UMUWI akong matamlay dahil hindi ko talaga nagawa ang plano kong pagharap kay Kuya Seus para akitin ito; kinulit ko pa nga si Kuya Brandon na kay Kuya Adrius na lang ako sasabay pauwi, pero ang sagot lang sa akin ay makaka-istorbo lang daw ako dahil may klase pa ito at ganoon din si Ate Elle. Kaya naman ang ending ay wala akong nagawa kundi sumama sa kanya pauwi.
Nainis na ako kaya hindi na ako lumabas pa ng room ko at inabala na lang ang sarili ko sa paggawa ng mga assignment, project at report ko sa school. Nang sumapit ang dinner time ay nagpahatid na lang ako sa katulong ng pagkain sa loob ng kwarto ko at sinabing huwag na akong abalahin pa dahil busy ako sa mga homeworks ko.
Oras din ang nilaan ko bago ko natapos ang mga homeworks ko, at talagang nangalay ang buong katawan ko sa pagod.
Ngayon ay nakadapa na ako sa kama ko habang nakatutok sa aking laptop. Ini-stalk ko na naman ang social media account ni Kuya Seus, may bagong upload kasi siyang mga pictures kasama si Kuya Adrius at ng iba pa nilang kaibigan.
“Ang guwapo talaga ng baby Seus ko,” ngiti kong usal habang tinititigan ang solo picture nito na nakasuot ng blue jersey at may hawak na isang bottle ng mineral water, bale umiinom ng tubig; stolen ang pagkaka-shot pero napakagwapo at hot niya pa rin.
Napawi tuloy ang pagod ko sa paggawa ng mga homeworks ko dahil sa pagtitig sa kanyang litrato. Nasa 13.2k reacts, 17k comments, at 5k shares.
Nang mabasa ko ang mga comments ay parang umusok bigla ang mga ilong at tainga ko. Puro mga babae ang mga nasa comment section, at lahat ng mga comment ay puro mga malalandi.
Jenica Lux: What a gorgeous man! Bagay na bagay tayo, babe! Muah!
Rica Chu: The man of my dreams! Hi, Mr. Odysseus Spassion! Love you!
Wenny Benetton: He is my super crush since then until now. My gosh, I'm dying here! Ang hot ng crush ko!
Jacky Lee: He's my man, don't steal him from me guys. Akin lang ang isang 'yan! I swear, kakalbohin ko ang mga buhok niyo, hindi lang sa taas kundi pati sa baba!
Napaikot na lang ang mata ko sa mga nabasa. “Tsk. Ang lalandi ng mga b***h na 'to! As if naman papatulan kayo ni Kuya Seus!”
Hindi ako nakatiis at nag-comment din ako gamit aking dummy account.
Me: Dream on, girls! May iba na 'yan gusto, and I know her. Kaya huwag na kayong umasa pa, dahil kahit lumuhod kayo sa harap niyan, hindi pa rin kayo niyan papatulan dahil mas maganda kaysa sa inyo ang babaeng gusto niyan!
Napangisi na lang ako sa aking comment. Wala pang dalawang minuto nang may nag-reply na sa comment ko.
Irina Santebanes: Who's the lucky girl?
Emily Guazon: Is that true? Talaga bang may nagugustuhan na siyang babae? Who? Please tell me! I'll send you a private message.
May mga nag-message na nga sa account ko, tinatanong kung totoo, at may nagagalit pa, sinabihan akong sinungaling.
Ngumisi lang ako at hindi na nag-reply pa. Sinara ko na lang ang laptop ko at binalik sa study table ko. Kinuha ko naman ang phone ko at binuksan ang real account ko.
Bale kasi kapag sa laptop ako nag-o-online ay dummy account ang gamit ko para madali kong ma-stalk si Kuya Seus at matitigan ko ng mabuti ang kanyang mga litrato kasi malaki ang screen ng laptop. At sa phone naman ang real account ko na naka-steady lang, walang log-out log-out para safe. So bale nakakapag-stalk lang talaga ako kay Kuya Seus kapag nasa bahay ako, kasi ibang laptop naman ang dinadala ko sa school.
Well, I have four laptops; Isang pang gaming, pang watch movies, pang school, at pang stalk sa crush.
Although may TV naman sa loob ng room ko, pero mas prefer ko talaga manood sa laptop.
“And who the hell is this?” Tumaas naman ang isa kong kilay nang pagbukas ko ng real account ko sa phone ko ay tumambad sa akin ang maraming notifications.
May isang account lang naman ang nag-flood likes sa mga pictures ko sa sss. ‘Drey’ lang ang pangalan at tanging aso lang ang profile picture. Nang i-stalk ko ay dummy account dahil walang post kahit isa.
“What the heck! Paano ako nagkaroon ng friend na dummy? I don't remember na may ganito akong friend dito sa sss!” reklamo ko na puno ng pagtataka. Dahil lahat ng friends ko sa f*******: account ko ay puro mga kilala ko; classmates, friends, cousins, uncle.
Pero bakit napadpad ang dummy account na 'to? Paano 'to nakalusot? Mabuti sana kung sa IG, no problem since naka-public naman ang account ko roon. But this one? Paano nangyari 'to? Impossible naman na na-hack ang account ko.
Wala namang comments, puro react lang sa mga pictures ko. Pero nang buksan ko ang inbox ko ay may nakita akong chat.
Drey: Hi cutie pie!
Napangiwi ako sa nabasa. Ano raw? Cutie pie? The heck, ang badoy!
Nang makitang online ito ay agad ako nag-reply.
Me: Do I know you?
Ang bilis dahil na-seen agad nito ang reply ko at agad na nag-typing. Hindi nagtagal ay dumating na ang reply nito.
Drey: Your secret admirer.
Umusok na ang ilong ko.
Sabi na nga ba, stalker ang asshole na 'to!
Me: The heck! I don't like secret admirers, so please leave me alone!
Akmang iba-block ko na ito pero mabilis na naka-reply.
Drey: Ang taray mo, pandak ka naman!
Nanlaki na ang mata ko sa nabasa.
Mabilis akong tumipa na may halo nang panggigigil.
Me: You asshole! Magpakilala ka at nang mabugbog kita!
Drey: Paano mo ako mabubugbog kung mas matangkad pa ako sa 'yo? Kung bakit naman kasi para kang duwende sa sobrang liit. Pandak!
Tuluyan nang kumulo ang dugo ko.
Bwisit! Sino kaya 'to at ang lakas kung mambully?
Me: Babae ka yata. Schoolmate ba kita? Omg, are you jealous with my beauty? Don't tell me nagka-crush sa akin ang lalaking gusto mo? Kaya ngayon ay binu-bully mo ako ng patago para lang makaganti ka. Am I right?
Drey: I'm a boy.
Me: Ah, so bakla ka? Then nagkagusto sa akin ang guy na gusto mo?
Drey: Nope. I'm a man. A real man.
Me: No, you're not a man but a psychopath! Stop chatting me, idiot!
Mabilis ko na itong binlock kaya hindi na naka-reply pa.
Napairap na lang ako sa aking phone dahil sa inis.
Hanggang sa narinig ko ang pagkatok sa pinto ng room ko.
“Dahlia sweetie! Gising ka pa ba?” pagtawag ng boses ni mommy.
“Yes, mom, come in!” malambing kong sagot.
Bumukas ang pinto at pumasok si Mommy na may dalang isang baso ng gatas.
“Thanks for the milk, Mom,” agad kong pagpasalamat.
Matapos ilapag sa ibabaw ng bedside table ang gatas ay naupo naman si Mommy sa tabi ko.
“Sabi ni Manang ay busy ka raw sa mga homeworks mo. Maybe you need help? I can help you.”
“No need, Mom. Tapos ko na rin naman pong gawin lahat.”
“Oh, okay. Basta kung kailangan mo ng tulong, narito lang kami ng mga daddy mo. Okay?” Hinaplos-haplos nito ang buhok ko.
“Okay po, Mom. Nga po pala, I have a question.”
“Yes?”
“Paano ka po nagustuhan nina daddy? Kasi hindi lang isa ang napa-ibig mo kundi dalawa. So gusto ko lang sanang malaman kung anong sekreto sa pagpapa-ibig ng mga guys.”
Napatawa na si Mommy tanong ko. “Oh bakit naman ganyan ang tinatanong ng baby Dahlia ko? Bakit, may crush ka na ba sa school niyo?”
“Uhm…” Napakagat labi ako, hanggang sa marahan nang tumango. “P-Parang gano'n na nga po, Mom. Pero secret lang natin 'to ah, 'wag niyo po sasabihin kina dad at kuya.”
Muling napatawa si mommy at hinaplos-haplos muli ang buhok ko. “Okay, it's just a secret. So sino naman ang nagugustuhan ng baby Dahlia ko?”
“I can't tell, Mom. Just tell me na lang po kung paano magpa-ibig ng guy.”
“Ang mga daddy mo kasi, umibig lang 'yan sa akin nang wala naman akong ginagawa. Hindi ko alam basta namalayan na lang namin na umibig na lang kaming tatlo sa isa't isa.”
Napanguso na ako. May gano'n? Umibig na lang basta? Niloloko yata ako ni mommy para wala akong gawin sa crush ko.
“Then who is your first crush, Mom?” I asked again, curiously.
“'Yung daddy Z mo. Siya ang una kong nakilala, binigyan niya pa nga ako ng spoon nu'n. Pero sa sobrang gwapo niya ay natulala na lang ako bigla nang makita ang kanyang mukha.”
Napangiti na ako. Well, I can tell na guwapo nga ang mga daddy ko. Pansin ko nga tuwing pumupunta sila sa school ko ay pinagtitinginan sila lagi ng mga babaeng teachers at ng mga gay na teachers din, hindi lang simpleng tingin kundi 'yung tingin na parang nabibighani sa kanila, puno ng pagkamangha. Kaya kung hindi lang talaga loyal kay mommy ang dalawa kong daddy ay baka marami na 'yun naging mga babae. Pero ang swerte lang ni mommy at kami na rin na mga anak niya dahil hindi babaero ang mga daddy namin, hindi katulad ng iba na ang lakas mambabae kahit hindi naman kaguwapohan.
“Sinong first date mo naman po, mommy?” muli kong tanong at nahiga na sa bed ko.
Patuloy naman ang paghaplos-haplos ni mommy sa buhok ko.
“Ang daddy Z mo pa rin. Sa Hungary ang unang date namin. Naalala ko pa nu'n ang saya namin dalawa habang namamasyal, binigyan niya pa nga ako ng necklace kasi birthday ko pala.”
“Oh, how sweet, Mom! What about daddy D po?”
“Well, your daddy D... uhm… napaka-sweet niya; makulit, palagi akong pinapatawa, pero napakaseloso naman niya. Madalas siya magselos kapag hindi ko siya napapansin. At kapag nagseselos siya, ibang klase magtampo, hindi ako pinapansin nu'n. At 'yung daddy Z mo naman, kapag nagseselos ay ibang klase rin dahil nagagalit naman ang isang 'yun.”
Napangiti lang ako sa kwento ni Mommy. Hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog dahil sa marahan na paghaplos nito sa buhok ko.
Maganda naman ang mood ko nang magising kinabukasan. Pakanta-kanta pa akong naligo, hanggang sa pagbihis.
Pero nang pababa na ako ng stairs ay napahinto ay may isang text message ang nag-pop-up sa phone ko.
New Number: Hi dwarf!
Awtomatiko akong napahinto sa nabasa.
Nangunot na ang noo ko nang makitang new number ang nag-text.
Me: I'm not dwarf! Who the hell are you?
New Number: Pandak ka kasi, parang duwende lang. Dahlia; short for dwarf.
Biglang nasira ang araw ko sa reply nito. Hindi ako nakatiis at tinawagan ko na para alamin kung sino. Pero ring lang nang ring, ayaw naman sagutin.
Me: Peste ka!
Matapos ipadala ang huli kong text ay agad ko nang binlock ang number nito at padabog na akong bumaba ng stairs.
Nakakainis. I'm sure, 'yung kagabi 'yun sa f*******:. Pero sino naman kaya ang peste na 'yun!
Dala-dala ko na ang inis ko hanggang sa naupo sa may dining table kung saan nakaupo na rin sina daddy at mommy kasama ang mga kapatid ko at kasalukuyan nang nagbi-breakfast.
“Oh, ba't parang nakasimangot ka. What's wrong?” puna agad sa akin ni Daddy Z pagkaupo ko.
“Someone's bullying me, dad!”
“Who?” Napatingin na rin sa akin si Daddy D.
“I don't know! It's from social media! She called me a dwarf! Pandak daw ako na parang duwende!”
Pero dahil sa sinabi ko ay bigla na lang napatawa ang mga kapatid ko, sina kuya, ate, at ang dalawang sumunod sa akin.
Tila naman hindi ako makapaniwala na tiningnan sila.
“Why are you guys laughing? Ano, masaya pa kayo na binu-bully ako?”
“Well, it's not like that. We're just laughing because it's true, kasi pandak ka naman talaga. Maybe hindi ka naman talaga niya binu-bully, kundi pinupuna ka lang, kaso na offend ka,” natatawang sagot ni Ate Elle, pero agad itong sinita ni daddy.
“Stop that, don't laugh at your sister,” saway ni Daddy Z at binuksan ang kamay sa akin. “Give me your phone, para malaman natin kung sino 'yang bumu-bully sa 'yo.”
I shook my head. “No need, dad. I can handle this b***h. I swear, kakalbohin ko 'to para malaman niya kung sinong binu-bully niya.”
Nagkibit-balikat na lang si Daddy Z at binawi na ang nakalahad na kamay.
“Good luck, sweetie. Just call us if you need back up; we're here to support you,” sagot naman sa akin ni Daddy D.
Napangiti na lang ako. Habang si mommy naman ay napailing na lang sa amin
Well, ganito talaga ang mga daddy ko, over protective at napaka-supportive. Pero labas na sila kung sino man ang bumu-bully sa akin ngayon, kayang-kaya ko na, nasisiguro kong tuturuan ko 'yun ng leksyon. Tingnan na lang natin kung hindi iiyak sa akin ang b***h na 'yun kapag nakaharap ko.