SEBASTIAN Dalawang linggo na ang lumipas at ganun katagal ko na rin pinasusundan ang babaeng nakatagpo ko sa Makati Mall. Ang babaeng pangahas na basta na lamang ako hinalikan ng walang pakundangan sa public place na iyon ng walang abog tapos tinakbuhan na akala mo ay walang ginawa sa akin. "s**t, bakit ba ako parang babaeng na buntis na nag-iisip kung paano niya papanagutan?" irritable na tanong ko sa sarili. Kasalukuyan kasing narito ako sa opisina ko sa Makati at nakatitig sa screen ng laptop ko at syempre pa ay nakatutuok na naman ang paningin ko sa babaeng nakangiti na akala mo ay walang problema sa mundo. Na kalkal ko na yata ang buong pagkatao nito pati na rin ang buhay ng babaeng nagngangalang Acally dahil pinaimbistigahan ko siya ng todo at araw-araw na pinasusundan sa dalawa