SEBASTIAN "Boss, may problema po tayo sa shipment natin sa east," sabi ng isa sa mga tauhan ko na nakatayo sa harap ko habang nanginginig sa takot na nakayuko. Pinitik ko ang hintuturong daliri ko para palapitin ito dahil kailangan ko ng mapagbabalingan oras na hindi ko nagustuhan ang isasagot nito. "B-boss, na hold po ang shipments ng kargamento papuntang Russia habang na samsam at na rescue naman ng mga pulis ang mga babaeng ipapadala sana natin sa Malaysia," pag-uulat nito. Halos pumutok ang ugat sa batok ko dahil siguradong malaking problema na naman ito. "Nasaan si Rogie? tanong ko. Ito kasi ang kanang kamay ko pero wala siya sa mga oras na ito na dapat ay siya ang humaharap sa akin at binabalita ang kapalpakan ng trabahong pinagawa ako sa kan'ya. "Na huli boss," sagot ng kahara