SEBASTIAN Gusto kong matawa ng pumasok ako sa restaurant kung saan naroon ang butihing asawa na si Collin Madrigal. Kung hindi ko lang kilala kung gaano ka walang hiya ang isang ito dati pa ay sasabihin kong isa siyang mabuting tao. Kalong nito ang anak na nakasimangot habang salubong ang kilay na pinanlakihan ng mga mata ang batang katapat nito. Napakamaldita talaga ni Amara dahil wala ng ginawa ang isang ito kun'di pasakitin ang ulo ng ama. Daig pa nito si Declan na masunurin sa ina na laging nakabantay na akala mo ay aagawan lagi gaya ng ama. "Ninong Sabby!" malakas na tili ni Amara ng makalapit ako. Ginulo ko ang buhok nito saka na upo sa tabi niya habang nasa dulo naman naupo ang mga tauhang kasama ko. Alam nila na kapag ganitong nasa public place kami ay ayaw na ayaw ko na na