CHAPTER 2

1706 Words
Sa paghahanap ko kay Kuya Seus sa building ng mga engineering ay nakita ko naman ito nang sumilip ako sa kanilang classroom, kaya lang kasama nito si Kuya Adrius at katabi pa sa upuan, kaya hindi ko tuloy matawag para palabasin. So ang ginawa ko ay naghintay na lang ako hanggang sa matapos ang kanilang klase. Kaya lang hanggang sa natapos na ang kanilang klase ay magkasama pa rin silang dalawa. So ang ginawa ko ay patago-tago na lang ako para hindi nila makita at sumunod na lang sa kanila nang hindi nila namamalayan. Hanggang sa pumasok silang dalawa sa locker room, at nang lumabas ay nakabihis na ng jersey na pang basketball at kasama na nila ang kanilang team. Mabilis ko na lang tinakpan ang mukha ko nang pamaypay kong dala para hindi ako makita; mabuti na lang talaga ay nadala ko ang pamaypay ng kaklase kong bading na si Leo. Rinig ko pang may sumipol nang mapadaan sa tabi ko, isa sa kanilang team. Nang tuluyan na silang makalayo ay saka ako sumilip mula sa aking pamaypay, hanggang sa muli na akong napangiti at mabilis na sumunod. Pagdating ng court kung saan sila magpa-practise ay pinalipas ko muna ang dalawang minuto bago ako sumunod papasok habang takip-takip ang kalahating mukha mo ng pamaypay kong hawak. Mahirap na at baka makita pa ako ni Ate Elle o kaya ni Kuya Brandon nang hindi ko namamalayan habang nakasunod ako kay Kuya Seus at Kuya Adrius. Naupo ako sa mga upuan bandang likod ng mga ibang estudyanteng nanonood pagkapasok ko ng court. “I love you number 17!” Bigla na lang may sumigaw na babae. Parang uminit naman ang ulo ko sa narinig. Number 17 lang naman ang nakasulat sa blue jersey ni Kuya Seus, 17 Spassion ang nakasulat. “Gosh! Ang guwapo niya talaga di ba!” pagtili pa ng babaeng sumigaw na tila kilig na kilig dahil hinampas pa ang braso ng dalawang katabing kaibigan. “Mas guwapo si number 18 ko! Siya na ang pinakaguwapo sa lahat! Oh my gosh!” pagtili naman ng isa, na ang tinutukoy ay si Kuya Adrius dahil 18 ang number ng jersey nito; Hedresson Skolav 18 ang nakasulat. Napairap naman ako ng wala sa oras. Argh! I hate these bitches! Ang lalandi! Ang kakapal ng mukha at gusto pa yata maging karibal ko kay Kuya Seus. Pwes, hindi ako magpapatalo! “Go go go! My baby Seus number seventeen! Come on, my baby! You're mine! I love you to the moon and back!” I shouted loudly, causing them all to turn to me. Fortunately, I quickly covered my face with the fan I was holding. Hindi ko mapigilan ang mapabungisngis nang mag-isa habang nagtatago na sa likod ng aking hawak na pamaypay. Sumobra yata sa lakas ang boses ko at talagang nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Nang sumilip ako ay nakita kong patuloy pa rin ang paglalaro ng basketball, at bumalik na rin ang atensyon nilang lahat sa mga naglalaro ng basketball, maliban sa babaeng sumigaw ng ‘I love you 17’ nakatingin na ito sa akin, at talagang napakasama na ng tingin. Hanggang sa napalingon na rin sa akin ang dalawa nitong katabi, at bigla nila na akong tinaasan ng kilay. “What?” Tinaasan ko rin sila ng isang kilay. “Shut up! Number seventeen is mine!” said the girl who shouted. Pinanlakihan pa talaga ako ng mata ng gaga. “Huwag mo nang patulan, mukhang hindi naman sila bagay. Look, nasa elementary pa lang yata 'yan,” saway ng isang babae. “Oo nga, paano nakapasok dito 'yan?” simangot naman ng isa na nagawa pa akong pasadahan ng tingin. Inirapan ko lang sila at muli ko nang binalik ang tingin sa pinapanood. “Go go number seventeen my love!” proud kong sigaw nang makitang naka-shoot si Kuya Seus. Ang galing niya talaga! Pero hindi ko inaasahan na dahil sa sigaw ko ay napalingon si Kuya Seus at nilibot ang tingin na tila naghanap, hanggang sa huminto nga sa akin. “Go, seventeen!” sigaw ko pa rin kahit nakatingin na ito sa akin. Mukhang nagulat yata nang makita ako, pero kalaunan ay hindi ko inaasahan ang kanyang malapad na pagngiti at muli nang pinagpatuloy ang paglalaro. “Oh my gosh! He smiled at me!” impit kong pagtili. At nang mapatingin ako sa tatlong babae ay masama na ang tingin sa akin, lalo na 'yung isang sumigaw din ng number 17. Pero nginisian ko lang sila at binalik ko na ang tingin ko kay Kuya Seus. Ngunit hindi ko inaasahan ang paglapit ni Kuya Seus kay Kuya Adrius at may kung anong binulong. Nanlaki ang mga mata ko nang mapalingon na si Kuya Adrius na tila naghanap, mabuti na lang ay mabilis kong natakpan ang mukha ko ng aking hawak na pamaypay. “Naman, bakit niya ako sinumbong kay kuya!” simangot kong reklamo at napapadyak na ng paa habang nagtatago sa likod ng aking pamaypay. No way! Hindi ko puwedeng makaharap nina kuya ngayon, siguradong pagagalitan nila ako dahil sa pagpunta ko rito sa kanilang school. Mabilis na akong tumayo at nagmamadaling lumabas ang court habang takip ang mukha ko ng pamaypay kong hawak. Pero saktong paglabas ko ng pinto ay siyang pagtunong ng phone ko, at namilog ang mga mata ko nang makitang isa sa mga daddy ko ang tumawag, walang iba kundi ang super strict na si Daddy Z ko. “Yes, Dad?” I answered the phone call. “Narito na ako sa school mo, where are you?” Napakagat labi na ako. Lagot na, magagalit na naman 'to panigurado. “Oh, I'm sorry, Dad. Pero umalis na po ako kasi wala kaming pasok ngayon. I'm here na po sa university nina kuya to visit them.” “At saan ka naman sumakay? Sinong naghatid sa 'yo riyan?” Hindi ko mapigilan ang mapanguso. Napakaseryoso na naman ng boses ni Dad. “The taxi driver, dad. Tinatanong pa ba 'yan, alam mo namang wala pa akong sariling kotse.” “I told you not to ride a taxi o kahit kanino, ang tigas ng ulo mo!” Sabi na nga ba, tinaasan na naman ako ng boses. Hindi ko mapigilan ang mapaikot ng mata. “My gosh! Relax, Dad. Parang ang init naman yata ng ulo mo ngayon, don't tell me hindi ka na naman pinagbigyan ni Mom kaya ganyan ka?” “What?” “Hehe. Just kidding, dad. Sige na po, bye na. Don't worry, sasabay na lang po ako kina kuya! Ingat ka na lang po sa pag-drive pauwi! Love you, daddy ko! Muah!” Hindi ko na hinintay pang makasagot si Dad at napapahagikhik ko nang binabaan ng phone. Pero nang ipagpapatuloy ko na ang paglalakad ko ay bigla na lang akong bumangga sa katawan ng tao. “Aray naman!” inis kong bulalas at nakasimangot na nag-angat ng tingin habang hawak ang phone ko. Pero agad na nangunot ang noo ko nang makita kung sino ang nabangga ko, walang iba kundi 'yung lalaki sa may gate kanina na pinakilala kong kuya ko sa security guard para lang makapasok ako. “What's your name?” he asked me. My eyebrows automatically raised. “And why do you ask?” “Just tell me your name. Do you have a social media account?” What? I chuckled. “What kind of question is that? Kahit mga taga bundok at matatanda ay may social media account na sa panahon ngayon. Ako pa kaya na bata pa at narito sa city nakatira?” mataray kong sagot na tumaas na ang kilay at napahalukipkip na. “You know what, are you following me? Are you stalking me? Ano, na-in-love ka na sa beauty ko?” Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay bigla na lang nitong hinablot ang phone sa kamay ko. Namilog naman ang mata ko sa pagkabigla. “Hey! Akin na nga 'yan!” Tinangka kong agawin pabalik pero mabilis nitong tinaas ang kanyang kamay para hindi ko maabot. At may kung ano nang kinalikot sa phone ko. “You asshole! Give me back my phone!” Nainis na ako at pilit pa rin inabot. Pero dahil mas matangkad siya sa akin at mahaba ang braso ay hindi ko magawang abutin ang phone ko kahit na tumingkayad pa ako ng tudo. Natigil lang ako sa pilit kong pag-agaw sa phone ko nang may humintong lalaki sa harap namin. Walang iba kundi ang isa sa mga kuya ko, si Kuya Brandon. “What do you think you're doing?” ubod ng seryoso na tanong nito sa lalaking umagaw sa phone ko. Napahinto naman ang lalaki at napatingin kay kuya. “And who are you to ask me that?” sarkastiko naman nitong sagot. “Kuya!” Tumakbo na ako papunta sa tabi ni kuya at humawak sa braso nito bago itinuro ang lalaki. “Inagaw ng lalaking 'yan ang phone ko, kuya!” agad kong sumbong. Parang nagulat naman ang lalaki sa narinig. “She's your sister?” hindi makapaniwala nitong tanong na tila gulat na gulat. “Yes. Do you have a problem?” maangas namang sagot ni kuya at inagaw na ang phone sa kamay ng lalaki. Hinila na ako ni kuya palayo at saka ako binitawan at hinarap. “Anong ginagawa mo rito?” tanong sa akin na akala mo'y galit dahil salubong na ang mga kilay. Maarte naman akong napairap at inagaw na ang phone ko sa kanyang kamay. “Hindi ba obvious, kuya? Syempre binibisita kayo rito. Bakit, bawal na ba akong pumunta?” “Hindi ka dapat pumupunta rito. Wala ka bang pasok at narito ka?” “Wala.” I shook my head. “Tsk. Bawal ka rito. Nasa parking lot ang kotse ko, hanapin mo at doon ka maghintay!” Napasimangot na ako. “Kuya naman, dito lang ako!” “Huwag kang makulit, Dahlia. Go to the car and wait for me there!” Napapadyak na lang ako at wala nang nagawa kundi sumunod sa kanyang utos. Kainis, paano ko naman makakaharap si Kuya Seus nito? Nag-effort pa naman akong pumunta rito, tapos ganito lang? “Argh! Kasalanan talaga 'to ng lalaking 'yun!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD