MATAIMTIM AKO'NG nakatingin sa harapan ng aking dina-drive. Patungo ako sa hide out ng grupo. Na miss ko ang mga ito, taon din na videocall ko lamang kami nagkikita-kita sa tuwing may gaganapin na meeting at kasiyahan.
Kumusta na kaya si Von? Balita ko ipinanganak na ni Jamilla ang pangatlong anak nito, habang si Jacob naman ay iisa pa lamang ang lahi nito. Na ngiti ako sa naisip ko. At siya kailan kaya magkakapamilya dahil nasa husto na siyang gulang?
Sa ganoong pag-iisip ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon ngunit nagtatakang hindi naka save ang numerong tumatawag sa akin. Ganito pa naman sa pinas, maraming manloloko. Kinansel ko iyon, wala akong oras para makipaglokohan sa mga taong hindi ko kilala.
Segundo lang, tumunog ulit ang cellphone ko. Muli, sinipat ko kung sino ang nasa kabilang linya, heto at ito pa rin ang tumatawag sa akin kaya nagpasya na akong sagutin iyon.
"Hello," malamig na bungad ko.
"Ito ho ba si Atty. Della Penna?" bungad na sabi at hindi siya pagkakamaling babae ito dahilan sa boses.
Napakumot nuo ako, "Yes. Who's this?" nagtatakang tanong ko dahil wala pa nabibigyan ng sariling numero ko.
"Ipagpaumanhin ho ninyo atty. Tumawag ho kami sa Ireland para itanong kung sino bang Pilipino ang na sa pinas at puwedeng tumulong sa isang grupong mamamayan. Malaking paumanhin sa istorbo. At kayo ho ang itinuro nila at ibinigay din ang numero ninyo. Napagkaalaman ho namin kararating ninyo lamang ng pinas ngayong araw kaya't alam ho naming pagod kayo. Malaking pasensya ho." mahabang paliwanag ng babae.
"Ibig mo bang sabihin, ako ang presentable ng Ireland para tulungan ang isang mamamyang grupo? Para saan? Kailan at anong dahilan?" sunod-sunod na tanong ko.
Noong nasa Ireland siya, nagawa na niyang tumulong sa mga mahihirap doon. Siya ang naging abogado nang mga ito sa mga taong mapaglamang lalo na kung may kaya sa buhay dahil sa panlalamang ng kapwa. At dahil batas sa batas, naipanalo niya iyon.
"Isang grupo ho ng mamamayan na nais makuha ang lupaing sinasaka nila sa may-ari." sagot nang kabilang linya sa kaniya.
Lalong nangunot ang kilay niya sa narinig. "May-ari? Paanong makukuha ng mga magsasaka ang lupain kung hindi naman sa kanila?" maisyosong tanong niya. "Saka, anong angkan ang makakalaban ng mamayan? Mayaman ba ito? Politika ba?" paghuhula ko.
"Siguro po, kung papayag ho kayo. Sasadyain ng grupo ang bahay ninyo para personal na makausap nila kayo. Puwede ho ba, atty?" diretsyang tanong nito.
"Sandali lang. Tinanong ninyo na ba ako kung gusto ko? Parang siguradong sigurado kayo na papayag ako? Gusto ko'ng magpahinga muna bago sumabak sa ganiyang problema."
"Alam ko naman na papayag kayo dahil hindi ito ang kauna-unahan ninyong natulungan, 'di ba ho ba?"
Natawa ako sa sinabi nito.
Kaya pala! Kaya sa boses nito sigurado na dahil may alam sa ginawa ko'ng pagtulong sa Ireland.
"Okay, later balikan ko kayo. Pahinga lang muna ako." paalam ko at atapos pinatay ko na ang linya.
Iniliko ko ang manubela habang nangingiti ako at ibinaba ang cellphone ko sa harapan ko. Malapit na ako sa hide-out ng Brotherhood OF Bos.
Sa sampung taon tila wala naman nagbago sa itsura. Hindi pa rin talaga pinapabayaan ni Von iyon.
Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papunta sa loob ng hide-out. At dahil finger print lang ang susi no'n kaya't nakapasok ako.
"Welcomeback bro!" sabay-sabay na dinig ko'ng bungad nang buksan ko ang pintuan.
Nakauwang ang dalawang baraso ni Jacob habang na sa likuran nito si Kipper na may hawak na diyaryo.
"Tsk! Lalong gumapo, uh! Artistahin ang dating men!" birong ani ni Jacob sa akin.
Sumilay ang ngiti sa labi ko.
"Anong balita?" matigas naman na tanong ni Dark. Maangas pa rin ito, pero na sa mukha pa rin ang mapanganib na hindi maipaliwanag.
Isa sa pinakamailap sa kanilang lahat. Nakakapagtakang, himala at nagawi ito ngayon sa hide out.
"Eh, di guwapo ka pa rin." birong malayong sagot ko.
"f**k you!" malutong na sabi nito at malakas namang tawa ang isinagot ko.
"How are you bro?" ani Von nang salubungin siya nito. Itinaas niya ang palad at kinapitan ito sa may palad nito.
"Heto, gwapo pa rin." birong bigkas nito. Kitang-kita niya rito ang malaking pagbabago na 'di tulad noon. "O, dito ka na ba mag i-stay sa pinas o lalabas ka pa rin ng bansa?" biglang tanong nito nang maupo sila sa sopa.
"Ito nga, kararating ko pa lang pero may mga humihingi na nang tulong sa akin," simpleng ngiti ang bumalatay sa labi ko.
"Baka nakakalimutan mong, tanyag na abogado ka na. Hindi maiiwasan 'yan lalo na rito sa bansa na 'tin."
Nailing ako bago sumagot, "I need to rest first bro," ginawang yumuko at iniling ang ulo na may halong pagtawa.
"You need to first or may gusto kang hanapin?" makahulugang tanong nito dahilan para mag angat ako ng paningin at mapatitig sa mga mata nito.
Humakbang ako palayo patungo saan ang wine bar, ramdam naman niya ang pagsunod ng dalawang paa nito.
"I don’t know how, where, when I’m going to start. You know how much I still love her." seryosong sagot niya nang huminto siya sa harapan ng table na may nakalapag na kopita. Pagkasabi niya no'n, umabot siya ng empty glass at sinalinan iyon ng wine.
"Nagtataka nga ako. Bakit biglang naglaho si Sabrina."saka lumabi ito kasabay nang pagtaas balikat nito.
Ibinagsak muna niya ang pang-upo sa harapan ng table nito at nagtaas paningin sa nakatayong si Von.
"Just landing the plane, she's on my mind." mabigat na bigkas niya.
Inabot ni Von ang hard wine, itinutok nito sa ubos niyang kopita ang bunganga nito saka sinalinan.
"But I'm sure Marko, it will come out when you accept the people's offer to you." saka sumimsim si Von sa kopita nang masabi ito. "Hindi dahil nasa pinas ka na, kundi isa ka na sa mga magagaling na abogado sa bansa."
"Kahit hindi mo sabihin, tatanggapin ko iyon. Magpapahinga lang ako nang ilang araw Von."
"Sobrang seryoso yata ng pinag-uusapan ninyong dalawa?" sulpot ni Dark sa likuran nila at diretsyo sa may patungan ng kopita. Kinuha nito ang hard wine na hawak ni Von saka sinalinan ang sariling baso.
"Babae o tungkol sa grupo?" dagdag pa nitong tanong.
"Mabuti napadpad ka rito? Hindi ba't pinaghahanap ka pa ng batas?" aniyang tanong sa binata.
"Mahuli 'man ako, naandyan ka na 'man 'di ba?" sagot nito matapos ubusin ang lamang ng kopita nito.
"Ang tagal ng paglilitis! Dudurugin ko talaga kung sino 'man ang may gawa nang mga iyon." dinig niya kay Dark.
Sa kaso ni Dark. Napagbintangan ito. Ito ang itinuro ng isa sa mga suspek na nagpapasok ng droga sa bansa. Kaya para itong pusang gala dahil sa pagtatago nito at gawa na ring makapangyarihan at maraming tauhan si Von kaya natutulungan nito si Dark.
"H'wag kang mag-alala matatapos din ang problema mo. Mailalabas din natin kung sino ang mastermind sa mga tinuturo saiyo." aniya na lamang.
"So, anong bala—," hindi na niya naituloy ang gustong sabihin ng tumunog ang kaniyang telepono.
Hindi na siya nagdalawang isip at inabot niya iyon sa bulsa.
Hayun na naman ang numero. Kaya nagtaas kamay siya sa dalawa ng humakbang siya palayo sa mga ito.
"Hello."
"Atty. Della Penna, humihingi ho ako nang paumanhin dahil sa pag istorbo namin ulit sa inyo. Can we meet today about 6 p.m?" anas ng babae.
Bago siya sumagot, sinipat muna niya ang pulsuhan. Mag a alas kuwatro na ng hapon.
"It's okay. Anong pangalan mo?"
"Carmen ho. Maraming salamat ho Atty." sa boses hindi maitago ang kaligayan dahil sa pagpayag niya.
Sinabi niya saan sila nito magkikita. Nagpasya na lang siyang sa restoran na lang magkita nito dahil ayaw niyang malaman nang kaniyang ama ang kauna-unahang pagtanggap niya ng kaso.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Nagpasya siyang umuwe na at magkita na lamang sa ibang araw. Sinabi din niya kay Von kung anong dahilan ang pagmamadali niya.
Hindi na niya nagawang magpalit ng kasuotan, gusto niyang normal lang siyang makikita ng mga katatagpuing tao.
Nagtungo siya kung saan ang pinag-usapan nilang restoran. Eksaktong oras pagdating niya, ngunit na sa malayo pa lamang siya, kitang-kita na niya ang ilang tao na nakamasid sa paglakad niya. Natitiyak niyang isa doon ay si Carmen na nakusap niya sa telepono at itsurang kanina pa ang mga ito at nag-aabang sa pagdating niya.
Huminto siya sa harapan ng limang katao. Nababasa niyang kapos palad ang mga ito dahil sa tindig at itsura.
"Magandang gabi ho Atty. Ako po si Carmen." pakilala ng babae nang makalapit siya. Natitiyak niyang mas maedad siya rito. Tumango siya at nagbalik pagbati siya rito.
Maya't mabilis din siyang binati ng apat na kasama nito at inanyayahang maupo. Umupo naman siya sa mga harapan nito saka pinag ikom ang magkadaop palad habang nakatunghay sa lahat.
"Ano ho una nating pag-uusapan?" umpisa niya. Siya na talaga ang nag umpisang magsalita. Mas okay sa kaniya iyon para may lakas loob ang lima at hindi mahiya.
"Ngayon pa lang nagpapasalamat na ho kami sa inyo, Atty. Della Penna." umpisa ng lalaking kaharap niya. Tumango naman siya.
Mamaya't yumuko ito at binuksan ang bag. Tila ba may kinukuha itong isang bagay doon.
Tama nga siya. Nang makuha ang isang papel ay dahang inilapag nito iyon sa harapan niya.
"Sana matulungan ninyo ho kami sa aming nais atty." saka idinusog iyon sa harapan niya. "Buklatin ninyo ho iyan Atty. para malaman ho ninyo ang mga katarantaduhan na pinaggagawa sa amin ng babaeng iyan." Ramdam niya ang katigasahan ng boses nito sa huling sinabi nito.
"Anong hong pangalan mo?" tanong niya sa lalaking kaidadan bago abutin ang papel na sinasabi nito.
"Asyeng Espejo ho, Atty." mabilis ba sagot nito.
At nang marinig niya iyon tumango siya saka inabot ang papel na ibinibigay nito sa kaniya.
Binuklat niya iyon saka binasa. Ngunit na sa kalagitnanlan pa lamang siya nang makita ang pangalan nang makakalaban niya.
Sabrina Imperial!
Ang babaeng matagal na niyang gustong makita, makausap at makaharap! Tama ba siya nang pagkakabasa at nakita?
Hindi sinasadyang awtomatikong napabitaw siya sa papel. Nalaglag iyon sa kaniyang harapan dahilan para mapakunot at magtaka ang mga kaharap niya.
Mabilis niyang inabot ulit ang papel. Binawi niya iyon dahil ayaw niyang madismaya ang mga kaharap. Lalo na at ang ibang mga kasama nito ay may idad na.
"Asyeng, anong problema? Hindi ko kase maintindihan lahat nabg nakasaad dito?" aniya, may halong kaba siyang naramdam. Gusto niyang malaman mula sa bibig ng matanda ang mga nais nito.
"Isa lang ang gusto nang mamamayan Atty. Ang makuha ang Hacienda Imperial." diretsyong pahayag nito.
"Sabrina Janelle Imperial ba ang pangalan nang makakalaban natin?" pagtatama niya dahil unang pangalan lang nito ang nakalahad doon.
Mabilis naman tumango si Asyeng sa tanong niya.
Habang siya, nagdadalawang isip kung itutuloy ba niya ang kasong kahaharapin ng dalaga.