Chapter 34... NAGMAMADALING inubos ni Thunder ang kapeng inorder niya sa isang mamahaling coffee shop. Kaalis lang ni Kipper at siya ang naiwan doon. Mag a -alas nuwebe'y na ng umaga at hindi siya puwedeng abutin ng ilan pang minuto doon. Doon siya nakipag kita kay Kipper habang si Dark naman ay nauna na sa Palawan kung saan balak nilang itago doon ang dating nobya. Nagsuot lamang siya ng maong na kupas at t-shirt na kulay puti. Ginawa din niyang mag shade at iyon din ang inutos niya kay Kipper, para na rin sa ikabubuti nilang dalawa oras na may mag matyag sa kanila. Nag-usap na rin sila ni Kipper kung saan sila unang magkikita bago kidnapin ang dalaga. Maging ang pagpapatakbo nito sa lahat ng hawak niyang business ay naituro na rin niya rito. Sa ka grupo niya ito ang maaasahan sa lah