V. SEMILYA

2054 Words
"Bilis! Kailangan kong bilisan para makarating ako sa unahan! Hindi ako magpapatalo sa kanila! Langoy pa langoy!" Napakaraming semilya ang nag-unahang lumangoy patungo sa naghihintay na napakagandang liwanag na iyon. Libo-libo ngunit sa bawat paglangoy ay napakarami ang namamatay. Hanggang sa matira nalang ang ilang matitibay na maninisid,ngunit batid nila na isa lamang sa kanila ang magwawagi. "Bilisss! Langoy! Langoy! Kailangang ako ang mauna!" Sa mga iilang semilya na natira ay sumuko na rin ang iba, at iisa lamang ang naging masigasig na lumangoy ang napakaliit ngunit matikas na semilya na tuwang-tuwa ng magtagpo sila ng napakagandang liwanag na iyon. "Owel, hindi dapat natin ito ginawa, napakabata pa natin. Kense palang tayo at hindi pa natin kayang bumuo ng pamilya." umiiyak na pahayag ng nakahubad na si Gina sa kasintahang si Owel. Parehas silang Grade 9 student sa isang pampublikong paaralan. Mahigit tatlong buwan palang silang magkasintahan ngunit maraming beses ng hiniling ni Owel na may mangyari sa kanila nito. Mahal na mahal ni Gina si Owel pero hindi siya pumapayag sa kagustuhan nito. Ngunit isang hapong magkasabay silang umuwi galing paaralan, inabot sila ng malakas na ulan kaya napilitan silang makisilong sa isang maliit na abandonadong kubo sa gilid ng daan. Nabasa silang pareho kaya naman bumakat ang may kaumbukan ng dibdib ni Gina sa kanyang basang blouse. Doon na hindi nakapagpigil si Owel, nagsimula itong maging mapusok. Sa una ayaw ni Gina dahil alam niya na hindi iyon nararapat ngunit naging mapilit pa rin si Owel kaya naman heto nga at ilang beses na may nangyari sa kanila sa loob lamang ng dalawang oras na pananatili nila sa kubong iyon. "Ano ka ba Gina, mahal na mahal kita at pangako ko sayong hindi kita iiwan. Pakakasalan kita kahit saang simbahan,kaya wag ka ng mag-alala ha,tahan na." pag-alo nito sa girlfriend. Tumahan naman sa pag-iyak si Gina at pinanghawakan ang pangako ng mahal na kasintahan. Ngunit matapos ang pangyayaring iyon, napansin ni Gina ang biglang pagbabago ng kanyang kasintahan. Naging matabang na ito sa kanya at kadalasan ay busy na ito,wala ng panahon sa kanya. Hindi na nga siya nito magawang ihatid sa kanilang bahay. At kapag nagtatangka itong kausapin niya, agad itong umiiwas. Dalawang buwan ang matuling lumipas. Kinakabahan na si Gina dahil sa dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan ng kanyang buwanang dalaw. May mga napansin din siyang pagbabago sa kanyang katawan at napapadalas din ang kanyang pagkahilo. Agad siyang bumili ng pregnancy test sa isang botika, kinakabahan siya ngunit kailangan niyang makatiyak. Kailangan niyang malaman kung tama ba ang hinala niya o hindi. Nang makabili siya, agad niyang inalam kung papano ang pagamit. Nasa banyo siya ng kanilang school noon. Ilang minuto lang at gumuhit na ang dalawang linyang pula sa pregnancy test na kanyang binili. Confirm,buntis nga siya. Agad na tumulo ang kanyang luha,namalisbis iyon sa kanyang magandang mukha. Sa kanyang isip napakaraming naglalarong katanungan. Anong sasabihin ng kanyang mga magulang? Paano na ang kanyang kinabukasan? Papano na ang pangarap ng kanyang Inay sa kanya? Papano na ang pangako niya sa mga itong magtatapos siya? Papano ang baby?Hinayaan niyang tumulo ng tumulo ang kanyang luha, ilinabas niya ang lahat-lahat sa banyong iyon. Nang medyo okey na ang kanyang pakiramdam, saka siya nagpasyang lumabas ng banyo at buo ang kanyang loob na kausapin si Owel. Parang may kung anong bagay ang tumusok sa puso ni Gina ng makita ang kasintahan,agad na namalisbis nanaman ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Nakikipaghalikan ito sa isang kapwa estudyante,kung hindi siya nagkakamali isa ito sa classmate ng lalaki. Linakasan niya ang kanyang loob, pinahid muna niya ang luha at saka lumapit sa mga ito."O-Owel, p-pwede ba kitang makausap?" nauutal na sabi niya. Kunot noo itong bumaling sa kanya. "Ano bang kaylangan mo?!" pabulyaw na sabi nito sa kanya. Parang nais nanaman niyang maluha dahil sa inasal nito. Dapat nga siya pa ang magalit dito pero parang nabaliktad pa yata dahil siya pa ang nabulyawan. Pinagwalang bahala niya iyon. "May mahalaga lang akong sasabihin sayo. Pwede ka bang makausap,yong tayong dalawa lang?" seryosong pahayag niya. Napansin naman yata nito na seryoso siya kaya pumayag ito. "Babe, kita tayo mamaya ha. May pag-uusapan lang kami saglit," malambing na sabi nito sa babaeng kahalikan nito. Parang nais niyang manapak ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang kagustuhang makausap ang lalaki kaya pinagwalang bahala na lamang niya iyon. Nang makaalis ang babae, umupo siya sa tabi ni Owel na para namang nainis dahil sa pag-upo niya ng walang paalam. " Ano bang drama nanaman yang sasabihin mo Gina? Bilisan mo lang at may gagawin pa ako." walang emosyong tanong nito sa kanya. Tila inip na inip at tila nais na agad nitong umalis siya. Parang pinipiga ang kanyang puso pero tiniis niya iyon dahil iba ang pakay niya dito. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "B-buntis ako Owel, magdadalawang buwan na. A-Anong gagawin natin?" nauutal na pahayag niya dito. Tila gulat na gulat itong biglang napabaling ang mata sa kanya. "Tang*na! Anong buntis ang sinasabi mo?! Sigurado ka bang ako ang ama nyan?!" galit na asik nito sa kanya. Biglang tila sumulak ang dugo ni Gina, pagkatapos ng lahat-lahat ito lang ang sasabihin ng lalaking ito sa kanya. Pagkatapos nitong makuha ang pinakaiingatan niyang p********e at paulit-ulit nitong angkinin iyon, maghihinala pa itong hindi ito ang ama ng pinagbubuntis niya. Sa galit niya bigla niya itong nasampal ng napakalakas. Tila natulig naman ito sa lakas ng pagkakasampal niya. Uulitin pa dapat niya itong sampalin ngunit agad nitong nahawakan ang kamay niya at nanlilisik ang mata na tila gaganti ng sampal sa kanya. "Hoy babae! Kung inaakala mo na pananagutan ko ang ipinagbubuntis mo! Pwes! Nagkakamali ka! Mahal ko pa ang kalayaan ko noh, tsaka hindi pa ako handa maging isang ama. At saka hindi ko nga natitiyak kung ako ang ama nyan, malay ko bang pagkatapos mong ibigay sakin yang puri mo ei nagpagalaw ka rin sa iba! Wag ako Gina! Wala kang mahihita sakin, kung ako sayo ipalaglag mo nalang yan!" galit na bulyaw nito sa kanya,tsaka iwinaksi ang kanyang kamay at mabilis na tinalikuran siya. Naiwang umiiyak si Gina, tuliro ang kanyang isipan. Lalo pa at ang kaisa-isang pag-asa niya ay naglaho pa. Pag-asang pananagutan siya ng kasintahan, sising-sisi siya kung bakit nagpadala siya sa tawag ng laman. Kung hindi lamang sana siya pumayag noon,hindi sana ito mangyayari sa kanya. Lumipas pa ang isang buwan. "Oho..oho..oho... Inay! Bakit po kayo nagsisigarilyo? Hindi nyo po ba alam na bawal iyan sakin? Parang awa nyo na po,itigil nyo na iyan! Hindi na po ako makahinga... Oho..oho..oho..." Natuto ng magbisyo si Gina, lalo pa at nabarkada na siya sa kanyang mga kaklaseng lasingera at mga palasigarilyo. " huhuhu... Inay ko, napakasikip po. Hindi na po ako makahinga,bakit nyo po ba tinatalian ang inyong tiyan? Nakalimutan nyo na po ba na may baby sa loob ng tiyan ninyo? Nakalimutan nyo na po ba ako Inay? Huhuhu, tama na po,hirap na hirap na po ako. " Parati niyang suot-suot ang garter na iyon. Isang malapad na garter na sapat lang para maipit ang kanyang tiyan upang maitago ang patuloy na paglaki nito. Hindi maaaring matuklasan ng kahit sino na buntis siya kaya naman todo ingat siya sa pagtatago kaya palagi niya itong iniipit. Hanggang sa isang araw, naging topic nilang magbabarkada ang tungkol sa pagpapalaglag ng bata. Nakinig ng mabuti si Gina kung papanong naipalaglag mag-isa ng isa sa kanilang barkada ang tatlong buwang ipinagbubuntis nito. Nagtanong siya kung saan nakakabili ng ininom nitong gamot na pampalaglag daw ng bata, kunyari patay malisyang nagtanong siya para hindi siya mahalata. Sinagot naman nito iyon,at itinuro pa mismo kung papano inumin. Mga ilang sandali pa at nagpaalam na siya sa mga ito,ang sabi niya ay may gagawin lang siyang assignment pero ang totoo,pupuntahan niya ang itinuro nitong tindahan ng gamot pampalaglag ng bata. Sa halagang 150 pesos, ngayon nasa kamay na niya ang tatapos sa kanyang problema. Kaya naman tila demonya siyang nakangisi habang nakatingin doon. Napahawak siya sa tiyan ng tila may pumintig doon, agad na tila nagtalo ang kanyang kalooban. Lumambot ang kanyang anyo at namalisbis ang luha sa kanyang pisngi. "Patawad anak, ngunit hindi ka nararapat na isilang sa mundong ito. Marami pa akong mga pangarap at magiging balakid ka lang sa mga pangarap na iyon," lumuluhang sabi niya habang hinahaplos ang tiyan. Agad niyang tinungga ang laman ng botelyang naglalaman ng halamang gamot na may kakayahang maglaglag ng bata sa sinapupunan. "Uggh! I-inay! N-nahihirapan po akong huminga. A-ano po ba ang ininom nyo? Ahh, ang sakit po Inay! Huhuhu, parang dinudurog po ang katawan ko. Hindi nyo po ba ako mahal Inay? Gusto nyo po ba akong mawala? Huhuhu, bakit po ba kayo ganyan Inay. Kaytagal kong hinintay na masilayan kayo,kaytagal kong inasam na madama ang yakap nyo. Wag po! Inayyy..." Ramdam ni Gina ang pagtalab ng gamot sa kanyang sinapupunan, matinding p*******t ng tiyan ang kanyang nararamdaman pero tiniis niya iyon. Sinunod niya ang sinabi ng kanyang barkada na hilutin niya ang kanyang tiyan pababa. "Inay, tama na po..huhuhu,sobrang sakit na po. Hindi ko na po kaya pang kumapit,bakit po ba pinipilit ninyong hilutin ang tiyan ninyo? Wala na po akong lakas, hindi ko na po kayang kumapit. Sana manlang hinayaan ninyo akong masilayan ko kayo? Ano po ba ang naging kasalanan ko,bakit kayo nagagalit sa akin? Naging masaya naman kayo habang ginagawa ninyo ako ni Itay diba? Pero bakit ngayon, pinipilit ninyo akong ilaglag. Ngayon, wala na akong lakas pang kumapit, napakasakit ng katawan ko at parang akoy madudurog na. Paalam aking Inay. Paalam...." Biglang bumulwak ang malaking dugo sa kaselanan ni Gina,kasabay niyon ang tila hugis butiki, iyon na nga ang fetus. "Tagumpay! Wala na! Natanggal ko na!" masayang-masayang bulalas niya. Agad niyang binuhusan ng isang timbang tubig ang inidoro. Lumubog doon ang kaawa-awang fetus na hindi manlang binigyan ng karapatang masilayan ang mundo. Sampung taon ang matuling lumipas. "Mrs. Gina Olarte, ikinalulungkot ko pong sabihin sa iyo na may ovarian cancer po kayo. Ito ang dahilan kaya kahit limang taon na kayong kasal ay hindi pa rin kayo magkaanak ng inyong Mister," malungkot na pahayag ng Doctor. "Po? A-ano pong ibigsabihin ninyo Doc? S-siguro naman po may lunas pa sa sakit na yan diba? Siguro naman po kapag nagpagamot ako, may chance pa rin na magkaanak kami ng aking asawa diba?" naiiyak na tanong ni Gina sa Doctora. Nagpakunsulta na si Gina sa isang obgyne dahil kahit anong try nila ng kanyang Mister na magkaanak ay hindi pa rin siya mabuntis-buntis, isa pa may nararamdaman din siyang nananakit sa loob ng kanyang tiyan. Ngunit hindi niya inaasahan na ganito ang magiging resulta ng lahat. Napailing ang Doctora. "Patawad Mrs, pero kailangan po nating tanggalin ang inyong matres sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat. Magiging sanhi po kasi ito ng inyong kamatayan kapag hindi pa natin ito naoperahan," malungkot na muling pahayag ng Doctora. Pakiramdam ni Gina ay pinagsakluban siya ng langit at lupa ng marinig ang sinabi ng Doctora. Agad na nanariwa sa kanya ang nakaraan. Ang nagawa niyang napakalaking kasalanan ng ipalaglag niya ang kanyang anak. Kung hindi lamang sana niya ito ipinalaglag, sana ay may anak na siya. Kung itinuloy nalang sana niya itong buhayin sana malaki na ito at may tatawag na sa kanyang Mommy. Ngayon, hinding-hindi na niya mararanasan ang magkaron ng sariling anak at hindi rin niya mararanasan ang tawaging Mommy. Maging ang kanyang relasyon sa kanyang asawa ay manganganib kapag nalaman nito ang kanyang totoong kalagayan,na wala na siyang kakayahang bigyan pa ito ng anak. Lalo pa at gustong-gusto na nitong magkaanak. Agad siyang napahagulhol. "Ito na ba? Ito ba ang tinatawag na karma? Ito ba ang parusa ng Diyos sa kasalanang nagawa ko noon? Patawad po Diyos ko. Patawad anak ko," punong-puno ng paghihinagpis na sabi niya sa sarili. Sising-sisi siya sa nagawa. Ngunit magsisi man siya, huli na ang lahat, dahil hindi na maibabalik pa ang nakaraan. THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD