CHAPTER 3.

1719 Words
"GINUTOM AKO SAIYO kahahanap Sabrina!" sarsaktikang usal ni Ria sa akin bago ito maupo sa harapan ko. Hingal pa itong pabagsak na inilapat ang pang ibaba sa upuan. Nagpasya ako'ng sa restoran huminto. Para doon ko ikalma ang aking sarili. Patong na patong na ang problema'ng kinakaharap namin ni mommy laban sa mga dating tauhan nang aming hachienda, at bukod doon hanggang ngayon nagdadalampati pa rin kami sa pagkamatay nang aking ama. Ngunit pagkaupo ko pa lamang ay tila ba pumakat na kaagad sa isipan ko ang nakitang sasakyan sa harapan ng bahay nang dating nobyo. Ramdam kong ginugulo ako nang kaisipan ko. Para akong kinakalabit at alalahanin ang bawat sulok ng katawan ko sa mga ala-alang meron kami. Sampong taon na ang nakalipas! Sampong taon na hanggang ngayon sariwa pa rin ang mapait na ala-ala na pilit binubura nang isipan ko! Sariwa pa sa isipan ko ang mga katatagang binitawanan ng ama nito! Ang pinagdikdikan nito sa mukha ko! Ang pagmumukha nito na may halong pag iling bawat salitang binibigkas nito sa harapan ko. At sa tingin nito apakababa ko'ng tao dahil wala pa ako sa tamang edad! Nilunok ko ang bagay na iyon dahil ipinagtanggol ko pa ito! Ipinaglaban ko ang pagmamahal ko rito kahit na sa murang edad pa lamangkami ginawa ko'ng maging matured ang utak ko para lang intindihin ang binabanggit ng ama nito. Datapwat sa pagtatanggol ko sa nararamdaman ko, sa nakatagong relasyon namin ay bumigay din ako, dahil sa huling isinawalat ng ama nito! Ang mga bagay na tinago ni Thunder sa akin! He will marry another woman when he is of the right age! Nanuot sa puso ko ang sakit! Sa murang edad ko, doon ko naranasan nang masaktan, masaktan na halos ang buong katawan ko apektado dahil hindi lang ang isipan ko. Ginawa ako nitong tanga! Pinaikot! Sa sampung taon na ang nakalipas, natitiyak akong kasal na ito sa babaeng nakatakda para rito at masayang nanirahan sa Ireland! Ayoko nang maalala ito! Ito ang dahilan kung bakit nawalan ako nang tiwala sa lahat ng tao, bukod na lang sa mga matatalik ko'ng kaibigan! At kung magtatagpo 'man ang landas namin, magkabanggaan 'man kami nang 'di sinasadya, magiging palamuti na lamang ito sa buhay ko! Palamuting na kailan 'man hindi na maiaalis sa utak ko! Palamuti na kailanman hindi malalagyan ng magandang kulay! Maliban na lang kung iibig ako sa ibang lalaki para kumalma ang puso ko. Pero kailan? Sa daming lalaking nagbabalak at umaakyat ng ligaw ay agarang binabasted ko. Sa ilang taon, pakiramdam ko naandoon pa rin ang takot na muli baka masaktan ako kung magmamahal ako. "Pst!" mabilis akong napalingon sa boses. "Ang lalim ng iniisip mo." tumikhim ako ngunit walang nanalaytay sa labi ko, "Bakit hindi ninyo na lang kase ibigay ang gusto nang mga ta—." hindi na nito naituloy nang agawain ko ang pagsasalita nito. "Don't you think, what you're saying Ria?" taas kilay na bigkas ko. "Kahit gaano sila karami at ilan beses nilang pagbantaan ang buhay ko, never kong ibibigay ang pag -aari ng magulang ko na pag aari ko!" madiin na pagpapaintindi ko rito. "Marami sila, nag-iisa ka girl. Alam kong hindi mo sila kaya kahit na ba marami kang pera." usal nito na may pag alala sa boses nito. Umiling ako kasabay sa pagak ko'ng pagtawa. "Hindi ko sila uurungan kahit na ba kumuha pa sila nang pinaka magaling na abogado sa bansa, malabo silang manalo dahil balik -baliktarin 'man nila ang mundo. Pag -aari ng impreal ang Hachienda Imperial." "Alam mo, nagwo-worry ako sa inyo ni tita, Sab." "Huwag kang pasisindak sa mga tao na iyan, Ria. Hindi natin sila ka level. At kung iisipin mo ang mga taong galing sa putikan. Ang swerte nila! Kaya relax ka lang." Nakita niyang nagtaas nang magkabilang balikat ito matapos nagtanong. "Kumusta si tita?" Bumuntung hininga muna ako bago sumagot. "Ayun, kung ano ang gusto mo, 'yun ang pinipilit! Ending, iyon ang dahilan kung bakit naandito ako. Hindi kami nagkaintindihan." saka napaismid ako. "May point naman kasi si tita girl." "Makikipagtigasan ka rin ba, Ria?" sa boses hindi maitago ang pagkaaar ko. "Intindihin mo. Kami ang nagmamay-ari 'non! Minsan na nilang niloko ang magulang ko, binastos pa nila ako! Anong dahilan para galangin namin sila bilang tauhan ng pamilya ko? Ria, sila ang dahilan kung bakit nawala ang daddy ko. Kaya, walang dahilan para maging mabait ako sa kanila! Hindi ko ibibigay ang Hacienda Imperial at ipaglalaban ko iyon kapag nakipag patigasan sila sa akin." madiin wika kobsa kaibigan ko. Walang nagawang nagyuko na lamang ito ng ulo, "Hindi ka na 'man talaga mabait," bulong nito na hindi nakaligtas sa tenga ko. Mabilis kong tinapik ito sa baraso. "Aray!" kunot nuong bigkas nito sa pagkagulat. "Tinatalo mo na ba ko, Ria? Kainis ka! Narinig ko 'yun!" sanay na ito sa mga salitang ganoon sa akin, "Gusto mo, i chat ko si uncle at sabihin kong nakipag nobyo ka sa driver ninyo?" pananakot ko rito. Pogi naman kase ang driver nila Ria, bukod doon matcho pa! "Para ka namang timang!" nakanguso nitong bigkas. "Kaya tumahimik ka!" sabay irap ko. "Pati ba naman si Yeyu, dinadamay mo pa." wika nito na may irap ulit. "Pag naging mabait ako sa kanila tiyak gagawin nila din akong mapasunod sa gusto nila. Tulad nang ginagawa nang iba! At iyan ang ayokong mangyare Ria!" mapait na bigkas ko, pagkatapos inabot ang paper cup na naglalaman ng kape. "Kailan mo ba kase aalisin sa puso mo 'yung galit Sab?" Ang pagtungga ko sana ay natigilan. "Hindi na, at malabo nang mawala pa dahil lalo lang nilang dinadagdagan ang galit sa puso ko! Ikamamatay ko na siguro ito at pag nangyareng mamatay ako, idadamay kita." "Hoy! Ayoko nang ganyan biro Sab! Virgin pa 'ko! Hintayin mo naman matikman ko ang langit bago mawala sa mundo." Hindi mapigilang may sumilay na pilit na ngiti sa dulo ng labi ko, "E, 'di pareho tayong mamatay na virgin. Ganoon lang 'yon! Kaya kung ayaw mong mamatay ako sa konsimisyon. Tulungan mo ako kung ano ba dapat kong gawin sa maga taong iyon." "May abogado ka na ba?" Pinagpatuloy ko muna ang naudlot na pag-inom ng kape bago ako sumagot sa tanong nito. "Si Mr. Ching," sagot ko nang maibaba ang paper cup. "Baka gusto mong palitan natin, recommend ko 'yung personal lawyer ni daddy. Gusto mo?" Napakunot nuo ako, "Anong koneksyon 'non? Saka matagal ko ng atty si Mr. Ching. Ayoko ng maraming issue kung papalitan ko siya, saka magaling naman 'yung tao. Ngayon ko na lang ulit siya mapapakinabangan." Umayos muna ito nang pagkakaupo bago ako nito sagutin, "May nararamdaman ako kay Mr. Ching girl. Parang ipatatalo niya an—," "Grabe ka! Hindi pa'man nag-umpisa!" bulyaw na agaw ko sa kaibigan ko. Nagkatinginan tuloy ang mga tao sa amin. "Nakakainis ka! Huwag ka nga'ng nega! Hayun na nga lang ang alam kong pag-asa ko, tapos ganyan pa ang na sa utak mo!" saka umirap ako. "Nababali—." napahinto ako ng biglang mabaling ang tingin ko sa may gilid ko. May big screen television sa counter at hindi ako pagkakamaling mga tauhan iyon nang aming hacienda na halos araw-araw na lang nakabalita sa telebisyon. Nanliit ang mga mata ko at nangalit pangang pinaktitigan ko ang big screen tv nang marinig ko ulit ang panagalan ko. "Tandaan mo Sabrina! Magigising ka na lang at hihingi ng tawad sa mga taong pinarurusahan mo at imbes na pasalamatan mo! Hintayin mo, dahil batas ang magpaparusa sa iyo!" nakangising usal ni Asheng saka tumalikod. Pumalit doon na nagsalita ay ang reporter. Muli, bumakas sa mukha ko ang matinding galit. Lalong nag uumapaw sa galit ang dibdib ko. Inilibot ko ang aking paningin, eksaktong ang iba ay nakatingin sa akin sa hindi ko alam ang dahilam dahil hindi naman pinakita ang picture ko sa telebisyon. Pabalya at walang abog na tumayo ako sa kinauupuan, tatalikod na lang ako nang mabilis din tumayo sa kinauupuan ko si Ria at mabilis na pinigilan ako nito sa baraso. "Saan ka pupunta Sabrina?" hindi maitago ang pagkaawa sa boses nito. "Huwag mo na lang silang pansinin. "Susugurin ko ang matandang 'yan! Wala siyang karapatan para magsalita nang ganoon sa akin! Masyado na niyang tinatapakan ang pagkatao ko!" madiin ana sagot ko, ngunit kami lang ang nagkakarinigan ni Ria. "Huminahon ka nga. Umupo ka." utos nito pero ngunit hindi ako natinag. "Makinig ka nga Sabrina, once na ginawa mo ang gusto mo. Para mo lang pinatunayan na ganoon ka kababang tao. May batas tayo at doon tayo dadaan. Matapos din ito. Take note, lalong lalake ang issue once na nagbitaw ka nang mga masasakit na salita sa kanila. I know you Sab. Kaya please umupo ka at huminahon." Hirap sa dibdib na nagbalik pag - upo ako. "Waiter!" baling ko sa waiter na imbes na sagutin si Ria. Nagkukumahog naman lumapit ang tinawag kong waiter, "Ma'am!" "Dalhan mo ako ng isang hardwine at adobong mani. Plaese ayoko ng sunog dahil binabayaran ko ang inoorder ko, lagyan mo kami nang maraming yelo. Umalis ka na." malamig na pakikiusap ko sa waiter saka humarap kay Ria. "Alam mo, minsan hindi na kita kilala. Sobrang gaspang ng ugali mo, sobrang pangit nang pakikitungo mo sa mga taong wala naman kinalaman sa puso mong patay. Mamaya makilala ka dyan!" umikot pa ang mata nito kasabay ng labing komorte. "So? Kung pati ikaw nananawa sa 'kin, let go! Hindi ko kayo kailangan!" diretsyahan wika ko. "Yan tayo e, kahit gaano kasama ang ugali mo, na sa tabi mo pa rin ako Sab. Pagtitiyagaan kita. Ang sa akin lang, maging maayos ang pakikitungo mo sa mga taong gumagalang sa iyo. Example na lang iyong waiter. Ang pangit pakinggan nang pakikipag usap mo kanina para kang nakatira sa kalsada." Bumuga ako nang hininga. "Kumusta kayo ni Yeyu?" pag iiba ko nang usapan. "Okay naman," malamyos na sagot nito. "Good! Galingan mo ang tago at pakikipaglandian sa kaniya dahil hindi rin magtatagal iiwan ka rin ng lalaking 'yan! Mark my word." "Sabrina!" madiin natawag nito sa pangalan ko. Eksakto namang lapag ng waiter sa inorder ko. "Walang forever Ria!" taas kilay na wika ko saka inabot ang wine at nagsalin sa dalawang kopita. "Cheers!" sabay taas ko ng baso, "Para sa pagkapanalo ko sa laban!" panigurado ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD