Chapter 36... ISANG nakakasilaw na sinag nang araw ang naging dahilan para imulat ni Sabrina ang kaniyang mga mata. Nanlaki iyon at biglang binalot ng takot nang biglang sumagi sa isipan niya ang nangyare sa kaniya nuong nakaraang gabi. Mga ilang armado ang dumakip sa kaniya sa kalagitnaan ng kadiliman. "Nasaan ako?" naibulong niya sa sarili. Pagkatapos mabilis siyang nagbaba siya ng paningin kung may nabago ba sa pananamit niya. Walang nabago sa pananamit niya maging ang pang ibaba niyang saplot. May pagpapasalamat siyang naramadaman ngunit sandali lang iyon. Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa bintanang nakabukas na nagbibigay lamig sa buo niyang katawan dahil bukod sa sinag ng araw doon nanggagaling ang sariwang hangin. Mabilis na kinontrol ng kaniyang palad ang paghinto at ku