Chapter 4

2061 Words
ACALLY Hindi naging madali para sa akin ang lahat. Isang linggo na akong nagdurusa hindi lamang sa sakit kung 'di pati sa presensya ni Fhil na kahit saan na lamang ay nakasunod sa akin. Kahapon lamang ay muli kaming nagkita ng puntahan niya ako sa beauty center na pinapasukan ko at magpanggap na customer para makalapit sa akin. Kung pagbabasehan ko ang nakikita kong ugali ni Fhil ngayon ay masasabi ko na mahal na mahal niya ako dahil hindi siya sumusuko. Lahat ay ginagawa niya para bumalik ako sa kanya pero naging matigas ang puso ko. Hindi ko na siya kayang pagkatiwalaan pa. Kahit anong gawin ni Fhil ay hindi ko kayang kalimutan na lamang ang tagpong nakita ko sa loob mismo ng kanyang silid, sa bahay na sana ay kami ang titira kapag natuloy ang kasal na pinapangarap ko pero nasira ang lahat ng yun dahil nahuli ko siyang niloloko ako. Hindi ako makapaniwala na ang taong ipinagmamalaki ko at buong pusong minahal ay kaya akong pagtaksilan at saktan ng ganito. I hate Fhil to the point na nahigitan noon ang matinding pagmamahal na meron ako para sa kaniya sa loob ng mahabang panahong kasama ko siya. Nilagay ko siya sa pedestal sa puso ko. Buo ang tiwalang binigay ko sa kanya. Umasa ako na hindi niya ako kayang saktan dahil ipinaramdam ni Fhil sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya, pero ang lahat ng mga 'yun ay pagkukunwari lamang. "Acally, lumabas ka d'yan! Alam kong nariyan ka sa koob. Mag-usap tayo!" malakas na sigaw ni Fhil mula sa labas ng pintuan, kasabay ng nakakabulahaw na mga katok. Napatakip na lamang ako ng dalawang mga kamay sa tenga ko, pero ang walang hiyang si Fhil ay naghagis ng bote sa sahig kaya nabasag ito. Umiinom na naman siya kaya sigurado akong lasing na naman ang manlolokong ito. Kahit gibain niya ang pintuan ay hinding-hindi ako lalabas at lalong hindi ko siya pagbubuksan. Matigas ang puso ko pero masisisi ba niya ako? Buong puso akong nagtiwala kay Fhil. Halos sambahin ko siya habang ipinagmamalaki ko sa mga ka-trabaho ko tapos niloloko lang pala niya ako. Tama nga ang kasabihan na kapag sobra-sobra kang nagtiwala ay mawawasak ka ng todo oras na niloko ka ng taong mahal mo. He changed me. Nawala ang dating masayahing ako. Hindi ko na ulit kayang humarap sa mga taong naging malapit sa amin dahil pakiramdam ko ay pinagtatawanan nila ako. Part of me ay sinisisi ko ang sarili ko dahil dumepende ako sa kaniya at naging sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto ni Fhil, kaya ngayong nangyari ito ay nahihirapan ako dahil siya ang naging buhay ko sa loob ng mahabang panahon. "Kapag hindi mo ako pinag-buksan, gigibain ko ito!" malakas na sigaw at banta ni Fhil, habang walang tigil na binabayo ang pintuan ng apartment namin ni Mc. Mabuti na lamang at matibay ito. Hindi agad bumibigay kahit sinisipa at sinusuntok ni Fhil ang pintuan. Wala akong ginawa kung 'di ang sumiksik sa sulok habang tumutulo ang luha. Naging miserable ang buhay ko simula ng nalaman ko na niloloko ako ni Fhill. Siya itong may ginawang hindi maganda sa akin pero siya itong may lakas ng loob na guluhin ang buhay ko. Napilitan tuloy akong tumigil sa trabaho dahil nag-iskandalo siya doon. Nagalit ang manager ko matapos gumawa ng eksena si Fhil dahil hindi ako pumayag na kausapin ko siya. Natatakot na ako sa kanya. Lumabas na ang ibang ugali ni Fhil na kahit minsan ay hindi ko nakita noon. Desperado siyang magkaayos kaming dalawa sa kabila ng katotohanan na ayaw ko nang makipagbalikan sa kanya, pero hindi sapat 'yun para guluhin niya ang buhay ko lalo na ang trabaho ko. Nagiging bayolente na rin si Fhil. Lumabas ang mga itinatago niyang masamang ugali na hindi ko nakita noon, dahil tanging magandang katangian lamang niya ang nakasiksik sa utak ko noong mga panahong naniniwala at nagtiwala ako sa kanya. Katulad rin siya ng tatay ko. Kaya niya akong saktan para mapasunod lamang ako. Wala silang pagkakaiba. Kahit siya na ang may kasalanan ay siya pa ang matapang, kaya bakit ko bibigyan ng pagkakataon si Fhil na saktan ako ng paulit-ulit? Hindi ito ang buhay na pangarap ko. Hindi si Fhil ang taong deserve sa pagmamahal ko at lalong hindi pala siya ang lalaking dapat na mahalin ko. "Hindi mo ako kayang takasan, Acally. Akin ka! Kahit anong mangyari ay matutuloy ang kasal natin kaya kung ayaw mong magkagulo dito ay buksan mo ang pintuan o wawasakin ko ito!" malakas na sigaw ni Fhil mula sa labas. Narinig ko ang malakas na mga kalabog mula sa labas. Nataranta ako dahil alam kong hindi siya nagbibiro. Kilala ko na si Fhil at gagawin niya ang lahat, makuha lang ang gusto gaya ng ginawa niya sa beauty center na pinasukan ko. Mabilis na kinuha ko ang cellphone sa sofa at pinasok sa backpack ko. Hinatak ko ang kobre kama at kumuha pa ng isa sa loob ng cabinet at mabilis na tumakbo sa kusina. May maliit na pintuan dito papunta sa likod para magsampay ng mga damit. Agad na ibinuhol ko ang magkabilang dulo ng mga kobre kama at itinali sa grill at pagkatapos ay mabilis na tumalon kahit abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Nanginginig na tumayo ako ng sumayad sa lupa ang mga paa ko. Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng malakas na mga kalabog mula sa loob ng apartment namin ni Mc, tanda na nakapasok na nga si Fhil sa loob. Alam ko na hahanapin niya ako sa loob ng bahay. Hindi ako nagkamali na kaya niyang pasukin ang apartment na tinutuluyan ko para lamang makita ako. Nanginginig ang mga tuhod at nagngingitngit sa galit na lumakad ako palayo sa apartment na tinutuluyan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil alas-tres pa lang ng hapon at mataas ang sikat ng araw. Minabuti kong umalis at makalayo dahil alam kong sa pagkakataong ito ay hindi ako ligtas kay Fhil. Mapanganib siyang tao. Pinagsisisihan kong minahal ko siya. Ang tanga ko na hindi ko nakita kung anong klaseng demonyo siya dahil nabulag ako sa labis na pagmamahal sa kaniya. Sumakay ako sa bus na nakita kong unang dumaan pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pilit na pinipigilan ko ang mga luhang unti-unting bumagsak sa pisngi ko. Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta ngayon. Wala naman akong mga kaibigan bukod sa ilang ka-trabaho ko, pero hindi ako pwedeng tumuloy doon alam ni Fhil ang kanilang mga bahay. Agad na tinawagan ko si Mc. Mabuti na lamang at wala siya sa bahay kanina dahil kung nagkataon ay baka mapahamak siya. "Hello?" Narinig kong sabi ng kaibigan ko mula sa kabilang linya. "Nasa bahay si Fhil pinasok niya ang apartment natin. Pero nakatakas ako," garalgal na paliwanag ko. Frustrated na kasi talaga ako sa sitwasyon ko ngayon. Ako na nga ang biktima at niloko pero ako pa rin itong patuloy na nagiging biktima ni Fhil hanggang sa mga oras na ito. "Calm down, Sissy,” malumanay na sabi ni Mc. “Nasaan ka ba? Pupuntahan kita.” Nagpahid muna ako ng luha bago sumagot. "Hindi ko alam, sumakay lang ako ng bus," "Okay, tapos na rin ako dito sa SSS. Bumaba ka sa isang safe na lugar at magkita tayo," sabi ni Mc. Simpleng ‘okay’ lang ang naisagot ko dahil sobrang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang emosyon na pilit kong pinipigilan sa mga oras na ito. I'm so tired, drained and exhausted. Hindi naging madali sa akin ang araw-araw na panggugulo ni Fhil sa buhay ko dahil nawalan ako ng katahimikan dahilan kaya na-stressed at depressed na ako sa sitwasyon ko. Nang dahil kay Fhil ay mas naging magulo pa ang buhay ko. Ang akala ko noon ay siya ang magbibigay ng katahimikan at pagmamahal na inaasam ko. Bumaba ako sa tapat ng isang mall dito sa Mandaluyong nang tumigil ang bus na sinakyan ko. Dito ko hinintay si Mc habang halos hilahin ko na ang oras magkita lamang kami. Exactly four o'clock nang dumating ang kaibigan ko. Mabuti na lang at tapos na siyang magbayad para sa monthly contribution niya sa SSS office sa Quezon City kanina ng tawagan ko kaya madali siyang nakarating. "Okay ka lang, Sissy?" nag-aalalang tanong sa akin ng kaibigan ko nang yakapain niya ako. Tumango ako dahil wala naman akong ibang magagawa kung 'di pilitin na maging maayos ang pakiramdam ko. "Walang-hiyang lalaki yun. Ang kapal ng mukha niyang pumunta sa bahay natin at pumasok doon,” galit na sabi ni Mc. “Hayaan mo ipapa-pulis ko ang hinayupak na lalaking yun.” kagat ang pang-ibabang labi na pinahid ko ang luhang biglang tumulo sa pisngi ko. "Mc, kailangan ko munang lumipat ng bahay na matutuluyan. Hindi ako titigilan ni Fhil kung patuloy na nakikita niya ako sa apartment," buo ang desisyon na sabi ko sa kaibigan ko. "Saan ka lilipat?” tanong ni Mc. “Hindi ka pwedeng basta na lang umalis ng hindi tayo sigurado kung saan ang punta mo, Sissy. Mapanganib para sa iyo na basta ka na lang titira sa kung saan lalo na at hindi mo kilala ang mga tao sa paligid mo," problemadong sabi ng kaibigan ko. Tipid na ngumiti ako kay Mc. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil. "Mas ligtas ako sa labas kumpara sa apartment na alam ni Fhil kung saan ako nakatira,” naluluha na sagot ko. “Nag-aalala ako sa iyo, Mc. Hindi ka titigilan ni Fhil hanggat hindi mo sinasabi sa kanya kung nasaan ako. Please, sumama ka na lang sa akin.” Hindi ako natatakot para sa sarili ko pero nag-aalala ako para sa kaligtasan Mc. Kung nagawang pasukin ni Fhil ang apartment namin kanina ay sigurado akong hindi siya magdadalawang-isip na gawin ulit ‘yon. "Huwag kang mag-alala, Sissy,” sagot ni Mc. “Kaya ko ang sarili ko pero kailangan nating mag-reklamo sa barangay at i-report sa pulis ang ginawa ni Fhil. Hindi ko mapapalagpas ang ginawa niyang pagpasok sa apartment natin dahil banta na siya sa ating kaligtasan." Hindi maitago ang galit sa tinig ng kaibigan ko habang nag-uusap kaming dalawa. Tama siya, iyon ang pinakamaganda naming gawin para protektahan ang aming sarili laban kay Fhil. Sa narinig kong sinabi ng kaibigan ko ay nabuhayan ako ng loob. Bakit nga naman ako tatakbo? Si Fhil ang may kasalanan sa akin at siya ang nagloko kaya hindi ako dapat matakot sa kaniya at tumakas gaya ng ginawa ko. "Sasama ako sa iyo pauwi, Mc,” buo ang loob na sabi ko sa kaibigan ko. “Hindi kita hahayaan na mag-isa doon. Kung kinakailangan na harapin ko si Fhil sa kahit anong paraan ay gagawin ko," "Sigurado ka ba? Paano kung hindi maging maganda ang susunod na paghaharap ninyong dalawa?" nag-aalala na tanong ng kaibigan ko. Alam ni Mc na tahimik akong tao pero may hangganan rin ako. "Oo, haharapin ko si Fhil. Pagod na akong tumakbo at manahimik," galit na sagot ko, matapos maisip kung paano ako natanggal sa trabaho at muntik mapahamak kanina dahil tumalon ako sa likod ng kusina "Nag-aalala ako sa nangyayari ngayon, Sissy. Sa tingin ko kasi ay obsessed na sa iyo si Fhil at hindi siya papayag na mapunta ka sa iba," sabi ni Mc. Alam kong concern siya sa akin at nag-aalala si Mc sa sitwasyon ko, pero hindi ako pwedeng magpatalo sa takot sa mga oras na ito. Nasira na ni Fhil ang buhay ko at hindi ko na hahayaan na lalo pa niyang wasakin ang natitirang pag-asa na meron ako. "Huwag kang mag-alala, kaya natin ito. Tara na sa police station," aya ko sa kaibigan ko. "Sure ka na ba?” tanong ni Mc sa akin. “Kung gusto mo ay doon ka muna tumira sa probinsya ng pinsan ko. ligtas ka doon," suhestiyon pa ni Mc pero umiling ako. "Hindi ako tatakas, Mc. Haharapin ko si Fhil," determinado na sagot ko. Napa-iling na lang ang kaibigan ko at hindi niya ako napilit na magtago. Buo na ang desisyon ko. Hindi ako pwedeng maging mahina dahil kapag hinayaan ko si Fhil ay bibigyan ko lang siya ng pagkakataon na saktan ako. This time, magiging matapang ako at haharapin ko siya, para ipamukha sa kanya na hindi na ako ang dating babaeng takot at sunod-sunuran sa lahat ng mga gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD