"Ayoko na! Lagi nalang tayong ganito! Lagi mo nalang binabalewala ang mga sinasabi ko!" galit na pahayag ni Karen sa kasintahang si Rollan.
"Bakit? ML lang naman ang libangan ko ah! Ikaw nga napakarami mong kachat na sinasabi mo kaibigan,bakit nagreklamo ba ako?!" galit ding sabi nito sa kanya.
"Ano ka ba? Mga kaibigan ko lang sila diba? Ikaw lang naman ang mahal ko ah!" naiinis na paliwanag niya dito.
"Kaibigan! Kaibigan ba yong nag iilove youhan kayo sa chat?! Ako hindi na ako nakikipagchat pa simula ng maging tayo. Dahil ayokong may masabi ka o magselos ka! Pero ikaw... Ikaw... Hay bahala ka nga!" galit na sabi ni Rollan.
Mahigit isang taon ng magkasintahan ang dalawa, nagkakilala sila sa f*******: hanggang sa nagchat na sila at nagkagustuhan. Naging sila na at ngayon nagkikita na rin sila dahil magkalapit lang naman sila ng lugar. Noong una naging masaya, naging napakakulay ng mundo nilang dalawa kahit sila lang. Ngunit dumating ang araw na nagkaron ng ibang mga kaibigan si Karen. Doon na nabahiran ang lahat, kahit kaibigan lang kasi iyon ni Karen para kay Rollan hindi iyon maganda dahil selos na selos siya sa mga kaibigan nito.
Hanggang sa nawalan na rin ng time si Rollan sa kay Karen, naging gamer na kasi ito. Naadik sa ML, kung dati-rati kapag nagkikita silang dalawa, si Karen ang walang time kasi kahit nagdidate sila kachat nya pa rin ang mga kaibigan. Kahit pa magkausap silang dalawa minsan nawawala sa topic dahil na rin sa kabusyhan niya. Ngayon, naramdaman na rin ni Karen ang mga nararamdaman ni Rollan noon. Naramdaman na rin niyang nawawalan na ng time at gana si Rollan na kausap siya. Ngayon nasusumbatan na siya nito,na never nito ginawa noon. At sumasagot na rin ito kapag napagsasabihan niya,samantalang noon tamimi lang ito at susuyuin na siya pagkagalit siya.
" Love, bakit yata nag-iiba ka na? Dahil lang sa ML na yan, nagkakaganyan ka na?!" nagtatampong sabi niya. Kasi naman, siya itong galit pero mas galit din ito sa kanya. Dati naman hindi nito sinasabayan ang galit niya. Naiyak tuloy siya. Ngayon alam na niya ang pakiramdam ng mga pinaparamdam niya dito.
Napatingin si Rollan sa kasintahan. Parang dinudurog ang puso niya ng makitang tumulo ang luha nito. Gusto na niya itong yakapin at icomfort pero tinikis niya ang nararamdaman. Gusto kasi niyang iparamdam dito na hindi tama ang mga pinagagagawa nito. Kung mahal talaga siya nito, ibibigay nito ang oras sa kanya. Sinadya niyang maging kunyari adik sa ML para matauhan ito.
Alam niyang mali ang gumanti, pero gusto lang niyang bigyan ito ng leksyon. Pero heto at gusto nitong itigil niya ang paglalaro samantalang ito ay hindi nagpapatinag sa pakikipagchat sa mga kaibigan nitong lalaki. Simple lang naman ang hinihingi niya ei, Simpleng time lang nito. Kahit hindi palagi kahit manlang ba,kapag time nila ei hindi nito kakausapin ang mga kaibigan nito. Pero kadalasan kasi namumuti na ang mata niya kakahintay ng reply nito dahil mas inuuna nito ang mga kaibigan nito.
"Ikaw din ang dahilan kung bakit ako nagkaganito Karen, hindi ako ang nagkulang kundi Ikaw." malamig na pahayag niya sa kasintahan tsaka tumayo siya sa upuan at iniwan ito.
Naiwang umiiyak si Karen, ngayon niya napagtanto na hindi na pala talaga normal kung anong meron sila. Ngayon niya narealized na kasalanan din pala talaga niya. Mahal na mahal niya si Rollan at hindi niya kayang mawala ito. Pero sa tingin niya,unti-unti na itong nawawala ng dahil sa katangahan niya.
Pinahid niya ang luha, sa isipan niya babawi siya. Babawi siya dito, pipilitin niyang ibalik ang dating meron sila.
Dumating ang ika 1 year and 2 months nila. Tinawagan niya ito na sa may park nalang nila icelebrate ang kanilang monthsary. Nahimigan niya ang excitement sa boses nito. Napangiti siya,mahal pa rin talaga siya nito.
Napatingin siya sa regalong binalot niya para dito, siguradong matutuwa ito kapag nakita iyon. Isa iyong couple t-shirt na pinasadya pa niya para sa kanilang dalawa.
Nag-ayos na siya at ng matapos nagtungo na siya sa park. Alam nyo yong pakiramdam na habang naglalakad ka sa park naaalala mo lahat ng nakaraan ninyo. Iyong pakiramdam na gustong-gusto mong balikan ang lahat. Ngayon alam na niyang mas liligaya pala siya sa piling ng kanyang kasintahan kesa sa mga kaibigang hindi niya alam kung totoo sa kanya.
Umupo siya sa upuang sementong andon, doon niya balak hintayin si Rollan. Gustong niyang makita ang masaya nitong ngiti habang papalapit sa kanya. Kinuha niya ang cellphone na nasa kanyang bulsa ng magring iyon.
Napangiti siya ng mapagtantong si Rollan ang tumatawag.
"Hello love! Asan ka na?!" excited na tanong niya dito.
"Hello Ms? Kakilala nyo po ba ang may ari ng cellphone na ito?" tanong ng isang lalaki sa kabilang linya.
Napakunot ang noo niya.
"B-Bakit iba ang sumagot?" tanong niya sa sarili.
"O-Opo, girlfriend nya po ito. S-Sino po sila?" kinakabahang tanong niya.
"Miss, wag po sana kayong mabibigla. Patay na po ang boyfriend nyo, tumawid po siya bigla at nabangga ng isang truck na paparating. Pakiinform nalang po sana ang kanyang pamilya," sabi ng lalaki sa kabilang linya na tila bombang sumabog sa kanyang pandinig. Agad siyang napaiyak ng malakas at paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ng kasintahan.
May mga sinabi pa ang lalaki pero hindi na niya iyon maintindihan. Wala siyang gustong gawin kundi ang puntahan ang kanyang si Rollan sa sinabing lugar kung saan ito nabangga. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao, kahit pa naghalo na ang sipon at luha niya wala siyang pakialam.
Nanginginig pa ang kanyang tuhod pero pinilit niyang makatayo tsaka mabuway na naglakad patungo sa may labasan ng park. May pilahan ng tricycle sa labas kaya kelangan niyang makarating doon.
Naiinis lang siya dahil parang nangangatog ang tuhod niya, kelangan pa naman niyang magmadali.
"Andiyan na ako love, darating ako! Sasamahan kita dyan, patawarin mo ako sa lahat-lahat. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko, sana pala hindi kita binalewala noon. Mahal na mahal kita, oh Dyosko!" malakas na palahaw niya,wala siyang pakialam sa mga taong nagtitinginan sa kanya.
Dahil parang nangangatog pa ang tuhod niya, naout of balance siya ng matalisod sa isang ugat na nakausli sa kanyang dinaraanan. Napaluhod siya. Nasugat ang kanyang tuhod pero hindi niya ramdam iyon, tatayo nalang sana siya ng may dalawang pares ng sapatos ang nakita niya sa kanyang harapan. Tiningala niya ito ngunit dahil sa sinag ng araw na tumatama dito ay hindi niya namukhaan. Tinulungan siya nitong makatayo at laking gulat niya ng mapagsino ang lalaki.
"R-Rollan! Mahal ko! B-Buhay ka?!" bulalas niya.
"Ano bang tanong iyan love? Bakit ka ba umiiyak?" naguguluhang tanong nito sa kanya.
Agad niya itong yinakap ng buong higpit.
"Diyos ko! Salamat po at buhay sya! Pangako hinding-hindi ko po sasayangin ang second chance na binigay nyo!" malakas niyang sabi habang humahagulhol.
Naguguluhan naman si Rollan sa inaasal ng girlfriend niya pero masaya siya dahil muli niyang nadama ang importansya niya dito. Hinagod-hagod niya ang likod nito at parang batang pinapatahan na sa pag-iyak. Nang mahimasmasan ito, inalalayan niya itong maupo sa isang bench na nandoroon.
"Love, tahan na ha. Sorry kung natagalan akong dumating. Actually na snatch ang cellphone ko pagkababa ko ng jeepney, sinubukan kong habulin pero hindi ko naabutan, kaya hindi ako nakapagtext manlang o chat sayo," sabi niya dito.
Napatitig naman si Karen sa kasintahan, at muli nanamang napahagulhol. Kung kanina ay iyak ng paghihinagpis, ngayon naman ay naiyak siya sa kasiyahan. Dahil nabigyan pa siya ng pagkakataong bumawi sa pinakamamahal niya. Nabigyan pa siya ng pagkakataong ipadama dito ang kanyang pagmamahal.
"Pangako po Diyos ko, iingatan ko na sya at pakamamahalin. Salamat po, salamat sa pangalawang pagkakataon," usal niya sa sarili.
Nakakunot lang ng noo si Rollan habang nakatingin sa kanya, marahan niya itong hinagkan sa labi. Kalakip ng halik na iyon ang pagsisisi sa kanyang mga nagawa dito.
THE END