"UMAYOS KA KASE nang paglalakad." ani Ria kasabay ng palad nitong itinaas ang baraso ko papunta sa balikat nito.
"My God Sabrina! Kung alam ko lang na maglalasing ka at hindi ka magtitira nang pang uwe mo, hindi sa na kita dinamayan! Nakakainis ka! Parang tubig lang saiyo ang alak!" dinig niyang bigkas ni Ria na may halong pagkainis, habang hawak siya nito sa bewang.
"I'm not drunk Ria," hindi maideretsyong bigkas niya sa kaibigan. "Relax girl. B-buhay pa ko, no!"
"Really? Hindi ka lasing? Hindi ka nga makalad nang diretso," sarkastikang sagot nito.
"Lakihan mo ang paghakbang para marating natin kaagad ang kotse ko. Iiwan ko ang kotse mo rito at ipakukuka ko kay Manong!"
"Kaya k-ko naman kasi magdrive Ria. P-puwede mo naman akong bitawan. Kaya ko pang umuwe." kandabulol niyang bigkas.
"Can you stop Sabrina! Sasakay ka sa sasakyan ko."
"N-no! I will d-drive my c-car!" pero hindi nito siya pinakinggan ang sinabi ko. Pabalya siya nitong ipinasok sa loob ng sasakyan nito at saka nilagyan ng seatbealt.
"Ria!"
"Magpahinga ka d'yan! Subukan mong magwala d'yan, itatapon kita sa ilog!" asik nito.
"A-bat!" nakapikit na sabi ko. Ramdam ko ang pagkahilo at kung mauuga ako nang bahagya baka tuluyang dunuwal ako.
"Ano? Gusto mo?! Gagawin ko talaga 'yan pag nagpumilit ka pa! Magpahinga at ihahatid na kita sa inyo." sa huli malamlam na ang boses nito sa kaniya.
"Hays! Wala na talaga ako'ng kakampi. Lalo na at d-dumating na ang lalakeng 'yon! B-bakit para bbalikan ako?! Tsk! No way!" may pagka bulyaw sa boses ko.
"Ano pinagsasabi mo? Matulog ka na nga d'yan! Medyo malayo pa tayo." dinig niya rito.
"Ria please, ibalik mo ko sa kotse ko."
"Alam mo sa tagal nating magkaibigan ngayon na lang ulit kita nakitang naglasing. At pinagsasanayan mo talaga ulit! Para saan?"
"Nagbalik na siya."
"Oo! Talagang babalikan ka nang mga tauhan ninyo dahil sa ugali mo!"
"Si Thunder."
"Ang dami mong naiisip at nasasabi, bakit pa 'yang lalake na 'yan ang babanggitin mo? Laseng na laseng ka na talaga Sab. Hays!"
"Sabi ko sa 'yo 'di ako lasing Ria, nahihilo lang ako!" pagalit na bigkas niya. Ngunit wala na siyang narinig na sagot mula kay Ria. Hanggang sa naipikit na niya ang dalawang mata. Hindi na nga niya alam kung paano siya nito naibaba sa kotse nito at naipasok sa loob ng bahay nila.
Nahihilong napamulagat siya ng dalawang mata kasabay ng palad na tumaas at idinako sa sintido nang kaniyang ulo.
Paano siya nakauwe kahapon?
Dahang umalpas siya nang tayo sa pagkakahiga. Nabungaran niya ang kaniyang ina sa malaking sala na nakaupo.
"Good morning hija," malamlam na bati nito sa kaniya.
"Good morning mom," balik bati naman niya saka tumalikod at nagtungo ulit ng kuwarto niya. Para siyang tanga, after niyang tumayo sa pagkakahiga hayun at babalik ulit siya ng kuwarto.
Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya ng magsalita ito dahilan para mapahinto siya.
"Why did you get drunk yesterday? Kailan ka pa natutong uminom?" tanong sa kanyang likuran.
Oo nga pala? Bakit siya uminom ba kahapon?
Humarap siya rito at humakbang papalapit ulit sa ina.
"Sorry mommy, nagpag tripan lang namin ni Ria kahapong uminom. Dont worry, kaya ko ang nakabadyang problema sa atin. May nakuha na akong bagong abogado para sa taksil natin mga tauhan," aniya sa boses may pagmamayabang.
"Hija."
Mabilis siyang sumagot, alam na niya ang isusunod at ipipilit nito sa kaniya.
"Mom, kahit anong ipilit mo. Never ko'ng i give up ang bagay na para sa atin. Alam mo kung gaano kahalaga ang Hacienda Imperial at ganoon na ipaubaya iyon sa mga tauhan ni daddy. Mom, huwag ninyong ipilit ang gusto ninyo kung pati tayo ay magkasamaan nang loob. Please." paliwanag niya.
"My love daughter, listen to me please. Ang gusto ko maging tahi—."
Inagaw niya ang sasabihin nito, "No mommy!" saka umiling, " I said no! Ilalaban ko ang karapatan natin. Tayo ang nagmamay-ari no'n," madiin bigkas niya saka walang paalam na tumalikod ulit sa ina.
"Sabrina!" tawag nito sa kanya.
"I'll take a shower first then we'll eat breakfast together mommy." malayong sagot niya.
Nagdiretsyo siya sa banyo. Isa-isa niyang hinubad ang kasuotan. Walang pagbabago sa kaniyang mukha. Bilugan na tila ba isang manika ang itsura niya, manipis na labi na akala mo'y binahidan ng pampapula, idagdag pa ang kaniyang pilik mata na nababagay naman sa kaniyang kilay na tila ginuhit lang at maayos tingnan kahit hindi naman ginagalaw.
Lumipas ang sampong taon lalong tumingkad ang kagandahan niya at lalong naging mahubog ang kaniyang katawan na nababagay naman sa kaniyang harapan. Ilang mayayamang binata na rin ang sumubok na paibigin siya ngunit ni isa wala siyang matipuhan.
Seryosong inabot niya ang sabon saka ipinahid sa buong katawan. Agaran napahinto siya ng biglang sumagi sa ala-ala niya ang sasakyang nakita sa harapan ng bahay nang dating nobyo.
Inis na binagsak niya pabalik ang sabon at pinihit ang hawakan ng shower. Sinindihan niya ito para mawala ang galit na unti-unting sumisibol sa kaniyang dibdib.
Paano nga kung totoong nagbalik bansa na nga ito?
Paano kung magkabanggaan sila nito?
Paano kung pansinin siya nito at anong isasagot niya?
Paano kung may pamilya na ito at siya'y wala pa?
Ano naman ngayon kung wala pa siyang asawa?
Hindi naman siya ipinanganak na may lalake na kaagad sa buhay niya na 'di tulad nito, sperm pa lamang ito sa sinapupunan ng ina nito ay may babaeng nakalaan na para rito!
Pabalya niyang pinatay ang shower!
Sampong taon na ang nakaraan! Dapat na niyang iwaglit ito sa isipan!
Lumabas na lamang siya ng banyo kesa balutin na naman siya maghapon ng galit, wala naman patutunguhan maganda ang nasa kaniyang isipan. Maaalala niya ito, pero malabong magiging interesado pa siya rito.
Pagbukas pa lamang niya ng pintuan, umalingawngaw na ang boses ni Asteng sa kanilang bahay. Muli, headline na naman ito sa telebisyon. Hindi talaga dadaan ang isang araw na hindi ito ipalabas sa telebisyon.
Mabilis na nangalit ang bagang niya at mabilis na naglakad papunta sa malaking sala dahil doon malapit ang kuwarto niya. Inabutan niya doon ang kaniyang ina na mataimtim na nakatitig sa malaking screen.
"Hindi talaga sila titigil anak," bigkas nang kaniyang ina nang patayin nito ang telebisyon.
Umaalon dibdib nang lapitan niya ito at hinawakan sa bewang dahilan para mapayakap naman ito sa kaniyang katawan. Saka niyayag niya ito papunta sa kusina.
"Mommy, huwag mong i stressed ang sarili mo sa kanila. Nag-iisa ka na lang sa buhay ko. Matulog ka nang mabuti, kumain ka nang marami. Mag shopping ka kung ikagagaan ba ng loob mo."
"Hindi ko maiiwasang mag-isip hija, lalo na at maraming tauhan ang makakalaban natin. Kaya makinig ka sa 'kin anak."
Umiling na naman siya. "Mommy, mag - uumpisa ba na naman tayo?" binitawan niya ito dahil nasa harapan na sila ng hapag kainan.
"Manang Nely, pakidalhan naman ho kami ng ilang service spoon!" hiyaw niya sa matandang katulong nila na nagpalaki sa kaniya.
Nanakbo papalapit ang matanda sa kaniya dala ang inuutos niya.
"Kumain na ho ba kayo? Sumabay na ho kayo sa amin ni mommy." dito lang siya mabait. Dito lang siya nakaramdam nang totoong pagmamahal bukod sa kaniyang ina. At bukod doon ito lang ang nakakaalam ng sikreto niya kay Thunder bukod kay Ria.
"Hindi na hija, busog pa ako at katatapos ko lang magkape." sagot naman ng matanda sa kaniya.
"Manang, mamaya ho dalhan ninyo ako ng miryenda sa kuwarto ko." malamlam na utos niya rito. Kilala na siya nito sa ganoong umpisa nang pag uutos siya.
Nakangiting tumango ito sa kaniya saka nagpaalam at tumalikod. Nag umpisa siyang kumain.
"Bakit nagpalit ka ng abogado nga pala? Inurungan na ba tayo ni Mr. Ching?" umpisang tanong ng kaniyang ina.
Natigilan siya sa pagsubo nang marinig iyon. Mabilis na umiling siya habang nakangiting nakatingin sa ina. "Of course not, mom! Naisip ko, subukan naman natin ang ibang abogado. Magpahinga na muna siya."
Tumango naman ito sa kaniya. Maya't nagsalita din.
"Nakausap ko si Olivia," asawa ito ng kabigan ng kaniyang ama. "May kakilala ito na magaling na abogado. Si Atty. Della Penna ang binabanggit nito at apaka husay daw nito. Kung magpapalit ka puwede natin iyon kuhanin."
Napakunot siya sa narinig na apelyedo. Bigla niyang naisip ang dating kasintahan dahil apelyedo nito iyon, ngunit malabong maging abogado ito dahil hindi nito pangarap maging abogado.
"No thanks, mom. May nahanap na po ako, at alam kong mas magaling ito kay Mr. Ching maging sa nirerekomenda ninyo."
At ayaw din niyang may makuminikasyon sa ganoong apelyedo. Allergy siya sa mga apelyedong ganoon.
Tumango na lamang ito sa naging desisyon niya.