Simula noon, hindi na siya pinansin ni Angelika at palagi nalang nag-aaway ang dalawa dahil sa kanya. Hanggang sa nabalitaan nalang niya na nagkahiwalay na ang dalawa. Mahigit dalawang buwan palang ang mga ito pero heto at naghiwalay na.
Nalaman niya na kunyari lang pala si Angelika na pinagseselosan siya pero ang totoo, gusto na nitong kalasan si Donald dahil may bago itong target na maging toy. Toy talaga ang tawag nito sa mga nagiging jowa nito, sabagay hindi naman talaga ito nag-seseryoso dahil para lang itong nagpapalit ng damit kapag magpalit ng boyfriend.
Nagkamali siya ng akalang magseseryoso na ito kapag si Donald ang naging kasintahan nito.
Simula naman ng magkahiwalay ang mga ito, tila naapektuhang masyado si Donald. Nakikita niya ang paghihirap nito at kung papano nito tanawin nalang sa malayo si Angelika. May pinong sakit na kumukurot sa dibdib niya sa tuwing nakikita niya itong nasasaktan. Sa tuwing nakikita niya itong nahihirapan.
Kaya naman isang araw lumapit na siya dito para damayan ito. Agad naman itong napahagulhol ng mag open up sya dito. Nais pala siya nitong lapitan para may makaramay ngunit nahihiya naman daw sa kanya,lalo pa at nawalan na rin daw ito ng panahon noong sila pa ni Angelika. Hinayaan nalang niya ito, basta sa tuwing nalulungkot ito at kailangan nito ng karamay palagi diyang andiyan.
Sa tuwing nawawalan ito ng ganang mag-aral palagi niya itong pinaaalalahanan. Sa tuwing naglalasing ito siya ang palagi nitong kasama kahit pa hindi siya umiinom. Kaya softdrinks lang sa kanya habang nakikinig sa mga hinanakit nito sa buhay. Iyon bang sa bawat kibot nito ay andiyan siya palagi. Iyong sa bawat kailangan siya nito agad siyang dumarating. Minsan nga napapagkmalan na silang may relasyon kahit wala naman. Pero ang pasaway niyang puso ay naghahangad na sana nga ei totoo nalang na may relasyon sila. Pero malabo kasing mangyari ei, ayaw kasi nito sa negrang katulad niya.
Lalo pa at natuto ng makipagfling ngayon si Donald. Nasasaktan siya kahit ba sabihing fling lang iyon. Pero ang mahirap lang wala naman siyang karapatang masaktan. May mga time na para bang pinaparamdam sa kanya ni Donald na mahalaga siya. Na iyon bang parang may kung anong namamagitan sa kanila. Na palagi rin itong nagseselos sa tuwing may ilang lalaking nagpapalipad hangin sa kanya.
Feeling nya tuloy may relasyon na sila. Na mahal na rin sya nito pero mahirap kasi mag assume lalo pa at wala naman itong sinasabi. Pero sa tuwing wala siya hinahanap-hanap siya nito. Sa oras ng pagkain gusto nito palagi silang magkasabay. Talagang nagdadala ito ng pagkain sa bahay nila para lamang magkasalo silang kumain.
May mga panahong gusto na niyang magtanong dito kung ano na ba talaga sila? Na ano na ba ang lagay ng relasyon nila? Magkaibigan pa ba o ano? Pero palagi nalang siyang nauunahan ng hiya at kaba.