ACALLY Dalawang linggo na ang matulin na lumipas. Naging normal sa akin ang lahat. Laking pasasalamat ko na maayos ang takbo ng flowers shop dahil kahit paano ay nakakausad kami sa pang-araw araw na sales. Pasalamat na lang talaga kami at marami kaming regular customers na kahit affected ng covid ay nagagawa pa rin nilang nag-request ng kanilang mga orders online. Laking tulong talaga ang technology sa pagkakataon na ito lalo na sa mga tulad namin na ganito ang trabaho at negosyo. Siguro kung wala ang flower shop at nasa spa pa kami ni Mc pumapasok ay baka isa kami sa nawalan ng trabaho sa mga oras na ito. Minsan may maganda rin talaga palang naidudulot ang kamalasan sa buhay ko. Kung nagkataon na natanggal ako sa trabaho ay saan ako kumuha ng pera para bayaran ang apartment dahil p