," nakangiti pa nitong sagot sa kanya.
Naging masigla ang bawat sandali para kay Kyla, araw-araw niya inaasam na sana magtapat na sa kanya si Donald.
Ngunit isang araw.
Nakita niya si Donald sa may gym may kasamang babae. Masayang naghaharutan ang mga ito. Agad na parang napakaraming karayom ang pakiramdam niya ay tumusok sa kanyang puso ng mga sandaling iyon.
Napansin siya ni Donald at masayang lumapit sa kanya ang dalawa.
"Kyla, si Celine nga pala. Girlfriend ko," sabi nito na parang bombang sumabog sa kanya. May karugtong pa ang sinabi nito pero parang naging bingi siya dahil hindi na niya iyon marinig. Tila natahimik bigla ang buong paligid, parang naging slow motion ang lahat.
Nanlamig ang buo niyang katawan at bigla-bigla tila nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Kasunod niyon ang biglang pagdilim ng paligid at pagbagsak niya ngunit may naramdaman siyang mga bisig na sumalo sa kanya. Napahiyaw naman ang mga tao sa gym.
"K-Kyla! Heeyy! Gumising ka!" alalang-alang sabi ni Donald sa kaibigan.
Butil-butil ang pawis nito na malalamig at namumutla ang mga labi. Ngayon lang niya lubos na napagmasdan ang kaibigan. Parang nangangayayat ito at maging ang mga mata ay medyo nakalubog na. Nanunuyot din ang labi nito pero naitatago nito iyon sa lip balm na ginagamit nito.
May tumawag ng ambulansya kaya hindi na siya ganong nagwoworry. Tumawag na rin siya s pamilya nito. Agad na napasugod doon ang Mommy nito na noo'y nasa malapit lang pala sa kanilang campus.
Gusto sana niya i-good time si Kyla, sasabihin niya na girlfriend niya si Celine kahit hindi naman. Gusto kasi niyang makita kung ano ang magiging reaksyon nito. Gusto muna niyang matiyak na may pagtingin din ito sa kanya bago siya magtapat dito.
Pakiramdam kasi niya na mahal na niya ang babae, oo at ayaw niya sa maitim pero handa siyang mahalin ang kung ano ang lahat ng meron ito. Maging ang kulay man nito. Lalo pa at ito ang nag-iisang taong dumadamay sa kanya kapag down na down siya. Tsaka nakapalagayan na niya ito ng loob. Parang sa bawat paggalaw niya ay nais niyang ito ang kasama.
Maitim man ito pero maganda ito,sexy,mabait at higit sa lahat matalino. Sa totoo nagugustuhan nga ito ng mga tropa niya pero syempre hindi siya pumapayag na ligawan ito ng mga ito. Nagseselos sya sa tuwing may mga lalaking nais itong ligawan kaya hinahabla nya agad ang mga ito ng palihim.
Pero dahil nga nasanay na siyang andyan lang ito palagi, hindi niya ito masyadong binibigyan ng importansya. Yon bang kahit hindi siya mag effort ei alam niyang mananatili lamang ito sa tabi niya. Kaya hindi niya napansin na unti-unti nagbabago ang itsura nito.