bc

Loving The Enemy's Daughter

book_age18+
388
FOLLOW
6.5K
READ
billionaire
forbidden
HE
bxg
lighthearted
campus
city
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Naging mortal na magkaaway ang kanilang ama dahil sa nangyari sa nakaraan, at naging mahigpit na magkalaban naman sa negosyo pagdating sa kasalukuyan. Ngunit paano nga ba kung mahuhulog ang puso mo sa anak na babae ng mortal na kaaway ng iyong ama? Paano mo 'to haharapin? Paano mo lalabanan ang sinisigaw ng puso mo kung sa bawat pikit ng mga mata mo ay nakikita mo ang maganda niyang mukha at matamis niyang mga ngiti na mas lalong nagpapabaliw sa 'yo.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Dahlia's Point of View “Senyorita Dahlia, gumising na po kayo at baka ma-late na kayo sa school niyo,” malumanay na pagtawag ng katulong mula sa labas habang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Napangisi lang ako at hindi sumagot, para isipin niya na tulog pa rin ako. It's already 06:25 AM, maaga talaga akong nagising ngayon dahil maganda ang mood ko. Napanaginipan ko ba naman ang crush ko kagabi, si Kuya Seus, ang matalik na kaibigan ng mga kuya ko at anak ng kumpare nina Daddy, nag-iisang anak ni Tito Oliver Spassion na siyang ninong din ng mga bunso kong kapatid na kambal. In my dream last night, we were under a cherry blossom tree, and he kissed me on my forehead. Kaso hanggang doon lang at nagising na ako. Pero halos maihi ako sa kilig pagkagising. My gosh, hinalikan lang naman ako ng crush ko. Kahit na sabihing panaginip lang 'yun, sobrang kilig pa rin ang hatid sa akin. Ang guwapo niya pa rin hanggang sa panaginip, and I'm still fascinated. Pero ang tanong, kailan niya kaya ako mapapansin bilang babae? Ang tingin kasi niya sa akin ay parang bunsong kapatid lang, palibhasa ay kapatid ako nina kuya na mga kaibigan niya. “Magiging akin ka rin, Kuya Seus. Maghintay ka lang,” pagkausap ko sa kaharap kong salamin at napangisi sa naisip na plano. Gagawin ko ang lahat para lang makita niya ako bilang babae. I swear, I will make him fall in love with me. “Senyorita! Gumising ka na!” muling pagtawag ng katulong. “Oo na, manang, mula kanina pa ako gising! Nagbibihis na ako, okay? So please leave, palabas na rin po ako maya maya!” I replied. “Sige po, senyorita.” Matapos kong magbihis ng school uniform ko ay umikot-ikot pa ako sa harap ng salamin para makita kung okay na ba, kung neat na ako tingnan. Nang makitang okay na ay sinukbit ko na ang school bag ko at lumabas na ng kuwarto ko. Pagkababa ko ay agad akong napangiti nang makita ang nanny na binabantayan ang dalawa kong bunsong kapatid na babaeng kambal na kasalukuyang gumagapang-gapang sa carpet, seven months pa lang ang mga ito. “Hi babies!” nakangiti kong pagbati at lumapit, pinanggigilan ko ang pisngi nilang dalawa at pinaghalik-halikan. Nainis naman sa akin at umiyak, kaya napatawa na lang ako at binitiwan na. Talagang ayaw nilang hinahalik-halikan sila. Pagdating ko ng dining area ay naroon na nakaupo sina mommy at daddy kasama ang dalawa ko pang kapatid na sina Liam at Drien. Napangisi ako nang makitang wala pa ang mga triplets kong kapatid na mas matanda sa akin; sina Ate Elle, Kuya Brandon, at Kuya Adrius. Himala at naunahan ko sila sa paggising ngayon. “Good morning, mom and dad.” Agad akong bumeso kay mommy at sa dalawa kong daddy. Yes, dalawa ang daddy ko, eh kasi naman dalawa lang naman ang asawa ni mommy; sina Daddy D (Darius) at Daddy Z (Larco Zayn). Hindi ko alam kung sino ba ang ama ko sa kanilang dalawa, pero ang sabi ni mommy ay silang dalawa ang ama ko dahil tatlo sila sa pagbuo sa akin, sa amin ng mga kapatid ko, kaya gano'n din ang nakalagay sa birth certificate namin, dalawa ang daddy. Weird ang pamilya namin kung iisipin, pero happy family naman kami, magkasundo ang dalawa kong daddy at sobrang mahal na mahal nila si mommy. Ang masasabi ko lang ay ang swerte ko na sila ang naging parents namin ng mga kapatid ko. They are the best parents in the world. And I love them so much. I love my family. “Tingnan mo sina kuya, naunahan ko sa paggising ngayon,” ngisi kong wika at naupo na sa aking upuan matapos bumeso sa parents ko. “Wala na ang mga kuya mo, kakaalis lang, pumasok na,” sagot sa akin ni mommy. Napaawang na lang ang labi ko. What the— akala ko pa naman ay mauunahan ko na sila sa pagpasok ngayon dahil maaga akong nagising. Pero mas maaga pa pala sila. “Hays. Para naman silang aswang kung gumising ng sobrang aga. Inagahan ko na nga ang gising ko pero naunahan pa rin pala nila ako,” reklamo ko at inumpisahan nang kumain. “Kung parang aswang ang mga kapatid mo, ikaw naman para kang pagong; ang bagal bagal mong kumilos,” sagot sa akin ni Daddy D. “Daddy naman, eh! Di hamak na mas maganda ako kaysa sa pagong, grabe ka sa akin!” reklamo ko na napasimangot at padyak pa, muntik pa akong masamid sa kinakain ko. “Mas maganda ang pagong kaysa sa 'yo,” sabat ng kapatid kong si Liam na pangisi-ngisi pa. “Tumigil-tigil ka bubuwet! Huwag kang sumasabat sa usapan ng matatanda!” Pinanlakihan ko pa ito ng mata. Pero agad naman akong sinaway ni mommy. “Tumatawag na nga ang teacher mo, bakit ka raw palagi na lang late.” Si Daddy Z naman ang sumabat. “Ano ka ba, dad, hindi naman ako late, 'no. Saktong-sakto lang kaya ang dating ko. Eh kasi naman, ang bagal bagal magmaneho ni Mang Kardeng, mas mabagal pa kaysa sa pagong!” “Oh siya, hayaan mo, ako na ang maghahatid sa 'yo ngayon. Siguradong mali-late ka naman dahil konti na lang ang oras.” Si Daddy D ulit na napatingin pa sa suot nitong wristwatch. Napangiti na ako. “Okay po, daddy.” Matapos mag-almusal ay sumakay na ako sa kotse ni daddy D para magpahatid sa school. Si daddy Z naman ang naghatid sa dalawa ko pang kapatid na sina Liam at Drien na nasa grade school pa lang. Grade 3 si Liam, at grade 4 naman si Drien. “Daddy, I have a question,” wika ko nang nasa biyahe na kami papuntang school. “Yes, what is it?” sagot ni daddy D habang naka-focus sa pagmamaneho. “Gusto ko lang sana malaman kung paano mo nagustuhan si mommy? Paano po naging kayo, dad?” I asked curiously. My Daddy D chuckled. “Why did you ask, princess?” “I'm just curious, dad. Puwedeng pakisagot na lang po, please?” “Hmm…” Napatango-tango si Dad. “Well, inakit ako ng mommy mo nang hindi niya alam.” Kumunot naman ang noo ko. May gano'n? Paano 'yun? Mang-akit nang hindi alam? Paano ko naman gagawin 'yun kay Kuya Seus? “I don't understand, dad. Can you explain?” “I can't explain, princess. Hindi mo rin maiintindihan dahil masyado ka pang bata. Basta, kami ng mommy mo ang itinadhana sa isa't isa. And I love her so much.” ‘Hays naman. I need an answer, dad! Gagamitin ko kasi kay Kuya Seus para mapansin niya ako at ma-inlove siya sa akin!’ gusto kong isagot 'yun kay dad kung puwede lang sana. “Kung gano'n, ano po ang nagustuhan mo kay mommy? Her beauty? Attitude? Or what?” “Everything. I love everything about your mom. Lahat ng katangian niya ay nagustuhan ko. Kaya naman lahat ng mahal niya, minahal ko na rin para mahalin din niya ako.” Napanguso na lang ako. Ang labo naman itong si Dad, hindi man lang ako bigyan ng tips kung paano magpa-fall ng boys. “Baka kinulam ka ni mommy, dad,” buntong hininga ko na lang usal. Napatawa naman si Daddy D. “Yeah, baka nga.” He shrugged. Pagkahinto ng sasakyan sa harap ng gate ng school na pinapasukan ko ay agad akong inabutan ni daddy ng maraming tig-iisang libo. “Aanhin ko 'yan, dad?” kunot-noo kong tanong. “Extra cash, baka naubusan ka na.” I chuckled. “No, dad, puno pa ang wallet ko. Binigyan din ako kahapon ni daddy Z ng 30k, at hindi ko pa nababawasan hanggang ngayon.” Isang halik sa pisngi ang binigay ko kay Daddy D. “Sige na, dad, ingat ka na lang po sa pagmamaneho pauwi.” “Okay, mag-iingat ka rin. Just call me if anyone bullying you.” “The heck, dad. As if naman papayag akong i-bully ng kung sino man. Don't worry, palaban 'to.” “That's my daughter.” “Sige na, dad. Bye na, love you!” Patakbo na akong pumasok sa malaking gate ng school. Dito ako nag-aaral sa Graceful Academy. Sa ngayon ay grade 10 na rin ako, 2 years na lang at graduate na ako ng highschool, at sasabak naman sa college. Kapag nangyari 'yun ay makakapasok na rin ako sa university na pinapasukan nina kuya, at syempre ang aking super crush na si Kuya Seus. Kaya lang magga-graduate na yata sila this year, mukhang hindi ko na maaabutan pa. But it's okay, alam ko naman kung saan matatagpuan si Kuya Seus, syempre alam ko ang bahay nila. “Hi, Dahlia!” “Hi, Miss Pretty!” Kabila-kabilaang mga estudyante ang bumabati sa akin habang naglalakad ako papunta sa classroom ko. And I just gave them a beautiful smile. Well, I'm a campus queen; walang estudyante sa school na 'to ang hindi nakakakilala sa akin, lahat sila ay kilala ako. Kahit pa mga teachers ay kilalang-kilala ako, pero bilang anak ng parents ko. Pag-aari naman kasi nina dad itong school na pinapasukan ko, 'yung university lang na pinapasukan nina kuya ang hindi. Pagdating ko sa classroom ko ay late na naman ako, naroon na ang adviser namin, kasalukuyan nang nagli-lecture. Tahimik na lang akong pumasok, at napatikhim lang ang adviser nang makita ako. Hindi ako pinapagalitan kahit late, siguro ay dahil anak ako ng parents ko at kami ang may ari nitong school. Alam kong mali ang pagpasok ko ng late, pero anong magagawa ko, eh nakakatamad gumising sa umaga. Hindi ko naman gustong late na lang lagi pumasok, pero wala talaga, dahil kahit anong gawin ko ay madalas pa rin akong late. “Girls, tutal wala na rin namang klase, ano kaya kung mag-shopping na lang tayo?” suhestiyon ng classmate kong bading na si Leo/Leona pagkalabas namin ng classroom. Hanggang second period lang ang klase namin dahil may meeting daw ang mga teachers. “Good suggestion, Leona. Let's go shopping then!” agad kong sang-ayon. Pumayag na rin ang dalawa ko pang classmates na sina Lorna at Aseda. Kaya naman agad kaming sumakay ng taxi at nagpahatid sa isang shopping mall. Pagdating ng mall ay niyaya ko agad sila sa isang boutique, at agad akong nagsukat ng damit na babagay sa akin; Isang black skorts at red push up bustier crop top. Nang umikot ako sa salamin ay napangiti ako nang makitang bagay na bagay naman sa akin; lumabas naman ang pagka-goddess beauty ko, at syempre, litaw na litaw pa rin ang pagiging makinis ko. “Rate my outfit, please?” excited na wika ko sa tatlo kong friends pagkalabas ng fitting room at maarte pang nag-post na akala mo'y isang modelo. “Hmm. I think… 9 out of 10,” sagot ni Lorna na napatango-tango pa matapos pagmasdan ang outfit ko. “8 out of 10.” Si Aseda. “10/10 for me, besh! Pak na pak!” maarte namang sagot ni Leo na pumitik pa sa kamay sabay flip sa hair na akala mo'y may mahabang buhok. Napangiti naman ako at muling napatingin sa outfit ko. “Tingin niyo, kaya ko kaya mang-akit ng guy with these outfit?” Nangunot ang noo ni Aseda, namilog ang mata ni Lorna, at napataas naman ang kilay ni Leo. “At sino naman ang balak mong akitin?” halos magkasabay nilang bulalas. Napangisi naman ako. “Nevermind. Sige, ito na lang ang bibilhin ko.” Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at muli na akong pumasok ng fitting room. Pero hindi ko na hinubad pa ang suot ko, nilagay ko na lang sa loob ng school bag ko ang hinubad kong uniform bago lumabas na ulit ng fitting room. “Who's the lucky guy, besh?” agad na tanong sa akin na Aseda na bumulaga talaga paglabas ko ng pinto. “Omg, beshy! May nagugustuhan ka na? Sino siya at kailangan mo pang akitin?” napapatili sa kilig na tanong din ni Leo. “Is he handsome? Classmate ba natin 'yan? Schoolmates?” si Lorna. Napangisi lang ako. “Secret!” Natatawa na akong lumapit sa counter para bayaran ang damit na suot. “Oy, besh, 'wag ka namang ganyan! Sabihin mo na sa amin kung sino!” “Oo nga naman, Dahlia! Huwag ka naman madamot, friend! Sabihin mo na sa amin at nang makilala namin!” Kinulit na nila akong tatlo na siyang kinangisi ko lang. “Kahit naman sabihin ko ay hindi niyo rin siya makilala dahil nasa ibang school siya. He's a college student!” Sabay-sabay na namilog ang mga mata ng tatlo kong friends sa sinabi ko. Pero mabilis ko na silang tinalikuran matapos bayaran ang binili kong damit. Agad naman silang humabol sa akin at kinulit pa rin ako. Hanggang sa nakalabas na kami ng mall at pumara na ako ng taxi. “Teka, don't tell me, uuwi ka na agad?” reaction ni Leo. “Ang aga pa, huwag ka munang umuwi,” pagpigil naman sa akin ni Lorna at Aseda. “Kailangan ko nang umuwi, girls. Nag-text na kasi si dad at pinapauwi na ako,” pagsisinungaling ko at sumakay na sa taxi nang huminto ito sa harap ko. “Bye! Kita-kits na lang tayo tomorrow!” Kumaway pa ako sa kanilang tatlo; pero puro simangot ang kanilang sinagot, halata na ayaw pa akong pauwiin. “Saan ko po kayo ihahatid, ma'am?” the taxi driver asked. “Sa Gusev University po tayo, manong,” I answered smilingly. Sa Gusev University lang naman pumapasok ang crush kong si Kuya Seus. And I wanted to see him today. Gusto kong magpa-cute sa kanya at baka sakaling mapansin na niya ang beauty ko. Habang lulan ng taxi ay inaayusan ko naman ang mukha ko. Naglagay ako ng liptint, eyeshadow, konting blush on, at syempre nag-spray ng pabango sa buo kong katawan. Rinig ko pa ang pag-ubo ng taxi driver na tila nanuot na sa ilong ang pabango ko, pero mabuti ay hindi naman ito nagreklamo. Nagmumog na rin ako ng mouth wash at basta na lang binugwak sa bintana ng taxi ang pinagmumugan ko. At syempre para fresh breath talaga, nag-spray na rin ako ng mouth spray. Pagdating sa university ay excited akong bumaba ng taxi, ni hindi ko na hiningian pa ng sukli ang taxi driver sa one thousand na inabot ko bilang pamasahe; lubos naman itong nagpasalamat sa akin, tila tuwang-tuwa sa binigay kong tip sa kanya. Nang makababa ng taxi ay saglit pa akong nanalamin sa phone ko bago lumapit sa gate. Ngumiti pa ako sa security guard na nakatayo, pero nang papasok na ako ay hindi ko inaasahan ang bigla nitong pagharang sa akin. “ID niyo po, ma'am?” Napakurap ako. Nang mapatingin ako sa gate ay may nakasulat pala na ‘No ID, No Entry’. “Ah sige po, manong.” Dali-dali kong binuksan ang bag ko at nilabas ang school ID ko, binigay ko sa security guard. Pero nang makita nito ang ID ko ay agad na umiling at binalik sa akin. “Naku, pasensya na po, ma'am; hindi pala kayo dito nag-aaral, kaya hindi kayo puwedeng pumasok.” Literal na naglaho bigla ang ngiti ko at napalitan ng pagsimangot. “Pero kailangan ko po pumasok sa loob. May sasabihin lang po akong importanteng sa mga kuya ko, dito po sila nag-aaral.” “Hintayin mo na lang ang uwian, hindi talaga kita puwedeng papasukin. Pasensya ka na, hija.” Hindi ko mapigilan ang mapapadyak sa inis. “Manong, sige na po please, papasukin niyo na po ako!” nagmamakaawa kong pakiusap sa security guard. “Sorry talaga, ma'am, pero hindi talaga kita puwedeng papasukin dahil hindi ka naman dito nag-aaral. Mahigpit na ipinagbabawal sa university na 'to ang pagpasok ng mga outsiders, unless, may pahintulot ka galing sa nakatataas.” Lintik na guard 'to, napakahigpit naman! “I told you, manong, dito po nag-aaral ang mga kuya at ate ko!” “Pasensya na, hindi talaga puwede.” Argh! “Manong naman, eh! Ang higpit mo naman po!” “That's my job.” “Pero hindi naman po ako mangugulo sa loob!” “Kahit na, hindi pa rin puwede.” Napasimangot na lang ako sa inis at tumalikod na, padabog na humakbang ng marahan palayo ng gate na parang maiiyak na sa inis. Pero napahinto ako nang may humintong black car sa harap ko at lumabas ang isang lalaking nakasuot ng white shirts with black leather jacket at black pants, sukbit pa nito ang kanyang school bag nang bumaba sa magarang kotse; kasing edad lang siya nina kuya, at tingin ko ay estudyante rin siya sa university na 'to. Nagliwanag ang mukha ko nang may idea ang biglang naisip. “Kuya!” malakas kong pagtawag, dahilan para mapalingon ang lalaki sa akin. Pansin ko ang bahagyang pagsalubong ng kilay nito at sandali pang napalingon sa likuran na para bang naghanap kung nasa kanyang likuran ang tinawag ko, pero nang makitang walang katao-tao sa kanyang likuran o malapit sa kanya ay muli nang napatingin sa akin, saglit pang kumunot ang noo hanggang sa iniwas na lang ang tingin at lumakad na. Matamis naman akong napangiti at tumakbo na papalapit sabay hawak sa kanyang braso. “Kuya, ba't naman ngayon ka lang? Mula kanina pa ako naghihintay rito!” nguso kong wika at maarte pang napapadyak. “What the— bitiwan mo nga ako!” gulat na bulalas ng lalaki sa masungit na boses at biglang inagaw ang braso sa akin. Pero syempre hindi ako pumayag at muli pa ring niyapos ang kanyang isang braso bago siya pinanlakihan ng mga mata. “Ano ka ba naman, kuya, ang sungit-sungit mo talaga!” paghampas ko pa sa braso nito at sapilitan nang hinila ng marahas palapit sa gate kung saan nakatayo pa rin ang dalawang security guard. “Manong guard, siya po ang kapatid na sinasabi ko. Kuya ko po siya!” Nanlaki naman ang mata ng guard sa sinabi ko— na akala mo'y takot sa lalaking hinila ko. “P-Pasensya na po ma'am, yes po, puwedeng-puwede na po kayo pumasok!” Agad niluwagan ang gate. Napangisi na lang ako. “No, she's not my—” aapila pa ang lalaki pero mabilis kong tinakpan ang bibig. ”Kuya naman, wag ka nang magdaldal pa! Gusto ko lang makita ang classroom mo!” Pinanlakihan ko ito ulit ng mata at mabilis nang hinila papasok ng gate. Mabuti na lang ay nagpahila naman ito sa akin kahit sapilitan lang. Nang makalayo na sa security ay saka ko binitiwan ang braso ng lalaki at matamis na ngumiti rito. “Pasensya ka na ah, kailangan ko lang kasi talaga makapasok. And by the way, saan banda pala ang building ng mga engineering department?” tanong ko na agad na nilibot ang tingin sa loob ng malawak na university. The man didn't answer me, and when I looked at him again, he was looking at me with a slight frown “Hey, do you hear me? I'm talking to you,” pakanta kong sabi at namaywang pa. “I'm asking you where the engineering building is.” Mas lalong nagsalubong ang makapal na kilay nito sa akin. Pero nang taasan ko ng kilay ay kumawala ang mahinang pagtikhim at mabilis na ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. “Bakit mo hinahanap?” he asked me. “Because my crush is there. And I'm here for him to visit,” I answered directly and excitedly. Pero hindi ko inaasahan ang isasagot sa akin ng lalaki. “Hindi ka dapat pumapasok dito. This is not your school, you're not allowed here!” masungit nitong sabi bago ako nilampasan. Napamaang na lang ako. Gosh, he's so rude! “Hey!” Agad akong humabol at humarang sa harap nito na siyang kinahinto naman nito. And I crossed my arms over my chest as I stopped in front of him. Saglit ko pa siyang pinasadahan ng tingin bago sarkastikong nginisian at tinaasan ng isang kilay. “I know you're handsome, but you're not my type! And please don't act like you think you're cool, because you're not!” Parang nabigla ito sa sinabi ko, tila hindi makapaniwala. Napangisi naman ako. “Kung ayaw mong sabihin kung nasaan, then don't; kayang-kaya ko namang hanapin. Diyan ka na nga!” Nilampasan ko na ito at binangga pa sa braso. Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang mapahinto ako at nilibot ulit ang tingin sa loob ng university. Hindi ko alam kung saang daan ako pupunta, napakalawak naman kasi. Higit sa lahat ay pangalawang beses ko pa lang pumunta rito; last year pa ang punta ko nang sumama ako kay Ate Elle sa pag-enroll. “Hays, saan ba kita hahanapin, my dear Kuya Seus!” I said as I frowned. There are so many buildings on campus that I don't know where the engineering department is. Engineering kasi ang kinukuhang kurso ni Kuya Seus, same sila ni Kuya Adrius, at ang alam ko ay magkaklase silang dalawa. “Excuse me, miss.” Mabilis kong pinigilan sa braso ang isang estudyanteng napadaan sa tabi ko. “Where is the engineering department?” “That one,” pagturo nito sa isang building. Napangiti naman ako at binitiwan na ang braso nito. “Okay, thank you!” Akmang hahakbang na ako para pumunta na sa nasabing building, pero agad akong napahinto nang may maalala. Napalingon ako, pero paglingon ko ay hindi ko inaasahan na hindi pa rin nakaalis sa kanyang kinatatayuan ang lalaki kanina, agad na umarko ang kilay ko nang makitang nakatingin ito sa akin ng seryoso habang nakahawak ang isang kamay sa nakasukbit na black backpack sa likod. Tinaasan ko ko naman ito ng kilay. “Che!” maarte kong pag-flip ng at inirapan pa ito bago tumakbo na paalis. Diretso akong pumasok ng building na malapad ang ngiti at puno ng excitement, because finally, makikita ko na rin muli si Kuya Seus ko na ilang araw ko na rin hindi nasilayan ang gwapong mukha. “Gosh! I've missed him so much!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook