PROLOGUE.
"Breakfast is ready! Halika't umupo ka na, Sabrina." masayang bungad na paanyaya nang kaniyang ina habang padulog siya pababa nang kanilang hagdan.
Nasa second floor ang mga kuwarto nilang tatlo maging ang dalawang kuwarto para sa mga bisita. Samantalang ang malaking kusina at sala naman ay nasa ibaba. At ang third floor naman nila ay masasabing rooftop, para iyon sa mga kaibigan nang mga magulang niya na naglalaro nang nakahiligang laro.
"Hija, maupo ka na anak." senundan namang tawag nang kaniyang ama habang nakadulog na ito sa hapag kainan.
Tinapunan niya ito ng sulyap ngunit patuloy pa rin sa paghakbang. Imbes na sumunod sa pag-anyaya ng mga ito, bahagyang itinaas niya ang kanang kamay para sipatin ang pulsuhan kung anong oras na ba.
Mag a-alas syete na ng umaga. Kaunti na lamang at male-late na s'ya sa school nila!
"Dad, maybe next time na lang po! Masyadong late na po para sa akin ang almusal. Pero promise po Dad and Mom, pag wala po kaming exam this week at hindi gaanong maaga, promise makikisabay po ako sa n'yo ni Mommy." saka inayos ang bagpack na nakasabit sa isang balikat samantalang ang isa ay nakatanggal na tila ba ang bigat ng dinadala. Nakita niyang nagkatinginan lang ang mga ito. Hindi na niya nahintay sumagot ang ama ng magapalam na siya.
Ang exam nila ay para sa third quarter ngunit hindi lang iyon ang kinasasabik niya sa araw- araw na pagpasok.
May pinag usapan kase sila ng nobyo'ng si Thunder. Mamamasyal sila ngayong araw dahilan anniversary nila. They have been together for three years now, since first year high school ay nobyo na niya ang kambal. Kung paano sila ka sweet nito gano'n din kung paano nila isekreto ang relasyon sa mga magulang. Sila na mismo ang nagpasyang pag nasa tamang idad na sila doon nila ipaalam sa mga ito.
She is fifteen years old and Thunder is seventeen years old na mas matanda sa kaniya ng dalawang taon. Hindi sila magkaklase pero pareho silang third year high school. Mabilis siyang dumulog pa loob sa school bus na nakaparada sa labas ng gate nila na naghihinay sa paglabas niya. Nuon pa 'man hadlang na ang kaniyang ama na mag school bus siya. Pito ang sasakyan nila at may family driver pa sila bukod doon nag- iisa siyang anak kaya sobrang protective nang mga ito sa kaniya.
Pero s'ya 'yung taong ayaw na nasasakal at bini- baby. Except to Thunder.
"Good morning baby girl. Happy anniversary again" Nangingiting pagbati na galing sa binata nang buksan niya ang message nito. "Nasa school ka na ba?" bago niya nireplayan iyon binuksan niya ang bintana na sa gilid niya dahil dadaan ang bus sa harapan ng bahay nito.
Lumuwang ang pagkakangiti niya nang madaanang makita ito at kumaway pa sa kaniya na may halong pag kindat. Alam na nito ang school bus na sinasakyan niya. Naiiling na nag typing siya.
"Good morning, baka gusto mo nang sumunod?" pagsusungit niya sa pagta-type.
"Hindi naman masyadong maaga 'yung exam namin, baka after exam doon na lang tayo sumibat. Galingan mo sa pagsagot baby girl." paalala nito sa kaniya.
"Naku! Nagpaalala ang magaling! Ako nga dapat magsabi niyan. Nagreview ka na ba?"
Nagtagal ito sa pagsagot ngunit nagreply din, "E, kung sabihin ko'ng hindi, dahil kakaisip ko sa'yo."
Lalo siyang nakaramdam nang pag iinit ng pisngi. Kinikilig siya sa nabasa, hindi niya alam kung ano tuloy ang isasagot niya. Sobrang saya niya dahilan ito ang naging nobyo niya at ito ang kauna unahan niyang minahal. Para sa kaniya ito na ang una at huli na mamahalin.
"Ako pa talaga ang may kasalan, huh?!Nasaan ka na ba?" reply niya habang pababa na siya ng school bus. Nakatuon ang paningin niya sa cellphone na hawak.
"Sa harapan mo." eksaktong pagbasa niya sa text message nito kasabay ng paghakbang sa pangalawang hakbangan ng bus. Nabangga siya sa katawan ni Thunder at mabilis naman siya nitong niyakap pababa para hindi siya matumba. May sarili itong sasakyan katulad ng kambal nitong si Xander ngunit iba nga lang ang kulay.
Halos naman sa buong campus alam na mag -on sila ng binata. Ayaw na sana niyang ipaalam sa lahat ngunit hindi naman payag si Thunder lalo na pag program sa school nila, isa na doon ang JS. Ayaw nitong mapupunta siya sa ibang lalaki. Isa iyon sa nagiging alitan nilang dalawa pag nakikita nitong may kausap siyang ibang lalaki.
"Kainis ka!" sabay tapik niya sa balikat nito, habang ito naman ay mabilis na nadaop palad ang kanang kamay niya.
Nagawa na niyang magkasabay sa paglakad papasok sa loob ng school. Pansin niyang nakamasid ang ibang babae sa kanila, nababasa niya sa mga mata nang mga ito ang pagka kilig.
"May oras pa mahal ko,"sabay kindat nito. Alam niya ang kindat na 'yun.
"Nagreview ka na ba?" Malayong ulit na sagot niya.
"Hindi pa 'ko nagrereview. Ilan beses ko bang sasabihing hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa'yo?!"
"Sus... Ako pa talaga ang dahilan?! Sabihin mo, naglaro ka nang kung ano-ano! At huwag mong sabihin ako! Adik ka doon 'di ba? At huwag ako ang isandigan mo." imbes na sumagot ito sa sagot niya nakatitig lang ito sa mukha niya. Daig pa niya ang may dumi sa mukha.
Mamaya't hinila siya nito, hindi niya napansin papasok na sila sa library at saka mabilis siya nitong isinandal sa pader. Walang tao nang makapasok sila doon at parang sila lang yata ang nasa loob. Itinukod nito ang dalawang kamay sa magkabilang tagiliran niya habang ang mukha nito at dalawang mata ay titig na titig sa kaniya.
"I love you Sab..." ang pag galaw ng ulo nito ay pinakatitigan niya papunta sa kaniya labing kusa naman bumuka.
Sinalubong niya ang maalab na halik nito, ramdam niya ang pagkagat nito sa kaniyang pang ibabang labi niya nang malasahan niya ang laway nito. Ilan beses na ba siya nitong hinalikan? Sa naaalala niya, pangatlong beses pa lamang iyon at kung natatandaan niya t'wing anibersaryo lamang sila nito naghahalikan. Ayaw nilang mauwe sa kapusukan, dahil alam nila ang limitasyon at kapwa hindi pa nila alam paano bumuo ng isang pamilya. Ngunit ito na yata ang halik na hindi niya malilimutan.
Nararamdaman niyang kapwa nag -iinit sila nito. First time din nilang magbundulan ng dila nila at maghabulan. Hindi maitatangging parang ilang taon silang hindi nagkita dahil itsurang may pananabik ang nakapaloob sa bawat galaw ng labi nila. Halos habol hininga ng maghiwalay sila nito.
"Basta tandaan mo Sab, mahal na mahal kita at hindi magbabago 'yun." pagpapaintindi nito habang hawak ang pisngi niya ng kanang palad nito.
"I love you too Kidlat." nakangiting ulas niya saka mabilis na yumakap sa binata.