CHAPTER 4

3429 Words
“HI, DAHLIA!” Nagulat ako nang paglabas ko ng locker room ay bumungad sa akin ang kaklase kong si Kenji na may dala pang tatlong tulips. “Flowers for you.” Napatingin ako nang iabot nito sa akin ang tulips. Hanggang sa napataas na ang isa kong kilay at napahalukipkip na. “For what?” mataray kong tanong at tinaasan na ito ng kilay. “For you.” “I know, you ass— oh god!” Hindi ko mapigilan ang mapapikit sa pagtitimpi. This asshole, ayaw pa rin akong tigilan. “Para saan ba't binibigyan mo ako niyan, ha?” “Because I like you, sinasabi ko naman sa 'yo noon pa na may gusto ako sa 'yo, kaso nire-reject mo naman ako lagi. Pero syempre, hangga't wala ka pang boyfriend ay hindi pa rin ako susuko.” “My god, Kenji, kilabutan ka nga! We're classmates, tigil-tigilan mo ang pagkagusto sa akin! Dahil wala akong balak na magkagusto sa kaklase ko! So, please leave me alone — bago pa kita ipabugbog sa mga kuya ko! I swear, bubugbugin ka ng mga 'yun oras na sabihin kong stalker kita at ayaw mo akong tigilan!” Napakamot na lang ito sa ulo. “Ito naman oh, nanliligaw lang ang sungit-sungit na agad. Hindi ba pwedeng—” “Nagsusungit ako dahil hindi kita gusto! Hindi ba obvious? You're not my type! Kahit tawagin mo pa lahat ng santo sa buong Pilipinas, hinding-hindi pa rin kita magugustuhan! Kapag ayaw ko, pwes ayaw ko, okay? So please, tigil-tigilan mo ako bago pa kita isumbong sa daddy ko!” Napakamot na lang ito sa ulo na parang natakot bigla. Maarte naman akong napairap at nilampasan ito, pero syempre dahil nainis ako ay binangga ko pa sa balikat. Gosh! I really hate this! Naiinis talaga ako kapag may nagkakagusto sa akin na hindi ko naman type, tapos ang kulit pa! Dumiretso na lang ako sa canteen kung saan naghihintay ang mga friends ko para sa lunch. “Oh, besty, bakit nakasimangot ka?” maarteng tanong sa akin ng friend kong bading na si Leo pagkaupo ko sa aming table. Sakto naman dumating na si Aseda at Lorna na may dala nang pagkain galing sa counter. “Paanong hindi ako sisimangot, eh kinulit na naman ako ng Kenji na 'yun. Aba, nakaabang ba naman sa labas ng locker room at talagang may dala pang tulips!” “Oh my god.” Nanlaki ang mga mata ng tatlo kong kaibigan, hanggang sa napatawa na. “So hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit sa 'yo?” natatawang reaction ni Aseda. “Akala ko ba binasted mo na 'yun?” pagtawa rin ni Lorna. Maarte naman akong napairap. “Iyon na nga, binasted ko na ang ugok na 'yun, pero kinukulit pa rin ako.” “Ba't Hindi mo na lang kasi sagutin? Cute naman kahit papaano.” “My god, Aseda! Kung naki-cutan ka sa kanya, then sa 'yo na lang! Basta ako, mukha siyang lampa sa paningin ko. Malayong-malayo sila ni crush!” Maarte akong napaikot ng mata. Inumpisahan na naming kumain ng mga kaibigan ko habang patuloy pa rin ang kwentuhan. “Sino ba talaga 'yang crush mo, Dahlia? Sabihin mo naman sa amin, oh. Para namang hindi mo kami kaibigan niyan,” pagsimangot ni Lorna. “Oo nga, Dahlia. Tell us na kasi,” pangungulit naman ni Leo. “Hindi niyo nga siya kilala kahit na sabihin ko pa.” Muli akong napaikot ng mata. “Then ipakilala mo kami!” sagot nila, talagang nagkasabay pang tatlo. Ito talagang mga friends ko, mabubulunan yata ako sa pangungulit nila. “Ano ba kayo guys, sarili ko nga ay nahihirapan lumapit sa kanya kasi masyadong ano… uhm… masyadong mahirap talaga lumapit.” Hindi ko mapigilan ang mapangiwi dahil muntik na akong mabulunan sa kakasalita. Dinampot ko na lang ang milk tea ko at humigop muna bago muling nagsalita. “Nahihirapan nga akong lumapit sa kanya, eh. Hindi ako makahanap ng tamang tyempo para lapitan siya nang siya lang mag-isa.” Sabay sabay na nagsitaasan ang kilay ng tatlo kong kaibigan. “Oh? Bakit naman? Don't tell me may girlfriend na 'yang crush mo kaya nahirapan kang lapitan?” Napatawa si Leo. Muli namang umikot ang mata ko at maarte pang uminom ng konting tubig. “Hindi no, wala siyang girlfriend dahil single na single siya.” “Then why? Paano ka nahirapan sa paglapit sa kanya? Suplado ba?” usisa naman ni Aseda na napatawa pa. “No, hindi siya suplado dahil nginingitian niya naman ako.” “Iyon naman pala. Then bakit mo nasabi na nahirapan kang lumapit sa kanya?” Si Lorna. “Eh kasi naman ang totoo niyan… kaibigan lang naman siya ng mga kuya ko! At anak siya ng friend nina daddy! Bale inaanak din siya nina daddy!” Sabay sabay na naglalagan ang panga ng tatlo kong kaibigan. “So kinakapatid mo siya?” “Hmm. Parang gano'n na nga.” I nodded. “Oh my gosh! It's interesting!” “Guwapo ba? Ilang taon na?” “May picture ka niya? Patingin naman kami!” Kinulit na nila akong tatlo. Kaya napangisi na lang ako at wala nang nagawa kundi ipakita sa kanila ang picture ni Kuya Seus na ninakaw ko lang sa kanyang IG. Nag-agawan pa ang tatlo kong kaibigan sa phone ko, napatingin na tuloy sa amin ang ilang mga estudyante na kumakain din sa loob ng canteen. Pero wala naman kaming pakialam, dahil wala naman sisita sa amin kahit mag-ingay pa kami; of course I'm a campus queen, at beloved daughter ng school owner. “Oh my gosh! Ang guwapo niya, besh!” “OMG! He's my type! Ang hot niya!” “He is so neat!” Nakangisi na lang humigop ng milktea ko dahil sa reaction nilang tatlo, lalo na si Leo na napatili talaga ng malala. “I told you guys, he's so handsome. Kaya lang ang hirap niyang lapitan kasi kasama niya lagi si kuya. Nung pumunta nga ako sa university nila ay nabigo lang ako kasi nakita ako ni Kuya Brandon!” “Alam ko na, Dahlia. What if we will help you? Puntahan natin sa kanilang university, then tutulungan ka namin na hindi makita ng mga kuya mo para masolo mo siya!” wika ni Leo na parang nakahanap agad ng magandang idea. “Leo is right, hayaan mong tulungan ka namin para mapasayo agad si crush! Pasasaan ba't we're friends kung hindi naman tayo magtutulungan sa mga gusto natin mangyari,” sang-ayon naman ni Lorna. “So game?” pagngisi naman ni Aseda. Talagang game na game silang tatlo. Parang nagliwanag naman ang mukha ko, pero agad din napasimangot nang may mapagtanto. “Kaya lang may klase pa tayo. Ayoko naman mag-absent, baka makarating pa kay mommy at pagalitan pa ako nu'n.” Hinampas naman ako sa braso ni Leo. “Ano ka ba naman, girl! Hanggang 02:30PM lang naman ang klase natin this afternoon, 'no! Then after that, badminton practice lang naman. Hindi na lang tayo muna mag-practice ng one day!” Napaisip naman ako, hanggang sa napatango-tango na at tuluyan nang napangisi. “Game.” Napangising aso na rin ang tatlo kong kaibigan, hanggang sa nag-apiran na kaming tatlo at nagtawanan sa aming magiging plano. Kaya naman nang matapos ang klase namin ng 2:30 PM ay agad kaming umalis ng school, pero syempre bago kami umalis ay nagbihis muna kami. Sumakay kaming tatlo ng taxi para nagpahatid sa Gusev University. Pero habang nasa biyahe ay may nag-pop-up na message sa phone ko. From 0912**** : Hi, Miss Dwarf! (with laughing emoji) Parang bumalik ang pagkulo ng dugo ko kahapon. This b***h! Binlock ko na 'to pero nag-text ulit sa ibang number? “I swear, kakalbohin ko talaga ang b***h na 'to!” gigil kong sambit at mabilis na tumipa ng reply. Me: Ayaw mo talaga akong tigilan? Let's meet, tayong dalawa lang! Ipapakita ko sa 'yo kung sino sa atin dalawa ang dwarf!” “Who's that?” tanong ni Leo na agad na sumilip sa phone ko nang mapansin ang panggigigil ko. “Someone's bullying me guys. I don't know her, but I think she's a woman! And this b***h is calling me a dwarf dahil pandak daw ako!” “What's her name? Classmate ba natin? Schoolmates? I swear, sasabunutan ko 'yan! Ang kapal ng mukha na i-bully ka, baka hindi kilala kung sino ang kinakalaban niya,” wika ni Aseda. “Hindi ko nga alam kung classmate ba natin or schoolmate. But she knows me! I think she's just insecure because I'm more prettier than her. Mula kahapon pa 'to nag-chat sa sss account ko, pero binlock ko. Then he texted me. Ni hindi ko nga alam kung saan number ko. And I just blocked the number. But now, here this b***h again! She bullied me again by calling me a dwarf! Oh god, this b***h is coming into my nerves! Argh!” “Relax, besh! Huwag mo na munang pansinin 'yan. Bukas na natin 'yan asikasuhin para maturuan ng leksyon. Sa ngayon ay just relax para naman pretty ka kapag nakaharap mo si crush mamaya,” maarteng wika ni Leo at inagaw na ang phone sa kamay ko. “Ako na muna ang bahala, aawayin ko muna sa text. Then tomorrow ay kakalbohin na natin.” Hinayaan ko na lang silang tatlo na kunin ang number. Dumating ang sinasakyan naming taxi sa Gusev University. At dahil kilala na ako ng guard ay hindi na kami nahirapan pa dahil pinapasok kami agad ng mga friends ko. 03:04 na rin nang dumating kami, mukhang tamang-tama lang ang dating namin dahil hindi pa nag-uuwian; may mga student man ang pakalat-kalat sa loob ng campus pero konti lang dahil may mga klase pa ang iba. “Sige, kami na ang bahalang humanap kay crush. Then kapag nahanap namin ay text ka na lang namin para masolo mo; kami na rin ang bahalang dumistract sa mga kuya mo at ate para hindi nila kayo makita habang sinosolo mo si crush.” Tumango na lang ako sa tatlo kong kaibigan at ngumisi. Umalis na silang tatlo para pumunta ng building kung saan ang classroom ni Kuya Seus. Naiwan naman akong mag-isa. Para hindi ako ma-bored sa paghihintay ay naglakad-lakad na lang ako sa loob ng malawak na campus. Hanggang sa isang text message ang natanggap ko mula sa mga kaibigan ko. Aseda: Dahlia, nakita na namin ang crush mo! Kaya lang may klase pa sila. Grabe, besh! Ang guwapo niya sa personal! Pati ang kuya mo napakaguwapo talaga! Napangisi na lang ako sa nabasa at agad na nag-reply. Me: Sige riyan lang muna kayo, bantayan niyo hanggang sa matapos ang klase at i-distract niyo agad si Kuya Adrius kapag lumabas na. Basta text me na lang. Muah besh! Napangisi lang ako sa aking reply at naupo na lang sa isang bench chair na nasa loob ng campus. Ngunit ilang sandali pa lang akong nakaupo ay manlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa 'di kalayuan kung saan nakita ko si Ate Elle na naglalakad-lakad kasama ang isang babae at madadaanan nila ako! Mabilis akong tumayo at tatakbo na sana para umalis, pero nang mapatingin naman ako sa kabilang dulo ay nakita ko si Kuya Brandon na mag-isang naglalakad habang may ka-text sa phone. Nataranta na ako dahil wala na akong matatakbuhan, hindi ko na alam kung saan na ako magtatago at papalapit na silang dalawa, madadaanan nila ako at siguradong makikita ako! D**n. I was trapped! “My god, ang malas ko talaga! Bakit sila dito pa dadaanan!” Hindi ko mapigilan ang mapapadyak sa inis at pagkataranta. Hanggang sa napatingin ako sa katabi kong bench chair kung saan may isang black leather jacket ang nakasampay at isang lalaki na nakahiga tila natutulog dahil may takip na cap ang mukha habang nakaunan pa ang ulo sa kanyang mga braso. Sa pagkataranta ko ay mabilis akong lumapit; basta ko na lang hinablot ang nakasampay na jacket bago sinaklob sa ulo ko at mabilis pumaibabaw sa lalaking natutulog, dahilan para mahulog ang cap na nakatakip sa mukha nito. “Ouch,” rinig kong pagdaing nito na tila nasaktan dahil sa bigla kong pagpatong. Pero mabilis kong tinakpan ang bibig nito at idiniin para hindi agad makabalikwas ng bangon. “Sshh… huwag kang maingay, please. Saglit lang 'to, promise. Dadaan kasi ang ate ko at baka makita ako; siguradong pagagalitan ako, so please just keep quiet and stay still,” mabilis kong bulong sa puno ng tainga nito at hindi na nag-abala pang tingnan ang pagmumukha nito; pinakinggan ko na lang ang paligid. “My goodness, what are they doing? Eww, what a disgusting scene! Talagang dito pa sa loob ng campus nagpatungan!” rinig kong wika ng boses babae. Tingin ko ay 'yung kasama ni Ate Elle, at mukhang ako nga yata ang pinaringgan. “You're right. My god, wala nang respeto sa school at talagang dito pa sa labas naglandian.” Boses ni Ate Elle. Napapikit na lang ako. Damn it. Hindi ba puwedeng dumaan na lang sila? Talagang pumuna pa, napakapakialamera! Nang marinig kong nakalampas na ito ay pasimple ko nang inangat ang jacket at sumilip. Hinintay ko pang nakalayo bago ako nakahinga ng maluwag at napasandal na lang ang ulo sa mabangong dibdib ng lalaki. Pero nang ma-realize ko ang sitwasyon ay agad din akong natauhan at mabilis na inalis ang kamay ko sa bibig ng lalaki. “Oh, I'm sorry mukhang nabigatan ka na yata.” Mabilis na akong bumangon para sana umalis na sa pagkakapatong sa katawan nito. Pero napahinto ako sa pag-alis ko nang bigla nitong iniyapos ang isang braso sa baywang ko at hinila ako pabalik sa kanyang katawan, dahilan para mapasinghap ako sa pagkagulat. “How dare you disturb my precious sleep.” Gano'n na lang ang paglaki ng mga mata ko at pag-awang ng labi ko nang makita ang mukha ito. “I-Ikaw?” Walang iba kundi 'yung lalaking pinakilala ko sa guard na kapatid ko! “Yes, it's me. So, ikaw na naman?” ngisi nitong sagot sa akin. “Ah hehe, ako nga ulit 'to,” pagtawa ko nang nakangiwi. “Pasensya ka na, ha. And thank you for helping me again.” Muli akong kumilos para umalis na. Ngunit hindi ko inaasahan ang muli nitong paghigpit ng yapos sa baywang ko, ayaw akong pakawalan, dahilan para tumaas na ang isang kilay ko at binigyan siya ng malditang tingin na may pagtatanong kung anong problema niya at ayaw na akong pakawalan. “Alam mo ba kung pinakaayaw ko sa lahat? 'Yung ini-istorbo ang tulog ko.” Pagak na akong natawa. “Well, it's not my problem anymore. Maistorbo talaga ang tulog mo because you're here outside in a public place; wala ka sa private room mo. So please, pakawalan mo na ako bago pa ako sumigaw na pinamanyak mo ako.” I warned him. Pero imbes na mabahala ay nginisian lang ako nito. “Go on; I don't mind.” What? “Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo! I swear, sisigaw ako.” “I don't care.” He shrugged. “Scream as loud as you can.” Til naman hindi ako makapaniwala. What the heck! “Ano ba! Bitiwan mo sabi ako!” Nagpumiglas na ako at pilit na inaalis ang kanyang braso sa baywang ko. Pero ang tigas, ayaw mabaklas. Bullshit! Baka masilipan na ako ng mga dumadaang estudyante, nakasuot pa naman ang ng maiksing skorts! “Asshole! Get off me!” “No, I won't. Come on, scream, my little dwarf. Gusto ko rin naman marinig kung paano sumigaw ang mga duwende,” ngisi nitong hamon sa akin na chill lang nakaunan sa kanyang isang braso. Napahinto naman ako sa pilit na pagbaklas sa braso nito at muling namilog ang mga mata ko. Ano raw? Dwarf?! “Y-You! Ikaw 'yun, 'no! Ikaw ang nag-chat at text sa akin?!” gulat kong bulalas. And he just grinning. “I don't understand what you're talking about. Bakit, marami bang tumatawag sa 'yo ng dwarf? Well, maybe it's true; you're a dwarf because you're too short.” Bigla nang kumulo ang dugo ko. Kaya naman sa inis ko ay walang preno kong pinalipad ang kamao ko papunta sa nguso nito. “Oh f**k!” He screamed in pain, lumuwag bigla ang pagyapos sa baywang ko. Sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis na akong umalis sa kanyang ibabaw. Matagumpay naman akong nakababa at mabilis na dinampot ang nahulog kong phone bago tumakbo palayo. Ngunit hindi pa malayo ang natakbo ko nang bigla lang may humablot sa baywang ko. “Ah!” pagtili ko sa gulat nang diretso ako nitong buhatin. Nagsisipa na ako. “Ano ba! Bitiwan mo ako! Ibaba mo ako!” Ngunit hindi ako nito pinakinggan, hanggang sa basta na lang akong inihiga sa bench chair na kanyang pinaghigaan, at mabilis na ginapos ang mga kamay ko. “What do you think you're doing, you asshole! Help! Help me!” Napasigaw na ako. Pero mabilis nitong tinakpan ang ng kanyang isang kamay ang bibig ko, habang ang isa ay nakagapos pa rin sa mga pulsuhan ko. My god! What is this man doing! “Hmm!” Pilit pa rin akong nagpumiglas. May ilang estudyante ang napadaan pero nang mapatingin sa lalaking gumapos sa akin ay biglang iniwas ang tingin at nilampasan lang kami na parang walang nakita. “So ano? Sigaw pa!” natatawang hamon sa akin ng lalaki na kinalabas ng mapuputi nitong ngipin, parang aliw na aliw sa pagpumiglas ko. At dahil hindi naman ako makawala, mabuti na lang ay may naisip akong ibang paraan. “Ouch—s**t!” kanyang malakas na pagdaing nang tuhurin ko ang pagitan ng kanyang hita, at lumuwag din ang paggapos sa akin. Hindi ko na hinintay pang maka-recover siya sa pagtuhod ko at buong lakas ko nang sinipa at tinulak, dahilan para mahulog siya sa damuhan. “Haha! Loser! Weak man!” Tinawanan ko pa siya bago ako tumakbo na nang mabilis. Hindi na ako lumingon basta tumakbo lang ako palayo. Ngunit mga ilang dipa lang yata ang natakbo ko nang bigla akong napahinto at nanlaki ang mata nang makita si Kuya Seus kasama si Kuya Adrius na naglalakad at makakasalubong ko. “No way! Hindi nila ako puwedeng makita!” Nataranta na ako na agad na nagpalinga-linga para maghanap ng matataguan dahil talagang malapit na sila sa akin, hindi pa ako nakikita gawa ng nag-usap silang dalawa at marami na rin ang estudyanteng dumadaan, pero isang tingin lang nila ng diretso ay 'di malabong makikita na ako! Ngunit wala na akong mapagtaguan dahil nasa malayo pa ang mga halaman. Hanggang sa napatingin na nga si Kuya Seus sa unahan, mabuti na lang ay mabilis akong nakatalikod. Tatakbo na nga sana ako sa kung saan, pero pagharap ko ay muntik na akong sumubsob sa matigas na dibdib. Pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa akin ang nakangising mukha ng lalaking tinuhod ko. “Hehe!” tangi ko lang nasambit nang nakangiwi, at sa pagkataranta ko ay basta ko na lang tinaas ang kanyang suot na t-shirt at mabilis na ipinasok ang ulo at katawan ko. “Please, huwag kang gagalaw, dadaan ang kuya ko at baka makita ako!” mabilis kong wika at niyakap na ang kanyang katawan ng mahigpit, para kung sakaling alisin niya man ako ay mahihirapan siya, makalampas pa sina kuya bago niya ako mailabas. Ngunit hindi ito gumalaw, hindi rin sumagot. Hindi ko na makita pa ang kanyang emosyon dahil nasa loob na ako ng kanyang t-shirt, pero kinabahan pa rin ako na baka mapansin ako nina kuya. “A-Ang mas mabuti pa siguro ay b-buhatin mo ako, dali! Dalhin mo ako sa malayo, 'yung hindi ako makikita nina kuya, at doon mo na lang ako ilabas!” Hindi ako nito sinagot. Pero napasinghap na lang ako nang bigla na lang akong hinakawan sa pang-upo at binuhat na nga ako. Nabastusan man sa klase ng kanyang pagbuhat pero hindi na lang ako umangal at napangiti na lang. Ang mahalaga ay hindi ako makita ni kuya, dahil siguradong pagagalitan ako nu'n at baka mapahiya pa ako kay Kuya Seus, magkasama pa naman silang dalawa. “Sige, dalhin mo lang ako sa malayo. I'm sorry sa pagsipa ko sa 'yo. Hayaan mo, babayaran na lang kita sa pagtulong mo sa akin,” bulong kong sabi habang nasa loob ng kanyang shirt at nakayapos pa rin sa kanyang katawan na parang mainit. Nilalagnat pa yata ang lalaking 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD