Chapter 35... IGINUGOL NI Sabrina maghapon ang sarili sa loob ng opisina niya. Ni, isa ayaw niyang may makita't makausap maging si Ria. Nagbilin na rin siya sa kaniyang assistant na bawal siyang istorbohin at kung may maghanap 'man nagbilin na rin siyang 'wala siya'. Ginawa na rin niyang i off ang cellphone para sa siguradong katahimikan. Pumindot ulit siya sa keypad ng kaniyang laptop, kulang na lamang ay madurog iyon dahilan sa gigil niya. Kahit palulit-ulit niyang tingnan iyon, iyon na lang talaga ang natitirang pera niya sa banko. Umiling siya sabay 'back' sa pindutan. Napabuga na lamang siya ng mahabang paghinga. Paano na lang kung tuluyang ma bancrop ang Hacienda Imperial? Paano kung maubos iyon? Ano na lamang ang sasabihin niya sa kaniyang ina? Isang malakas na katok sa ma