CHAPTER 2.

1181 Words
ISANG LINGGO nang nakalilipas nang mamatay ang kaniyang ama. Inatake ito sa puso nang sumugod sa harapan ng bahay nila ang mga taong sinasante niya sa hacienda. Nasundan pa kase ang pakikitalastasan niya sa mga tauhan at ang iba ay nagawa din niyang sesantihin nang sagut - sagutin siya. Ganoon lang kase kadali sa mga tao ang sagutin at bastusin siya. Pero bago nawala ang kaniyang ama, ginanap muna ang malaking handaan sa mansyon at ipinaalam sa lahat nang mga tauhan kung sino siya at ano ang magiging ganap niya sa Hacienda Imperial. Mataimtim at nanlilisik ang dalawamg mata niya habang nakatunghay sa balitang kaniyang pinapanood. Hindi mapigilan magsarado ang kaniyang magkabilang kamao. Nanggugumigil siya sa nakikita't naririnig! Hindi talaga sila titigilan nang mga tauhan nila't hangga't hindi nakababawe sa mga ginawa niya. Tama lang iyon dahilan ang mga taong ganoon ay inaalisan ng magandang trabaho! Sila ay abusado at walang galang! Ang magka away na sina Asyeng at Carding na ngayon ay magkakampi para pabagsakin siya. "Hija 'yan na nga ang sinasabi ko." may takot na boses nang kaniyang ina. Hindi niya namalayang nasa likuran na pala niya ito at hindi maitago sa boses ang malaking pangamba sa nakita. "Don't worry Mom. Ako na po ang bahala sa kanila." matapos tumayo siya para puntahan ito. Nakikita niyang tila ba nanghihina ito. Mahigpit na hinawakan niya ito sa bewang at iniupo sa sopa kung saan siya naka upo kanina. Matapos tumabi siya sa ina. Kapwa sila tahimik at nang ibalik nila ang atensyon sa televisiion, nakikinig sa mga tauhan nilang lakas loob na ireklamo sila madla. "Tandaan n'yo pamilyang Imperial! Lalong-lalo ka na Sabrina! Malapit na kayo bumagsak! At kung hindi dahil sa amin mga trabahador ninyo, hindi lalago ang Hacienda Imperial! Hindi madadagdagan ang kayamanan meron kayo! Gagawin ko'ng sunod- sunod na ang magiging karma n'yo. Babagsak kayo ng paunti-unti hanggang sa makikilala n'yo kung sino kaming mga mahihirap!" saka ito ngumisi. Akala niya ay tapos na itong magsalita nang magpatuloy ulit ito. At dahil nadudunggol ng baraso niya sa kaniyang ina inakbayan niya ito. "Ikaw Sabrina Imperial!" duro pa nito sa harapan, "Ang nag iisa at tagapagmana ng mag asawang Don Juancho at Donya Clarita. Isa kang taong walang puso! Masyado mong nilason ang utak nang mga magulang mo! Ikaw ang sisira sa pangalan n'yo at ngayon na nga ay inaani mo! Abangan mo! Magkikita tayo sa korte! Ilalaban namin ang karapan naming mahihirap! Pipilitin namin mawala ang hacienda n'yo at mapaghati- hatian nang mga taong matagal ng naninilbihan sa inyo!" matapang na bigkas nito na siyang pagkabigla nang kaniyang mukha. Hindi siya papayag mapunta sa mga taong iyon ang kanilang hacienda na pinaghirapan nang kaniyang mga ninuno. Mana pa iyon ng ama niya sa kaniyang lolo at mamanahin naman niya sa kaniyang mga magulang. Gigil na inabot niya ang remote ng television saka mabilis na pinatay. Awtomatikong na pa buntong hininga siya saka unti -unting napasandal sa sopa na kinauupuan. "Hindi ko inaasahan na ganito ang mangayayare anak." naluluhang dinig niya sa kaniyang ina. "We will not lose to them Mom. Gagawim ko ang lahat, marami tayong pera para kumuha ng pinaka magaling na abogado." pampalubag loob niya rito ng sabi. "Anak, matanda na ako. Gusto ko na nang katahimikan. Bakit hindi na lang natin ipamigay ang haienda sa kanila?" Malakas na napapalatak siya. "Tsk!" matapos umiling. "Ayokong mamuhay nang may galit sa puso hija. Iam already old Sabrina. Wala na ang Daddy mo." sa mababang boses. "And me? Sino ako? Naandto ako Mommy! Wala tayong kasalanan sa mga taong mahihirap na 'yan! Sila ang may malaking kasalanan sa atin dahil nagawa na nilang lokohin si Daddy at kayo! And this is it! Tama lang ang ginawa ko'ng pagsesante sa kanila." pagpapaintindi niya sa ina. Hinawakan siya nito sa magkabilang palad habang ang dalawang mata ay diresyang nakatingin sa kaniya, "Hija, hindi kabawasan sa yaman natin ang hacienda. We are wealthiest family. Masarap mabuhay nang walang kaaway at may nagagalit. Pleassed Sabrina, I begging you. Ipamigay na natin ang kahilingan nang mga trabahador. Then mamumuhay tayo nang tahimik. Mamuhay tayo sa ibang bansa." mabilis siyang napatayo sa kinauupuan. Hindi siya kumbinsido sa gusto nito. Ang hacienda ay kanila! Ang pagmamay-are nila ay kanila lamang at wala siyang balak na ipamigay ito. "Sorry Mom. Ilalaban ko kung ano ang pagmamay-ari natin ." pagkasabi no'n walang paalam na tumalikod siya sa ina. Nagdiretsyo siya sa nakaparadang sasakyan niya. Hindi niya alam kung saan ba ang patungo pero para bang may sariling isip ang palad niya nang ipunta siya sa dating bahay nila. Sa subdivision kung saan siya pinalaki at nagka isip. Ilang taon na rin hindi niya ito nakikita at dalawang beses lang niya ito napuntahan simula ng lisanin nila. Puno ito nang masasayang ala-ala. "I miss you Dad." hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luha sa magkabilang pisngi niya. Mabilis niyang pinunasan iyon gamit ang palad. Naandoon pa rin ang atensyon sa malaking bahay na hindi kumukpas ang ganda. Sa pagkakaalam niya ang nakabili doon ay isa sa mayamang na kaibigan nang kaniyang ama. Nawala ang emosyon niya nang biglang mag ring ang telepono niya. Sinipat niya kung sino ba ang nasa kabilang linya. Si Ria, tiyak siyang may ibabalita ito sa kaniya at nahuhulaan na niya iyon kung ano. Sinagot naman niya ang tawag nito. "Girl! Nakita mo ba ang mga tauhan ninyo sa television?" bungad tanong nito sa kaniya. "Yes.." maikling sagot niya. "O, c'mon girl malaking kahihiyan ito at tiyak maraming tutulong sa mga iyan. Hindi ka ba natatakot?" sa boses may pag-alala sa kaniya. "Ria, kailan pa ako natakot? Lalo na ngayon patay na si Daddy. Uurong pa ba ako? Sila ang dahilan kung bakit namatay ang Daddy ko! Tapos ngayon sa harapan nang maraming tao sila ang kawawa! Damn it!" nanggugumigil niyang mura sa kabilang linya. "Okay relax! Where are you now?" "Sa dating bahay namin. Sa subdivision." "Okay Sab, you will wait me. Please don't go girl. Marami tayong pagkukwentuhan." saka nadinig niyang kasunod ang tunog nang isang beses na sunod-sunod hudyat pinatay na nito ang linya. Naiinis na naka ilan sulyap na siya sa kaniyang relo ay wala pa rin ito. Baka nag high heels na naman kaya nahirapan maglakad! Dumaan ang kalahating oras na wala pa rin ito kaya nagpasya na siyang iusad ang sariling sasakyan palabas ng subdivision. Pero hindi sinasadyang napahinto siya sa harapan ng bahay. Bahay ng lalakeng ayaw na niyang makita kahit kailan. Kusang napakunot nuo siya sa napansin nang kaniyang mga mata. Tama ba ang nakikita niya? Hindi niya malilimutan ang sasakyan na 'yon. Maraming ala- ala ang meron doon. Nagbalik na kaya ito? Bakit naandoon ulit ang sasakyan nito na dati naman ay, wala? Sabagay taon na rin ang lumipas. Pero bakit iba pa rin ang ka ba na nararamdaman niya pag nakikita iyon? No! Patay na ang lalakeng iyon! Patay na si Thunder! Kailanman hindi na niya hahayaang magtagpo ulit sila ng landas! Mabilis niyang inilagay ang susian sa hole, matapos mabilis na pinaharurot ang sasakyan makalayo lang sa bahay ng dating nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD