Chapter 4. Hiding, Saraid & Linus POV's

1691 Words
Walang tigil ang kaba sa puso ko habang sekreto akong nakasakay sa likod ng sasakyan na ito. Ang tagal, at parang ang layo ng patutunguhan nito. Ilang beses na gusto kong matulog pero pinigilan ko ang antok dahil ayaw kong mahuli niya ako. Kung kasama ko lang sana si Mimi, ang pusa ko ay mas mapanatag ang loob ko. Pero hindi, dahil nag-iisa lang ako ngayon. Pumikit ako nang makailang beses hanggang sa maramdaman ko ang paghinto nito. Mariin kong binalot ulit ang sarili. Kahit na madilim ay may nakikita na akong liwanag mula sa maliit na sulok, umaga na yata. "Linus! Ang dami nating dala ngayon a? Matatagalan ba ang paglalayag mo?" "Oo, just few a stuff, foods and everything." "I will give you a hand to load it all up on your princess. Let's have a hot coffee first." "Okay. That's not a bad idea. I've been craving for one." Rinig ko lang ang pag-uusap nilang dalawa at hinintay ko lang na mawala sila rito. Maingat akong tumayo. Hindi ko na marinig ang boses nila. Nakabukas na ang likod ng trailer at kasya ang katawan ko para makalabas dito. I know I smell so bad and I can't wait to dip into a nice clean water. Gusto ko kahit papaano ay mahugasan ang maruming kamay at paa ko. Nabigla ako nang makita ang kabuuan kong nasaan ako ngayon. There's plenty of yachts all over the place but there's this one that have caught my attention, and it's in front of me. . . Princess Salome. . . Malaki ang yate na ito at nakaukit ang gintong letra na pangalan niya sa babang bahagi, ang pangalan ni Linus Leone Mondragon. . . Kulay ginto ito at nakakaakit ito sa mga mata ko. Napalunok ako at nagsimula na naman ang kaba sa sarili. Naalala ko ang sinabi ng matandang lalaki kagabi at sigurado akong 'Linus' ang pangalan niya at sa kanya ang yateng ito. I should stick to him no matter what. . . Bahala na. Maingat akong pumasok pero nakalock pa ang pinto ng yate. Umikot ako sa gilid na bahagi at katabi lang nito ang isa pang yate na kung saan ay amoy ko ang masarap na pagkain. Gutom na ako, pero kaya ko pa naman. Napatingin ako sa paa ko na puno ng grasa at putikan at mabilis akong umikot sa likurang bahagi. Tubig dagat na ang makikita mo rito. Napaupo ako at maingat na hinugasan ang paa at kamay ko. AFTER more than ten minutes I have settled a little bit. Malinis na ang paa at kamay ko, pero marumi at mabaho pa din ang damit ko. Tumayo na ako at nagpatuloy sa hakbang. Inikot ko ang malaking yate niya at malinis ang lahat dito. Hanggang sa nakita ko ang nakabukas na cabin storage sa gilid na bahagi. Puno ng galon-galon na mga gasolina at malalaking ice chest. Lahat ng mga gamit at iba pa ay nandito. Malaki ito at perperktong silid na puwede kong pagtaguan. Hinubad ko agad ang damit dahil basa na ito, at tanging bra na lang ang suot ko ngayon. Mabuti na lang at may isang t-shirt na itim na nakatupi sa gilid. Isinuot ko agad ito at tamang tama lang din ang taas nito dahil natatakpan nito ang hita ko. Panty lang din kasi ang suot ko. Lumabas ulit ako na bitbit ang damit. Puno ng kaba at takot ang puso ko at nanginig ang kamay ko pero kailangan kong gawin ito. Itinapon ko ang damit sa gilid ng yate at nakalutang na ito sa dagat. Kung makikita ito ng mga tauhan ni Tiya ay iisipin nila na patay na ako. Patakbo akong bumalik sa bodega ng yate dahil rinig ko ang papalapit na yapak nila. Sa pinakamadilim na bahagi ako at sa likod ng mga nakapatong na mga kahon. Mula rito ay rinig ko ang bawat yapak nila sa loob ng cabin, lalo na sa ilalim na bahagi nito. Pumikit na ako at niyakap ulit ang tuhod. Matutulog na muna ako, at wala na akong planong lumabas pa. . Damn it! I swore after cleaning the big mess. Everything seems okay and I'm ready to set sail tonight. After what happened with Camella I don't think she will be able to get inside in my yacht. May dalang malas pa yata ang babaeng iyon. Napailing na ako at inayos na ang lahat ng gamit ko. The frozen foods that I have ordered will be here any minute and after that I'm ready to set sail to the other side of the world. "How long do you reckon you will arrive here, bro?" si Enzo sa kabilang linya. "Maybe in a month or less than a month. Depende sa takbo ni Salome. You know me, Enzo. I don't want to stress my princess. If there's a stop over along the way I will do it. So, expect me during the time you least expect me, bro," sabay tawa ko. "Bilib din ako sa tapang mo ano? Are you sure you don't want to take one of the boys with you? Okay lang ba kay Ninong?" Enzo Denver Mondragon is not just my cousin more than like a brother to me. My parents are his godparents. I don't understand sometimes the connections of this Mondragon family. Lahat naman kami na mga magpipinsan ay kakaiba na katulad ng mga magulang namin. "Don't worry about Papa, Enzo. He knows and they all knew. They can't get a hold of what I want to do. This is what I do, so be it. They have to deal with it." He laughed in the line and I shook my head. The other day was an episode with my mother and I don't want to think about it. Why force me to a marriage that I don't want. No effing way! Kung gusto nila akong itali mas mabuting itali na muna nila si Ranger na nasa kabilang bahagi ng mundo! "Have you seen my f*****g brother?" agad na tanong ko. "I have no idea, Leone. But I will soon meet him. I believe he's in Sorrento with the gang. You know the boys there. Don't worry. I have a good bond with them. I will let you know, but of course I believe Diezel wants to talk to you in person." "Yeah, I know. I will be there. . . Give my regards," buntonghininga ko. We talk for more than five minutes or more and then I ended the call. When I heard the toot I hurriedly grabbed my key and saw the delivery outside. Isa-isang inilabas nila ang mga order ko at maingat itong ipinasok sa bodega sa ilalim ng yate. Maison, the delivery man was a bit out of sort when he came out from the storage room. "May dala ka bang alagang aso sa ilalim ng bodega?" kunot-noo na tanong niya. I chuckled and laugh a bit. He knows that I'm not a pet lover and I hate dogs. "Ano ka ba, pre. Kung pusa pa iyan ay okay lang pero hindi ako," bahagyang tawa ko. Natawa rin agad siya. "Yep, that's what I thought," pamaywang niya sa sarili. "Bakit? Is there something off in the storage? I have cleaned it all. Hang-on, wait there I will check it." "No need, pre. Okay na. Binibiro lang kita," bahagyangtawa niya. Napailing na ako sa sarili at nahintong humarap ulit sa kanya. "You love to joke, don't you?" I smirked and he did the same. "Anyway. All set and ready. Have a safe voyage, pre. Send my regards to all your crazy cousins in Sorrento." "I will, pero matatagalan pa ako. I might stop over in the beautiful Island of skull," kindat ko at napailing na ulit siya. "Is there going to be a beautiful chick on that Island?" bahagyang tawa niya. "Well. . . There's a lot of native people, a tribe yet very friendly." Yes, the tribe loves me and I love them. I've been there twice and if my schedule is way ahead I might stop over to the Island for a greetings. "Magdala ka kaya ng pasalubong. May mga lumang damit akong dala mula sa kapatid ko na babae. Nasa sasakyan. Pinapadonate na niya ito. Kunin mo na." "Oh no, pre. I don't need it." "Yes, you do," sabay talikod niya at mabilis na binuksan ang trailer sa likod ng sasakyan nito. Damn it, Maison! Isip ko. Sana nga pala hindi na ako nag kwento tungkol sa mga tribong tao. Napailing na lang ako sa sarili at nakangiting pinagmasdan siya habang pinasok ang dalawang kahon sa loob ng bodega. NANG maipasok ni Maison ang mga kahon na stocks at frozen foods sa bodega ng yate ni Linus ay may naamoy siyang kakaiba. Maison is a delivery man but a one hell secret detective. Only Linus and selective of the Mondragon boys knew his identity. Namilog ang mga mata ni Maison nang makita sa madilim na bahagi ang nakakaawang anyo ni Kirsten Saraid. She's sleeping peacefully in a funny position where she's hugging her knees. Maison couldn't believe in what he saw. He know straight away that there's something odd about the situation but he just ended up putting his hands on his hips and think for a little while. He knows what to do but somehow something is whispering into his ears and he couldn't bring his self to walk closer and check for it. Gusto sanang lumapit ni Maison pero nahinto siya. For him, this is a good opportunity to teach the one hell cold hearted Linus Leone on how to be gentle to a woman. Kumunot ang noo ni Maison nang maamoy ang medyo hindi magandang amoy na galing sa babae. Kumunot ang noo niya at kinilatis ang buong katawan ng dalaga. He saw something on her skin and that made his intension more clearer. Nakita rin niya na madungis ang paa nito na mukhang may pinagtataguan. Napailing si Maison at maingat siyang lumabas at napangiti sa sarili. "Oh what a lovely day. . ." This is a good payback, Linus Leone. Isip niya habang humahakbang patungo sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD