CHAPTER 8.

1146 Words
IANG SUNOD na katok ang gumising sa malalim na pag-iisip ni Thunder. Ilang araw na ba niyang pinag iisipan iyon? Ngunit paulit-ulit lang na nagtatanong ang kaniyang sarili. Nagdadalawang isip siya sa isang hakbang na kaniyang tinanggap at unang pagkikita nila iyon ng dalaga. Sa mahabang panahon sa korte pa sila nito pagtatagpuin at ilang oras na lang at magkikita na sila nito. Gulong-gulo ang isipan niya, kung sisipot ba siya sa korte ngayon araw. Naiiling na tumayo siya sa kinauupuan para buksan ang pintuan. Seryosong pagmumukha nang kaniyang kambal ang bumungad sa kaniya. "Can i come in Thun?" seryosong tanong nito sa kaniya. Nararamdaman siguro nito ang pananahimik niya. Ginawa niyang tumango saka tumalikod sa kakambal niya. Narinig niyang lumangitngit ang pintuan pasarado ngunit wala siyang yabag na narinig para sumunod sa kaniya. Ginawa niyang bumalik sa pagkakaupo, habang ito naman ay ginawang sumandal sa may pintuan at diretsyong nakatingin lamang sa kaniya. "May bumabagabag ba sa isipan mo Thun? Alam mo ba kung sino ang makakalaban mo ngayong araw?" Basag nito sa pananahimik niya. Tumayo siya sa pagkakaupo habang ang hintuturo ay salo ang nuo niya. "Yes, i know." aniya. Ginawa niyang maglakad paikot sa loob ng kuwarto niya. "Anong balak? Siguro alam na rin niyang ikaw ang makakalaban niya ngayon araw sa korte?" Imbes na sumagot siya, nanahimik siya. Hindi niya alam ang isasagot kay Thunder. Pero imposibleng hindi pa nito alam na siya ang magiging abogado ng mga tauhan nito. Ilang araw na ang nakalipas at nagbigay na ang mga mamayan sa araw nang pagkikita at paghaharap nila sa korte. "Hindi ako makapaniwala," hindi mapigilan ulas niya habang ginagawa pag rin niyang magpaikot -ikot ng lakad sa harapan ng kakambal. "Me too... So, anong magiging desisyon mo? Can you fight the person you love in front of the court?" Napahinto siya sa paghakbang. Kagat labing ibinakli ang ulo na tila ba gulong-gulo pa rin sa mga oras na iyon. "Tell me, twin." dagdag pa ni Xander at naghihintay sagot ng kambal niya mula sa kaniya. "I don't know Xander. You know how much i love her." hirap na bigkas niya. Pagak na natawa si Xander nang marinig nito ang isinagot niya. "Kung puso mo ang paiiralin mo, tiyak matatalo ang ilalaban mo. I'm sure of that. Remember Thunder. Ito ang nauna-unahan mong laban sa bansa natin. Huwag mong sabihin ipahihiya mo ang angkan natin? Dahil sa pagmamahal na iyan." Mabilis na umiling siya. "Nope!" Malakas na tumawa ito sa likuran niya, hindi niya napansing umalis na ito sa pagkakasandal sa pintuan. Sinundan niya ito ng tingin ng maupo ito sa sopa. "Are you sure?" makahulugang tanong nito sa kaniya dahilan para gumalaw siya sa pagkakatayo at sumunod siyang umupo sa sopa. Ilang dangkal ang layo sa kakambal niya. "Hey!" Pangungulit ni Xander. "Tell me the truth, Thun!" "Damn it! Xander! Please you can leave me now! Lalo mo lang tinutuliro ang utak ko, kainis ka!" nangingising utos niya sa kakambal. "What do you need a companion?" Natatawang tanong nito sa kaniya. Nagawa na nitong tumayo sa kinauupuan. "No thanks!" mabilis niyang sagot at kumumpas pa ang palad niya sa kakambal. Alam nitong biro lamang niya iyon kaya, natatawang lumabas ito ng pintuan. Napasapo siya ng ulo ng mawala na ito sa kaniyang paningin. Ilang minuto na lang at kailangan na niyang gumayak. He was undeniably nervous when he first met Sabrina. Kahit sinong lalaki, gaano 'man katikas o katapang mararamdam din ang nararamdaman niya ngayon. Mahabang taon silang 'di nagkita ng dalaga at sa kanilang pagtatagpo sa ganoong pang lugar. Tumayo na lamang siya sa kinauupuan. Ililigo na lamang niya ang nagpapatuliro sa kaniyang isipan. Mabilis na lumipas ang oras. Malapit na rin siya. Ginawa niyang maging kalmado ang sarili. Kailangan niyang ipakita ang sarili kung ano siya sa Ireland. Kilala siyang matapang na abogado, magaling at kagalang-galang. Hindi siya patatalo sa sumisiksik sa kaniyang isipan. Kailangan niyang bigyan ng leksyon ang dalaga dahil sa magaspang nitong pag-uugali ngayon at idagdag pa sa pagbibintang sa mga tauhan nitong matagal ng naninilbihan sa mga ito. Kailangan niyang isantabi ang pagmamahal dahil natitiyak niyang mali ang dalaga dahil sa impormasyon natanggap niya. At dahil naiintriga siya sa buhay nito isang araw niyang pinaimbistigahan ito kasama ang Hacienda Imperial. Bumaba siya nang kaniyang kotse, nakasuot na sa kaniyang katawan ang cheleko na nagkukulay abo habang nadadagan no'n ng kulay puti at slak na pang ibaba at long nose black shoes naman ang suot niyang sapatos. Bitbit niya ang attache case niyang nagkukulay itim. Ginawa din niyang mag shade. Bago siya lumakad papasok sa loob nang mai-parking ang sasakyan, inayos muna ang kasuotan maging ang neck tie. Nag diretsyo siya sa isang kuwarto kung saan sila nag-usap ni Carmela. Ang anak ni Asheng na dalaga. Dahan kumatok siya sa pintuan na mabilis namang bumukas. Bumungad sa harapan niya ang mga humigit trenta'y katao na nasa loob. Gulat siyang nagkasya doon ang mga tao. Isa-isang bumati ito sa kaniya na may halong pagngiti. "Maraming salamat Atty. Thunder Della Penna." Dinig niya sa matandang ngayon lang niya nakita. Simpleng tumango siya rito at sa lahat. "Maupo ho muna kayo Atty." paanyaya naman sa kaniya ni Carmela. Ang pagdating niya ay gumawa nang malakas na bulungan at may halong kasiyahan. Naririnig niya sa mga tao. Ito na ang daan para mapasakanila ang hinihiling nilang lupain sa hacienda. "Ilang minuto na lang Carmela at mag-uumpisa na. Maybe we can go there now." aniya na naisuot na ang shade. "Carm—" Akmang tatawagin sa na ni Asheng ang anak nang biglang bumukas ang pintuan at isang lalaking may kaidadan ang hingal na hingal sa kanilang harapan ang pumasok. "Nariyan na si Sabrina, Asheng!" paalala nito sa mga kasamahan. Biglang may naramdamanan siyang hindi maipaliwanag sa kaniyang sarili. Ito ba ang dahilan nang kaniyang pag-uwe? Ang kalabanin ang babaeng minamahal? Bakit eksakto pa sa pag-uwe niya? Tulirong inabot niya ang attach case. "Mr. Asheng, just follow me," tawag niya sa matanda. Pagkasabi no'n tumalikod na at humakbang siya papunta sa pintuan at saka mabilis na binuksan iyon. Narinig naman niya ang mga yabag na 'di mabilang sa kaniyang likuran na nagsusunuran. Sa bawat hakbang niya, hindi maitago sa dibdib niya ang malakas na ka ba. Huminto muna siya sa harapan ng pintuan kung saan sila maghaharap-harap. Bumuga muna siya ng hininga bago pihitin ang serendura. Dahan hinawakan niya ang serendura at pinihit. Halos iilan na ang taong naroroon na nakaupo sa loob. Kahit naka shade siya, nanliit at pinakatitigan niya ang babaeng ilang hakbang ang layo sa kaniya. Nakatalikod ito at sersyosong kausap nito si Atty. Rolando Corteza. Sa kaniyang pagtuloy na paghakbang narinig niyang gumawa ng ingay ang na sa kaniyang likuran dahilan para humarap ito. Pumintig ang kaniyang puso. Hindi niya alam kung huminto din ba siya sa paghakbang habang mataimtim itong nakatitig sa kaniya. Nakilala kaya siya nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD