CHAPTER 7. Sabrina POV

1689 Words
NAISIPAN niyang magpahangin sa kanilang hacienda. Tiningnan na rin niya ang mga pananim na hindi pa naaani dahil wala pa sa hustong gulang. Tubuhan ang iba nilang panananim sa may dulo nang kanilang lupain, at ang iba naman ay sagingan na ilang buwan na lamang ay puwede ng anihin. Minsan pag may natitirang space nagpapatanim din sila ng limang ektaryang kamote o 'di kaya'y mais at mani. Basta kung ano ang nagustuhan nang kaniyang ama ginagawa nito. Mabigat na iniangat niya ang botang suot. Halos namumuno iyon ng putik dahil katitila lamang ng ulan. Babalik na siya ng mansyon para mananghalian. Nakaramdam na rin siya ng gutom at pananakit ng likod dahil sa kakalakad niya. Ngunit habang naglalakad siya, sumagi na naman sa isipan niya ang malaking problema sa hacienda. Baliktarin 'man ang mundo hindi niya hahayaang mapunta iyon sa kanilang mga tauhan. Mabigat na napabuga siya nang paghinga, pagkatapos binilisan ang paghakbang. Nagbabadya na naman ang ulan. Mabilis siyang dumulog papasok ng kaniyang sasakyan. Hindi pa 'man siya nalalayo nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Hindi naman siya nag dalawang isip at sinagot niya iyon nang makitang si Ria ang na sa kabilang linya. "Girl, nakausap ko na si Atty. Rolando Corteza. Siya ang gagamitin natin sa kasong isinampa sa iyo nang mga tauhan ninyo," bungad na sambit nito sa kanya. "Salamat Ria. Oo nga pala matanong kita. Nasaan ang kotse ko?" aniya nang maalala ang sasakyan. Sasakyan sana niya iyon papuntang hacienda ngunit hindi niya nahagilap iyon nang kaniyang mata nang pumunta siya sa garahe. "Pasensya na girl! Dont worry, ipadadala ko kay manong ngayon din sa bahay ninyo. Lasing na lasing ka kagabi at ako lang naman ang nagtiyagang nag- uwe at umalalay sa iyo." may pagmamalaki sa boses nito. "Thanks! Pero sana naman dinala mo na rin kagabi ang car ko. Kabibili ko lang niyan." sarsaktikang sabi niya. "Galit? Maglalasing ka tapos ngayong naiwan ang car mo, best mode ka!" ganting asik nito sa kaniya. "Ewab ko saiyo Ria!" Asik na sabi niya. "O, s'ya! Padadala ko d'yan kay manong! Hwag ka nang mag galit-galitan diyan! Nasaan ka ba?" "Eto nagda drive," mabilis na sagot niya. "Bye na! Ituon mo ang atensyon mo sa minamaneho mo. Pag uwi mo maligo at magpahinga ka dahil maaga ko na naman nakita sa balita ang mga tauhan ninyo. Langya! Kayo na lang yata ang laman ng telebisyon!" Natahimik siya, hindi niya alam ang isasagot sa kaibigan kaya pinaalala na lang niya ang abogadong piniprisinta nito sa kaniya. "Mamaya tatawagan ko si Atty. Corteza para personal na magkausap din kayong dalawa. Okay, bye!" Naiiling na pahagis niyang ipinatong ang tawagan sa harapan niya. Bigla na naman kaseng bumugso ang galit sa dibdib niya. Hindi talaga siya titigilan nang mga tauhan nila hanggat hindi nakukuha nang mga ito ang nais. Pagkarating nang kanilang bahay sinalubong na kagaad siya nang kaniyang ina. Hindi maipinta ang mukha nito. May bahid na takot at pangamba ang nakikita niya sa mukha nito. Tiyak siyang napanuod din nito ang sinasabi ng kaibigan niya. Nag ikom labi siya at pinakatitigan ang ina, sandali lamang at nagsalita din siya sa harapan nito. Ngunit ang pagbuka ng labi niya ay mabilis naman inunahan siya nang kaniyang ina. "Sabrina, makinig ka anak. Ina mo ko at alam kong sa tanghaling ito pakikinggan mo 'ko." may pakikiusap ang boses nito. Agarang naintindihan niya ang binigkas nito. Pero hindi na niya hahayaang masundan iyon kaya inagaw niya iyon. "Kung ang ibig ninyong sabihin mommy ay ang nais ninyong ibigay ko sa mga taksil at walanghiya ninyong tauhan ang lupa." huminto siya saka malalaking iling ang ginawa niya, maya't nagpatuloy siyang nagsalita. "I don’t want to give them the land momny! As long as I live it will be ours." madiin niyang dagdag pa. "Anak! Marami sila. Hindi ka ba natatakot na baka pag uwi mo patay ka na? Ako? Takot ako, takot akong mawala ka. Ikaw na lang ang pamilya ko at kayamanan ko Sabrina. Walang panama ang pera natin pag wala ng taong may gusto sa 'tin. Hija, please nakikiusap ako. Natatakot ako sa mga mangyayare." pilit na paliwanag nang kaniyang ina. "Pero, maraming magagawa ang mayroong pera mommy. Kaya'ng bumili ng pera ng kabigan, kamag anak at marami pang iba." pagpapaintindi niya sa kaniyang ina. "No! Ako ang masusunod Sabrina. Para sa kaligtasan mo! Susunod ka!" may galit na sabihin nito sa harapan niya. "Para mo na rin akong pinatay mommy! Lalo mo lang pinatay ang taong patay na dahil tiyak magagalit si daddy pag ginawa mo iyon." pagpupumilit niya. "Sabrina! Kaligtasan mo ang hinahanap ko." "Mom, kaya ko ang sarili ko. May abogadong gagawa niyan. Sila ang tutulong sa atin. Hindi tayo nag-iisa. Kaya please, maging kalma ka lang." Matapos pinindot nito ang magkabilang pisngi nito para kumalma ang dibdb nito. "Sabrina, anak." naluluhang bigkas nito sa pangalan niya. "Ako na lang ang magluluto ng hapunan natin tapos magpahinga ka lang. Next week magpi piknit tayo sa hacien—." Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang may nag doorbel. "Manang!" malakas na tawag niya matandang katulong nila. Mabilis naman itong lumapit ng marinig nito ang pangalan nito. "Yes, hija." "Paki check ho sa camera kung sino ang na sa labas." utos na sabi niya dito habang nakatayo ito sa harapan niya. Mabilis naman itong tumalima patalikod. Nagkatinginan naman silang mag-ina tila ba naghihintayan sila kung sino ba ang magtatanong. "Ma'am Sabrina, mga pulis po ang na sa harapan ng gate." Mabilis silang nagkatinginan nang kaniyang ina. Hindi rin nagtagal mabilis siyang humakbang na tila ba hindi naniwala sa inulas ng matanda kaya siya na mismo ang tumingin sa screen tv sa labas ng gate. Tahimik na pinagmamasdan niya ang tv sa labas ng bahay nila. Hindi rin nagtagal siya na mismo ang pumindot ng botton para bumukas ang malaking gate. Ilang hakbang din ang layo ng gate sa kanilang bahay. "Manang salubungin mo sila at papasukin dito sa loob ng sala." Walang sulyap na utos niya sa matanda habang ang dalawang mata ay walang kirap na nakatitig sa ina. Mabilis naman tumalikod ang matanda. Maging ito'y ramdam niyang may pag alala sa kanilang mag ina. At nang mawala ang matanda sa harapan nila, pinutol niya ang ilang hakbang na layo nang kaniyang ina. "Don't worry mommy, everything will be okay." Na sa mababang boses na aniya. Kailangan niyang ipakita dito na matatag siya. Kailangan nitong maging kalma sa kahit na anong oras. Hindi siya kailangan panghinaan ng loob lalo na sa mga pulis at makaka harap niya. Aminin 'man, ngayon lamang siya makakaharap nang mga pulis at siya ang pakay nang mga ito. Narinig niyang lumangitngit ang pintuan, hudyat na papasok ang mga nagdatingang pulis. Maya't isa-isa nang nagpasukan sa loob nang malaking sala ang mga lalakeng naka uniporme. Mga na sa walo ito. "Magandang tanghali Miss. Sabrina Imperial," bati sa akin nang mga ito, sumunod bumaling ng tingin ang mga ito kay mommy. "Magandang hapon din ho sa inyo Mrs. Imperial." Halos sabay-sabay ang kalalakihan pulis nang banggitin iyon. Hindi siya kumibo kundi iginalaw niya ang kanang kamay para alukin ang mga ito para maupo. Hindi naman nagpatinag ang walong mga nakauniporme at nakatayong nag umpisang magsalita ang isa sa mga ito. Tila ba nagmamadali sa pakay. "Hindi na ho kami magtatagal Miss. Sabrina. Nais lang ho namin ibigay itong papel. Basahin ninyo na lang at sa ganoon malaman ninyo kung ano ang nakasaad. Nakasaad diyan kung anong oras, kailan gaganapin ang paghaharap sa korte. Maging ang kanilang abogado." ani ng pulis, sabay abot nito sa kaniya ng isang papel. Pagak na napangiti siya nang marinig iyon. Matapos inabot niya ang papel at lakas loob na hindi na binasa kundi pinunit niya iyon sa harapan na g mga ito. Kitang-kita niya ang pag- iiba ng mukha ng walong pulis sa pagkagulat. "Hindi ko na kailangang basahin ang dala ninyong papel Sgt. Tagasa." Nakangiting kalmadong sabi niya sa kaharap. "Sabrina!" Tawag nang kaniyang ina sa inasal niya. Nagawang manahimik nang mga pulis, tila ba naghihintay lang ang mga ito sa sasabihin niya. Kaya nagpatuloy ulit siya. Gumalaw ang palad niya at pinagdaop ang magkabilang kamay. "May sarili akong abogado na puwede ninyong pag abutan ng papel na 'yan." Seryoso at diretsyonh sabi niya. "Una, may numero ako para tawagan ninyo, hindi 'yung agad-agad naandito kayo sa pamamahay ko. Pangalawa, hindi ako bobo para hindi malaman ang nangyayare dahil sa telebisyon pa lamang nakikita ko na ang mga tauhan namin. Pangatlo, kontakin ninyo ang abogado ko tungkol dito." Matigas na bigkas niya sa mga ito. Mabilis na inagaw ng kaniyang ina ang dapat magsasalita pag sa na siya. Humarang ito sa gitna. "Sgt. Pagpase—" "Mommy!" agaw niya rito. Ngunit tumaas ang palad nito. Madiin na napapikit siya sa ginagawa nang kaniyang ina. Tila ito nagmamakaawa sa mga lalakeng ngayon ay kaharap na nang kaniyang ina. "Pagpasensyahan ninyo na ho ang aking anak. Siguro, abogado na lamang namin ang kakausap sa ninyo at mga dapat namin gawin." Nakita niyang tumango si Sgt.Tagasa. Hindi rin nagtagal nagpaalam na ito sa kanila. At nang mawala na ito sa paningin niya. Galit na hinarap siya nang kaniyang ina. "Nawawalan ka na rin ng respeto sa mga taong may katungkulan Sabrina!" Hindi maitago ang galit sa boses. "Ganoon na lang, mommy?! Susulpot sila rito na puwede naman sa abogado natin ipadaan! They didn't respect you or me, not even this house!" gigil na sabi niya. "Mga pulis iyon, gusto nilang ipaalam kung anong araw at oras na puwede kayong magharap ng mga tauhan natin." Nagtitimping usal nang kaniyang ina. "So, ako ang mali dahil sa ginawa ko?" "Sabrina! Bakit ganyan ka makipag -usap sa 'kin?" Madiin siyang napapikit bago sumagot, "Dahil mas kinakampihan mo sila. Na dapat ako!" pagkasabi niya no'n tumalikod na siya. Alam naman niyang hahaba lang iyon kung sasagot pa siya sa ina. "Sabrina Janelle!" Malakas na tawag sa kaniyang pangalan. Alam niyang galit na galit na ito dahil sa pagbigkas nito nang buong pangalan niya. Tila bingi siyang nagpatuloy sa paglalakad at nang matunton ang sariling kuwarto mabilis niyang binuksan ang pintuan at malakas din isinarado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD