Binuksan ko agad ang plastic bag na nakabalot sa katawan ko. Puno ng basura sa likod at ang baho nito. Kanina pa walang tigil ang takbo ng truck at nagtataka ako kung saang bahagi ito mahinto.
Takot ako sa sarili, pero pilit na nilalakasan ang loob ko ngayon. Yumakap lang ako ulit sa tuhod ko at nagdasal sa sarili. Madilim dito sa loob at wala akong makita. Hanggang sa mahinto ito at nagtago ako sa pinakasulok na bahagi.
Rinig ko agad ang pagbukas nito at nakikita ko ang iilang ilaw sa labas. Gabi na, gabing-gabi na at takot na takot ako sa sarili.
"Kakain muna tayo, pre."
Rinig ko mula rito ang boses ng driver at ang isa pa niyang kasama.
"Ewan mo na lang na bukas ang likod, pre. Dahil marami pang basura mamaya," tugon ng isa pa, at nawala na sila.
Tumayo ako pagkaraan ng iilang minutong upo. Mahina akong humakbang at nagmamatyag. Mabuti na lang at walang tao sa labas. Nasa gilid naka-park and truck na ito, na kung nasaan ang mga basura itinatapon. Mahina akong bumama at pilit na inaayos ang sarili nang makababa ako sa truck. Naapakan ko pa ang iilang basura at ang mga bulok na prutas sa paa.
Mama... Papa... Isip ko.
Wala ako ni stinelas man lang. Terno ang pajama na suot ko at kulay brown ito. May hoodie ito sa ulo kaya agad kong tinakpan ang ulo ko. Maingat ang hakbang ko at naghahanap ako ng matataguan sa tambakan ng basura. May iilang tao na naglalakad at walang pakialam ang iba sa kanila. Takot akong lumapit, dahil baka ibabalik nila ako kay Tiya at ayaw ko na.
Humanap ako ng pwesto sa may pinakalimlim na bahagi ng mga basurahan dito. Wala na akong pakialam sa amoy, dahil kagaya ng mga basurang ito ang buhay ko. Napaupo ako sa sulok na bahagi at niyakap ang dalawang tuhod. Nanginig na ako sa sarili. Nag-iisip kong ano ang gagawin ko ngayon.
Kaya mo 'to, Kirsten! Sigaw ng isip ko. Mabubuhay ako sa sarili, pero paano? Hindi ko alam... Alam kong gagawin ni Tiya ang lahat mahanap lang ako. Tumingala ako at ang mga matatayog na gusali ang nakikita ko mula rito. Naalala ko ang pera na bigay sa akin ni Manong Kim at dinukot ko ito sa bulsa.
Two thousand five hundred pesos. . . Napalunok ako sa sarili. Gutom na ako, gusto kong kumain. Alam kong mabubuhay ako, pero hindi ko alam hanggang saan. I have never been out in the mansion and this is my first time. Simula't sapul ay nag-aaral ako sa bahay at international ang mga guro ko. Sinadya ito ni Tiya, dahil ayaw niya na magkaroon ako ng kaibigan.
Napayuko na ako at nakatitig sa iilang prutas na bulok sa harapan ko. Wala sa sariling pinulot ko ang saging at tinitigan ito.
"I can still eat you, r-right?"
Napakurap na ako at binalatan na ito. Konti lang naman ang bulok, sa bandang gilid lang.
Tinangal ko ang bahaging iyon at kinain na. Panay ang titig ko sa kawalan, sa mga gusali habang kinakain ang saging. Nag-iisip ako pero wala akong maisip. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Takot ako, dahil pakiramdam ko ang daming mata na nakatitig sa akin at hinahanap na ako.
Pagkatapos makain ang saging ay bumalik ako sa pwesto na yakap ang sariling tuhod, hanggang sa nakatulog na ako.
"Hija? Hija?"
Nagising ako sa boses ng isang matandang lalaki. Kinusot ko ang mga mata at mariin siyang tinitigan. Napangiti pa siya. Napaatras ako at takot sa sarili. Pilit na tinatago ang mukha ko sa kanya.
"Oh, you don't look okay to me. Are you somehow sick? Why are you here at this hour?" his brows furrowed while staring at me seriously, "there's a lot of bad people around here, anak. You may as well go home..."
Home? Go home? Ayaw ko ko! Ayaw kong bumalik sa Tiya ko!
"No! Leave me alone! P-please. . . "
Naginig na tugon ko sa kanya at mas niyakap ko ang sarili. Ang akala ko ay pababayan na niya ako, pero iba ang ginawa niya. Naupo siya sa tabi ko at tahimik lang din. Ilang minuto siyang tahimik at amoy ko agad ang masarap na tinapay na kinakain niya ngayon.
"What's your story, anak? Don't be afraid. Mabait akong tao. I come here once a week to fulfil a wish of my deceased wife. I was about to go on the other side but my heart instinct told me to get into this part. Kaya naman pala. . . Dahil may isang inosenteng nilalang dito na nag-iisa," kalmadong tugon niya.
Maingat niyang nilapag ang supot ng tinapay sa paanan ko at tinitigan ko lang ito.
"Kumain ka na. Alam kong gutom ka."
Tahimik lang din siyang kumakain sa tabi ko. Hindi siya masamang tao sa tingin ko dahil kakaiba ang nararamdaman ko. He's probably the same age as Manong Kim. May pagkahawig sila sa pananalita.
Napalunok ako nang maramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. May pera naman ako, pero takot akong lumabas at bumili ng makakain ko. Pakiramdam ko kasi ay nasa tabi lang ang mga tauhan ni Tiya at hinahanap na ako. Napatitig ako sa supot ng tinapay sa paanan, at maingat ko itong kinuha. Ilang segundo rin akong nakatitig nito sa kamay ko, bago ko ito isinubo sa bibig.
Masarap nga naman... Masarap ito...
Maingat din niyang nilapag ang maliit na mineral water sa paanan ko. Hindi pa niya nabuksan ito.
"May mapupuntahan ka ba? May naghahabol ba sa'yo?" simpling tanong niya.
Nagsimula na naman ang kaba sa puso ko. Pilit na kinakain ang huling kagat ng tinapay at mabilis na pinahiran ang bibig ko. Kinuha ko rin ang tubig na bigay niya at ako na mismo ang nagbukas nito.
"Kung wala kang mapupuntahan ay isasama kita... But if you don't want I cannot force you. Let's find a way to solve your worries," ngiti niya.
Katulad ko madungis din ang mukha niya, pero halatang nagbibihis mahirap lang siya. Nakikita ko kasi ang kakaibang kinang ng mga mata niya. Hindi siya masama, alam ko ito. Tumayo na siya nang at sinunod ko lang siya nang tingin. Panay ang pulot niya sa mga plastic na basura. Tinitigan ko lang siya ng husto.
Ang kaba sa puso ko ay unti-unting naglalaho sa tuwing nakatitig ako sa kanya. Hanggang sa tumayo na ako at dahan-dahan na lumapit sa pwesto niya. Madilim na masyado sa bahaging ito at sa tingin ko ay lagpas kalahating gabi na. Mag-uumaga na siguro...
Tiningnan ko ang bawat plastic na pinupulot niya. Hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang iilang plastic na meron sa tabi ko. Pinulot ko na rin ito at nakikigaya ako sa ginagawa niya. Napangiti siya at tahimik lang din kami. Hanggang sa may ilaw na paparating at mabilis ang nagtago sa gilid.
"Manong Tan!"
"L-Linus? Anak!"
"May ibibigay ako sa'yo, Tay."
M-Manong Tan? Isip ko. Siya pala si Manong Tan. Napasilip lang ako sa kanilang dalawa. Kausap ni Manong Tan ang isang lalaki na matangkad at matipuno ang pangangatawan niya. Hindi ko masyadong nakikita ang kabuuan ng mukha niya. Pero ang ganda ng ngiti niya kay Manong.
"I need to go to the toilet, Tay. I'll be quick!"
Napaatras ako nang maramdam ang patakbong hakbang niya. Lumapit agad si Manong Tan sa akin.
"The heavens must be on your side, hija," ngiti niya.
"Come here." Sabay hawak niya sa kamay ko at tumango ako. Maingat ang hakbang ko at panay ang tingin ko sa bawat gilid. Walang tao, kaya kampante ako.
"Linus is a good man, hija. Stick to him to matter what, because he's gonna protect you. You will be out from here and you will be safe from the people that are chasing you."
Itinabi niya ang iilang gamit na nasa loob ng trailler. Napalunok ako at nagsimula na naman ang matindang kaba sa puso ko. Nanginig ang katawan ko at halos hindi na naman ako makagalaw. Napatitig si Manong sa akin at agad na kinuha ang itim na kumot sa gilid. Binalut niya ito sa katawan ko.
"Akyat na. Remember what I've said. Trust your heart and your instinct, anak. Stick to him no matter what," seryosong titig niya at mabilis akong tumango. Umakyat agad ako at naupo sa pinakakomportableng bahagi rito. Tinakpan na ni Manong ang buong katawan ko gamit ang itim na kumot, at bago niya isinara ito ay maingat niyang hinaplos ang likod ko.
"Be brave, Saraid..." Sabay sarado niya sa pinto.
Namilog ang mga mata ko nang marinig ito at mabilis kong inalis ang takip sa katawan. Madilim ang lahat at wala akong nakikita. Natulala ako sa sarili at nabingi sa tingi ng kaba ang puso ko. Tama ba ang narinig ko? Kilala niya ako? P-Paano... Pumatak na ang luha ko at niyakap ko lang muli ang sarili.