Nagising ako sa galaw ng barko at mukhang maglalayag na ito. Tumunog ang malakas na busina at mabilis akong napatayo sa sarili. Hindi ko tuloy napansin at tumama ang ulo ko sa kahon na nasa itaas lang na bahagi ng ulo ko. Madilim na at kinapa ko na ang bawat sulok.
This place reminds me of the basement we have at home. Sa tuwing galit si Tiya sa akin ay kinukulong nila ako sa basement para raw magtanda ako. At first I got scared but then after a while I've got used to it. I may hate it but sometimes the dark basement had given me a lot of thoughts and plan. Iniisip ko noon kung makakaalis lang ako sa mansyon ay titiyakin kong hindi na nila ako makikita pa.
Mahina akong tumayo at maingat ang bawat hakbang ko. Nagmamasid at sa maliit na butas ay kitang-kita ko ang liwanag ng labas. Lumakas ang kaba sa dibdib ko nang makita si Linus na kausap ang iilang mga lalaki sa daungan. Hindi pa nakaalis ang barko na ito pero nakaandar na ang makina. Rinig ko kasi ito dahil malapit lang ang makina ng barko rito sa bodega.
Mainit at panay ang punas ko sa pawis. Hindi halos ako makahinga at gusto kong lumabas pero alam kong delikado pa. Gutom na din ako at hindi ko alam kong ano ang makakain ko rito. May pera ako at nasa loob ito ng aking bra kasama na ang litrato ng mga magulang ko. Mariin kong hinawakan ang kwintas na suot ko. Yari sa tanso ito at hugis puso. Ito ang kahuli-huling binigay ni Lolo sa akin noong huli ko siyang nakita. Matagal na iyon, anim na taon pa lang ako.
Sumilip ulit ako sa butas at mas namilog ang mga mata ko nang mamataan ang pamilyar na anyo ng isa sa mga taong kausap ni Linus. . . Mukhang mga tauhan sila ni Tiya.
Naaptras ako at nagtangong muli sa lunga ko. Nabalot na ng kaba ang puso ko at pinikit ko na ang mga mata. Nanginig na ang buong katawan ko at pati na rin ang sikmura ko. Takot ako, takot na takot. . . Mas bumilis ang pintig ng puso ko at nakakabingi na ito nang marinig ko ang pag-uusap nila.
"Sir, for inspection lang po."
"Who the hell you think you are?"
"Sir, utos lang po ng nasa itaas. May hinahanap kasi kami."
"And so? Do you think that gives you the right to search without warrant? That's against the f*****g law! Who the hell give a damn s**t about the law anyway. Tell me who's your boss?" matigas na boses ni Linus.
"P-Pasensya na sir. Pero sa bandang bahagi kasi ng yate ninyo natagpuan ito."
Napatakip bibig na ako. Inisip ko baka ang damit ko ang nakita nila. Itinapon ko iyon sa gilid ng yate ni Linus. Hindi man lang ba dumapo sa ibang yate iyon? Dios ko po, Mama... Papa...
"f**k!" malutong na boses ni Linus.
"I have my five seconds rule here, asshole. And if you don't step back you'll definitely regret this and your effing life will pay for it. Damn it!"
Tinakpan ko na ang tainga ko at nagdasal na sa sarili. Kung mananalo sila at makakapasok sa bahaging bodega ng yate ni Linus ay tiyak mahahanap nila ako ngayon. Ayaw ko! Ayaw kong sumama sa kanila. . . Tatayo na sana ako para mas humanap pa ng taming puwesto pero nahinto ako dahil rinig ko ulit ang pag-uusap nila.
"What the hell is happening here?"
Isang panibagong boses ang umeksena at napaupo ulit ako. Niyakap ko na ang tuhod ko at nanginig na akong lalo sa sarili.
"Sir, Maison," boses ng isa.
"What's the fuss? What the hell are you all doing here? May pinapagawa ba si Madam Elma?"
"Pasensya na, Sir. Pero hinahanap namin si - "
Nahinto sila at wala na akong narinig pa. I'm getting curious to this new voice and it seems like he knew me. I stood up because I want to check them, but my knees trembled and I have no energy anymore. Sumabay kasi ang kaba, nginig at panlalamig sa sistema ko kaya wala na akong lakas pa. Napaupo na lang ako pabalik sa puwesto ko.
"Kilala niyo ba kung sino ang nasa harap ninyo ngayon?" tigas na boses niya.
"Back of your gang, Picollo. Or else your business will rot in hell."
"P-Pasensya na po, Sir. . ."
Rinig ko na lang ang mga yapak nila papalayo. Mukhang umalis na ang mga utusan ni Tiya at wala na yata sila rito. Napalunok na ako at nanuyo na ang lalamunan ko. Gutom at uhaw na ako sa sarili.
"Sino ba ang mga iyon? Ang kakapal ng mga mukha," boses ni Linus.
"Mga gangster at may hinahanap."
"Oh, I should have known that. Akala ko ba wala na sa negosyo ang mga ganitong klaseng tao? Bumalik pa pala?" bahagyang tawa ni Linus. Rinig ko ito.
"Pre, they're just making money too. Mga halang ang kaluluwa sa pera. Hayaan mo na."
"Well, too bad they messed up with the wrong person," tugon ulit ni Linus.
"Anyway, have a safe travel again, pre. Sige mag-iingat ka."
Wala na akong narinig pa at natahimik na ang lahat. Tanging ang makina na lang din ng yate ang naririnig ko. Hanggang sa tuluyan nang gumalaw ang barko at naglayag na ito. Hinayaan ko munang kumalma ang t***k ng puso hanggang sa makatulog ulit ako.
Hindi ko na alam kung ilang oras na ba ako sa posisyon ko ngayon. Napamulat na lang ako dahil sa sakit ng tiyan ko. Gutom na ako, at wala akong makain sa madilim na bodegang ito. Panay ang kapa ko sa gilid at tanging kahon ang nahahawakan ko. Para akong naglalaro sa dilim ng taguan at hulaan. Ganitong-ganito rin kasi ako noon, noong bata pa ako.
Who wouldn't forget the first time I was inside the basement. It was dark, cold and scary. Katulad din ngayon, gutom at uhaw ako, at wala akong makita dahil sa dilim. Hanggang sa rinig ko ang lakas na musika na galing sa itaas na cabin. Ang rock band na ACDC na highway to hell ang nakatugtog na musika.
Napalunok ako at mahinang tumayo. Maingat ang pagkapa ko sa bawat gilid at sa bawat kahon. Mas maganda na malakas ang musika niya dahil hindi niya maririnig ang inggay ko rito sa baba. Ang direksyon ng dingding at ng mga kahon ang binibilang ko. Binibilang ko ang bawat hakbang dahil ito rin ang gabay ko pabalik sa lunga ko.
"Tubig. . . " tugon ko sa sarili.
Nahawakan ko kasi ang nakabalot sa plastic na parang mineral water. Mas kinapa ko itong lalo at alam kong tubig ito. Pinunit ko ang gilid at kumuha ako ng isa. Binuksan ko ito at tinikman muna. Sinugurado ko muna na tubig ito. Pero laking gulat ko dahil orange juice ito. Kumuha ako ng tatlo at nagbilang pabalik sa puwesto ko.
Ito na ang nagsilbing panawid sa uhaw at gutom ko. Naubos ko ng mabilis ang isa at kumalahati ako sa isa pa. Huminga ako nang malalim at nag-isip sa sarili. Bukas liliwanag na ulit ang araw at kung mauna akong magising kaysa sa kanya ay lalabas ako para makita man lang kung nasaan na ako ngayon.
NAPAMULAT ako dahil sa kalabog na galing sa itaas. Umakyat ang kaba sa dibdib ko at tinakpan ko ang mukha gamit ang palad. Mas isiniksik ko ang katawan sa puwesto at halos pigil ang paghinga ko sa sarili. Rinig ko pagbukas ng pinto rito sa loob ng bodega at rinig ko ang bawat yapak niya.
"I'm leaving with Salome. I don't know when I'll be back again. Oh, babe. I hate to go, hmmm. . . f**k! Who the hell did this?"
Gumapang ang kaba sa buong katawan ko at parang binuhusan ako ng yelo nang marining ang boses niya rito sa loob. Nanginig akong lalo at mas pumikit na ako. Kung makikita niya ako ngayon ay tiyak katapusan ko na.
"That bloody idiot," mahinang mura niya.
Mas diniin ko na ang mukha sa gilid at tinakpan ang tainga ko. I don't want to hear his voice but somehow Linus voice dominates in every conversation. Kahit pa na malayo siya kanina ay ang boses niya agad ang nakilala ko. At ngayon na malapit siya sa akin ay sumasabog na ang bawat pintig ng puso ko.
"I told him I want pineapple juice and not a bloody orange juice. Damn it! Not my favourite," malutong na mura niya. At kinabahan na ako.
Rinig ko ang yapak niya patungo sa kabilang bahagi at ang inggay nang paghalungkat niya sa isang malaking box. Napalunok ako at maingat na nilingon siya. Mas bumilis ang kaba ng puso ko nang makita ang kabuuang hitsura ni Linus. . . Ito ang unang beses na makikita ko siya at kagaya nga naman ng boses niya ay may matigas na pangangatawan ito.
Kumunot ang noo ko habang tinititigan nang sekreto ang kabuuang anyo niya. Nakatalikod siya sa bahagi ko. Naka army navy short at singlet na puti. Naka gents Loui Vuitton na stinelas pa. Naalala ko tuloy ang mga mamahaling gamit na madalas binibili para sa akin ni Tiya. Nakakasuot lang ako nito kapag zoom meeting na ng kompanya, at pakitang tao lang din. Dahil ang totoo ay wala akong mga gamit na ganito at tira-tira lang din na damit ang ginagamit ko na hindi na gusto ni Silva.
I don't know what's with him but I can't take away my eyes at him. I'm staring at him secretly without even thinking of the situation that I'm in. Ang dating malakas na kaba ng puso ko ay unti-unting naglaho habang pinagmamasdan ko ang matipunong likod ni Linus.
"Great. Oh, babe I hate to go. . . Yeah, baby!" Sabay sarado niya sa kahon at inihagis niya sa ere ang isa sa mga bote na hawak niya.
Namangha ako sa paghagis niya nito. Paikot kasi at imposibling masalo ito ng ordinaryong tao. But he perfectly caught it with his hand on full standard. Kahit pa na may hawak siyang kalahating dosena sa kamay at umikot pa siya ay perpekto niya itong nakuha.
Napaawang ang labi ko at napaku ang mga mata ko sa suot niyang army tag. . . Bumilis ang kaba sa puso ko. That army tag he's got somehow I saw it somewhere before. . . Kay Papa?
Dahan-dahan akong umatras at napalunok sa sarili. Nagsimula na naman ang matinding kaba sa puso ko. Lumabas na siya at napatayo agad ako. Makailang ulit ang pagkurap ko sa sarili at tinitigan ang isang kahon na orange juice. Hindi niya nahalata ang nawawalang tatlo dahil sa likod na bahagi ako kumuha.
Nanginig ang tuhod ko at mahina akong humakbang. Balot ng kaba ang sarili pero wala akong magagawa ngayon. Kailangan ko rin na mabuhay para sa susunod na mga araw pa. Dahan-dahan akong lumapit dito at nginig kamay na kumuha ako ng dalawa pa.
"If you hate orange juice, then probably I can have it all. . . Hindi mo naman siguro mapapansin ano," mahinang tugon ko sa sarili.